Gallery of the December Moon and the Best Salted Egg ever!
The
“Lumina” walkway tunnel of lights and other Christmas display at the
Resorts
World Manila and
Maxim’s Hotel, Newport Complex, Pasay City.
*******
The “I-Witness” anniversary
specials sa GMA-7 ay nagpapatuloy sa pamamayagpag at nadagdagan ito nang ang
feature documentary ay tungkol na sa “Rohingya Refugees: Silang mga Nilimot ng
Mundo” at inilahad ni Atom Araullo who made waves again after his much-talked
about “Philippine Seas”. Bukod sa
kalagayan ng mga Rohingya Muslims sa kasalukuyan, ipinakita rin sa naturang
programa ang di-birong trabaho ng mga UN humanitarian workers gaya ng mga Pinoy
na naipadala doon sa border ng Bangladesh at ng Myanmar. Kaygaganda pa namang
mga tao ang mga Rohingya subalit kalunus-lunos ang kanilang kalagayan at
itinuturing silang “stateless” dulot ng bigotry and racism ng mga taong walang
puwang ang pagmamalasakit sa kapwa-tao. Paano na yung mga bata na sa murang
edad ay nalantad na sa kalupitan ng kanilang lipunang kinagisnan? Ang mga
tagpong iyon sa mga refugee camps ay kabilang sa mga most depressive areas sa
mundo at harinawa’y wala namang mapadpad na ‘bulok’ na mga tao na sa halip na
tulungan sila sa wastong pamamaraan ay i-eexploit ang kanilang kalagayan at
kamalayan upang maghasik ng masasamang ideolohiya ng mga ito tungkol sa
extremism o radicalism upang ‘ipaghiganti’ ang sinapit ng kanilang lahi sa
kamay ng mga ‘infidels’. Subalit sa palagay ko, kahit nagkaganoon man ang buhay
ng mga Rohingya, lumilitaw ang mga iba’t ibang bayani at anong malay natin na
merong ilan sa kanila na may pagmamahal at pagmamalasakit sa kanilang lipunan
ang makikilala sa pagtulong na makabangon muli sa dignidad ang kanilang lahi.
*******
December 8, Feast of the
Immaculate Conception and also my day of thanksgiving because it was the
anniversary of my teaching career.
May napanood din nga pala
akong documentary sa “Reel Time” ng GMANewsTV, ang “Batang Maestro”. Kay ganda
namang programa na kinunan sa isang tahimik na nayon sa Sorsogon sa Bicol
Region. Ibang-iba talaga ang karamihan
sa mga batang taga-probinsya at kung sino pa ang mga nasa malalayong
baryo na medyo salat sa mga pangangailangan ay sila pa ang higit na kakikitaan
ng pagsusumikap at tiyaga at maagang natututong maging mga responsableng
mamamayan kumpara naman sa karamihan sa mga batang taga-syudad gaya dito sa
Metro Manila. Nakatutuwa naman ang batang iniinterbyu sa dokyu at siya’y naging
titser sa kanyang mga kapwa-bata na tinuturuan niyang magbasa at makahabol sa
mga aralin. Bihira na kasi ang mga kagaya niya, ano?
*******
Disyembre 17. Sa wakas ay
napanood ko na ang episode 7 ng “Star Wars: The Force Awakens”. Nakakabanas nga
lang ang presyo ng ticket sa sinehan sa SM MOA pero gustung-gusto ko talagang
mapanood ang nabanggit na pelikula na very astronomical, di bale na sa ticket,
kundi sa sobrang ganda kasi. Siguro ang episode 8 ay sa 2019 pa; di ko lang
napapanood ang mga “spin-off” flicks nito tulad ng “Rogue One”. Makalipas ng
maraming dekada, magkakaroon din kaya ng film remake ang Star Wars? Ang sarap
lang kasing mag-imagine na paano kung tugma sa fantasies ni George Lucas na
marami talagang extraterrestrial civilizations somewhere in the universe, in a
galaxy far,far away. Kung ang maraming tao dito sa Earth ay di naniniwalang may
buhay sa malalayong planeta o galaxies, malamang ang mga nilalang naman doon ay
hindi rin siguro sumasagi sa kanilang isipan na may nag-i-exist palang
planetang tinatawag na Earth.
Pagkagaling ko sa panonood ng
sine ay nagawa ko pang makarating sa Noel Bazaar sa SMX na last day nga ng araw
na iyon. Di naman ako gaanong namili. Nakakalula ang dami ng exhibitors at mga
shoppers! Pero ang mahal naman kasi ng mga tinda sa booth ng Team Manila; trip
ko pa namang bilhin yung cap nila na may naka-embroidered design na Chinese
characters at English translation nitong “West Philippine Sea”. Quirky, witty
item, ain’t it?
*******
Ika-25 ng Disyembre.
Maligayang Pasko!
Sa totoo lang, kahit
Paskung-Pasko, muntik na akong mapaaway sa ilang kapitbahay at bwisita, este
bisita nila. Paano ba naman, alas dos na ng madaling-araw, sige pa rin ang
ingay ng party nila at di na kami makatulog. Kung di sila inawat eh di hanggang
umaga na ang istorbong dulot nila at di namang maaaring dahil kasi Pasko ay
pakisamahan na lang sila kung wala na sa katwiran ang pinaggagawa nila, ano?
Ang nakapanggigil lalo kasi ay nang naulinigan ko yung mga bading na hosts nila
na ‘Pasko naman daw kaya walang bawal-bawal’. Kung pwede lang magmura dito sa
blog... joke. Beast mode on a Christmas day... sigh.
Well, anyways. Umusad ang araw
ng Kapaskuhan na may maaliwalas na panahon kahit pa nag-uulan nitong mga
nakaraang araw o may napaulat na bagyo sa bansa. Kailangang dumalo sa
Misa. Palipasin na ang mga hinanakit at
sama ng loob na naganap nitong madaling-araw at ipanalangin din ang mga
kapitbahay, ano? Napakagandang araw pa rin ito, the designated birthday of the
Baby Jesus.
Nakalulungkot nga lamang at
ang Pasko ng makabagong panahon ay heavily-commercialized and secularized na
ang Christmas celebrations. Yun bang ang marami sa mga tao ay mas trip pa ang
disruptive, bacchanalian parties gaya kagabi sa ilang kabahayan o di kaya ang
magpaka-stress sa paghahanda ng isang bonggang noche buena ma-impress lang ang
guests o di kaya’y bilangin na lang ang mga natanggap na regalo at iba pang uri
ng aguinaldo.
*******
Ika-30 ng Disyembre, araw ni
Rizal.
Ang kasayahan sa karnabal ay lalong naging makulay sa
maraming naririnig na tugtugan sa bawat tindahang maaaring panooran. May
matitinis na tunog ng trumpeta. May nakatutulig na hampas ng tambol. May tila
umiihip sa plawta. Mga tunog musikang kapag nagkasama-sama ay nakapagpapaindak
sa mga binata at sa mga dalaga.
Nakadaragdag sa kaingayan ang maraming kalesang ikutan
nang ikutan sa mga lansangan at nagbababa ng mga pasahero sa masayang peryahan.
“Tabi! Tabi! Tabi!” Oo, kailangang tumabi ka upang
makaraan ang kalesa sa kalsada. Tabi! Tabi! Tabi! Isang katotohanang ang ingay
ng tumatakbong kalesa ay nakadaragdag ng ibayong kulay sa perya. ~~~hango sa
Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo ng
“El Filibusterismo” ni Jose Rizal.
Yun ang Quiapo na nakagisnan
ni Rizal. Ang pook ay kabilang sa arrabales o suburbs ng Maynila na nakasentro
naman sa Intramuros. Special mention ito sa ilang chapters ng El Fili bilang
setting ng malaking karnabal kung saan meron dinarayong ‘pagtatanghal ng
kababalaghan’ ng isang mystery American character doon na nagngangalang Mr.
Leeds at ang kanyang di-umanong “Egyptian mummy” na si Imuthis na sa mahabang
pagkukwento ng nakaraan nito ay mahihinuhang si Simoun na dating si Crisostomo
Ibarra ang may pakana ng palabas dahil itinaong ang mga VIP guests ay mga
Espanyol na may atraso sa kanya tulad ni Padre Salvi na nakakatawa sa kabanata
na iyon dahil nahimatay sa kapraningan. At ang kasama niyang prayle na si Padre
Irene ay sinabing kaya siya nawalan ng ulirat ay dahil sa sobrang kabusugan sa
sopas na may itlog ng pugo!
Eh, ang Quiapo ngayon? Maingay
at masaya pa rin pero may mga lugar nang nakaliligalig at nakaririmarim pa ang
gulo at dumi. Ang di lang nagbago doon sa paglipas ng mga panahon ay isang
sentro pa rin ng komersyo ng sekular na mundo at lalo naman ng pananampalataya
lalo pa’t nasa puso nito ang Poong Nazareno. Sa mismong araw ni Rizal, kabilang
sa mga pinuntahan ko sa Maynila, bukod sa aking yearly visita iglesia sa apat
na simbahan- Sta. Cruz, Minor Basilica of the Black Nazarene, and National
Shrines of St. Jude and St. Michael, ay ang naturang distrito. Di-mahulugang
karayom sa dami ng mga tindahan at mga mamimili lalo pa’t nagsisipagbilihan na
ng maihahanda sa media noche ang mga taong dumarayo doon. Lalo naman doon sa
Excelente Ham sa Palanca, as usual. Natikman ko na ang ham na tinda doon.
Kakaiba nga ang linamnam dahil ang traditional and time-tested recipe ang style
nila. Hehe, nakabili rin ako ng mga kastanyas at ang red plums na para rin
palang apples.
*******
December 31. Ang bisperas ng
Bagong Taon and Solemnity of the Feast of the Holy Family. And looking back at
2017, what a year it was!
*******
Gallery
of the Merry Christmas and Happy New Year