“Let us serve with hearts
filled with the pure love of God which enables us always
to love the roses amidst the
thorns.”
~ St. Louise de Marillac ~
“Faith lifts the staggering
soul upon one side. Hope supports it on the other.
Experience says it must be. And Love says- let
it be.” ~ St. Elizabeth Ann Seton ~
“Believe that God will not
leave a heavy burden on your back without sustaining you.
He will be your strength and
will as your reward.” ~ St. Vincent de Paul ~
St. Vincent de Paul by Simon François de Tours (1606-1671) (courtesy of Wikipedia)
Hulyo 15.
Pagkagaling ko sa klase sa CUP, pumunta ako sa Maynila. Pagbaba ko mula sa UN
station ng LRT, mamamasyal lang sana ako sa Luneta ngunit animo ang lakas ng
hatak ng St. Vincent de Paul Parish hanggang sa napadpad ako muli sa entrance
ng mahabang walkway patungo sa campus ng Adamson University makalipas ng
labingpitong taon! Dito ang daanan ng karamihan sa mga estudyante na
nanggagaling mula Taft. Mahabang eskinita yun na papuntang San Marcelino at
medyo madilim but at the end of the tunnel, naging maaliwalas at bumungad na
ang simbahang sinadya ko sa araw na ito.
Sa totoo
lang, habang naglalakad ako sa walkway ng Adamson hanggang sa marating ko na
ang St. Vincent, bukod sa pagpansin sa mga myural na nadaraanan o sa katabing
masukal na compound ng dating jai-alai kung saan di kalayuan dito nakatirik ang
pambansang Luneta photobomber na Torre de Manila, nagmumuni-muni ako. Hindi
lamang ang tungkol sa mga kwentong katatakutan (noong Liberation of Manila, ang
campus nito tulad sa mga karatig pang paaralan at iba pang gusali ay may
kani-kaniyang malagim na kwento at kasaysayan noong World War 2), nagbalik sa
aking gunita ang isang pangyayari 17 years ago. Naka-isang semester lang ako
noon sa kursong fine arts mula sa kalapit na PWU at nagsawa ako agad kaya bago
mag-second sem ay nagpasya na akong magtransfer tapos... architecture pa ang
gusto kong kurso (not kidding!). Kaya lang noong mag-eenroll na sana ako,
sobrang dami ng tao at bigla na lang akong na-stressed out at naasar sa
sitwasyon kaya I got thoughtless and impulsive that time na nasagot ko pa nang
pabalang yung isang school official na college dean malamang noon. Matagal ko
nang pinagsisihan ang inasal ko noon; di man lang ako nakahingi ng patawad sa
tao nang nagpasya na akong hindi na muling aapak sa campus ng Adamson kahit pa
noong late 2000s nang nag-aral ako ng kursong CTP sa kalapit na PNU.
Maraming
salamat sa Panginoon, tulad sa iba pang simbahang pinuntahan ko para sa aking
anytime visita iglesia, naging maluwalhati ang pagsapit ko sa aking sadya.
Isang marikit na simbahan, nakagayak ito at nakahanay ang mga tarpaulin kung
saan mababasa ang mga quotations (gaya ng mababasa sa panimula ng blog post na
ito) mula sa mga santo na patrons ng Vincentian fathers most notably, St.
Vincent de Paul with his sincere, peaceful smile that was sweeter than that of
Mona Lisa’s tulad sa portrayal sa kanya sa mga paintings.
Pagkatapos
magdasal, nag-usyoso pa ako sandali sa labas ng simbahan. Di na ako tumawid ng
San Marcelino patungo sa Adamson na mismo. Merong maliit na hardin ng Marian
grotto sa may Adoration Chapel ng simbahan. At dito matatagpuan ang isang
maliit na historical marker na mababasa dito ang tungkol sa maikling kasaysayan
ng isang 17th century community ng Japanese Christian exiles na nanirahan sa
Dilao (Paco district na ngayon). Nabasa ko sa isa mga “Looking Back” essays ni
Professor Ambeth Ocampo ang tungkol doon at pinamunuan sila ng isang daimyo, si
Justus Takayama Ukon. Siguro ang loteng ito ng Adamson ay bahagi noon ng
pamayanang iyon. Di pa nga ako nakalalayo sa simbahan nang namataan ko sa may
walkway ang ilang batang paslit na namamalimos lalo na sa mga dumaraang
estudyante. Mukha namang malilinis ang mga yun at may mga bahay na inuuwian.
Tsktsktsk! Sana, makalipas ng ilang taon, nandito muli sila sa Adamson hindi na
bilang mga umaasa sa konting barya kundi mga responsableng estudyante na.
Paglabas
ko mula walkway patungong Taft-Kalaw, namasyal na ako sa Luneta! Mainam at
maulap ang panahon lalo pa’t tanghaling-tapat pa nang mga oras na iyon.
Kabilang sa mga pinuntahan ko ay ang Museum of Anthropology na bahagi ng
Pambansang Museo na libreng-libre ang entrance kaya pala ang daming pumila doon
upang magkaroon ng sarili nilang field trip. Sayang nga lang at wala akong
dalang camera pero nakaka-enjoy ang matungo sa mga gallery kung saan ang
dami-daming naka-exhibit na mga national treasures at iba pang kayamanan ng lahi.
Muli kong nakita ang Manunggul Jar, Maitum anthropomorphic jars, Laguna
Copperplate Incriptions, Calatagan Pot, San Diego shipwreck, at marami pang
iba. Sa susunod ay pupunta uli ako sa museum na ito.
*******
Hulyo 21.
Kaya pala nitong umaga, pagbukas ko ng radyo at sa 99.5 PlayFM station ang
tutok, ang pinag-uusapan na hindi ko nasimulang pakinggan ay tungkol sa Linkin
Park. Siyempre, basta Linkin Park, nagpapaalala ng college years. Akala ko ay
disbanded na ang nabanggit na American rock group or nag-go solo career na si
Chester Bennington hanggang sa napanood ko na lang sa “24 Oras” at nasa
international celebrity news na patay na raw na ang lead vocalist na iyon dahil
sa suicide katulad ng sinapit ng ilang frontmen ng iba pang rock bands. At ano
ang common issue sa mga mama na iyon? Alcoholism, drug abuse, awfully stressful
lifestyle that led to depression. Hay, Linkin Park... gustung-gusto ko pa naman
ang mga kanta nila mula pa noong 2001 nang napanood ko ang music video ng
“Crawling” mula sa album na “Hybrid Theory”. Inaabangan ko rin ang mga sumunod
na hit tracks and music videos nila at astig talaga! Sana kung mag-release ang
mga music stores ng greatest hits CD ng LP tapos reasonably-priced pa, bibili
ako.
Follow-up
sa essay na ito: Gabi ng Oktubre 4 at habang naghihintay kami ng evening flight
namin papuntang Bangkok, Thailand (related to the October 2017 blog post
“Manila Cuyapo, Bangkok Lotus”), di-kalayuan sa departure area ng mga pasahero
sa NAIA-1, merong mga kalapit na Pinoy souvenir shops; at kabilang sa mga tinda
nila ay mga audio CDs na yung ilan ay on sale pa. At doon ko pa natagpuan ang
isang CD ng Linkin Park at katabi pa ang mga oldies and Christmas song albums!
450 pesos pa rin ang isang lumang CD? Pero, hindi na ako nagdalawang-isip pa
nang nakita yun at binili ko. CD yun na meron pang kasamang VCD ng live
performance ng banda sa Texas noong 2003 kung saan kinanta nila ang hit tracks
mula sa “Hybrid Theory” at “Meteora” albums. Everything happens for a reason
nga na ang CD na ito na tila matagal na naitago noon sa stockroom ng records
company at muling nailabas para ibenta sa isang souvenir shop sa airport, ay
para naman pala sa akin! Na-enjoy ko ang sound trip na ito!
*******
Hulyo 29.
Pagkagaling ko sa MAED class namin sa CUP, may pinuntahan akong malayong lugar
na pwede ring masabing may pagka-frontier area na dahil sa layo nito sa iba
pang barangay ng Pasay (ang layu-layo rin nito mula sa Villamor Air Base, ano?)
at mas malapit pa nga ang mga subdivision ng Parañaque tulad ng Merville.
Kalayaan Village... first time kong makadayo sa lugar na iyon na karamihan sa
mga bahay ay mga townhouses and apartments ng Teachers’ BLISS pero tahimik
doon, a! Yun ang impression ko sa lugar. Ang sadya ko talaga ay ang Our Lady of
the Blessed Sacrament Parish; however, sad to say, sarado ito nang oras na
dumating ako doon. Sigh...
Well, at
least ay tahimik ang paligid ng simbahan at kahit sarado pa, pwede pang
magdasal sa may gate basta walang istorbo. At kumpleto na rin ang listahan ng
mga Simbahang Katoliko dito sa Pasay na narating ko na sa aking anytime visita
iglesia.
*******
Hulyo 30.
Nang nagsimba kami sa araw ng Linggong ito sa Our Lady of Loreto Chapel
(CJVAB), ang Gospel readings ay tungkol sa mga parables ng Panginoon, ang
buried treasure in the field and the pearl of the great price. At naisip ko
muli ang balita tungkol sa isang pari na may ranggo nang monsignor na naaresto
dahil may kasama raw menor de edad na ibinugaw mismo ng barkada nito. Ang aking
simpatya ay hindi lang para sa batang babae na napariwara ang buhay nang mga
panahong iyon kundi pati rin sa paring nahaharap sa kaso sa halip na tulungan
sana ang bata na makabalik sa wastong landas. Sa “Prayer for Priests” na
kabilang sa blog pages ng “Soliloquy Beyond” (please refer to the menu at the
right side of this page), merong linyang “fallen/ tempted priests”. Isipin na
lang natin ang pamilyang pinagmulan ng monsignor at mga kaibigan niya na ang
pagkakakilala sa kanya ay isang tapat na lingkod ng Panginoon at ng Inang Simbahan.
Ang monsignor ay naging mahina. Pinakawalan niya ang kayamanan sa bukirin at
ang pambihirang perlas- yun ang matatag na pananalig at paglilingkod sa
Panginoon. Hindi na bago ang ganitong balita tungkol sa mga “fallen clergy”
tapos, maraming tao ang kaybilis nang manghusga at mangutya at idamay pa ang
lahat ng kaparian tulad ni Pangulong Duterte at yung mga aso niya sa gobyerno.
Aba, bakit? Sa Catholic Church lang ba mayroong mga nagkasalang pari tapos ang
mga pastor o ministro ng iba pang relihiyon ay mga huwaran na sa kabanalan?
*******
Gallery
of the Cinnamon
Mabuti na
lamang at nanatili sa F.B. Harrison address ang city hall ng aking mahal at
paboritong lungsod at pina-renovate pa upang maging higit na makabago ang
dating niya. Sa parehong sikat na kalsada, matatagpuan din ang The Henry
Manila, isang exclusive gem of a boutique hotel dito sa Pasay at matatagpuan sa
isang maluwag na residential compound na akala mo’y nasa probinsya ka pag naroon
ka. Una kong nabasa ang tungkol sa lugar na iyon sa isang lumang issue ng
“Cocoon” magazine. Hehe, kapag naglalakad ako sa Harrison at napadaan ako sa
may gate nun, hanggang sulyap na lang nga ako, eh!
Three
years later na akong muling nakabili ng Malagos Chocolate sa SM MOA (please
refer to the last paragraph of “Soliloquy of Bitterness: Inuunawa Ko Na Lamang Matapos
Kong Mapagtanto” posted on September 2014). Mula sa 150-peso price ng 65% dark
chocolate variety nito, naging 189.75 pesos na... ay, grabe! Tumaas na ba
talaga ang production costs ng Davao product pa ito? Well, anyways... high-end
chocolates ang mga ito. Excellent export quality. World class... na sa presyo
pa lang ay parang ayaw nilang ipatikim sa mga kapwa-Pilipino nilang mga
karaniwang tao lang tulad ko, hehehe!
Tumatangkilik
ako ng mga produktong “proudly made in the Philippines”; Lala chocolate and
homemade local tablea paired with panocha or muscovado sugar for champorado are
the best! Pero sa pagkakataong ito pagdating sa chocolate products, walang
usaping nationalism. Ah, Whittaker’s is my favorite and personal choice.
Sa
magazine stand ng Ace Hardware pa ng SM Mall of Asia ko pa nabili ang
bagsak-presyo nang “Andrea: Road Trip” 2015 coffeetable photobook published by
Rawr Books. Ang ganda pala ng magazine na ito ni Andrea Torres pero sayang at
hindi nabanggit kung saan ang location ng photoshoot. Yung lugar kasi
nakakamangha ang scenery at pati ang bahay na rustic villa ang dating. Pero
center of attention pa rin ang sultry hot Kapuso actress.
Nangongolekta
na yata ako ng sexy magazines na panlalaki at pati coffeetable books, hehe.
Bumili talaga ako nito- “Kim Domingo: State of Undress”. Gusto lang titigan ang mga litrato yet never
ever the les feelings. Basta, fascinated lang ako sa artistic photography na
dapat walang photoshop retoke, a! Man, just like Andre Torres, she’s seduction
overload.