This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Friday, October 1, 2010

The Cocktail Blog


Thus Spake Surot-tusra (crossover from http://weirdjtt.blog.friendster.com). Wait, the intro quote there got nothing to do with the title which is the spoof of the title of a very controversial book and the musical score of “2001: A Space Odyssey”. The endless battle between good and evil... the summary of the teachings of the ancient Persian prophet, Zoroaster (the real Zarathusthra). Isang paggunita sa kasaysayan ng ancient religion na itinatag niya that became the official faith of the Persian empire before the Muslim conquest. The Zoroastrians’ descendants are known as the Parsis (or Parsees) of India. Pero may isang Friedrich Nietzsche ang nag-desecrate sa kanyang alaala at pananahimik.
Ang blog post ko sa original site ay marahil ang huli. Ewan ko nga ba kung ilan na ang pumansin sa blog posts doon mula noong pinasimulan ko pero nagpapasalamat pa rin ako sa mga bumasa (maraming salamat, mga kaibigan!). At nitong mga nakaraang araw ay nakatanggap pa ako ng responses mula sa ibang bloggers na hindi ko naman kilala at hindi ko rin alam kung paano nila natunton ang blogsite. Mga ‘tags’ naman yata ang mga comments na yun. Siyempre natuwa naman ako kasi may nag-post na rin ng comments sa blogsite sa wakas (thanks anyway!). Kaya lang parang mga link naman yun tungo sa ‘fashion blogsites’ ng mga anonymous bloggers na yun. Mga naglalako ng mga mamahaling sisidlan. Mga designer/branded bags and fashion accessories ang negosyo. The girly-girl stuff. Vanity items, hahaha! Kaya lang gaya ng nabanggit ko na sa orig blog site ko, isa akong anti-thesis of every fashionista around. The extreme opposite of Tim Yap, the people you see in the society pages of broadsheets, and the socialites na palagi sa mga lifestyle magazines at magsawa na kayo sa pagtingin sa mga pagmumukha ng mga alta sociedad, hehehe! Bah, humbug! Just beat it... ewan ko nga ba sa mga nag-comment na yun sa mga naunang blog posts ko kung talaga nga bang binasa nila. Pero yung ibang link kasi tungo sa ibang sites ay ganoon. Gusto lang ng koneksyon. Parang libreng advertising nila. Parang shady. Parang sa surot... thus spake surot-tusra.
***
Sa tuwing trip kong buklatin ang high school yearbook ko ay naaasiwa rin ako sa totoo lang bukod sa nagri-reminisce ko tungkol sa nakaraan. Ang hairstyle ko ba naman doon, o! At ang pinagsisisihan ko ay ang ‘ambition’ na nakasaad sa ilalim ng litrato ko doon. Iniisip ko nga kung lasing ba ako noong araw na iyon nang isinumite ko ang ‘ambition’ sa kapirasong papel na kinolekta para daw sa yearbook. Past forward, present times. Na-realize ko pa lalo na that so-called ambition of mine are but grandiose, phantasmagoric words of megalomania! Dapat kasi hindi na lang yun ang nakalagay sa may pictures ng graduates kundi quotations and wise sayings na lamang tulad ng sa karamihan sa mga college yearbooks. Karamihan sa mga nakalagay doon, lalo na ang akin ay napaka-unrealistic (gusto ko lang na maging kakaiba yun). Palibhasa ay wala lang masabing makatotohanan. Nangangarap nang gising, nag-hahallucinate, hahaha! Mere empty words of impulses, whims, and caprice! Ilang porsyento ba naman ng graduates ang tumupad sa kanilang ‘pangako’ na magiging ganoon daw sila makalipas ng maraming taon? Batid ko na para sa marami sa batch namin, nag-iba ang ihip ng hangin, ang present situation ay malayo naman sa nakasaad na ambisyon sa yearbook (believe me). At saka kay mahal naman ng yearbook! Dapat ay hiwalay na lang ang high school, grade school, and pre-school departments! Pambihira, lumipas na ang sampung taon at saka pa ako nagreklamo, hahaha! Hoy, baka matuklasan ang mga pinagsasabi ko dito ng administration ng St. Mary’s Academy (Pasay campus), ha! Democratic country kasi ang ating bansa, di ba? Wala naman akong di-magandang pakahulugan dito, ano?
***
OMG... mga expressions ng kakikayan... at saka nagiging blasphemy na sa totoo lang. Hindi naman ako isang modern-day Puritan, nor some holier-than-thou self-righteous prig pero sinusunod ko ang pangalawang Utos: you shall not take the name of the Lord your God in vain. Hindi ko ugaling mag-express ng mga ganoon kahit na popular usage pa sa mga informal na usapan. Nararapat nating banggitin o tawagin ang Panginoong Diyos dahil sa pananalig at hindi bunga ng impulse o kaartehan sa pagsasalita o pakikipag-usap.
Kamakailan ay may nabasa akong e-mail sa Yahoogroups ng isang klase namin sa CTP sa PNU na parang chain letter ngunit wala namang panakot na ‘consequences’ kung hindi ito i-spread sa mga kakilala. Very Christian na may pagka-fundamentalist (or didactic) ang contents kahit na disturbing sa totoo lang. Mga slide show na nagpapakita ng ilang celebrities na umano’y walang respeto sa Diyos at sa Kristiyanismo. Hindi ko naman nai-forward sa kahit sino ang e-mail na ito ngunit matapos itong i-browse, lalo ko pang na-realize ang isang pangaral mula sa Panginoon na huwag tayong manghuhusga ng ating kapwa. Naroon sina John Lennon, Marilyn Monroe, ang vocalist ng AC/DC (ang sikat na rock band at hindi ito slang for bisexual, haha!), ang gumawa ng Titanic, at iba pa (at hindi naman nabanggit si Marilyn Manson at kung sino man diyan na kilala mong apostates or heretics!). At least naman, may ilang atheists and skeptics ang namuhay nang tahimik kahit papaano dahil alam nila kung paano gumalang sa paniniwala ng kapwa nila. Ah, noong may Facebook pa ako at na-browse ko ang profile ng ilang taong nag-add sa akin, napansin ko ang nakalagay sa religious affiliations nila. Na sila raw ay agnostic or atheist. Seryoso ba sila sa ganoong pananalita o gusto lang nilang maiba? Maging unique ang Facebook nila? Masyado na bang demokratiko ang lagay dito sa ating bansa? Na may iba rin tao ang may ‘publicity’ na sila’y non-believers? Kung sila man ay nabinyagan noong mga sanggol pa sila o nag-aral sa religious schools pero nang lumaki na’t lumawak ang kaalaman tungkol sa buhay, ihahayag nila na sila’y non-believers na; at wala nang pakialaman kung bansagan man na mga apostates.   
Dapat bang i-forward ko pa ang e-mail na iyon nang sa gayon ay mas marami pang mapaalalahanan ng tungkol sa kasasapitan ng isang tao kapag nilapastangan niya ang kadakilaan ng Diyos? Na ipagkalat ko pa ito nang sa gayon ay mas marami ang magalit sa mga taong tulad ni Lennon at iba pa at huwag silang tularan? Ang mga taong nabanggit sa slide show kasi ay mga ‘notoryus’ daw kaya masaklap ang naging katapusan nila. Nalala ko rin ang nabasa ko tungkol kay Sigmund Freud na kilalang atheist and religion-attacker ay namatay sa kanser (nakatakas lang siya mula sa mga Nazi) at mas malala pa ang sinapit ni Friedrich Nietzsche dahil nabaliw ito at ang ‘awa’ na minsan nitong tinuligsa bilang katangian ng mahihina ay siya rin palang kinailangan niya mula sa mga itinuring niyang ‘mahihinang tao’ nang malapit na siyang mamatay. Matagal nang yumao ang mga taong iyon.  Ngunit kahit na ganoon man ang naging kasaysayan ng mga celebrities na iyon, hindi ko sila magawang kutyain o husgahan... at isa itong enlightenment, isang pang-unawa, inspirasyon mula sa Holy Spirit.
Paborito ko pa rin sa mga naging kanta ni Lennon ang kanyang “Woman”. At pati yung “Jealous Guy”. Honest, feel-good ballads. Minsan nga sa Misa dito sa aming barangay, ang kanyang “Imagine” with its controversial line na ‘and no religion, too’ ay ginawang background music sa reflection about universal peace and love bago ang homily ng pari. May ‘hiling’ din ako na sana minsan ay makapanood ako ng isa man sa mga pelikula ni Marilyn Monroe. At mas trip ko pa ang “Tainted Love” (OST ng “Not Another Teen Movie”) version ni Marilyn Manson kaysa doon sa “Soft Cell” na orihinal na kumanta nito noong ‘80s’. The celebrities, those people. Simply hating their sin and our sin, but not the sinner, not ourselves. May nabasa pa ako na feature sa Newsweek (dated January 25, 2010) na may provocative title na “Why God Hates Haiti: Grappling with Faith in the Disaster-plagued Job Among Nations” by Lisa Miller. Dito ko rin natutunan ang mga salitang theodicy (ayon sa dictionaries, ang philosopher na si Leibniz ang nag-coin nito na ang ibig sabihin ay divine justice despite the evil around) at hubris (detestable pride). Ang theodicy ay iniuugnay raw sa nangyaring trahedya sa Haiti. Noong Enero rin na iyon, lumikha ng kontrobersya ang kilalang evangelist na si Pat Robertson nang sinabi niya na kaya raw sinapit ng Haiti ang sakunang iyon (at iba pang pighati mula noong naitatag ang bansa nila) ay dahil sa ang kanilang mga ninuno ay nakipagkasundo sa diyablo kaya nagtagumpay ang pag-aalsa nila laban sa mga Pranses. May kinalaman ang voodoo religion na kinaaaniban ng milyung-milyong Haitian. Marami ang nadismaya sa pahayag na iyon ng pastor at siya’y pinulaan at ang kanyang pagka-fundamentalist na nahaluan daw ng malisya. Oo nga naman, sino ba siya upang magsasalita ng tungkol doon? Sa parehong Newsweek article, naka-highlight ang isang quotation mula sa isang Rabbi Kushner na may akda ng “Why Bad Things Happen To Good People?”- I think that it’s supreme hubris to think you can read God’s mind. Maganda ang itinuro ng rabbi na ito na: The will of God is not to send us the disaster, but to send us the disaster to overcome. And Haiti is like the Biblical Job.
Tayong mga tao ay mahilig talagang manghusga at timbangin pa ang kasalanan ng ating kapwa. Tungkol muli sa e-mail na iyon, na-realize ko rin na iba’t iba ang exegesis or interpretation sa Bibliya (just like the centuries-old debate over the sola fide or the strong argument from St James that faith without good works is dead). The different points of views. Why should I ever despise Lennon when he sang such beautiful songs or Monroe when once, she amuse and made the world laugh? Led Zeppelin’s Stairway to Heaven vs. AC/DC... naririnig ko yun palagi sa mga FM stations. Ang e-mail na yun, didactic man, ay isa pa rin paalala. Na kung wala tayong pananampalataya sa Diyos at nananakit pa tayo ng ating kapwa, nanggugulo sa lipunan, at naninira ng kapaligiran, we’re dragging ourselves down on the highway to hell. Am I right?
***
September 11, 2010. Corregidor Island. Dream come true. Wala man akong litratong kuha doon ang naka-post dito, hayaan akong ipahayag ang magagandang alaala sa pamamagitan ng sanaysay na ito. PNU field trip yun at kasama ako at ang nanay ko at dalawang co-teachers niya. Masayang araw yun kahit na bitin sa totoo lang. Ang biyahe patungo doon ay mixture of pain and pleasure. Seasick sa ferry... the pain. But then came the pleasure of being in the island. Ang kariktan at katahimikan ng isla ng Corregidor ay tunay na nakapapawi ng sama ng pakiramdam mula sa biyahe. Nang pinagmasdan ko ang kapaligiran, namangha ako sa pagbawi ng Kalikasan sa buong pulo. Tila ba kailan lamang nang nag-amoy dugo at pulbura ito subalit sa kasalukuyan at sa mga darating pang panahon, ang hangin ay sariwa at mabango at umiihip mula sa himpapawid patungo sa mga kakahuyan at damuhan hanggang sa kasuluk-sulukan ng mga wasak na gusali. Halos ma-deformed ang buong isla sa tone-toneladang bomba kasabay ng libu-libong katao na nagbuwis ng buhay kaya lalo nating napagtatanto na sa bawat digmaan, walang tunay na nagwawagi. Lahat ay sawi. At ang Corregidor ay bantayog ng kapayapaan, kagitingan, at pandaigdigang unawaan. Bawat kanyon, lumang gusali, mga tunnel, bawat sulok ay may nakasalaysay na kwento para sa bawat henerasyon na ginugunita ang mahabang kasaysayan ng buong pulo. Kinahapunan ay uwian na. Parang ang sarap pa sanang bumalik dito. Pwede naman ang travel by bus kahit may katagalan basta bahagi ng itinerary ang Dambana ng Kagitingan sa Bundok Samat sa mainland Bataan. Ang mga pook na ito ay malalapit lang sa Kamaynilaan ngunit pera talaga ang usapan. Kaya lamang kung ang pamumuhunan ay laan naman sa isang makabuluhang paglalakbay at pagpupugay sa kasaysayan ng bansa, gagastos nga ng malaking salapi subalit ang kasiyahan ay hindi matatawaran at nakatatak na sa pambansang kamalayan ng pagiging Pilipino.    


Pambansang Watawat ng Pilipinas (courtesy of Wikipedia/Achim1999)

No comments:

Post a Comment