This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Tuesday, February 21, 2017

Moonbeams

            


        
“Soothing as the Night Winds are”
Salvador B. Espinas

Love is gentle, love is quiet
Like any distant star;
Love is beauty, love is music
Soothing as the night winds are.

Love is patient and unselfish
Divine, true, neutral, fair
Love is ageless and immortal,
Lost love is just somewhere.

And the heart that love abandons,
Nurses a tender scar,
Softly stabbing, and yet sweetly
Soothing as the night winds are. 

(Courtesy of my first year high school English textbook, “Communication, Arts, and Skills through Filipino Literature” by authors Josephine B. Serrano and Milagros G. Lapid; third edition, reprinted 1996 by Phoenix Publishing House)

***


***
A detail from Gustav Klimt's Fulfillment at the Tree of Life 

These are some of the sensuous scriptural texts from the Old Testament’s Song of Solomon

“The king lies on his bed, enchanted by the fragrance of my perfume.
My beloved is a packet of myrrh lying between my bosom.”   ~The Girl~
“My beloved is a bouquet of flowers in the gardens of Engedi.
How beautiful you are, my love, how beautiful!
Your eyes are soft as doves.
What a lovely, pleasant thing you are, lying here upon the grass,
shaded by the cedar trees and firs.”  ~King Solomon~
(1:12-17)

“Who is this coming from the desert, leaning on her beloved?” ~Young Women of Jerusalem~
“ Under the apple tree where your mother gave birth to you in her travail,
there I awakened your love.” ~King Solomon~
“Seal me in your heart with permanent bethrothal, for love is as strong as death and jealousy is as cruel as hell.
Love flashes fire, the very flame of Yahweh.
Many waters can not quench the flame of love, neither can the floods drown it.
If a man tried to buy it with everything he owned, he couldn’t do it. ~The Girl~
(8:5,6,7)

            Hey, it was only lately that I learned that the Bible itself contains what scholars interpreted as ancient love poetry with subtle eroticism but it celebrated the beauty of marital union. The Song of Solomon, on the other hand, was believed by Jews and Christians since antiquity as a love poem that symbolizes the mystical union of God with Israel and later on, Christ with His Church.
            And the whole Song rich with all the simile and metaphors and other figures of speech, is actually delightful.
***
            Why did I post these beautiful poetry in the first place? Literary appreciation, that was! And it was not about solidarity in celebrating the love month. I had never been in love anyway. And if ever reincarnation is absolutely true, during the course of the transmigration of my soul, probably I had lived single-blessed, blissful lifetimes before. Probably I was a hermit or a monk, bachelor for life then. I feel that past lives have to do with the present.



Tuesday, January 31, 2017

Sunbeams




Looney Tunes' Foghorn Leghorn (courtesy of Wikipedia)
Japanese Sabungeros in ukiyo-e print by Kitao
Francisco D'Souza's Cockfighters


For the Chinese New Year: Celebrating the Rooster

Enero 1. Ang unang araw ng 2017 ay makulimlim ngunit tahimik naman at payapa sa pangkalahatan. Wala naman akong New Year’s resolution kung hindi naman ako marunong tumupad ng pangako pero meron ba akong New Year’s wish kahit pa malabo man mangyari? Yun yung matagal ko nang pangarap na makilala bilang isang fiction writer pero maraming beses naman akong nabigo. Napabuntunghininga na lamang ako sa matagal ko nang napagtanto na ang katotohanang hindi lahat ng hangarin o pangarap sa buhay ay hindi naman para sa atin. Ang mahalaga ay ang kalooban ng Panginoong Diyos ang masusunod.
            Kapag ako’y malungkot, isinasagawa ko na lamang ang aking “metaphysics sessions”- ang manood ng mga palabas at iba pang pangyayari sa aking imahinasyon upang gumaan naman ang aking pakiramdam ngunit ako’y may kapit pa rin sa katotohanan.
***
           
Enero 2. Dalawang kagila-gilalas na pelikula ang napanood ko. Nitong tanghali sa HBO, ang replay ng “Point Break” na para bang walang konkretong kwento kundi the thrill of death-defying stunts na nais ng ilang characters gawin bago mamatay o magpakamatay. Sa mga special effects lamang ang karamihan sa mga stunts kahit pa meron talagang actual stunts. At kinagabihan, habang mapagbigay pa ang SkyCable sa kanilang free showing ng ilang cable channels na wala sa aming 299-peso package of channel line-up, napadaan ako sa TCM at nagsisimula na nga nang mga oras na iyon ang unang “Ben-Hur” movie na ginawa pa noong 1929! Hindi naman ito ang unang black-and-white silent movie na napanood ko dahil sa parehong channel din ay napanood ko noon ang isang pelikula ni Charlie Chaplin; magkakaroon ba ng biopic ang iconic celebrity na ito very soon? Ang isa pang vintage film na napanood ko dito rin sa TCM ay isa nang ‘30s talkie/gangster flick, “Angels with Dirty Faces” starring another great film icon, James Cagney. Dito sa bahay, meron kaming VCD ng “Gone With the Wind”. Ang saya-saya rin naman manood ng mga lumang sine kahit pa matagal ang running time tapos hindi pa minsan maintindihan ang pag-i-English ng mga tauhan.
Going back to “Ben-hur”. Just like in typical silent movies, sunud-sunod ang sequences ng mga eksena tapos magpa-flash sa screen ang dialogue and narration. At dahil meron nang modern treatment and retouch mula nang mag-encore film showing but in the small screen, maraming eksena ang nagiging sepia ang kulay at may ilan ay sandaling nagkaroon ng technicolor effect. Whether it was the original 1929 production or the better one made in 1959 or the the recently-shown last 2016 (hindi ko lang ito napanood), napakaganda talaga ng movie adaptation na ito mula sa popular 19th century book by Lew Wallace with the title “Ben-hur: A Tale of the Christ” na ang pangunahing aral at diwa ay tungkol sa kapatawaran at pananampalataya. Tulad sa 1959 version, inabangan ko rin ang chariot race. Magnificent! And so were those swift, pretty Arabian horses.
***


Adoration of the Magi by Gentile Da Fabriano
Enero 6. Ilang Orthodox and Eastern Rite Christian Churches ang nagdiriwang ng Pasko sa araw na ito ngunit ang Epiphany or Feast of the Divine Manifestation ay sa darating pang Linggo, first Sunday after Christmas in the Gregorian calendar. Nitong mga nakalipas na panahon basta pre-Vatican II, merong tinaguriang “Feast of the Three Kings” kahit na hindi naman tuwirang isinaad sa Nativity accounts sa Gospels na mga hari ang mga dayuhang dumalaw kay Baby Jesus sa Bethlehem o kung ilan ba talaga sila; basta ang taguri sa kanila ay Magi or the Wise Men from the East. Sila ang sumasagisag sa lahat ng lahing kumikilala sa Panginoon. Ibinase na lamang sa tatlong handog nila sa Panginoon- gold (kingship), frankincense (consecrated life), and myrrh (passion, death, and resurrection). Ayon sa sinaunang tradisyon, ang mga pangalan nila ay Gasphar, Melchior, at Balthazar.
Noong panahon ng mga Espanyol, marami sa mga ninuno natin ang binibinyagan ng pangalan mula sa kalendaryo ng mga kapistahan ng mga santo kung kailan sila ipinanganak. Kaya pala ang tunay na pangalan ni Tandang Sora ay Melchora dahil January 6 ang birthday niya! At itong isa sa mga pinakakilalang nationalist sa kasaysayan kaya ipinangalan sa kanya ang pinakasikat na yatang avenue ng NCR na dating Highway 54 na bukambibig na lang araw-araw, gabi-gabi ng madla sa acronym pa lang nito, si Epifanio delos Santos na kung isasalin sa English ang pangalan kasama ang apelyido ay “Epiphany of the Saints” na sa totoo lang ay tila ganoon nga noong 1986 EDSA People Power Revolution.
***
Enero 9. The Traslacion 2017 of the Feast of the Black Nazarene. Awa ng Panginoon, sa pangkalahatan ay mapayapa naman ang tagpo sa prusisyon na mala-mega mosh pit. Hindi nagkatotoo ang “intelligence reports” daw ng Duterte administration tungkol umano sa terrorist plot ngunit mas mabuti na nga ang ganito para lalo pang pag-igtingin ng pulisya at militar ang pagbabantay sa sambayanan. Higit pa ring makapangyarihan ang pananalig sa Diyos kaysa takot at pangambang dulot ng mga taong walang magawang matino kundi ang manggulo. Hanggang sa susunod na pista!
***

The Shrine (courtesy of Philippine Daily Inquirer) 

Enero 14. Kainaman ang buong araw na pag-uulap ng langit at natuloy na nga ang matagal ko nang nais na mag-visita iglesia kahit na hindi naman ako relihiyoso. Noon ko pa gustong makarating sa National Shrine of the Sacred Heart sa Makati City kaya nga inaral ko pa kung paano makarating doon sa pamamagitan ng road map ng lumang PLDT Yellow Pages at sa Internet. Hindi ko talaga alam ang pasikut-sikot sa Makati kaya nga nang nakarating ako doon sa bahagi ng Chino Roces Avenue pagbaba pa lang mula sa dyip na may signboard na “PRC”, inisip ko kung saang lupalop na ba ng mundo ako naroroon. Basta, mahalaga ay matunton ang kalsada ng Kamagong tapos Guijo hanggang Sacred Heart Street. Kung di lang sa mangilang-ngilang dumaraang sasakyan, ang tahi-tahimik pala ng lugar na yun na parang walang mga tao.
Pagdating ko sa Shrine na katamtaman pala ang laki pero ang cute-cute naman, kasalukuyang may kasalang nagaganap. Mayayaman siguro. Pumunta na lang ako sa isang sulok para magdasal ng aking pasasalamat. Kung di lang may seremonya, gusto ko sanang mag-usyoso pa. Hanggang doon lang ako sa may garden na malapit sa mga vault ng columbarium. Ang simbahang ito ay may simpleng kagandahan ngunit mapayapa sa pakiramdam. Sa church courtyard, meron isang prominenteng halaman na isang uri ng baging na may mga hugis-pusong dahon at naglalakihan ang mga bulaklak na puti na parang bouquet of lilies. Gusto ko sana pumitas kaya lang baka ako masita. Wala nga akong mapagtanungan kung ano ang tawag sa halamang yun pero talagang kaakit-akit pagmasdan. Katulad sa nauna ko nang dinayo noong Nobyembre, ang National Shrine of the Divine Mercy sa Mandaluyong (please refer to “Ubiquitous Sparrows” November 2016 blog post), nag-iwan ako ng plantlets ng kataka-taka sa isa mga plant boxes dito. Sana, balang araw, makapunta uli ako dito.
***
Enero 16. Parehong petsa noong nakaraang taon nang bumili ako ng isang sexy adult magazine mula sa magazine stand ng Ace Hardware sa SM MOA, yung kay Maria Ozawa; please refer to the January 2016 blog post “Planetary Alignment”. At ngayong 2017, bukod sa “Feng Shui” magazine from Rising Star, out of 7-11 magazine stand was my very first ever FHM from Summit Media. At si Kim Domingo pa ang nasa cover; gandang-ganda ako sa kanya lalo na nang napanood ko siya sa “JuanHappyLoveStory” sa channel 7 kahit kontrabida siya doon. Man, she’s so sultry hot... pero bakit dalawa sa mga seductive photoshoot niya na nakahiga siya sa kama, naging kamukha siya ni Toni Gonzaga? Ang impression tuloy, parang illusion na ang isang wholesome TV host actress ay napapayag na sa wakas na mag-pose nang daring masyado para sa isang men’s magazine, hehe! Habang paulit-ulit kong pinagmamasdan ang mga litrato di lang ang kay Miss Kim kundi sa iba pang tsiks, batid ko na ang damdamin ng isang lalaking halos laglag na ang panga sa pagtitig. At lagi kong dala sa bag ko ang magasing ito para pampa-good vibes kahit papaano ang maya’t mayang pagsulyap ko sa cover pa naman nito. Oh, come on! This ain’t no lesbian feeling, believe me. No girl crush. Never! Yung iba ngang tibo parang malala pa sa tunay na lalake, hehehe! Seriously, it’s just plain admiration. I love this FHM edition though it’s more intended for the alpha male yuppies.  Nakakaaliw kasing basahin ang ilan sa mga features nito na merong dash of moderate humor with all those cool illustrations.

***
Enero 30. Mula pa nitong umaga ay masaya na ang mood na nararamdaman. Yung bang katulad noong May 1994 nang kasama ako sa mga sumubaybay sa live telecast from PICC ng Miss Universe ng panahong iyon. At ngayong 2017, nagbabalik na naman ang Ms. U fever sa Pilipinas at nagkaroon ng united coverage nito from the SM MOA Arena ang malalaking TV networks. The program presentation was brilliantly done. Hindi nga lang pinalad si Miss Philippines Maxine Medina; ayoko nang ungkatin pa ang noisy fuss over that Q & A portion. Anyways, the farewell, queenly walk by the Miss U 2015, our very own Pia Wurtzbach, was breathtaking indeed. Pagkatapos ng final Q & A, hayun na ang anunsyo ng mga nagwagi. Ms. Colombia... and then nagkaalaman na between Ms. Haiti and Ms. France. And the French belle got it.
Gusto pa naman namin si Ms. Haiti. And also Ms. Kenya and the curvy Ms. Canada (it’s just that she’s athletic). Bukod sa mismong pageant, other VIPs made that much awaited encore. The reunion of two former Ms. U- Dayanara Torres and Sushmita Sen, both made it to the hearts of the Filipinos then and still to the present. And finally, the host himself who will still gain more popularity, Steve Harvey. Filipinos probably love him more.
By the way, sa ibang dako naman, bago pa man ginanap ang Miss Universe, nariyan ang mga kontra! Ang mga nagpoprotestang “left-leaning” activists na nakikibaka for women’s rights daw at naglalayong baguhin naman ang “beauty pageant/ showbusiness mentality” ng madla. Siguro, ang mga militanteng aktibistang iyon ay may kani-kaniyang idea of a “beauty queen”. Siguro, yung tipong agresibo sa mga kilos-protesta, merong anti-US imperialism sentiments, nakataas lagi ang nakasarang kamao at nagsusumigaw ng “makibaka, huwag matakot” sabay higa sa kalsada kasama ang iba pang nagrarali habang nagsusunog ng mga effigy ng sa palagay nila ay kalaban ng sambayanan. Oh, come on! Araw-araw, gabi-gabi, umay na umay na ang sambayanan sa mga negatibong balitang nakakasira ng mood at iba pang basag-trip, o! People need inspiration, not in ogling at the dazzling beauty of the united nations, but on the warmth and sweetness of those women’s smiles and the dreams and aspirations reflected in their eyes.
Till next Miss U!
***
Gallery of Satires





Saturday, December 31, 2016

Smiles of the Northeast Monsoon Breeze


Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon!




The Sleeping Saint Joseph on a Christmas card

            I happily received these wonderful presents from Caritas Manila days before Christmas. Pope Francis also popularized the devotion to Mama Mary’s husband and Jesus’ foster father. St. Joseph’s slumber was believed to be a symbolic meditation which finally arrived at the realization about God’s will and plan for our lives.

***

            Ika-3 ng Disyembre. Advent season na ngunit sa araw na ito, ako ay nakapa-visita iglesia sa apat na simbahan sa Maynila. Hindi man ako ganoong ka-relihiyoso, nais ko magtungo sa isang pilgrimage na meron pang cultural and historical tour. Pagbaba ko mula LRT-Carriedo, ang una sa aking itinerary ay ang simbahan ng Sta. Cruz. Sampung taon na pala ang nakalipas mula nang huli akong nagtungo dito nang ako ay pumupunta noon sa Ongpin, Binondo upang kumonsulta sa isang mahusay na Tsinoy doctor. Ang simbahan ay nanatiling hindi nagbabago. Naroon pa rin ang malawak na myural sa may altar area lalo na yung painting ng isang tupa na napagkamalan ko pa namang alien noon; nakatingala pala yung tupa, ang simbolo ng pagiging Lamb of God ni Jesus. Maraming tao ang nasa simbahan nang ako ay nakarating doon. Mga nananalangin. May mga natutulog. May mga nagpapalipas lamang ng oras mula sa alinsangan sa labas.

            Sunod ko namang nilakad ay ang magulo at masikip na Carriedo na para bang ako’y sumuong sa obstacle course makarating lang sa simbahan ng Quiapo. May mga nadaanan pa akong kiosks ng mga ‘wishing candles’ na nakapaligid kay San Juan Bautista, the prominent saint of this Advent season. Hmmm, wala namang masamang magsindi ng kandilang iba’t ibang kulay. Bumili ako ng tiglimang pisong kandila, sinindihan, at itinirik doon sa parang parilyang ihawan. Hindi naman ako seryoso sa ganitong matagal nang paniniwala pero ang kulay ng kandilang binili ko ay pink. For love and health daw. Okey naman sa akin ang maging single-blessed basta ako’y mananatiling in the pink of health!

            At tumuloy na ako sa loob ng Quiapo Church. Kaya pala tuluy-tuloy ang hangin sa loob dahil sa mga ga-higanteng mga ceiling fan na mas malaki pa sa mga elesi ng helicopter o ng eroplano. As usual, punung-puno ng tao sa loob ng simbahan. Paglabas ko sa main entrance, nakapaskil sa bulletin board doon ang mga pro-life posters. Sa Disyembre 8, bukod sa Feast of the Immaculate Conception (at tuwing sumasapit ang araw na ito ay tahimik ko ring ginugunita ang anibersaryo ng aking teaching career sa aking mahal na paaralan), Feast of Our Lady of Guadalupe rin at sa Disyembre 28, the Feast of the Holy Innocents. Ang mga litrato ay merong graphic images ng aborted fetuses. Nakakatakot man tingnan ngunit iyun ay katotohanang nagaganap sa maraming lugar sa mundo na walang pagkilala sa unborn babies bilang mayroon nang buhay. Sa mga balita noon, pati mga simbahan ay ginagawa ring lugar na pinag-iiwanan ng mga ipinalaglag na sanggol. Kamakailan lamang, nagpahayag si Pope Francis na ang mga pari, hindi lang ang mga obispo, ay maaari nang duminig ng kumpisal ng mga babaeng ipina-abort ang ipinagbubuntis. Ang mga kababaihang iyon at pati mga aborsyonista ay may karapatan din humingi ng kapatawaran mula sa Diyos basta iwaksi na nila at pagsisihan ang kanilang ginawa.

            Paglabas ko sa Plaza Miranda, tumawid ako sa Lacson Underpass patungong Echague kung saan may mga dyip na biyaheng San Miguel, sa Malacañang Complex mismo. Sunod kong tinungo ang National Shrine of St. Jude Thaddeus. Siyempre habang papunta doon, na-enjoy ko muna ang paglalakad sa Arlegui, sa labas ng Laperal Mansion hanggang J.P.Laurel tapos tawid sa Ycaza. Maraming beses na rin akong nagtungo sa St. Jude. Ilang beses ko na rin ngang nababanggit dito sa blogs na sa tuwing sasapit ang yearly Dugong Bombo, ako ay nagri-recite ng aking St. Jude’s Novena. At nitong huling blood donation event, naging qualified uli ako!

            Mula St. Jude, nilakad ko naman ang patungong National Shrine of St. Michael and the Archangels. Buti at hindi gaanong mainit at nakatuwaan ko rin ang maglakad sa Laurel lalo na sa labas ng mga gate ng administrative buildings ng Malakanyang. Napakatahimik na lugar itong San Miguel, lalo na sa mismong Palasyo. Eh, hindi naman naglalagi dito si Duterte. Doon siya madalas sa Davao City lalo na sa weekends. Habang patungo ako sa St. Michael, nadaanan ko pa ang Freedom Park kahit na hindi na ako nag-stopover doon. Maraming kabataang nakatambay. Sa mga taong iyon na regular na nakatambay at namamasyal sa naturang parke, sino sa kanila ang mga may tunay na malasakit upang magtulung-tulong na i-rehabilitate ang lugar? Na sana’y mas malinis na ito at burado na ang mga wala namang kwentang bandalismong ginawa nila sa monumento ng kalapati ng kalayaan?

            Tanghaling-tapat na nang nakarating ako sa St. Michael tapos wala nang ibang tao sa loob nang mga oras na iyon. Hindi naman nakakatakot kahit mag-isa lang ako dahil payapa ang buong lugar at kung may mga ispirito, silay ay kaaya-aya at payapa katulad ng shrine na ito lalo pa’t si St. Michael ang isinugong arkanghel na lumupig sa diyablo. Tulad sa ibang simbahan, meron itong columbarium at ossuary sa loob at mas marami pang vault sa labas na malapit sa Marian grotto and gardens. Doon ako umupo sa pew na malapit sa malaking Sleeping St. Joseph. Pagkatapos magdasal ay nagpahinga muna ako sandali. Napagod din ako lalo pa’t nagko-commute lang ako tapos ang baho ko na, hehehe! Subalit sa Advent visita iglesia na ito, maraming salamat sa Panginoon, nakadama ako ng naiibang gaan ng kalooban at tunay na kaligayahan.

            Paglabas sa shrine, mabilis lang ang makasakay ng dyip na pabalik sa Quiapo. Nananghalian pa ako sa Greenwich. Nakakagutom din ang paglalakbay sa puso ng Maynila,o! Lumamon na ako carbonara at cheesy bread sticks with Sprite. Sayang at ang Goldilocks na palagi ko rin dinarayo noon at kabilang sa mga matagal nang may pwesto sa Carriedo ay tuluyan nang nagsara kahit na marami namang customers. Paano, garapal ba naman sa pagdami ang mga illegal sidewalk vendors. Natabunan na nga noon ang Goldilocks na tanging ang signboard na lang nito sa second floor ang natatanaw, lalo pang nakubli ito dahil sa matindi nang pagsisikip sa Carriedo. Hindi ako bumibili sa mga bangketa ng Quiapo sa totoo lang. Karamihan sa mga materyal na panindang nakabalandra sa daanan ay mga schlocks. Ang nabili ko lamang ay mga kiwi (paborito ko sa lahat ng imported na prutas) sa fresh fruit stands sa labas ng SM Clearance.

            Naglakad-lakad muli ako sa mas maluluwag na kalsada ng Quiapo at mainam ang pag-uulap ng langit pero hindi naman umulan. Makapal na ang dami ng mga kostumer sa tindahan ng Excellente Ham. Marami nang namimili ng panregalo at iba pa para sa nalalapit na Pasko. Malapit nang matapos ang Quinta megamarket at masiglang-masigla pa rin ang kalakaran sa mga palengke at tiyangge patungong Plaza Miranda. Gusto ko sanang bumili ng Cordillera native backpack sa isa sa mga nadaanan kong tindahan ng handicrafts ngunit kulang ang budget ko; siguro sa susunod na lang.

            Bumalik uli ako sa Plaza Miranda. Tipikal nang katangian ng liwasang ito ang di-mabilang na taong dumaraan at ang ‘rally’ ng sangkaterbang nakaparadang sasakyan sa gilid ng Quezon Boulevard. Simula na ng mga panghapong Misa sa simbahan at puno na ito ng mga tao.

            Ah, apat na taon na pala ang lumipas mula nang huli kong cartomancy session; pakitunghayan ang “Fresh Scent of Rain-Drenched Soil and Lush Plants”- August 2012 blog post. Hindi ko na namataan sa paligid yung mama na iyon. Ang Quiapo ay pook pa rin ng syncretism! Naging trip ko uli ang cartomancy at para sa akin ay wala namang kademonyuhan dito; yung mga solascripturan puritanical prigs na literal na literal lang kung umintindi ng Bibliya ang nagsasabi ng ganoon! Ang nilapitan ko ay yung ale na may pwesto malapit sa entrance ng Lacson Underpass. Napili ko uli ang tarot deck. Napansin ko sa mga baraha na ang mga ito’y lukut-lukot na at ang ilang piraso ay tila nangatngat pa ng bubuwit ang dulo nito; malamang sa hindi na mabilang na kumonsulta sa ale sa loob ng maraming taon, ano? Bago balasahin ang mga baraha at pinapili ako ng pito, sabi ng ale ay magdasal muna ako ng “Ama Namin” nang buong taimtim.     

            Sa totoo lang, hindi lamang ang mga sasabihin ng aleng tagabasa ng kapalaran ang inoobserbahan ko kundi pati siya mismo. I am always fascinated with fortune tellers whether they are gifted with extrasensory perception or  are they just plain bluffing in interpreting the configuration and influences of the cards with one another. Kaya nga pagkatapos ng cartomancy, pumasok muli ako sa simbahan at kasama na ang ale sa mga panalangin ko. At para sa akin, ang interpretation sa symbolism of tarot cards ay nagtataglay rin ng psychological depth. At saka, lalo rin akong naintriga sa tarot cards noon pa dahil sa sinubaybayan kong mid-‘90s animé na “The Vision of Escaflowne”. Ang ganda kaya ng kwento ng isang yun!


(My very own Major Arcana tarot cards-

sigh, I don’t even know how to use it either for cartomancy

or the ancient card game of trumps)

            Heto ang ilan sa mga sinabi niya: ako ay masyado raw emosyunal. Yeah, tama. There were times when I was down with depression. Inaamin ko ang aking pagiging emotionally-vulnerable, gullible, weak. Pero, cliché man, eh sa tao lamang ako na humahantong sa mga pagkakataong iginugupo ng damdamin kapag bumababa na ang tingin ko sa aking sarili dulot ng mga tagpo o sitwasyong hindi maiwasan. Subalit maraming salamat sa Panginoon, mabilis naman ang aking emotional recovery. Dapat akong maging matatag. Ipinanganak ako under the Aries zodiac sign, element is fire and compatible with the feng shui Pig with the element of water at kabilang sa katangian nito ay ang pagiging matatag!

            At napunta sa lovelife. Hindi na ako interesado tungkol doon sa totoo lang. Gusto ko sanang tumawa sa pinagsasabi ng ale- darating din ang taong yun... I was so disgusted at what I heard! Matagal na akong single-blessed at marami akong kamag-anak from both side of the family na mga single and happy. Kinakantiyawan na lang ako lagi tungkol sa lovelife; bakit walang nanliligaw sa akin? Ah, punyemas! Alam ko ang background ng karamihan sa mga lalaking iyan! Tinitimbang nila ang kapwa nila sa panlabas na itsura at hindi sa tunay na pagkatao; the outside looks and image means everything to them! Eh, sa tumatanggi akong magpamake-over, ano? Hindi ako sophisticated; nagpapatuloy ako sa kinagisnan kong Spartan lifestyle. Hindi ako mukhang presentable. Isa akong eyesore at hindi nga naman ako mukhang tao sa paningin ng iba... at wala akong pakialam basta wala akong inaagrabyado at mas lalo walang masamang ginagawa! Ganito na ako, isang weirdo! Pagkatapos, may inalok siyang naka-sachet na pulbos. Miracle powder daw yun para maitaboy ang malas sa lovelife. Hindi ako bumili. Baka mamaya kung ano ang sangkap ng isang yun at paano kung gayuma yun tapos ang mabighani ko pa ay taong ayaw ko? Higit ko pang pipiliin ang maging happy spinster kaysa ang maging miserable sa isang miserable ring relasyon. Ah, magpakapusong-lalaki na single-blessed na lang ako. Basta, isang seryosong taboo na halos anathema para sa akin ang lesbian attraction and relations.

            The scope on career. Okey naman daw ako. Steady job. At ang sinabing ito nung ale ang medyo nagpa-disturb sa akin kahit papaano. Sa trabaho, meron daw akong kasamahan na naiinggit daw sa akin at sinisiraan ako. Naku, ha! Ni hindi ko nga nararamdaman ang bad vibes na iyon sa workplace, ano? Isa lamang akong average employee. O, kung totoo man ang tungkol sa co-worker na nakita sa baraha, ayoko nang maghinanakit o magburo ng sama ng loob. Tutularan ko na lamang ang memorable quote mula sa character na Lester Burnham na ginampanan ni Kevin Spacey sa isa sa mga all-time favorite movies ko, ang “American Beauty”- “...it’s hard to get mad when there’s a lot of beauty in the world.” Isang walang hanggang pasasalamat na ako’y may trabaho. Hindi lang trabaho, kundi career bilang guro (kahit na hindi naman ako mukhang guro lalo na kapag wala ako sa aming paaralan!). Tumatanggap ako ng sweldo mula sa gobyerno. Tungkulin ko ang pagtuturo at pumapasok ako sa VABES para doon sa mga mag-aaral at nakakatagpo ako ng kasiyahan sa pagbabahagi ng kaalaman at ang makasalamuha sila. 

            At heto pa. Ayon sa mga baraha, sa aking workplace, meron daw akong ‘guardian angel’ na nagbabantay sa akin habang ako’y nagtuturo. What? Ang tagapagbantay na iyon na animo supervisor sa klase ay isa kayang namayapang titser? O, isang pumanaw na estudyante? Marahil ay isa sa mga palakaibigang kaluluwa sa school namin? Isang guardian angel na masaya! At naalala ko yung unang beses nang ako’y nagpa-tarot reading. Meron daw akong itim na duwende na maaaring malas sa akin o natutuwa lang sa akin. Makalipas ng ilang taon, napagnilayan ko na na ang itim na duwendeng binanggit sa akin noon ay hindi isang supernatural creature kundi the symbol of the negative side of my own self! Ang aking mga negativities- kakulangan ko sa sikap at tiyaga sa buhay, pagiging bugnutin ko at magagalitin sa ilang pagkakataon, ang hindi ko pagtapos sa aking mga nasimulan, basta, anumang negativity kaya hindi ako umaasenso sa buhay.

            May mga magaganda rin namang sinabi ang ale at alam kong hindi yun pambobola. Ginagampanan ko nang maayos ang trabaho ko, masaya ako sa aming bahay, mainam ang aking kalusugan, at mayroon akong peace of mind. Maraming salamat sa Panginoon. Peace of mind... I love that. Kaya nga, sa araw na ito, apat na simbahan sa Maynila ang aking binisita at pinag-alayan ko ng panalangin ang mga taong nakasabay ko rin doon kahit na hindi ko kilala ni isa sa kanila. Pero hindi nawawala sa bawat cartomancy with palmistry session ang prediksyong ako’y makakapag-abroad daw. Hmmm, sana nga... kung meron akong malaking budget upang sumama sa pilgrimages at mamasyal sa ibang bansa at hindi ang magtrabaho doon. Matagal ko nang binura ang pangarap ko sana noon na maging OFW. At kabilang sa mga huling pahayag mula sa mga baraha at guhit ng palad- sa susunod na taon daw ay magkaka-“pangalan” na raw ako. Saan larangan? Sa pagiging fiction writer ba? May pag-asa pa ba ako doon? Ay, caramba!

            Ang araw na ito ay may kahabaan ngunit ako’y umuwi nang masayang-masaya.

           

Wednesday, November 30, 2016

Ubiquitous Sparrows


The Shrine of the Divine Mercy (courtesy of Wikimedia.com/RamonFVelasquez)

            Ika-5 ng Nobyembre. Hindi man ako ganoong ka-relihiyoso subalit sa wakas ay nakarating na ako sa Shrine of the Divine Mercy sa Maysilo Circle, Mandaluyong City. Una ko nang narinig ang tungkol doon noon pa nang pinaplano pa lamang ito. Mangyari kasi noong ‘90s, kapag pang-umaga ako sa VABES, eh di nakakapanood ako ng mga panghapong programa sa TV at may mga sinusubaybayan pa akong mga palabas tulad ng ilang drama pati “Ang TV”  sa ABS-CBN na mula noon hanggang ngayon ay nagpapatuloy sila sa pag-televise ng “3 o’Clock Habit” at talagang 3:00 pm sharp, isang minutong nakalaan sa nabanggit na debosyon. Pagkatapos ng maikling panalangin, naroon ang anunsyo ng tungkol sa pagpapatayo ng Shrine sa Mandaluyong at humihingi ang pamunuan nito ng mga donasyon. At sa loob din ng Dekada ’90, naipatayo na ito at naipa-consecrate bilang Shrine na dinarayo ng napakaraming deboto anumang araw sa buong taon kaya nga kabilang ito sa mga pilgrim churches.    

Nang ako’y nakarating sa bahaging iyon ng Mandaluyong pagbaba mula sa MRT-Boni Station, kailangang magtanung-tanong at hindi ko kabisado ang lungsod kahit na pinag-aralan ko ang mapa nito. Sumakay pa ako sa dyip sa may Robinson’s Pioneer papuntang Maysilo at pagdating doon, naligaw pa ako dahil lampas na ako sa aking destinasyon kaya tuloy nakapaglakad ako nang malayu-layo at buti na lang mapuno sa daanan lalo na sa paligid ng Mandaluyong City Hall with its signature blue paint. Pagdating sa Shrine na napakarami nang tao ang dumayo dito, napansin kong elevated pala ang kinalalagyan nito na parang mababang burol at halos pyramidal o  ang istruktura at semi-circle ang interior ng simbahan. At bago ako pumanhik doon, may nadaanan pa akong plant box sa may hagdan kaya itinanim ko muna dito ang mga dala kong plantlets ng kataka-taka, ang aking horticultural donation sa simbahan. Sana, sa muli kong pagbabalik dito, ang mga itinanim kong iyon ay nagsipaglago na.

Malapit na ngang mag-alas tres ng hapon noon kaya “3 o’Clock Habit” na at iyon ay sinundan ng recitation ng “Chaplet of the Divine Mercy”. Naglibot pa ako sa Shrine at may nakalagak pa doon na isang relic ni St. Faustina. Maraming salamat sa Panginoong Diyos dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-visita iglesia doon at masaya at magaan ang aking pakiramdam pa-uwi ko. Amen. (related blog post at “Easterly Winds” March 2016)

***

Ika-9 ng Nobyembre. Sa katatapos pa lang na US Elections, nanalo si Donald Trump laban kay Hillary Clinton thus the victory of the Republicans over the Democrats.

Ano naman ang masasabi ko? Hmmm, whatever. America is on the other side of the planet anyway.

***

Ika-10 ng Nobyembre. Habang nasa school pa ako, pasado alas tres ng hapon ay biglang lumindol. At kahit ilang segundo lang ito, nagdulot na ng takot at pangamba sa lahat lalo pa’t buhat pa noon ay nagbigay na ng babala ang PHIVOLCS tungkol sa ibayong pag-iingat sakaling magparamdam na ang West Valley Fault Line; hay, kaawaan nawa tayo ng Panginoon! Agad na sinuspindi ang mga panghapong klase bilang pag-iingat.

Habang ako’y naglalakad pauwi, tahimik kong ni-recite ang “Psalm 91” at pagkatapos ay nagmuni-muni. Nakatatakot talaga ang lindol. Sa mga kalamidad sa mundo, ito lang ang hindi maaaring ma-predict ng tao. Sinasabing ang lindol ay ubod ng sinaunang kalamidad. Bagong likha pa lang ang Mundo at iba pang planeta, pinaniniwalaang nagaganap na ito basta mayroong surface o kalupaan. Mapaminsala at labis mang kinatatakutan ang lindol, sinasabing ang mga kontinente at iba pang anyong-lupa ay nabuo dahil sa pagpapayanig nito sa crust at dahil din sa walang hanggang pag-ikot ng Mundo sa axis nito. At nang nakauwi na ako, inabangan ko sa balita ang tungkol sa naganap na lindol. Ang epicenter daw ay doon pa sa General Nakar, Quezon ngunit ang intensity nito ay naramdaman pa pababa sa Metro Manila at Southern Luzon. At dahil ang VABES at ang katabing PCSHS ay malapit na malapit na sa boundary ng Makati at Taguig, naramdaman ang Intensity III na pagyanig. Pero pagdating naman sa mismong Villamor Air Base at iba pang bahagi ng Pasay, wala naman daw naramdamang pag-uga ng lupa ang mga tagarito! Hindi man mapaminsala ang lindol na iyon, maraming maraming salamat sa awa ng Panginoong Diyos. Amen.

***

Ika-12 ng Nobyembre. Idinaos muli ang taunang Dugong Bombo 2016 ng Bombo Radyo Network at 102.7 StarFM at ngayong taon, nagbabalik na sila sa suki nilang venue, ang SM City Manila. Masayang-masaya ako sa araw na ito at ang maging qualified blood donor uli ngayong taon ay isa nang napakalaking blessing at ang kawanggawang ito ay dedicated at labis ko nang ipinagpapasalamat sa Panginoon.

Ramdam ko rin ang inspirasyon mula sa nobena ni St. Jude Thaddeus.

***

Ika-13 ng Nobyembre. Ang huling feature story ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa channel 7 ay itong viral online video mula National Geographic Channel tungkol sa isang na-obserbahang animal behavior sa isang penguin colony. Mangyari, ang mga penguins, tulad ng mga albatrosses, flamingos, swans, geese, and cranes, ay mga monogamous for life tulad sa tao (pwera lang sa mga babaero at lalakero!). Pero may isang peculiar penguin couple ang naging madrama at napatunayan sa kanilang sarili na walang forever. Ang lalaki ay nagpunta muna sa karagatan upang manghuli ng isda kaya lang pagbalik niya, nadatnan na lang niya ang kanyang asawa na meron nang kalaguyo at sa mismong pugad pa nila na-caught in the act niya ang mga ito. Eh, di nagsabong ang dalawang lalaking penguin habang pinanonood lang sila ng babaeng pinag-aagawan nila. Maya-maya’y naantala ang sabong nang humuni ang legal husband ng “mating call” na animo pinapipili ang asawa niya kung sino sa kanilang dalawa. Subalit ang babae ay pinili pa ang kalaguyo at ang heartbroken na legal husband ay lalong nagwala sa galit. Naging madugo ang sagupaan nila ng kalaguyo ngunit ano pa man ang gawin niya ang ito pa rin ang pinili ng asawa niya.

Madramang buhay-hayop.

***

Ika-24 ng Nobyembre. Sa araw na ito, siguro karamihan sa madla ay sinimulan ang araw sa panonood ng televised hearing mula Kongreso kung saan iniharap sa interogasyon ang dating driver-bodyguard at nakarelasyon pa noon ni Senadora Leila De Lima na si Ronnie Dayan. At ang mamang ito, noong kamakalawa lang ay “nadakip” daw sa Bacnotan, La Union matapos ng matagal na pagtatago. Ang dapat sanang paglilitis tungkol sa alleged involvement sa bentahan ng droga sa Bilibid ay napunta naman sa pag-uusisa at pag-uungkat ng mga d.o.m. sa Kongreso tungkol sa lovestory ni De Lima at Dayan. Kung ano man ang love affair na nila noon ay wala na tayo doon, mga d.o.m.! At itong mga d.o.m., let’s say the acronym stands for ‘defenders of mankind’ na kung makapagsalita ay akala mo na kung sino nang malilinis upang pumukol ng unang bato.

And the aftermath. Tsismis dito, tsismis doon. Diskusyon dito, diskusyon doon. Ang lalong panghuhusga sa pagkatao sa kapwa-tao dulot ng mga emosyong naudyokan at bugso ng damdamin. I am neither a fan of Digong nor De Lima. Minsan ay nagninilay ako. Ano ba ang impact of this gender issue? Na di bale na kung ang lalake ang mambabae at lalake naman sila? At kapag ang babae naman ang nagkasala at nadiin sa kahihiyan dulot ng ilang desisyon niya sa buhay niya, higit na mabigat ang sasapitin niyang humiliation kaysa sa lalaking nagkasala.

“Blessed are you, when people insult you and persecute you and speak all kinds of evil against you because you are My followers. ~Matthew 5:11~

Hindi ako nakikisawsaw sa mga mapanghusgang huntahan. Kung totoo man o hindi ang mga bintang, higit dapat mangibabaw ang pang-unawa; compassion instead of pity. True justice, not revenge and selfish motives.  

***

Ika-30 ng Nobyembre. Sa mismong araw ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, pinarangalan sa Bantayog ng mga Bayani ang 19 na tao na nakilala sa kanilang pakikibaka noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Marcos lalo na sa panahon ng Martial Law. Merong mga kabataang estudyante, aktibista, mamamahayag, iba’t ibang propesyon nila kabilang ang galing simbahan. At kabilang sa kanila ang isang local hero mula Tigbauan, Iloilo na si Fr. Jose Tangente () na maikli man ang naging buhay ngunit ito’y naging makabuluhan. Kaunti lamang ang nasagap naming impormasyon tungkol sa kaniya kung sumali ba talaga siya sa kilusang rebelde o isa lamang siya simpleng aktibistang pari noong Marcos regime na di lang sa loob ng simbahan naglalagi kundi nakikiisa sa hinaing ng mga marginalized sectors in the rural communities na kanya ring pinaglingkuran.

Noong ‘60s, ‘70s, at ‘80s, kasabay ng paghahari-harian ng mga diktador sa maraming Third World countries at kasama doon ang Pilipinas, lumaganap ang ideolohiyang “liberation theology” sa mga kaparian ng Latin American nations lalo na dahil sa ginanap na Second Vatican Council. Maganda ang layunin lalo pa’t ito ay patungkol sa tunay na pagmamalasakit sa mga mahihirap bilang tunay na magpapalaya sa sambayanan mula sa pagpasan sa kahirapan ngunit ito raw ay left-leaning with tendencies on socialism if not communism (like Marxism purged of atheist policies). At malamang, ang impluwensya nito ay umabot hanggang Pilipinas kaya siguro maraming pari at madre noon ang hindi na nakatiis sa pagmamalabis ng Batas Militar at ang di-mabubuting epekto nito kaya sila ay lumabas at na-involve sa maraming social causes and activism kahit pa paghinalaang NPA sympathizers sila tapos ang ilan sa kanila ay tuluyan na ngang naging rebelde kahit pa marami sa kanila ay napabilang din sa libu-libong tao na pinahirapan at sa mga desaparecidos. Well, masasabi ngang ang mga kaso ng paglabag sa karapatang-pantao noong panahon ni Marcos ay siya ring nagtulak sa maraming tao lumayo ang loob sa kanya at lalo pang nakibaka laban sa kanyang rehimen.

Demokrasya, mahal naming demokrasya...  

***

THE GRAND SUPERMOON OF THIS NOVEMBER






Picking the supermoon from the night sky