“A student should be glad to become like his teacher, and the
slave like his master...” ~Matthew 10:25
***
Ika-8
ng Oktubre. Last day na ng napakasayang AgriLink 2016 na muling ginanap sa
World Trade Center Metro Manila dito sa lungsod ng Pasay at kami ay nakadalo
doon at hindi lang upang mag-usyoso. Ang sektor ng agrikultura at agri-negosyo
kasama ang aquaculture ay very promising naman talaga sa pag-ambag sa pag-unlad
ng mga mamamayan at ng bansa kung consistent ang pagbibigay-suporta dito ng
gobyerno at mga kinauukulan.
Pinch the flower's base and it will snap open like a dragon's mouth!
***
Ika-9
ng Oktubre. Hindi ko malimut-limutan itong isang kwento ng pari na narinig ko
sa homily sa Misang dinaluhan namin sa Our Lady Of Loreto Chapel sa loob ng
Camp Jesus Villamor Air Base. Ganito yun at dinagdagdagan ko na lamang ng ilang
detalye upang ma-enhance ang pagkakwela nito:
May isang lalaki ang bumili ng bagong
imbentong robot na tipong lie detector machine na merong mga galamay na
ikinakabit sa gawing pulso ng braso ng tao at kapag na-detect nito ang
pagsisinungaling ay nananampal ito. Gusto niyang subukan kung epektibo ba ito
kaya ikinabit niya ang mga galamay nito sa braso niya at sa kanyang anak na
lalaki na kauuwi lamang sa bahay nila.
“Saan ka galing?” tanong niya sa anak.
Sumagot ang bata. “Sa library po ng school
at nagbasa-basa muna ako bago umuwi.”
Toot-toot-toot-toot-toot!
Sinampal ng robot ang bata na agad na napakamot sa ulo. “Este, sa bahay po pala
ng kaibigan ko, Papa. Gumawa kami ng assignment.”
Toot-toot-toot-toot-toot!
Muli na namang nanampal ang robot at halos namaga na ang magkabilang pisngi ng
bata. “Okey, okey, magsasabi na po ako ng totoo. Tumambay nga po ako sa bahay
ng kaibigan ko... at saka nanood kami ng mga sex videos.”
Tahimik lang
ang robot. Nagsasabi nga ng totoo ang bata.
Pinagalitan
ng ama ang anak niyang ito. “Ang bata-bata mo pa, nanonood ka na ng malalaswang
palabas! Samantalang ako nga ay hindi man lang tumitingin sa mga mahahalay na
DVD at porn sites sa Internet!”
Toot-toot-toot-toot-toot!
Mas malakas pa ang tunog ng robot at agad pa nitong sinampal ang ama ng bata.
Galit na
napatingin sa kanya ang anak niya at siya’y nanliit sa hiya sa harap nito.
Maya-maya’y lumapit naman ang kanyang asawa at ikinabit din sa braso nito ang
isa pang galamay ng robot. Tawa pa ito nang tawa. “Grabe ang halakhak ko sa
inyong dalawa! Kung ano ang puno, siya rin ang bunga! Mag-ama nga kayo!”
Toot-toot-toot-toot-toot!
At pati ang ina ng bata ay sinampal din ng robot. Nabigla agad ang ginang,
inalis nito ang galamay, at kumuha ng dos por dos upang habulin ng palo ang
robot na mabilis namang nakatakas mula sa kanyang galit. Nakihabol din ang
kanyang mag-ama at ipinaggiitang ang robot ay nagsisinungaling din.
Actually, ang ending ng kwentong iyon ay maaaring magkaroon
ng iba’t ibang interpretasyon. Maaaring kaya pati ang ginang ng tahanan ay
nasampal ng robot ay dahil sa mga teoryang ito: ampon lang ang bata o di kaya’y
sa iskandalosong ispekulasyon, iba ang tatay ng bata; maaaring palpak naman
pala ang robot na isa lamang makina at hindi talagang tunay na mababasa ang
nilalaman ng isip at puso ng isang tao.
Anyways,
kapag palaging nagsisinungaling, nakasisira naman talaga ito ng tiwala at
mabuting pagsasamahan ng mga tao, di ba?
***
***
EXTRA!
Tribute to my favorite chocolate!
World-class Philippine products
"No more pillow talk. Let's just go to sleep, okay?"
"zzzzzzz......."
"Crossfire before love"
Tribute to my favorite chocolate!
World-class Philippine products
"No more pillow talk. Let's just go to sleep, okay?"
"zzzzzzz......."
"Crossfire before love"
No comments:
Post a Comment