This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Friday, September 24, 2010

Fakesbukbok, Fecesbook, Fartville


            Join us, visit us, check out our photos on fb...add niyo po ako sa Farmville, laro tayo ng mafia wars o ng online poker... Excuse me for being biased. I have enough of fb already so I went to Twitter even though a lot of tweets from all over the world for Twitfolks to follow are not worthy to be followed and so I got this mantra since I signed up there that you may or may not follow (my tweets), I just want to tweet and then people had followed and then clicked “unfollow”... paluin niyo na lang ang tumbong niyo, nyehehehe!
            Bakit naglipana ang social networking sites? Socialization? Means of expression? Kibitzer’s paradise? Usiseros y usiseras na walang magawa. Ibuyangyang ang mga photos and videos including that of intimacy and sensuality for you to salivate. Researches on former friends’ progress, keeping in touch... plastikan. Alam ko na ang pambansang sns ngayon ay ang Facebook at kahit mga media people ay explicitly ineendorso ito. Sikat na sikat sa buong mundo... at niratrat ko naman ang account ko dito. Sunud-sunod naman ang nag-add sa akin doon kahit na hindi ko naman personal na kilala, eh. Tapos pulos app invitation. Habang hibang na hibang ang madla sa site na iyon, ewan ko nga ba, I felt this emptiness noong active pa ako doon. Void. Null.
ONE OF THE ONLY TWO UPLOADED PHOTOS IN MY (DEFUNCT)FACEBOOK PAGE

            Hindi na rin naman ako active sa Friendster ngunit tila nakapanghihinayang na ikansela ko ang account ko dito. Mawawala ang mga pina-upload kong photos (mostly my artworks at mga galing sa Wikipedia), ang listahan ng ‘friends’ ko, ang nai-post kong mini-blogs (nasa comments section; pulos ako lang ang nagpu-post doon at para talagang maiikling blogs na mas mahaba lamang sa Twitter tweets) at lalo na ang aking blogsite (great channel of freedom of expression) na hindi ko naman pinagkatiwala sa Facebook. Bloody job in saving all these in my USB. Mula noong nag-sign up ako doon, ni isa sa mga apps or games doon ay hindi ko pa kailanman nagamit. Yun bang ang habol ko ay simpleng pag-usyoso at kumustahan sa mga taong minsan ay nakapalagayang-loob ko. Nahanap ko pa ang mga kaklase ko noong elementarya! Nang dahil nga dito ay nalaman ko na may mga tao rin, mga babae at lalaki, na ayaw na pala akong makita muli, hehehe! Okey lang. Bilang isang multo mula sa nakaraan, hindi na dapat ako gumagambala... paumanhin, mga naging kaklase ko sa St. Paul/St. Mary at AIMS. Ngunit higit na nakararami ang mga taong tunay ngang ‘friends’.
            At na-realize ko... iba pa rin kapag personal nating nakadaupang-palad ang ating mga kaibigan. Sa totoo lang, madalas ko pa ngang mas preferred ang snail mail or yung hinahatid sa mga bahay-bahay nung mamang kartero kaysa e-mail or online chatting (di ko rin kailanman nasubukan ‘to). Yung liham na sulat-kamay talaga ng taong nagpadala. Isang personal, friendly letter at may DNA and RNA traces pa, a symbolic bond of friendship and diplomacy the old-fashioned but lasting way.
(this site is the extension of http://weirdjtt.blog.friendster.com)
“Putok-butsi: Much Ado About Something”
            “Teves, birthday ko ngayon! Di mo ba ako babatiin?” (February 8, 2005/ Asian Institute of Maritime Studies; before the Finance 423/Tariff 424 classes)
Eh, ano naman ngayon kung bertdey mo? Nasa dulo na sana ng dila ko ang mga dapat na ingangakngak kong ito lalo pa’t naalala ko naman ang mga panahon na iyon na madalas mam-bad trip ang kaklase kong ito hindi lang sa akin kundi pati sa iba pa. Gustung-gusto ko na sana mambara. Ngunit...
“Hapi bertdey!” wika ko na nakangiti sabay pakikipagkamay sa kanya bilang lubos na pagbati at pagkatapos nakarinig ako ng pagbubunyi at aking nadama ang kagaanan ng kalooban. Yun na ang huling semestre ng huling taon ko sa kolehiyo at lalo kong napagtanto na ang mga naging kamag-aral ko sa AIMS ay mga tunay na kaibigan. Mga kaklase na mga tunay na kaklase. Yaong mga tatanggapin ka kung ano man ang ayos mo’t porma. Kung paano mo dalhin ang iyong sarili, walang plastikan, at hindi sila nanghahamak ng itsura kahit na may mga pagkakataong nang-aasar ang ilan sa kanila ngunit lambing lang yun. Naalala ko ang “bayanihan” lalo na tuwing Customs and Tariff Review at Specialization. Kaya nga kung magkakaroon man ng class reunion, walang pag-aalangan na dadalo ako doon kapag imbitado. AIMS clan, you rock, miss you all!
***
Philippine Normal University. Second college. Professionals everywhere sa kursong CTP (Certificate in Teaching Program) at sila’y mga mature at masayang kaibigan. Alam kong kapangahasan ngunit hindi ko maiwasang mag-observe at napagmamasdan ko pa rin ang kapaligiran kahit sa gilid ng aking paningin. Lagi nga akong nakatungo o nakamasid lang sa malayo ngunit nadarama ko ang isang ‘pader’ or ‘wall’. Narinig ko na pumasok siya sa religious life pero tinatapos niya ang CTP dito sa PNU. At na-imagine ko ang isang monghe na lumabas sandali mula sa monasteryo ngunit ’mapanganib’ nga lang talaga ang ‘outside world’ na makasasalamuha nito. Like a lamb going to the territories of wolves? Kung naordinahan na siya, para bang... maiilang yata ako na mangumpisal sa kanya sa totoo lang. I felt like some schmo sa statements kong ito. Ngunit ang mga katulad niya ay nararapat na hangaan at isama sa ating mga panalangin. Bibihira ang kagaya niya na nag-respond sa tawag ng Panginoong Diyos. Ang maging handa na mag-sakripisyo para sa paglilingkod sa Kanya at sa kapwa-tao: denying one’s self, taking up the cross, and follow Christ= poverty, chastity, and obedience. In the widespread secularism and expanding influence of mammon and worldliness, amidst all these clamor and the annoying noise, some people still turn to the gentle and calming whisper of God’s voice.




Naroon pa kaya siya sa kanilang seminaryo?
***
A decade had passed. They are in fb anyway, pero wala na akong fb. How are they? The real, nominal, and fake classmates. Gaya sa kanta na lagi kong naririnig sa FM stations: “Where are you now?/ ‘cause I’m thinking of you/ you showed me how... ‘cause it wasn’t for you, I would never be who I am”; hindi ko saulado ang buong lyrics basta yun na yun. Wala rin anunsyo ng school reunion. Well, everyone’s on their own now, why bother?
“Meron ba kayong mas maliit pa na size (sa t-shirt) na ito? Ayoko kasing magmukhang-losyang.” Sabay sulyap na pairap sa akin na kahit nakayuko ako ay alam ko na sa akin siya nakatingin. Hoy, kagandahan ka na para patamaan ako, ha?! Ano bang ipinagmamalaki mo? Yang pagka-fashionista mo at laging sunod sa uso? Pambihira, lumipas na ang sampung taon ng nasikil na saloobin bago ko nailabas ang mga pananalitang ito... and not intended na ipaabot sa kanya. Cliché man, ang nakaraan ay nakaraan na. Actually, noong hayskul kasi hindi ko alam ang buong kahulugan ng ‘losyang’ samantalang lagi akong pinagsasalitaan nito ng sinu-sino hanggang sa nanalamin ako at nalaman ko na (pity me!). The sweet sixteen memories. At yung iba diyan na sakaling mag-aksaya ng oras na alalahanin ako kahit isa na lang akong multo mula sa nakaraan ngunit minsa’y nakasama nila sa klase (eh yun kasi ang nakasaad sa student masterlist kaya wala na silang nagawa) , heto ako. Weirdo, losyang at hindi pa rin nag-aayos kaya hindi nagmumukhang tao, isa pa rin eyesore because of my ‘fashion statement’ (pero nag-iba pa rin kahit papaano kung paano ako pumorma- boyish, androgynous-looking!). Ewan ko nga ba ngunit patuloy ako sa aking pagtanggi sa makeovers. Yun bang ‘nagrerebelde’ ako laban sa mga ‘expectations’ or ‘standards’ ng mga tao sa paligid ko. Nais kong manatili sa aking simple at natural na anyo, ang tunay na ako... at subukin ang mga tao kung matatanggap ba nila ako sa totoo kong pagkatao nang walang halong plastikan o pamumuna sa outside looks ko. Perhaps, these statements seem outrageous. Isa akong isla na tumatangging maging katulad ng Boracay. Parang sa kanta ni Billy Joel: don’t go changin’/ to try to please me... just the way you are... My existentialist side. To be happy who I am, to be responsible for my own progress. Kung walang tatanggap sa akin, eh di huwag! But I won’t hate you for that, I guarantee you... thanks anyway.
Ano kaya pagsapit ng class reunion sa St. Mary’s Academy batch 2000? Present ba ang lahat? Isang pambihirang okasyon ng kumustahan, lahat ng damdamin sa tuwing sumasapit ito. Prangkahan lang. Kung sakaling maiimbitahan ako na dumalo doon, syempre masaya. Muling makadadaupang-palad ang mga tunay na kaibigan at aking mga guro. At sa iba? Ano kaya? Ah, wala akong balak makipagplastikan sa totoo lang. Paulit-ulit na lang na mantra- ang nakaraan ay nakaraan na. Yung dapat pa bang makipagtsikahan sa kanila?

This illustration is dedicated to my classmates in St. Mary's Academy Pasay City batch 2000 and also to some of my former classmates in St. Paul College Parañaque!

Ngunit agad kong naalala ang maikling kwento na nasa Filipino textbook ko noong second year (nasa St. Paul pa ako noon) na hindi ko halos pansin noon ngunit lumipas na ang maraming taon at saka ko pa lubusang na-appreciate. Ito yung “Class Reunion” ni Alcomtiser P. Tumangan. Na-disturb ako sa bahaging ito. “Na ang class reunion pala’y pagbuhay sa masasayang araw ng ating pagsasama noon sa high school; na ito pala’y pagdurugtong sa isang mahalagang kahapon upang yaon ay maging matibay na ngayon at bukas.” (bahagi ng talumpati ng pangunahing tauhan na si Danding/ “Class Reunion” by Alcomtiser P. Tumangan/ courtesy of Yaman ng Wika at Panitikan 2 ni Avena, et al, Diwa Scholastic Press, Inc.)  
So be it.

1 comment:

  1. ARTWORKS BEARING MY SIGNATURE WERE ORIGINALLY UPLOADED IN MY FRIENDSTER PROFILE

    ReplyDelete