This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Wednesday, August 31, 2016

Surge of the Southwest Monsoon Breeze


Playfully huffing, along came

The Southwest Monsoon

With whirling gray clouds for chariot and great cloaks of rain

Then came an imminent storm

Seizing her hand, he said “Come, dance with me.”


The Habagat as depicted in Philippine stamp

***

            .38 caliber revolver or a pistol, dalawang sachet ng shabu. Kapag di-kilalang gun-for-hire, kung hindi nakabalot ng packing tape, merong gusut-gusot na cardboard na nagpapaabot ng mensaheng “adik, tulak- wag tularan”. Kapag pulis ang tumumba, ang dahilan ay nanlaban daw habang inaaresto sabay pakita ng ebidensya; kahit isang adik na di naman kumikita ng tulad sa mga tulak at ang ikinabubuhay lamang ay pangangalakal ng basura ay nakabili ng isang .38? Pati mga nasa loob na ng police station at nakaposas na, nagawa pa ring manlaban dahil nang-agaw raw ng baril? Mahaba pa ba ang listahan ng “The Marked Ones” in this so-called Duterte fierce war on drug problems in the country?

***

            Ika-5 ng Agosto. Nagsimula na ang Rio Olympics 2016 at sayang nga na hindi ko napanood ang live coverage ng opening ceremony sa TV5 dahil sa time difference on the other side of the world. Kakaunti lamang ang mga atletang Pinoy na ipinadala doon. At siyempre, ang inaasahang aani lang ng pinakamaraming medalya ay ang US at mga mayayamang bansa.

            Ika-8 ng Agosto. Malaking balita itong pagkasungkit ng silver medal ng Pinay Olympian weightlifter na si Hidilyn Diaz ng Zamboanga. 20 years ago sa Atlanta Olympics, nakamit din ni Onyok Velasco ang silver sa boxing. Natalo man ang ibang mga atletang Pinoy, ang mahalaga naman ay ginawa nila ang kanilang makakaya hanggang sa huli at hindi sila nag-give-up.

            Ika-16 ng Agosto. Kahit gabing-gabi na, inabangan ko pa rin sa TV5 ang Men’s Hurdles dahil kasali doon ang Fil-Am na lumalaban para sa Pilipinas na si Eric Cray. Hindi nga lang siya umarangkada sa semi-finals.

            Nagtapos ang Rio Olympics nang matiwasay. Nakakainis nga lang kasi sa channel 5 at AksyonTV, ang daming komersyal tapos, sa halip na ipalabas uli nila ang mga replay ng sports just for the sake of fun and significant TV viewing, lagi na lang mga home TV shopping na paulit-ulit lang naman!

***

            Ika-27 ng Agosto. Nakapanood muli ako ng isang magandang episode ng “Karelasyon” sa channel 7 na pinagbibidahan ng napaka-kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler pero ang ginampanan niyang karakter ay extreme na kabaligtaran ng kanyang notorius public image! Sa naturang Saturday afternoon drama anthology, isa siyang bading, malambot na bading at mapagmahal sa pamilya lalo na sa kanyang ina na si Elizabeth Oropesa at meron pa ngang mga eksena na nag-uusap sila sa dayalektong Bikolano. Pero dahil sa uhaw sa tunay na pagmamahal at kaligayahan, naging gullible siya sa kamay ng mandurugas niyang boylet, si Derrick Monasterio, na hindi man lang nga niya masampal ni isang tapik lamang, hehehe! In fairness, ang galing niyang umarte at hawig ni Heath Ledger (). He has the gift of being an excellent thespian... kung hindi lang siya pabaya sa career at sa sarili niya, o! 

***

            Ika-11 ng Agosto. Mainit ang isyung ito tungkol sa pagpayag ni Digong na mailibing na sa Libingan ng mga Bayani ang dating Pangulong Marcos at very vocal siya tungkol doon sa panahon pa lang ng pangangampanya bago ang eleksyon. Napaulat pang kabilang ang Marcos family sa most avid supporters niya. Ayon sa mga tutol Sa pagpapalibing, superficial lang ang kanyang pamantayan kung bakit. Dahil naging sundalo rin naman si Macoy, ah...

             Muling nahati ang sambayanan sa isyung ito. Para sa mga loyalista, panahon na upang mag-move on. Para naman sa mga aktibista, hindi ganoong kadali ang mag-move on mula sa madilim na yugto ng Martial Law at nagbabalik na naman ang mga hinanakit at pananariwa ng mga sugat mula sa nakaraan lalo pa’t ang angkan ng mga Marcos ay unrepentant at nagmamatigas pa rin upang magbigay ng kanilang sincere and formal public apology at ibalik sa kaban ng bayan ang kanilang ill-gotten wealth at ang mga nakurakot ng cronies nila. The damages had already been done. (related blog at the February 2016 “#Hashtag-hashtagan: No #Hashish Please!”)

            Kung ang mga taong hindi nakaranas ng pagdurusa at mapagkaitan ng kalayaan noong panahon ni Marcos, madali lang sa kanila ang masilaw ng cliché na “move on” na tayo. Ang ilan ay nangaral pang “kung ang Diyos nga ay nagpapatawad, tayong mga tao pa kaya?” Alam niyo, kahit siguro mga agnostics ay malamang pagsasabihan kayo na lumalabag na kayo sa Ikalawang Utos! Pinatatawad na tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan, wala nang kundisyon, subalit huwag naman maging makapal ang mukha natin na dahil lang sa tumanggap tayo ng pagpapala o grasya ay hindi na tayo marunong magpakababang-loob sa pag-amin sa ating mga kasalanan at paghingi ng kapatawaran mula sa Kanya at sundan iyon ng lubos na pagsisisi at paggawa ng kabutihan bilang atonement lalo na sa mga taong may hinanakit sa atin.

            Si Ferdinand Marcos ang pinakamamahal na anak ng Ilokos at para sa mga loyalista, walang kapintasan ang maisisisi sa kanya sa kabila ng lahat at ang iba ay halos sambahin pa siya. Kaya nga, why the fuss naman na sa ipagpilitan pa ng pamilya niya na doon siya sa LNMB maihimlay? Bakit hindi na lang sa kanyang sinilangang bayan ng Sarrat kung saan payapa, tahimik, at mayroong kaaya-ayang tanawin at maaari pang ipagpagawa ng isang enggrandeng musoleo at memorial park para lang sa kanya at upang maging place of pilgrimage pa ng lahat ng nagmamahal sa kanya.

            Noong Disyembre 1 at 2, 2002, nakasama kami sa isang tour sa Ilokos. Bukod sa Vigan, Paoay Church, Malacañan ti amianan, Fort Ilocandia, at Pagudpud, hindi mawawala talaga ang dumaan sa Batac upang dumalaw sa “burol” ni Macoy. Bawal na bawal ang magpalitrato doon at selfie pa kaya? Kaya lamang ang pinagmasdan ko noon ay isang wax figure sa loob ng glass case at hindi ang Pangulong ito na nasa unang termino pa ng panunungkulan tulad ng nasa portrait sa loob ng lumang aklat na ito inilathala at inilimbag circa 1967 during the first presidential term kung kailan walang seryosong hidwaan sa pamahalaan, hindi pa naitatatag ang NPA at MNLF, at wala pang nanggagalaiting student activism from the first quarter storm. The first term na malayo naman sa illusory glory and delusions of Martial Law.



            Follow-up for this essay. Ika-18 ng Nobyembre, nagulat ang sambayanan nang napaulat na si Marcos ay inilibing na sa Libingan ng mga Bayani tanghaling-tapat ng araw na ito at ginawaran ng full military honors. Kaya pala, panay ang daan at pag-ikot ng mga helicopter sa himpapawid ng Villamor Air Base at natiyempuhan ko pa ang isa sa mga ito na naghatid ng kabaong ng dating diktador mula Ilokos at paglapag sa Gate 5, nagkaroon ng 21-gun salute na dinig na dinig sa buong barangay! Bantay-sarado raw sa LNMB at baka magkasagupa ang mga pro at anti lalo pa’t isa raw itong private family affair ng mga Marcos.

            Paano kung mabaligtad ang desisyon ng Korte Suprema? Ano yun? Bubungkalin uli ang libingan at ibabalik ang wax figure, este mga buto ni Marcos sa Batac? At saka, ayon sa ilang ulat, noong buhay pa si Marcos, nagpahiwatig na raw siya na kapag siya ay yumao na, nais niyang mailibing sa tabi ng kanyang mga magulang sa kanilang family mausoleum sa Aglipayan Cemetery ng Sarrat. Eh di, ang pamilya lang pala niya ang nagpupumilit na siya ay ihimlay sa LNMB?

            Nakakainis at ang curriculum ng Araling Panlipunan ng Ikalimang Baitang ay binago nang husto because of the so-called K to 12 program. Maraming paksa ng HEKASI ang tinanggal at gustung-gusto ko pa naman sana ang mga talakayan at aralin tungkol sa 20th century kasaysayan ng Pilipinas tulad ng panahon ng Batas Militar hanggang EDSA People Power Revolution kasama ang panunungkulan ng mga Pangulo pagkatapos nito at ang finale ng naturang subject tungkol sa demokrasya at pangangalaga nito.

            Hindi ako maka-Marcos, ano? Never. Kaya lang, kung halimbawang makakasama uli ako sa isang northern tour at doon uli sa Ilokos, wala na siguro sa itinerary ang Marcos Shrine ng Batac kahit pa may isa uling wax mannequin ni Macoy dito. At ang Marcos monument sa kabundukan ng Agoo, La Union na natatanaw pa ng mga biyaherong dumadaan sa Marcos highway paakyat at pababa ng Baguio? December 2001 pa nang ito ay pinasabog, early New Year celebration daw ng mga NPA at Christmas gift daw para sa mga Marcos at mga loyalista ng mga ito. At least, nakita ko pa rin yun Pebrero ng taong din yun! Para bang si Marcos ay nagmumulto at hanggang sa kasalukuyang panahon, ang multo niya ay patuloy pa rin sa pagpaparamdam sa sambayanang hindi pa rin nagkakaisa at hindi pa rin lubos na nangangalaga sa demokrasya.

***

            Ika-19 ng Agosto. Birth anniversary ng dating Pangulong Quezon, araw ng Quezon City (actually my birthplace!), at nagpapatuloy ang Buwan ng Pambansang Wika.

            Sa araw na ito, napabilang pa ako sa mga inter-school participants sa isang forum sa GSIS-Senate Building. Forum na may pamagat na “Bayani ba ‘to?” at saka film showing pa because of the efforts of the Quezon Province historian, Ryan V. Palad. Early viewing ng isang indie film and biopic ng Gil Portes-directed “Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli” starring Aljur Abrenica for the plum role.




            Elementarya pa lang ako nang unang na-familiarized sa mga bayani at hindi lang ang Dakilang Lumpo na si Mabini ang may pangalang Apolinario. Ang pagbanggit tungkol kay Apolinario Dela Cruz o Hermano Pule (at hindi Puli) bilang isa sa mga tagapagtaguyod ng kalayaan sa relihiyon sa pamamagitan ng kanyang Cofradia de San Jose noong panahon ng mga Espanyol ay kadalasang hanggang isa o dalawang pangungusap lamang sa buong kabanata ng karamihan sa mga batayang aklat ng HEKASI para sa Ikalima at Ikaanim na Baitang at sa Unang Taon sa hayskul. Sa totoo lang, higit pa akong nakasagap ng kaalaman tungkol sa talambuhay niya sa isa sa mga episodes ng “Bayani” na kabilang sa Saturday morning kids-friendly programs ng channel 2 noong 1995; at tandang-tanda ko pa na ang gumanap bilang Hermano Puli ay si Daniel Fernando of the Scorpio Nights 1 stardom and now, a dedicated Bulakenyo politician.          

             Tulad ng “Heneral Luna” noong 2015, ang “Hapis at Hinagpis ni Hermano Puli” ay naglalayon din ng edukasyon sa kasaysayan. Kaya lamang, kapag ang naturang biopic ay ipinalabas na sa mga sinehan sa Setyembre, inaasahan na ang pagsabay sa takilya ng mga tinaguriang “historical/ indie film slayers”- mga big time, profit-driven international blockbusters and commercialized local horror flicks/ rom-coms starring ‘popular love teams’ of today and just for the ‘good vibes claim’, for pete’s sake! Tapos sabayan pa ng astronomical movie ticket prices sa mga mall!

             Ah, let’s just talk about Hermano Puli. The biopic has a poignant plot- si Puli, bilang isang batang nangarap na mag-pari paglaki subalit tulad sa mga tipikal na historical melodramatic soap operas, nariyan ang staple of Spaniard racist contrabidas na nagresulta sa pagkaapi sa mga Indios na mga di-naglaon ay naghiganti, at sa bandang huli, trahedya pa rin ang sinapit. Ngunit itinuturing si Puli bilang isang proto-revolutionary tulad nina Diego at Gabriela Silang bagamat di naman ang kalayaan mismo ng buong kapuluan ang ipinaglaban nila kundi sa lalawigan kung saan sila nakatira. At bago ang GomBurZa martyrdom, nauna siya ng maraming taon pa, ilang dekada pa bago lumitaw ang isang Jose Rizal o Andres Bonifacio o Emilio Aguinaldo with the clutches and meddling of American imperialism to topple down the decadent Spanish regime.

            Bago tinawag na Quezon ang lalawigan ni Hermano Puli, ito ang lumang alcaldia (o probinsya) ng Tayabas na ngayon ay ipinangalan na sa isang munisipalidad at di-naglaon ay naging chartered city na. At ang Lucban ang sinilangang pueblo o bayan ng ating bayani, ang pook kung saan nagsimula ang mga pangarap niya at ang kanyang pangangaral tungkol sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng Cofradia de San Jose. Sa totoo lang, noon ko pa pangarap makapunta sa Lucban dahil sa mga dream destinations ko na Pahiyas Festival, ang Kamay ni Hesus Shrine, at ang kamangha-manghang Bundok Banahaw kahit na sa katabing bayan na ito ng Dolores. Kasama rin ang Bundok San Cristobal, pinagtsitsismisan man ng tungkol sa kung anu-anong kababalaghan ngunit kasama pala ito sa mga last strongholds ng Cofradia.

            Subalit kagaya ni Heneral Luna, walang happy ending para kay Puli. Ang mala-charismatic group/ messianic movement ng Cofradia ay di-naglaon naging kilusang manghihimagsik dahil na rin sa panggigipit sa kanila ng  gobyernong Espanyol at ilang matataas na kaparian mula sa Simbahan na nag-akusa sa kanila bilang mga heretics. Subalit ayon sa mga historians at mula mismo sa mga personal na talaan ni Puli, ang Confradia ay hindi naman isang sekta o kulto. Nanatili itong kaisa ng Simbahang Katoliko hanggang huli. Paano kung noon pang panahon ng Espanyol nabuo ang El Shaddai, Lord’s Flock, at iba pang Catholic charismatics? Siguro, kahit ano pang paliwanag ang gawin ng mga kasapi ay matutulad lang sila sa Cofradia hangga’t ang mga pinuno nila ay mga “Indios”.

            Well, ipinakita sa pelikula ang ilang kakaibang ritwal ng Cofradia na obviously, paghahalo ng pre-Hispanic beliefs in charms and amulets with Christian faith and piety. Ah, ang mga anting-anting, agimat, mutya, at bertud na naglipana sa labas ng Quiapo Church o sa mga anting-anting factory sa Cavite at lalo na sa Banahaw! Mula sa mga sinaunang kawal at mandirigma hanggang sa mga kasapi ng Cofradia hanggang sa mga Katipunero patungo sa mga gerilya/ USAFFE, at matatagpuan pa rin sa mga lihim na bulsa ng mga sundalo ng makabagong panahon. Kung di man for personal beliefs, maituturing namang curios ang mga ito for any folk art collection. Subalit ang mga ‘mahiwagang kwintas’ na iyon ng Cofradia ay hindi talaga naggarantiya ng tagumpay. Nagsimula na silang magtatag ng kanilang Tagalog na kaharian ngunit outnumbered pa rin sila sa hukbong Espanyol kaya sila bumagsak.

            Nakatakas man sa simula ngunit nahuli pa rin si Puli, nilitis, at hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad sa harap ng plasa ng simbahan ng Lucban. At hindi pa nakuntento ang mga Espanyol at tinagpas pa ang kanyang ulo, kamay, at paa upang ipakita sa madla bilang pananakot sa lahat ng nagtatangka pang magrebelde sa kanila. Nagpapaalala ng sinapit ng Scottish hero na si Braveheart na lumaban sa mga Briton. At ang Kabanata 50 ng “Noli Me Tangere” ni Rizal ay may binanggit din kahalintulad na barbaric act sa pagsasalaysay ng tungkol sa angkan ni Elias, isa sa mga pangunahing tauhan.

            Subalit ang dugo ni Puli, tulad ng sa iba pang bayaning Pilipino, ay ang nagdilig sa lupang tinubuan; na kahit nasawi man sila, uusbong at uusbong pa rin ang mga bagong punla upang ipagpatuloy ang kanilang mga nasimulang adhikain. Makalipas ang ilang dekada pagkamatay ni Puli, umusbong ang Kilusan ng mga Propagandista at ang Katipunan. Nang sinakop ng mga Amerikano ang Pilipinas, isinulong naman ang kalayaan sa pagpili ng pananampalataya kaya may mga Pilipinong nagtatag din ng mga bagong relihiyon. Paglipas ng maraming, maraming taon, maraming sekta ang nakabase sa Banahaw at sa iba pang probinsya. Ngunit naniniwala akong hindi talaga iniwan ni Hermano Puli ang Inang Simbahang Katoliko. Kung binigyan lang sana siya ng mga awtoridad ng kanyang panahon ng pagkakataong maging isang pari. 








No comments:

Post a Comment