This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Saturday, November 13, 2010

Laksa, Laswa, Pinakbet... Fruit Salad

“It’s just my opinion but I’m always right”- American Idol Ex-judge Simon Cowell said in an episode of a past season (well, Simon sez so!)
Blogging for November now. Ilan na ba ang pumansin at bumasa sa blogs ko mula noong nag-sign up ako dito sa Blogger.com? Hindi ko ma-imagine ni wala nga akong natatanggap ni isang comment or reaction mula sa mga mambabasa na iyon ngunit kung may isa man o dalawa, basta kahit iilan laman ang pumansin sa site na ito ay okey na okey na sa akin. Tulad sa una kong blogsite (http://weirdjtt.blog.friendster.com), just practicin’ my freedom of expression. At saka, heto nga at na-share ko ang aking mga inihayag na saloobin. Ang mga posts ko sa dalawang blogsites ko ay either simplified or elaborated versions ng ilang diary entries ko. Speaking of diaries, nakasampung volume na ako (nagsimula noong March 2006) at araw-araw ay mayroong entry na nakasulat, kahit isa o dalawang pangungusap lamang ngunit karamihan ay mahahaba. Bago yun ay mayroon akong “Weird Journals” na mukha namang hindi journal at naisulat ko ang karamihan sa entries dito either out of impulse or trip or talagang nasa mood ako na magsulat at maghayag tapos may comic strip pa. Ang mga pinakaunang journals ay noong Grade 6 ako na dalawa hanggang tatlong entries lang tapos tinamad na ako (and lost forever na ang notbuk na yun) pero ang pinaka-start ng formal journal na araw-araw sinulatan ay noong 4th year high school (kasi requirement sa English and Literature at pagkatapos ng graduation, batsi na!). Hinahayaan ko pa ngang basahin ng ilang kaklase ko noon ang journal ko (at ang iba sa kanila ay madalas na ayaw ipakita sa akin ang kanila, tsktsktsk!). Ang isa ko lang pinagsisisihan ay kung bakit ba naman hinayaan kong basahin ng mga kaklase kong lalaki na hindi ko naman mga kaibigan ang journal ko. Alam ko namang ‘la silang paki sa mga pinagkakaabalahan ko at trip lang nila at magbasa ng journal ng may journal sa halip na pakialaman ang sarili nilang journal! Dapat sa mga babaeng kaklase ko na lamang pinagkatiwala! Hay naku, ayoko nang gunitain yun. Ngunit past forward. At dito naman sa blogsite ko. Hmmm, ayos lang na kahit sino ay pwedeng bumasa ng posts dito. Kahit mga anonymous readers. Kahit yung mga ayaw o asiwa sa akin pero minsan ay trip na mag-usyoso. Basta, ang mga entries dito (maliban sa ilang bahagi na nag-acknowledge ng references at ang mga prayers) lalo na ang personal talaga ang contents ay AKIN. Huwag niyong kopyahin, nyehehehe! What is mine will always be mine... well, what is yours is yours! At least , hindi ko pinagdadamot. Tuloy lang sa ako sa blogging kahit madalang lamang.
***
Hindi ko talent ang kumanta ngunit ang makinig sa kahit anong trip kong tugtugin ay trip ko like a tranquilizer for an animal on the loose. Pagdating sa OPM, trip ko pati mga lumang kanta. Kaya lang, Original Pinoy Music pa ba ang tawag doon sa mga remake of foreign hits by Filipino singers? O, di kaya’y foreign music na nilapatan ng Tagalog lyrics? Hay naku, pero kahit hindi orig basta maganda ang rendition ay ayos na. Ang galing ng blending ng boses ng La Diva at hindi jologs si Renz Verano nang kumanta ng isang Ingles na kanta na hindi ko lang alam kung ano ang title basta may lines na “...someone to hold you/ the way that I do... someone to love you/ the way that I loved you...”. Tandang-tanda ko noong nag-aral ako sa St. Paul sa Parañaque kahit dalawang taon lang sa hayskul, marami sa mga babae doon ay talaga namang pagkakaarteng mga hitad! Napapa-yuck na agad makarinig lang ng awitin ni April Boy Regino at iba pang Pinoy na mang-aawit na parang allergic reaction sa mga tainga. Ano bang problema doon? Ang kabaduyan umano depende sa nakikinig? Wala namang masama doon, a! At na-realize ko na lang na may umaalingasaw, aminin man o hindi. Malamang kung ipu-probe ang subconscious ng isipan ng mga mapanghamak na kritiko na kumukutya’t lumalait sa kapwa nila na nagpapamalas ng mga talentong biyaya sa mga ito, may matatagpuan doon na...INGGIT! Watch out, one of the seven deadly sins, hahahahaha!
***
August 14, 2010. Minutes before 6:00 pm during the Rock Rumble program of 102.7 StarFM. Disc jockey Tony Tubero read this text message sent via 29765: hi sa mga taga-Villamor Air Base lalo na sa mga taga-10th-9th Street request naman ng “Lithium” ng Nirvana thanks from Joan Teves; and Tony exclaimed: uy, rocker pala ‘tong si Joan (laughs) rock on!”
Nyehehehe! Pinatugtog nga pero second to the last song na ng programa. Di bale at trip na trip ko rin yung final request ng iba na “Down with the Sickness” by Disturbed. Ilang beses na rin akong nag-request doon sa iba’t ibang program na pinagbigyan naman nila”: Insomnia (Craig David), Soldier of Fortune (Deep Purple), Rollin’ (Limp Bizkit), Butterfly (Crazytown), I Don’t Love You (My Chemical Romance). Wala lang silang “Besame Mucho” sa Sunday oldies at ang “Touch by Touch” ay no need to be requested kasi lagi rin nasa playlist ng ‘80s disco night na tuwing Linggo rin at trip ko pa yun, ano?
Rock Rumble... kahit na madalas ay paulit-ulit naman ang pinatutugtog at minsan ay depende pa sa ‘personal na paborito’ ng ilang DJ, hehe! Syempre ang hinahanap din ng mga rockista kadalasan ay yung recent, ‘90s hits included. Well anyway hindi naman NU 107.9 (wala na ba talaga yun?) o RJ UR 105.7 (minsan ay hindi maayos ang signal mula dito!) ang istilo ng StarFM, ano? Buti pag si John Marino ang nasa on-air at marami sa playlist niya ay pang-mosh pit talaga. Oy, baka may magsumbong diyan sa StarFM DJs, a. Wala akong balak na mang-asar o mangantiyaw, ano? At least naman dito sa blog, binabanggit ko na ang pinakamadalas kong pakinggan na FM station ay ang Star. Parang advertising na rin, hehe! At saka, naging shoutout o tweet ko pa sa social networking sites ang tungkol sa Dugong Bombo 2010 na hatid ng Bombo Radyo, StarFM, at Philippine National Red Cross sa SM City Manila last November 6 at dumalo ako doon!
Mula pa noong 1993 ay attracted na ako sa heavy allure of rock and alternative. Hindi pa naman ako mahilig mag-music trippin’ noon pero nakikita ko sa mga songhits at pati komiks kung saan may mga tauhan dito ang gumaya sa porma at style ng mga rock bands tulad ng Red Hot Chili Peppers, Bon Jovi, Guns ‘n’ Roses, Stone Temple Pilots, Scorpions, at iba pa. Naaaliw ako at natatawa sa mala-sotanghon na tuyot na long hair nila na niyuyugyog nila sa paghe-headbang, yung mga tato, ang style of entertainment and performance. Syempre, matunog na rin noong ‘90s ang Eraserheads at iba pang local bands. Mas madalas pa talaga akong attracted sa rock kaysa pop o hip-hop. Slow rock, heavy metal basta trip. Buti at madalas kong natityempuhan ang ilang kanta na iyon kahit luma na sa StarFM o sa music videos (noong may cable pa kami). Sa Star, may lima silang Nirvana hits na napatugtog na at na-imagine ko ang parang lasing na itsura ni Kurt Cobain. Metallica- heavy pero favorite ko naman ang slow rock nilang “Nothing Else Matters”. Soundgarden- ang kanilang “Black Hole Sun”; surrealism nga ang tema na mapapanood sa napakaraming music video ng mga rock bands at yun ang madalas na trend. So many groups at lalo pa nang nagsimula ang dekadang ito at napanood natin ang formation at pag-disband ng mga banda matapos magpasiklab and then cool off then new album and finally bidding goodbye. Ngunit kahit kailan ay hindi pa ako nakakausyoso man lang sa gigs and major concerts ng kahit anong rock band. Ah, wala lang akong balak makigulo sa grumbling noise, riot, and clamor in the mosh pit! Makinig na lang ako sa ni-rekord nilang tinig at pagwawala sa stage.


***
Pulos na lang kayo Damaso?! Paano naman sina Salvi, Sybila, o Camorra?
Hay naku, the publicity-driven move by an eccentric tour guide whose clients are mostly socialites and wealthy tourists perhaps, mwehehehe! Ang kasikatan ng pagsulong sa panukalang batas na iyon ay parang calendar or rhythm method, ano? Mga sunud-sunod na araw na “safe” tapos susunod ang mga araw ng “unsafe” at pagkatapos “safe” na naman then “unsafe” at wala nang katapusang ritmo. Teka, pag “safe”- mainit ang pagsulong and media coverages; “unsafe”- kapag hindi na gaanong pinag-uusapan dahil natambakan na ng ibang isyu o kontrobersya.
Aaminin ko. I don’t give a damn about that issue. Just minding my own business at hayaan nang magbangayan at magbanggaan ang mga pabor at kontra. Ah, tiyak na makakarinig ako ng tirada mula sa mga taong naninindigan na galit sa mga hindi naninindigan. Ewan ko! Ayokong makisawsaw. Bahala kayo! Hmp!
But then again, naalala ko na maliit pa lang ako ay hindi na bago sa akin ang tungkol sa family planning program. May nabasa ako noon na kwento na inilathala ng Aklat Adarna na “Kung Dalawa Lang Kami”. Isang kwentong pambata na may kakambal na isyung pangmatanda dahil patungkol sa epekto ng di-planadong pagpapamilya lalo na sa mahihirap na kadalasang sila pa ang nagkakaroon ng maraming anak kaysa mga maykaya at mayayaman. Noon din ay may napulot ako na mga lumang illustrated FP manuals na inisyu by then Ministry of Health (Marcos regime pa). At dahil sa adik ako sa pagbabasa lalo na sa mga babasahing may maraming drowing, nakatuwaan ko iyon kahit na hindi akma sa edad ko na dapat ay elementary textbooks and fairy tales ang binabasa pa. Kaya nga matagal ko nang alam ang tungkol sa natural and artificial methods ngunit tinatawanan ko na lang yun na para bang nagbabasa ako ng jokes, hehehe! Tulad na lang sa illustration ng pag-install ng IUD. Drinowingan ko nga yun at ginawang Superman figure. Tapos yung itsura ng ligate and vasectomy na parang sa mga longganisa na nakatali pa. At saka, kakaibang itsura ng “banig ng aspilets” na pills pala pati yung goma na hugis-sako. At ang pinagtatakhan kong drowing ng kalendaryo na may ekis-ekis na marka sa ilang araw nito ay yaon palang tinatawag na rhythm method. Natatawa na lang ako pag naalala ko yun. Ngunit lumipas na ang mga taon at major social issue pa rin sa ating 3rd world country ang overpopulation. Yung “bill” ipasa na, sigaw ng ilan. Huwag ipasa, pigil naman ng ilan. Ang “bill” ay malaki umano ang maitutulong sa lipunan lalo pa’t laganap pa rin ang kahirapan. At bukod sa methods na “scientifically-tested and approved” daw, naroon naman ang di-maiiwasang health and even emotional risks plus di-malayong maabuso ang kaalaman tungkol sa methods na iyon sa promiscuity, infidelity, at maging sa aborsyon (yung sangkap pa naman ng pills). Ah, bahala kayo! Bahala kayo! Hahahaha! Pero meron namang mga mag-asawa na kahit mahirap ay ginusto na magkaroon ng maraming anak. Paninindigan ang pagkakaroon ng malaking pamilya. Ngunit ang panawagan na parehong panawagan ng mga pabor at kontra : RESPONSIBLE PARENTHOOD. Ganoon dapat at nagkakaisa ang lahat... sila ganoon. And as for me? Ah, shhhhh... ewan!
Yung tour guide? Pagkatapos ng kontrobersyang kinasangkutan, mas dumami na ba ang kliyente niya? May avid supporters pala siya na mga freethinkers daw na pa-intelektwal ang drama tapos yung may sarcastic at prangkahang slogan. Ah, shhhh... ewan! Ewan ko sa inyo, nyehehehe! Bahala kayo sa buhay niyo!
Nakatira kasi tayo sa demokratikong bansa. Yun lang. :)

No comments:

Post a Comment