2019 na ngayon at Year of the Pig in the Chinese calendar
ngunit sa Church calendar, it is the Year of the Youth!
*******
“I will be devoted to
Him, unlike the fanatics who do not know how to love. The fanatics only cling
on to those who give them importance, but a devotee clings to Him because
he/she loves Him. Fanatics, if they do not receive what they want would no
longer be followers. But devotees, because of love, they would remain loyal whether
they receive something in return or none. For as long as I love You (o Lord), I
will serve You.”
Hango
ito mula sa napakagandang homily ni Cardinal Tagle sa Misa noong Kapistahan ng
Poong Nazareno nitong ika-9 ng Enero. Madarama ang inspirasyon mula sa Holy
Spirit sa pagninilay na iyon. At kahit na nag-umapaw pa ang masidhing debosyon
o panatisismo o trash-lacion sa naganap na Traslacion 2019, siguradong
napakarami pa ring may pananalig ang may na-realize sa araw na iyon.
*******
Enero
15. Natapos ko nang basahin itong December 2018 edition ng Animal Scene
magazine at very interesting ang mga features dito tapos ang nasa cover photo
and story ay yung gentle giant na Maine Coon cat. Maraming features tungkol sa
mga miming, pati ang dog family of spitz. Meron din tungkol sa mga coelacanths,
isang prehistoric fish species na namumuhay pa rin sa mundo at kabilang sa
listahan ng tinaguriang “living fossils” gaya ng tuatara sa New Zealand,
horseshoe crabs na mayroon din dito sa Pilipinas, at isama rin natin ang mga
ipis at hindi ito cryptozoology! Paano kaya kung meron pa palang trilobites sa
mga ocean floors na nakaligtas sa extinction, nakaiwas sa evolution, o hindi
naging mga petroleum deposits?
Madalas
sa mga Animal Scene edition ang mga Advocate column ng mga nagpapalaganap ng
vegan lifestyle lalo pa’t ilan sa mga contributors ng magasin ay mga certified
vegetarians. Eh kung may alaga ang mga ito tulad ng mga aso o pusa, ginawa rin
ba nilang herbivores ang mga ito? Yun bang pinapakain na lang nila ang mga ito
ng processed pet food na may synthetic animal protein? Dapat nga vegan pets din
ang alagaan nila tulad ng mga kambing, pagong, iguana, at pati gorilla... ehek,
sorry, DENR.
Kahanga-hanga
rin naman ang mga vegetarian advocates. Siyempre, kindness and ethics towards
animals. Ang maging mas makatao dahil sa pagpapahalaga sa mga nilikha at huwag
tularan ang mga nagpapaka-tae dahil sa masamang asal ng mga ito tulad ng
kalupitan sa mga hayop. Binanggit sa column ang mga agressive campaign ng mga
pangkat gaya ng PETA at nagpapalabas sila ng mga documentaries tungkol sa
animal cruelty at ang kabutihan ng pagkakaroon ng meat-free vegan diet. Tipong
method na “shock and awe” dahil katotohanan daw ang kanilang ipinapamulat sa
publiko na baguhin na ang mga “kinasanayan”. Kung sabagay ang mga tao ay
“animals” din- of the highest order and top predator in the whole world. Ang
mga PETA activists at mga vegans ay nanonood din ba ng mga wildlife videos kung
saan ang mga predatory animals na nasa natural habitat nila ay nagha-hunting at
kinakain ang kanilang prey?
Propaganda
man o simpleng raising ethical awareness, marami talaga ang malupit sa mga
hayop. At saka yung regular food animals na marahas ang pagkakapatay,
mapapansin din na ang meat quality nito ay bakas ang matinding stress at takot
na tipong di-ganoon kalinamnam. Mabuti pa ang mga pamamaraan ng mga Jewish and
Muslim butchers na sinusunod ang kani-kanilang dietary laws, mga ritwal, at
tradisyon. One strike lang daw para di-tumagal ang hirap ng hayop. Nagdarasal pa
nga sila bago gawin yun.
Dumarami
na ang nag-aadapt ng vegan diet out of health reasons and ethics. Kaya lang
hindi naman lahat ng tao sa Mundo ay maaaring maging vegetarian lalo na kung
ang pagbabasehan ay ang natural metabolism ng katawan at pati blood type. Kapag
kumain ako ng karne, isipin kong ang DNA essence ng hayop na hatid ng protina
ay payapa nang mamamahinga sa nucleus ng bawat cell ko, ang maging bahagi ng
aking DNA. Hindi lamang mga hayop ang mga living organism, di ba? Pati mga
halamang pinapapapak ng mga vegans na yun ay may buhay rin!
*******
Mabolo fruits
*******
DELIGHTS GALORE!
Who says that these delights are exclusively for men? I ogle at the pictorials and guaranteed no lesbian attraction but platonic admiration, get it?
DELIGHTS GALORE!
Who says that these delights are exclusively for men? I ogle at the pictorials and guaranteed no lesbian attraction but platonic admiration, get it?
*******
The
panoramic views as seen from the Runway Manila footbridge connecting NAIA-3 and
Newport Complex here in Pasay City.
*******
Kahit
na malayo pa ang susunod na kuwaresma ay muli akong nag-visita iglesia sa apat
na simbahang ito na talagang pagkaganda-ganda at kay payapa.
*******
Great
finds at Segunda Mana outlets in Harrison Plaza Manila and Metropoint Mall
Pasay- National Geographic Magazine October 1991 edition for twenty pesos; I
love the features about Native Americans and their heritage, dazzling rubies
and sapphires, and lovely nature photos from Australia’s Lord Howe
Islands. A vintage 1984 edition of
Beverly Butler’s The Ghost Cat for only ten pesos; cute story with cool
mystery!
*******
********
Parody of Nova Chips? No choice but this seems to taste better!
*******
“Ang Alamat ni Helmut Heidegger”- a synopsis
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Kabi-kabila ang madudugong labanan sa maraming panig ng Europa hanggang
Hilagang Aprika at sa rehiyon ng Asya-Pasipiko. Ngunit isa pang malagim na
kaganapan ang dumagdag pa sa mga dahilan kung bakit ang digmaang ito ay
itinuturing na isa sa mga pinakamadilim na yugto sa kasaysayan ng mundo at ng
sangkatauhan, ang Holocaust, itinuring ng mga Nazis na kanilang ‘final solution
to the Jewish question’.
Ngunit sa mismong lugar at
pang-araw-araw na kalagayan, namulat ang kanyang isipan at puso sa mga
reyalidad at ilusyon sa buhay hanggang sa ang tanging hangad na niya bago ang
wakas, higit pa sa kanyang kalayaan, ang kaligtasan.
Enero 27. Sa wakas, maraming salamat sa Panginoon, nailathala
ko na ang aking ikalimang kwento sa Wattpad! Sa Kabanata 20, mas mahaba ang
pagpapaliwanag ko tungkol sa maikling nobelang ito kaya pakibista ang https://www.wattpad.com/user/weirdjtt
A photo taken by Margaret Bourke-White during the liberation of Buchenwald; one of sources of inspiration
for my Helmut Heidegger. (courtesy of Wikipedia)
Heto ang ika-20 kabanata ng kwento:
20: Author’s Notes
Ang maikling nobelang “Ang Alamat ni
Helmut Heidegger ay unang isinulat sa re-used papers noong ika-29 ng Disyembre,
2005 at natapos noong ika-6 ng Abril, 2006. Muli ko itong ini-edit at isinulat
sa malaking notebook noong Enero 24, 2010 hanggang Pebrero 18, 2010. Ito ang
una at pinakamahabang bahagi ng sinimulan ko nang akda na “Exotic Anthology”,
isang koleksyon ng mga kwento at maiikling nobela na mayroong international
themes subalit nakalulungkot man na hanggang sa kasalukuyan ay hindi magkaroon
ng pagkakataong mailathala at maisa-aklat.
Salamat sa Wattpad, ipinapakilala ko
na sa Mundo si Helmut Heidegger.
Dapat sana, ang akdang ito sa simula
ay aabot lang hanggang anim na pahina tapos humaba nang humaba hanggang sa
maging maikling nobela sa halip na maikling kwento gaya ng ilan sa mga kasama
nito sa aking antolohiya. Noong pinagagana ko ang aking imahinasyon bago isulat
ang akda, hindi naging problema ang magiging pangalan ng pangunahing tauhan.
Naging inspirasyon ang mga pangalan ng space artist na si Helmut K. Wimmer and
philosopher Martin Heidegger na kapwa mga Aleman. Tumatak din sa aking
kamalayan ang mga napanood ko noong mga pelikula na ang mga tema ay Holocaust
and World War 2 tulad ng “Saving Private Ryan” na una kong napanood sa VHS pa,
“The Devil’s Arithmetic” na pinagbibidahan ng teenager pang si Kirsten Dunst at
ipinalabas noon sa Hallmark Channel ng late ‘90s, “Jakob the Liar” ng yumaong
Robin Williams, “Enemy at the Gates”, “Stalingrad”, “Nuremberg”, ang
award-winning Roman Polanski film “The Pianist”, at swerteng nakabili pa ako ng
original VCD ng “Schindler’s List” sa Odyssey Records ng SM Mall of Asia noong
2008 at ito’y kabilang sa iniingat-ingatang movie collection namin sa bahay.
Pati ang 1991 Japanese animated series na “The Trapp Family Singers” na una
kong napanood noong 1993 pa samahan pa ng “The Sound of Music”. Ang haunting
picture ng kalagayan matapos ang liberasyon sa Buchenwald, Germany na kuha ng
Amerikanang photojournalist na si Margaret Bourke-White ay naghatid pa lalo ng
inspirasyon.
Nakapagsulat ako ng isang kwento
tungkol sa isang banyaga at ang kasaysayan niya at mga pangyayari sa kanyang
bansa noon ay malayo naman ang kaugnayan sa sariling kasaysayan ng aking bansa
na may sarili ring mabibigat na problema noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ngunit hindi rin maitatanggi na ang mga pangyayari noon ay magkakaugnay pa rin.
Ang Pilipinas ay naging pangalawang tahanan ng libu-libong Jewish refugees na
ginawaran ni Pangulong Manuel L. Quezon ng asylum. Wala namang dapat ipangamba
ang mga Pilipino na madamay sa giyera laban sa mga Nazis o sa galit ni Hitler
at ang Germany ay nasa kabilang panig ng mundo at maaaring ang mga Hapones ay
walang pakialam sa “final solution” kahit pa kakampi nito ang bansang iyon.
Ayon sa ilang matatandang Hudyo na minsang nanirahan sa Pilipinas bago sila
tuluyang nag-settle sa Israel o sa Amerika pagkatapos ng digmaan, hindi sila
pinakialaman ng mga Hapon dahil daw German passport-holders sila.
Sa totoo lang nang tinatapos ko ang
akda kong ito noon, para itong idinikta na pakiramdam ko ay hindi talaga bigla
lang sumulpot sa napapanood ko sa aking imahinasyon. Ano yun? Retrocognition na
sangay ng ESP? Paano kaya kung totoo pala si Helmut Heidegger mula
milyun-milyong katao na yun na biktima ng Holocaust?
Ang akdang ito ay simula sa sapul ay
naisulat sa wikang Filipino (at merong occasional Taglish pa). Hindi ako
propesyunal pagdating sa pagsusulat ng mga akda in straight English at lalo
namang hindi ako marunong ng German or Yiddish. Kung sakali mang mayroong
non-Filipinos ang mapadaan sa Wattpad site kong ito kung saan nakalathala ang
aking akda at sila ay maintriga o ma-curious, kung nais nilang malaman ang
tungkol sa kasaysayan ng aking si Helmut, upang maintindihan nila ay ipasalin
nila sa mga Pinoy at huwag sa Google online translate.
Maraming salamat sa Panginoong
Diyos. Amen.