This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Tuesday, November 16, 2010

Medley of Confectionery

*TULOY LANG AKO SA BLOGGING- GAYA NG NABANGGIT KO NA, ANG MGA POSTS DITO AY HANGO SA ILANG MGA ENTRIES NA NAISULAT KO SA AKING MGA DIARIES NA PARA BANG PINABABASA KO NA RIN SA INYO; OO NGA PALA... ISA LAMANG AKONG OBSCURE, WEIRD BLOGGER AT HINDI KO ALAM KUNG ILAN NA BA ANG PUMANSIN SA BLOGSITE NA ITO NGUNIT MARAMING SALAMAT ULI SA MGA NAGBIGAY SA AKIN NG PAGKAKATAON NA MAKADAUPANG-PALAD KAYO KAHIT SA PAMAMAGITAN NITO; MALIGAYANG PAGBABASA*
Aminin ko man o hindi, naiintriga ako sa mga showbiz news pero humahantong pa rin sa punto na nababanas na ako dito. Whether chika sa TV o sa mga dyaryo, lalo na sa tabloids. Yun bang malaking tanong na dapat pa bang paniwalaan ang ilang showbiz columnists, lalo na ang mga biased sa ginagawa nilang pang-uurirat, pang-iintriga, at madalas pang paninira at pag-uudyok ng panghuhusga sa mga artista. Dahil nga sa showbiz news and other scope kaya lumalakas din ang publicity para sa mga celebrities. Showbusiness is a mixture of bane and boon. Itong isang kolumnista sa isang tabloid na araw-araw ay may blind item tungkol kay ganito, sa kabalbalan ni ganoon. Di kaya’y nag-iimbento lang siya para lang may maikwento at naglalagay lamang ng malisya sa kanyang mga nakikita o naririnig? Eh, obvious naman ang kasinungalingan, hehehe! At sa ganoong paraan kasi siya kumikita sa kanyang piniling hanapbuhay? Siguro nga na sadyang hindi magiging makulay at fun-filled ang entertainment industry kung wala sila. In the meantime, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-skim reading sa showbiz articles sa dyaryo, magasin, at sa TV. Why not, chocnut? Pilinut? Lots of cliché.
***
November 15, 2010. Booksale branch at the ground floor of Times Plaza Building at United Nations Avenue, Manila. Along with a back issue of Good Housekeeping magazine, picked up something among the piles of Psicom-published books... yes, I had bought a “Life in Progress- Tales of Minor Awesomeness” (Book 3) at last. The 85-peso paperback, thicker than its two 90-peso predecessors, and with more quality paper. Name of the author: Julius Villanueva; comics strips previously appeared in the Manila Bulletin comics section. Dapat pala noong nagdaang Book Fair sa SMX, nagtanong na lang ako sa booth ng Psicom kung meron na sila nito at nang makamura-mura naman, o! Well anyway, this short essay is not some sort of criticism or critique paper or whatever you call that but simply like a highschooler’s informal book review. Ano ang reaksyon ko? Comic situations still portray human folly, despair, frustration, mishaps, cameo appearances, animal trivia, sarcasm, satire, pa-intelektwal and witty commentaries from college students’ points of views, the foul-mouthed characters and the imaginations galore; most girls have the same hair length, the uniform hairstyle, for pete’s sake! And about the big dog, was he vaccinated and dewormed already? When will he ever be nice? And where’s the ‘progress’? as I read all the comic strips in the said book, I wondered if this can be called “life in circles”. Or if you want it a spatial, 3-D figure, call it “life in spheres”? It’s like in the Simpsons or any animated sitcom, frozen in time(?). Naalala ko na ang term na “Zeke” ay code name ng Allied powers sa mga Mitsubishi A6M-Zero-Sen na Japanese warplanes noong World War II at sa pagtatapos ng digmaan, ginamit na ang mga ito sa mga kamikaze operation. Hanggang ngayon nga ay hindi ko sigurado kung ano ang wastong bigkas dito (kawawa naman ako) kung ‘se-ke’ ba o ‘zik’ o similar sound as ‘sick’. Mr. Villanueva, sinita ka na ba ng PETA (yung animal rights activists at hindi yung sa teatro) dahil sa ilang comic strips mo na may hint of ‘cruelty to animals’, humans included? Kahit na biro-biro o patawa effect lamang iyon? Pwede bang pagsabihan si Popsie ng “Chopsticks” na tigil-tigilan na ang patuloy na pagpapalawig sa notorious ‘urban legend’ na iyon regarding Chinese foods dahil nadadamay na ang mga totoong Chinese restaurants and food carts at nadaragdagan na ang mga tao na umiiwas na tangkilikin ang mga dimsum dito? A little provoking of derogatory remarks against Chinese-Filipino businessfolks who just want to have a decent livelihood? Kahit na comics lang yun ay may mga sensitivity issues pa rin because of too much satire (take for examples Rene Aranda of Philippine Star and Steven Pabalinas of Philippine Daily Inquirer). Ay, oo nga pala. Si Stanley Chi ng Front Act ang comic artist nito, hahaha! Oh, come on! These are just comic strips. Illustrations on paper with speech balloons included. Just remember- no animals, including humans are hurt in the production of these. Pambihira naman at ang ugok ko na nito, o! Bakit nga ba dito lamang ako nag-post ng reaksyon eh may e-mail naman yung author (lyfinprogress@yahoo.com/ lifeinprogresscomics.blogspot.com/ fun forum at lifeinprogress.proboards.com) so paano niya malalaman ang feedback ng mga bumasa (especially me- a passive, weird reader) sa libro niya? Pwede naman sa facebook at iyon na ang ‘official social networking site’ ng comics niya (pero niratrat ko na pala ang account ko doon!). Ah, marami namang close pals yun! Sila nang bahalang mag-flatter, hehe! Well anyway again, JULIUS VILLANUEVA’S LIFE IN PROGRESS- TALES OF MINOR AWESOMENESS comic paperbacks are available at bookstores nationwide.
***
Nagnilay ako tungkol sa “Our Father” or “Ama Namin” or “Paternoster”; at napadako rin ako sa linya na “Your will be done”. Naalala ko ang mga kwento tungkol sa mga tao na nawalan ng pananalig dahil hindi natugunan ang matagal na nilang panalangin. May mga taong di-naglaon ay naging mga non-believers na dahil sa pamimilosopo nila mula sa naobserbahan sa daigdig, sa buhay, at sa sarili nila. Iba’t ibang frustrations din ang nag-udyok kung bakit ang ilang tao ay naging mga atheists. Mga apostates, hehe! Ako naman... dumaan din ako sa mga punto kung kailan nag-low level ang pananalig ko dahil sa mga kabiguan at tila walang sagot sa aking dasal. Dumaan ako sa mga karanasang iyon ngunit landas din pala yun tungo sa spiritual and emotional maturity, isang divinely-inspired enlightenment. Nagdarasal ako nang may iba’t ibang kahilingan. Ang sabi ko kahit paulit-ulit na “Lord, sana po ganito... Lord, maaari po ba...” Subalit dahil sa maturity, natutunan ko na may kasagutan o katuparan man sa aking ipinagdasal o sadyang hindi ito ang panahon para doon, ang mahalaga ay magpasalamat pa rin sa Panginoong Diyos at hayaan na ang kalooban Niya ang masusunod.
***
Minsan, isang maaliwalas na araw ng Linggo nang nasa mood ako para mag-meditate habang nagpapahangin sa halamanan sa terrace ng bahay namin at naglalaro naman ang mga alaga naming mga miming, ako’y may napanood na scenario sa aking pagninilay. Mayroong dalawang uri ng tao. Ang isa ay matino at may kabutihang nananalaytay sa pagkatao ngunit hindi siya naniniwala na may Diyos. Ang kasama naman niya ay isang makasalanan subalit nasa kaibuturan ng pagkatao nito ang pananalig sa Diyos. Siguro nga na pagdating sa pagtataglay ng hypocrisy, walang ganitong katangian ang unang nabanggit na syempre walang pananampalataya, eh. Yung pangalawang nabanggit naman ay merong kaipokrituhan- naniniwala siya sa Maylikha ngunit marumi naman ang kanyang budhi dahil sa maraming pagkakamali. Kaya lamang, siya ang higit na compatible ko kaysa doon sa isa kahit na pareho naman sila na dapat pantay na pakisamahan. Ang una kasi, matino nga’t nabubuhay nang tuwid... datapwat hanggang doon na lang ba siya? Isa na lamang multicellular organism of the highest order na nag-iinteract sa kapwa at sa kapaligiran niya at wala nang pinagkaiba sa mga protozoan tulad ng paramecium o sa mga algae. Humihinga, niri-relish ang mabuhay dito sa planetang Mundo... hanggang doon na lang ba ang kanyang kasaysayan? Ang pangalawa naman, may marumi sa pagkatao... ngunit habang taglay ang pananampalataya sa Diyos, naroon pa rin naman ang tanglaw ng pag-asa. Pag-asa upang maituwid ang mga pagkakamali, tumupad sa mabubuting gawa, magkaroon muli ng saysay, ipagdiwang ang buhay! Siya ang “higit” na tao kaysa doon sa isang nabanggit. Ang tao ay marupok. Ngunit dahil sa katangiang ito at kapag tinanggap o inamin natin ito, bilang paalala ng ating mga limitasyon at pagsisisi sa mga pagkakamali, tayo nga ay mga tao. Mga tao lamang... a celebration of being a human being, a creature made by a Supreme Being. At nagpatuloy ang reverie na ito. Tungkol sa dalawang hardin. Aling hardin ang nais natin? Ang isang hardin na may mga uod ang mga halaman ngunit nagliliparan naman ang mga paru-paro? O, isang hardin na wala ngang mga uod subalit wala rin mga paru-paro? Ang irony sa mundo- sa mga mauunlad at mayayamang bansa, napakarami ang walang pananampalataya datapwat sa developing countries, faith in God and cherishing religion blaze on.
***
Sa tuwing napapansin ko ang isang regular parishioner sa Misa dito sa amin, may isang aral na aking na-realize mula sa kanya. Isa siyang bata-bata pang lalaki na may Down’s syndrome (napaka-thoughtless naman ng ibang tao na ginagamit na expression ng pagpapatawa o pang-aasar ang term na ‘mongoloid’). Ngunit Linggu-Linggo siyang dumadalo sa Misa kasama ng kanyang pamilya at behave na behave siya. Hindi ko siya kilala at lalong hindi ko alam kung anong iniisip niya’t saloobin ngunit isa siyang mapalad na tao. Isa man siyang person with disability subalit daig niya ang maraming tao na mga normal nga pero wala namang panahon para sa Diyos.
***
Ah, noong isang araw ay saglit akong naging ‘aktibista’, hehe! Sumama kasi ako sa aming mga kapitbahay at iba pang concerned Villamor Air Base and Magallanes Village residents para mag-abot ng suporta sa mga maghahain ng kaso sa pangunguna ni Atty. Harry Roque doon sa Court of Appeals regarding sa mga itinayong poste at kawad ng high tension wires dito sa aming barangay. May hawak kaming placards, nag-rally habang tinutukan ng media personnel ang paghahain ng apela pero hindi naman na nakataas ang aming mga kamao at nagsisigaw ng “Makibaka! Wag matakot!”, hahaha! Isang peaceful demonstration iyon kahit na hindi naman kami ganoon karami. Hindi naman isang widespread major issue ang inirereklamo namin kasi sa isang local area naka-concentrate ang kaso ngunit magiging national interest din yun dahil involved na ang bagong batas na tinatawag na “writ of Kalikasan” (ma-research nga ang tungkol doon), ang batas na magtatanggol sa mga mamamayan kung naaapi na ang kapaligirang tinitirhan (madalas dahil sa pananamantala at pagmamalabis ng ilang malalaking tao o korporasyon). Hindi ko malilimutan ang sinabi ng engineer na kasama namin na isang quote “the worst thing that a good man can do is doing nothing”. Totoo yun at maraming ganoong klase sa ilang residente dito sa Villamor na laging nagsasawalang-bahala o kibitbalikat lang sa mga pangyayari sa pamayanan at iniisip lamang ang pansariling interes o pinagkakaabalahan.

The Master and the little weird fiend

1 comment:

  1. "...kung sakaling hindi ka naniniwala sa Diyos, ang Diyos... naniniwala sa iyo." - FPJ mula sa sineng "Alabok sa Lupa"

    ReplyDelete