This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Saturday, December 24, 2011

Siberian-chilled Northeast Monsoon

December 8, Feast of the Immaculate Conception. At unang anibersaryo ng aking career sa Villamor Air Base Elementary School (VABES). The usual but already established cliché na ‘parang kailan lang’ echoing Pinoy folk singer Florante’s hit song. The following pictures are the views in an area called “Piccio Garden” (so-called because it was once a vast vegetable garden owned by retired PAF General Piccio many decades ago). Located between the Magallanes Village, the polluted but flowing creek and Villamor Golf Club. Doon nga pala sa unang address ng VABES, Pasay City South High School (PCSHS), at Philippine State College of Aeronautics (PHILSCA), mga condo na ang nakatayo doon; sa dating lote ng VABES, ang kapalit lang pala ng isang matagal nang learning institution na naghahatid ng tanglaw ng edukasyon sa kabataang Pilipino ay yaong istruktura na base sa mga naglalakihan nitong tarpaulin (Manlunas side), nakatakda pala itong maging ‘entertainment and gimmick spot’ (I don’t even find the building’s name attractive). Vices, worldly pleasures, and vanities galore... wala na talaga ang dating Villamor Air Base na nakagisnan. Oh, those darn, sugarcoated economic promises by all those people na nagsabwatan kaya nagkaganito ang aming pamayanan.
*at the right side of this picture, one of the buildings of Pasay City South High School
*the two school buildings- the harsh realities behind the pastel colors: ayon sa ilang engineers na sumuri dito, meron umanong questionable structural integrity; ayon naman sa nakararami, lalo na sa mga estudyante at mga magulang nila, inconvenient location plus the gigantic posts holding the high tension wires (boon only for those who will directly benefit from it while bane for Villamor residents nang sapilitan ba naman itong itinayo sa residential areas)


*the zigzag road linking these isolated schools and a Maynilad pumping station to the Nichols Exit, the Villamor Golf Club, and Villamor Air Base residential areas.
Hoy, yung ibang graduates diyan ng tatlong eskwelahang binanggit dito, naaalala niyo pa ba na minsan ay naging napakahalagang bahagi ng inyong kabataan ang mga iyon?

*the blue building over the horizon is the Philippine State College of Aeronautics, the last to give in to the demands of that corporation and a government agency; only the St. Therese Parish (now a Shrine), the Tower (despite the annoying makeover that those people did to it), and a few number of trees made it to survive the clutches of the so-called ‘development’.
***
The night of December 10. Ang daming kariktan na aking nasilayan. Sa gabing iyon ay naganap ang total lunar eclipse na bagamat nagbabadya ang mga ulap ay nagpakita pa rin ang namumulang buwan at sumakit ang batok ko sa aking pagtingala. Tamang-tama at meron pang telecast ng Victoria's Secret annual show sa Velvet channel. Kahit na ang layo nung tsiks, nasasamyo ko na ang matatamis na halimuyak at kinis at lambot ng kutis, hehe... they never fail to mesmerize their audience lalo na nung nagtanghal ang Maroon 5 (but without Christina Aguilera) ng kanilang hit song na "Moves Like Jagger".
***
Minsan, nanaginip ako na naglalaro raw ako ng Nintendo Family Computer (‘90s na ‘90s, ano?) at Street Fighter pa ang game (para bang noong isang araw lamang ay napanood ko sa Star Movies ang 1994 action film na “Street Fighter” starring Jean-Claude Van Damme and the late Raul Julia). Ang aking pambato ay si Ken at katunggali niya si Ryu. Tuwang-tuwa ako noon at alam na alam ko kung paano ang fighting techniques tulad ng Axe Kick, Uppercut combo, Hadoken, pati Hurricane Kicks. Hehe, panaginip. At nabasa ko noon pa na ang pananaginip ay dulot daw ng subconscious area ng utak (at lalo ko rin itong naintindihan nang napanood ko ang pelikulang “Vanilla Sky”) . Isa raw yun mahiwagang bahagi ng isipan kung saan nakaimbak ang lahat ng mga alaala, saloobin, kahilingan, ideya o persepsyon na apparently nalimutan na ngunit muling nagkakaroong encore o pagpaparamdam sa oras ng pananaginip, in a deep REM sleep. Isang simpleng panaginip pero ewan ko ba’t ayaw ko yun isantabi. I-project ko sa kasalukuyan. May ipon naman akong salapi pero never ko itong gagastusin sa mga PSP na kahit kailan ay hindi pa ako nakakapaglaro nito. Pati mga computer games at apps, lalo na yung mga nauuso ngayon, ay hindi ko pinaglalaanan ng oras. Basta, wala akong interes sa mga ito. Wala talaga. Rather cold than cool. Going back sa Street Fighter dream, pinaalala marahil ng aking subconscious na noon ay hinangad ko rin na makapaglaro nito. Ah, ang nakaraan... maraming bagay sa nakaraan, hindi lang ang video games. Meron naman akong nabasa na may ilang kaganapan mula sa nakaraan ang nagdudulot ng mabibigat na epekto sa kasalukuyan and it’s not that easy to let go and just move on nang ganun-ganoon na lamang. Pardon me for being this nostalgic and expressing myself with these ambiguous, strange statements.
Patuloy kaya ang aking subconscious sa pagpapaalala paminsan-minsan? Naalala ko kasi na maraming naipagkait sa akin noon. Ako ay palaging naisasantabi, nababalewala, eh. Damn, do I have some issues and in need of counselling? By the way, madalas din na ang napanaginipan ay kabaligtaran ng tunay na pangyayari. Sapagkat kahit kailan ay hindi pa ako nakakapaglaro ng Street Fighter kahit sa mga arcade noon. Walang pangggastos para sa mga game tokens. At hindi naman talaga ako nakapaglaro ng Nintendo Family Computer.
***
Panahon na ng Kapaskuhan. Humirit pa si Sendong at tunay nga ang mga babala ng PAGASA na sa panahon ng hanging Amihan o Northeast Monsoon, mas malupit ang bagyong sasapit sa bansa, hindi sa mababangis na hangin kundi sa mga rumaragasang baha. At ang hindi pa inaasahan na pinakanaapektuhan ay yaong mga pook na bihirang masalanta ng masusungit na panahon. Paulit-ulit na ipinakikita sa TV at mga dyaryo ang lawak ng trahedya. Hindi talaga sapat ang pulos awa na lang na nadarama habang pinagmamasdan ang mga ganoong tagpo.
Panahon ng Kapaskuhan. Naglipana ang mga taong namamasko at yung ilan ay hindi plastik upang iparamdam na hindi raw magiging masaya ang kanilang Pasko kung wala silang natanggap na regalo o nakubrang salapi. Ewan ko nga ba at ang hirap nang ma-distinguish kung sino nga ba ang tunay na nangangailangan sa nagpapanggap lamang. Although naging isa sa mga prinsipyo ko na itong hindi na pagpapabatid sa madla ng mga mabuting nagawa sa kapwa, alinsunod sa isang pangaral ng Panginoon, siguro kahit papaano ay ma-express ko naman ang tungkol sa isang little but significant Christmas act kaya ang Pasko ay Pasko nga. Hindi ako isang pilantropo o tunay na mapagkawanggawa ngunit bakit hindi ko pakinggan yung mga panawagan sa TV? Sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng Cebuana Lhuillier. Ang aking handog? Secret... mga detalyeng sa Panginoon na lamang.
Tuluy na tuloy pa rin naman ang Pasko. Noong isang hapon nga lamang, araw ng winter solstice, napagmasdan ko sa kanlurang dako habang takipsilim pa ang isang kahalintulad ng majestic painting na ito ng American artist (Hudson River School of Landscape Painters) na si Frederick Edwin Church na “Twilight in the Wilderness” (1860). What a romantic sight to behold that brought a blissful feeling. (picture courtesy of Wikipedia)

***
Gallery of December memories



St. Pancratius Chapel,a night in Paco Park- after the wedding reception of our friends that we had attended last December 20; eerie picture yet once you step foot in the historic park and former cemetery and feel the gigantic trees around you with the said chapel as silent sentinels and eyewitnesses to Manila's long history, it feels so serene as if time had stopped in this circular beauty of a park.
Kids' party last December 19- sino yung weirdo na napalilibutan ng mga paslit? Ang tatak pa ng t-shirt ay Red Hot Chili Peppers!

MALIGAYANG PASKO AT MASAGANANG BAGONG TAON!
(Giotto di Bondone's Adoration of the Magi; courtesy of Google images)
sana, next year ay maipalimbag ko na't mailathala ang aking mga akda :)

Saturday, November 19, 2011

Autumn Colors of the Talisay Trees

... it’s hard to hold a candle in the cold November rain...
The above line is from the 1992 hit “November Rain” by Guns ‘N’ Roses; man, I love its music video as well.

Oktubre pa noong nakaraang taon ko nai-post dito ang St. Jude’s Novena (pakitunghayan sa October 2010 blog posts). Iyon ang aking tradisyon sa tuwing pinaghahandaan ko ang pagsali sa blood donation activity tulad nitong ika-12 ng Nobyembre lamang sa SM Manila, ang Dugong Bombo 2011, care of Bombo Radio and Philippine National Red Cross in different cities nationwide (taun-taon ito ginaganap). Napananatili ang status quo na istriktong pag-screen ng dugo. Nine days prior to that, kailangan kong mag-nobena. Nabanggit ko na ang tungkol dito sa aking (now defunct) Friendster blog; sana balang araw ay ma-integrate ko sa isa sa mga pages ng blog site na ito. Basta kailangang taimtim na nobena kundi ay lalabas lang na repetitive prayer ito. This is the solemn formula for each prayer said= meditate+dedicate. Like the mantras of Buddhists, transcend. The final formula, give thanks to God with a grateful heart.
Ang pag-donate ng dugo ay isang pagtulong sa kapwa. Involved ang lahat ng stakeholders- donors, recipients, media and medical personnel, the sponsors. Everyone’s connected. Masaya ako na naging qualified donor ako muli kasi noong nakaraang taon, hindi ako pwede at mababa ang blood pressure ko. Nice experience... kahit na kinaligtaan akong abutan man lang ng bottled water ng staff nila, walang ibinigay sa akin na biskwit o soup o t-shirt samantalang ang mga kasabayan ko meron at personal pa nilang kinukumusta! Well anyway, hindi naman ako nagpunta doon para sa mga iyon; pwede naman akong bumili sa food court pero sana hindi ito nangyari sa iba pang donors kasi nakakahiya, eh; di ba, Star FM DJs?
Mga ilang oras matapos i-post ang blog na ito ay nagkaroon ako ng isang quiet pilgrimage sa Malakanyang kung nasaan naroon ang St. Jude's Parish (at kung bakit ba naman kumaliwa pa ako tungong Mendiola!) at sa pangalawang pagkakataon ay nag-iwan ako doon ng mga novena copies. Mas maraming tao doon kapag Huwebes at Linggo. Kainaman naman ang maglakad-lakad sa may Arlegui, doon sa gilid ng Laperal Mansion na may malalaking puno. Tahimik doon, eh. Para bang hindi mo pansin na sa complex na iyon naroon naman palagi ang Pangulo.
***
Pulos pulitika na lang ang news headlines nitong mga nakaraang araw maliban na lang before and after the Pacquiao vs. Marquez fight. Si Pacquiao ay tulad ng paborito niyang tinola, mainit pero relaxing. At si Marquez naman, nagsimula bilang chili con carne na di-naglaon ay naging salsa at biglang naging umuusok na tabasco habang napagtatanto ang kinahinatnan ng huli niyang laban.
Back to politics. I mean the recent political news. Everybody’s talking about her and her health conditions. The judicial processes,legal matters and stuff, arrest warrant, and all the chuvanessence with its on and off steam in the Philippine news. At ako naman? Nag-channel surfing tuwing primetime news at may binalikan ako na minsan ay na-enjoy ko nang una ko pa lang itong napanood noong 1998 sa Studio 23 kung saan una rin itong lumabas on Philippine TV and dubbed in English pa. Oh yeah, I’m talking about that red-haired guy with his hitenmitsurugi technique and his reverse edge sword and his world set during the Meiji restoration (of course, no sweet chocolates there yet!). Uy, tamang-tama. The final battle between Kenshin Himura and the mummified, spontaneously combusting Shishio Makoto at sa mga susunod na episode ay aabangan ko si Shogo Amakusa at ang iba pa. Hehe, just for escapism. Preferring fictional politics brought about by a moving ukiyo-e to the real and exhausting politics inside the realms of the television.
***
Kahit ano namang tugtog, basta trip. Pero interesting na sa akin yung nasa kategorya ng so-called New Age music na una akong na-familiarized dito dahil sa old issues ng PAL Mabuhay magazine kung saan kabilang sa playlist ng inflight music entertainment nito ang “Tranquil Traveller”. Mga not-the-usual instrumental music or recorded sounds from nature. Nakabili nga ako ng ilang CDs na ganito ang genre. Gusto ko rin ang jazzy, sexy tunes of saxophone (already heard the sax rendition of “Di Na Natuto” and “Yakap sa Dilim” na parang nakaka-imagine ako na nanonood ako ng isang pole dancing performance, hehehe!).
***
Kahit na ganoon ang reputasyon ng isang bahagi ng downtown district ng Maynila, ang bahagi ng Avenida Rizal sa pagitan ng Carriedo at Recto, para bang iba ang dating nito sa akin. Siguro nga na noon kasing early ‘90s at isinasama ako ng nanay sa pamimili ng second hand books sa Recto, fascinated na ako sa itsura ng lugar na iyon. Mausok, makalat, matao, maraming tindahan, may mga club pa rin kung saan sa entrance nito ay nakadispley yung ‘menu’ nila (Manila government, raid kayo nang raid tapos sila balik naman nang balik), mga lumang building, mga dyip na byaheng Pasay-Manila-Kalookan. Mga alaala ng diced hopia at storybooks. At yung Merriam Webster. Minsan ay nagtungo uli ako dito. Sa second floor nila, kahit na kinapitan ng alikabok ang mga kamay ko sa pamimili doon ng educational charts, natagpuan ko muli ang isang kakaibang pocketbook na for almost two decades ay hindi nawaglit sa alaala ko. Hindi ko akalain na makikita ko muli ang mga babasahing ito! Marami pa pala silang tinda nito, ang ilang manipis na pocketbooks na ang awtor ay si Thomas Sy lalo na yung “Chinese Sexy Verses” (published in 1991 pa) na may mga magagandang drowing ng Chinese courtesans na kinatuwaan ko pa noong tingnan habang hindi pa nakatingin ang mga sales ladies o yung ibang kostumer pero hindi ko pa rin mabili, eh. Hoy! Hoy! Hindi naman ganoong kalaswa ang nilalaman noon, a. At kamakailan lang nang nagbalik ako sa bookstore na iyon sa Avenida, hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon. Binili ko na yun kasama ang “Chinese Analects” na pareho rin ang awtor. Iba ang feeling, eh. Kinakalawang na ang staple wire sa centerfold. Siguro ang tagal na nakatago ito sa storage room nila. Meron pa nga doon na lumang song hits magazine (ang benta ba naman nila ay 100 pesos pa rin!) featuring Guns ‘n’ Roses and Metallica. Tila mga hinango mula sa baul ng Dekada ’90. At may mga 1992-published romance pocketbooks pa na Valentine Romances ang titulo at ang kompanya ay ang Books For Pleasure, Inc. at kabilang pa sa writers nito ay si Gilda Olvidado (at hindi ko pinansin ang mga makabagong labas na pocketbooks, yung mga Precious, SGE, o Bookware na mga yan!). Bumili ako ng lima. Mga antigong babasahin na malamang ay hindi mo na mahahanap sa iba pa maliban na lang sa mga bodega ng mga printing shop kung saan unang inilimbag ang mga ito. Pag-uwi ko, binasa ko and I felt so nostalgic. Ang mga babasahing tila hinintay ako na bilhin ang mga ito at pakaingatan.
By the way, para sa akin ay mas maganda pa rin basahin ang mga lumang romance pocketbook (‘90s issues specifically) kaysa ang mga inilalathala ngayon nung mga kompanya na iyon. Iba talaga ang mga kwento kahit na naninilaw na ang mga pahina.
***
The following pictures are among those taken last October 4, 2011- the feast day of St. Francis of Assisi and the day of unforgetable nature trips to Subic. Field trip ng aming paaralan.
"Galunggong! Pahingi pa ng galunggong!"





Ang pogi nung nakaupo sa may gate ng Ocean Adventure. May madahon pang headdress.

***
Pictures taken last October 5, 2011 at the Teachers’ Day Celebration held at the Philippine Sports Commission (Ultra)
Vice President Jejomar Binay


Si Ogie Alcasid

At the Teachers' Day Celebration, the teacher and her pupil reunited after 6 decades


Si Ann Curtis, 'belting out' her rendition of "Alone". At least microphone ang hawak at hindi yosi, hehe... This was not Showtime... I don't watch that show either.




Sunday, October 30, 2011

OktoberZest



“I wish to defend your honor, o Blessed Mother of our Lord” / Huge problems when there are various Biblical exegesis around
The above artwork was first conceptualized and done last May 22, 2006 in my drawing pad with the original title “Christians vs. Christians” and there were only three ‘reformer’ guests then; the grinning guy with humongous spectacles and carrying a pair of paintbrushes is the latest addition.
Noong isang araw lamang, habang naghihintay na magsimula na ang funeral Mass sa Our Lady of Fatima Parish sa Salitran, Dasmariñas, Cavite para sa isa naming kamag-anak na namaalam na, nabuo sa isip ko ang ideya para sa October blog post na ito at naalala ko muli ang isang drawing ko noon pa. Patapos na ang Oktubre, Month of the Holy Rosary. Hindi naman ako isang Marian devotee ngunit alam ko kung paano magrosaryo at magnobena. Doon sa unang blog site ko, the defunct http://weirdjtt.blog.friendster.com, inihayag ko na ang aking mga saloobin at pagkatuto na ang pagrurosaryo ay hindi naman isang vain and repetitive and un-Biblical prayer tulad ng palaging bintang ng ibang tao (siguro, balang araw ay i-integrate ko na sa mga pages ng blog site na ito ang ilang refugee blogs mula sa orihinal na site ng mga ito).
Minsan ay may nabasa akong ‘very Christian’ column sa isang old Sunday edition ng Manila Bulletin. Ruth, Naomi, Huldah, Phoebe, the godly women of the Bible na pwede nang i-mention ng very Christian columnist dito... at nasaan na ang Mahal na Ina ng Panginoon? Tapos, noong nabalita ang tungkol sa planong pagtatag ng Monte Maria Shrine sa Batangas at putok-butsi na agad ang ilang grupo na dapat pigilan ang paggawa ng diyos-diyosan sapagkat ang National Artist na si Eduardo Castrillo ay sinimulan nang ililok ang bronze statue ni Mama Mary para sa naturang shrine. Siguro kasi napakahirap nang makipagtalo sa mga taong makitid, hehe! Yung patuloy ang mga bunganga sa pag-iingay sa kanilang pambibintang na ang kanilang mga kapwa-tao ay gumagawa ng mga diyos-diyosan upang sambahin. Ang simpleng maipapayo ng mga apologists ay huwag na lang patulan ang mga taong iyon sapagkat mga sarado na, eh. Ako, kung halimbawang may pera ako upang magbiyahe sa Israel o sa mga karatig-bansa man nito at swerteng nakadiskubre pa ng isang nakabaon na maliit pero delicate nang Baal figurine, di ko ito sisirain bagkus ay ipadadala ko sa museo bilang isang mahalagang artifact na noong unang panahon ay nasaksihan nito ang pamumuhay ng mga Near Eastern people at ito ay tila mensahero ng paggunita sa nakaraan para sa mga tao ng makabagong panahon. Kung ginawa ko yung pag-donate ng Baal figurine, lumabag pa rin ba ako sa Unang Utos, mga fundamentalists? Noong mga araw matapos ang Japan tsunami, merong isang religious group na may publicized prayer meeting at iconoclasm activities. Nagsunog ng mga simbolo ng dahilan ng mga pagkakasala ng mga tao sa mundo tulad ng pera, mga materyal na bagay, at rebulto ng mga santo lalo na ang tungkol kay Mama Mary. Isinasagawa nila yun habang buhos na buhos ang mga emosyon sa abot hanggang langit na pagsusumamo na huwag daw mapahamak ang daigdig sa mga darating pang sakuna ayon sa kanilang ‘prediksyon’- ang mga ‘propeta’ na naglipana... na ang mga luha ay maaari nang maglunod ng mga demonyo at mapapikit na sa antok ang mga anghel. Ang kanilang herbal products at higanteng mga watawat? Ang Guiness world record na Ten Commandments doon sa Baguio? Dapat bang gawin ng ganoong kalaki ito para paulit-ulit na paalalahanan ang makasalanang mundo? Ah, ewan ko sa kanila, hehe! Pero para sa akin, hindi ko lang matandaan kung saan bahagi ng Bibliya ang passages na hindi ko malimutan na ang nakasaad ay tungkol sa pahayag ng Diyos na “... hindi Ko na isusulat ang Aking mga utos sa mga bato kundi sa puso na ng bawat tao...” Amen.
Matagal ko nang natutunan ang tungkol sa paggalang sa mga paniniwala ng kapwa nating tao ngunit nakalulungkot nga lang na ang pinag-aalayan ng paggalang na ito ay sila rin palang hindi umuunawa’t gumagalang sa paniniwala naman ng kapwa nila. Para sa mga iconoclasts at ang lagi nilang ibinabandera na pagkakaintindi sa Unang Utos, may nabasa akong bahagi ng sanaysay ni Bro. Bo Sanchez sa isang lumang edition ng Kerygma Magazine. Kung ang ibang tao ang kumuha ng mga litrato niyo at ng inyong mga mahal sa buhay tapos aapak-apakan ito, duduraan, at saka bubuhusan ng gas upang sunugin, ano kayang pakiramdam niyo? Meron kaming mga Buddha collection; at kulang na nga lang ay si Ganesha. Ang Egypt ay isang Muslim country ngunit alagang-alaga nito ang mga heritage sites along the Nile- ang mga pyramids, templo, mga colossus ng pharaoh na sinamba pa ng mga sinaunang tao. Hindi tulad ng mga Taliban noon sa Afghanistan. In their puritanical campaigns and burning zeal to rid ‘idolatry’, pinasabog ang isang ancient Buddhist monastery at mga rebulto ni Buddha na naroon noon sa kanilang bansa. Gaya ng nabanggit ko kanina, mahirap makipagtalo sa mga taong may ‘chosen people mentality’. Tsktsktsk. Hay, naman. God have mercy on us all.


***
Hindi ko matingnan nang diretso ang isang video sa mga news headlines nitong mga nakaraang araw tungkol sa last moments ni Muammar Gaddafi. Ang taong namumuhay sa espada ay masasawi sa espada, winika ng Panginoon. Mas mapalad pa pala si Saddam Hussein noong araw na nadakip na siya sa Iraq. Walang karahasan, hindi pinaigting ang silakbo ng damdamin, at may due process of the law (sa kabila ng mga balita tungkol sa assassination sa ilang abogado niya at ng kanyang kapanalig). Pagkatapos ng kanyang bitay ay iniuwi siya sa kanyang hometown na Tikrit kung saan ay binigyan siya ng maayos na libing alinsunod sa Islamic tradition.
Isa sa mga paborito kong kulay ay luntian o berde (at walang kinalaman sa UAAP; pakialam ko nga sa kanila, tse!). Ang pinakamadaling gawin na watawat ay sa Libya ngunit noon lang iyon. Pulos masasama ba ang ginawa ng eccentric na mama na ang paboritong kulay ay luntian at sosyalismo ang ideyalismo at kailangan pa niyang sapitin ang ganoong klaseng katapusan? Ang mga diktador o anumang uri ng pinuno ng isang bansa ay tulad din ng mga karaniwang tao na may taglay na parehong kasalanan at kabutihan. May nabasa akong komentaryo sa diyaryo noon tungkol sa mga overstaying state rulers gaya ni Gaddafi at iba pa. Hindi lang daw pulitika ang motibo kung bakit ayaw nilang umalis sa pwesto. Divine origin of state rights. Na sila’y nagki-claim kasi na sila ay ‘isinugo’ upang pangalagaan ang sambayanan at ang demokrasya ay katangian lamang ng mga sekular na bansa na walang pagkakaisa. Na kung noon pa sila bumaba sa pwesto habang hindi pa sumasama ang kanilang reputasyon sa mga tao ay maaaring mas hangaan pa sila at mas matimbang pa ang pagpapahalaga sa kanilang mga nagawang kabutihan kaysa sa mga unsavory accounts kaugnay ng kanilang pamumuno.
Sa encyclopedia, bata pa si Gaddafi sa litarto doon,a... well ang panahon kung kailan malinis pa’t hinahangaan ang kanyang mga pangarap at adhikain para sa kanyang bansang Libya.
***
Dahil sa panahon na muli ng Undas, panahon na naman ng mga kwentong kababalaghan sa TV man o sa mga babasahin. Ng tungkol sa mga misteryo, pagpaparamdam, paranormal issues, etc (sa palagay ko kaya may multo sa ilang abandonadong bahay ay dahil sa napabayaan ang mga ito ng mga henerasyong dapat sana ay mangangalaga dito; mga bahay na minsan ay pinagsumikapang ipundar ng mga may-ari dito noon, the fruits of their labor of love at pagkatapos sa paglipas ng panahon kapag wala na sila ay kasama rin nawala ang kasaysayan ng kanilang tahanan).
Kagabi ay nanood ako as usual ng mga Halloween special sa TV tulad ng nakagawian ko noon pa. At doon sa Imbestigador, kabilang sa features dito ay ang matagal nang reputasyon ng Bundok San Cristobal, ang kakaibang kakambal daw ng Bundok Banahaw. Nabanggit ko nga pala sa May blog dito na matagal ko nang pangarap pumunta sa Lucban, Quezon kapag Mayo 15 na’t Pahiyas doon, sa Kamay ni Hesus, at sa paanan ng Bundok Banahaw, ang bundok na sine-celebrate sa Tagalog folk song na ang pamagat ay may parehong ngalan. Kaya lamang ayoko nang isantabi ang Bundok San Cristobal or simply Cristobal. Hindi dapat bansagan itong bundok ng mga maligno at ang mga tagaroon sa Dolores, Quezon na ang nakikiusap. Ipinangalan ba naman kay St. Christopher (the very name of this ancient Christian martyr means “Christ-bearer”), patron ng mga manlalakbay, including mountaineers and hikers. Ang kanyang alaala ay nakaukit sa upper facade ng Miag-aw Church sa Iloilo kung saan mukha siyang isang Pinoy na magsasaka doon, napaliligiran ng mga namumungang bayabas, papaya at niyog, at pasan niya sa kanyang likod ang Panginoon na nagpakita sa kanya bilang isang musmos na may pambihirang bigat na sumasagisag daw sa pagpasan sa kasalanan ng sanlibutan. Parang blasphemy na yata kung patuloy pa ang mga kwentu-kwentong walang basehan na ikinakalat pa rin ng ilang tao- igalang na lang natin kung ituring ng marami na banal na bundok ang Banahaw ngunit kahit na hindi pa ako kailanman nakararating sa Cristobal, na-iimagine ko na kung kagaano kabigha-bighani ang mga payapang tanawin buhat doon habang nagninilay tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran na madarama sa mga kagubatan dito... at sa gitna ng kapayapaan at kalikasan na patuloy na umiiral ay madarama nga ang presensya ng Panginoong Diyos na lumikha sa lahat ng ito, sa sanlibutan.

Monday, October 3, 2011

SOLILOQUY APPEAL

YUN PALA ANG GAMIT NG ISTATISKA SA DASHBOARD...
HEHE, KALA NIYO HINDI KO ALAM...
THIS SITE IS RECEIVING PAGEVIEWS ELSEWHERE, HERE IN THE PHILIPPINES AND ABROAD?
NOW, SHALL THIS BLOG SITE STILL BE CALLED "SOLILOQUY BEYOND" WHEN ACTUALLY I AM NOT TALKING TO MYSELF ANYMORE BECAUSE THE NUMBERS OF EAVESDROPPING FOLKS SEEM TO BE INCREASING? SORRY FOR THE INCONVENIENCE TO THE FOREIGN READERS, I REALLY LOVE AND PATRONIZE MY NATIVE LANGUAGE. :)

Monday, September 26, 2011

September Softness

(This essay was posted on the 2nd anniversary of Bagyong Ondoy. Lintik na tanghali na idineklarang walang pasok sa mga paaralan ng Metro Manila!)


Dambana ng Kagitingan, Bundok Samat, Pilar, Bataan/courtesy of Wikipedia/Sam Tan

Caspar David Friedrich’s “The Cross on the Mountain”

Noong una ay talagang nag-alangan ako sa aking pagkadestino sa mga batang nasa huling section na ng Ikaapat na Baytang (ngunit Metro Manila naman ang pangalan ng aming section na placebo effect at huwag naman ‘IV-18’). Yun bang mayroong extremity na ako na noong nasa elementarya, mula Grade 1 hanggang 6 ay napabilang sa highest section at tapos ngayon... well, walang puwang ang reklamo. Ganyan talaga... parang sundalo na na-assign sa mga liblib na pook and that’s an order. With the exception of transferees, ang mga batang ito ay nagmula rin sa last two section noong Grade 3 sila. Ngunit, eh ano ngayon? Bakit yun bang mga nasa higher section lang ba ang magtatagumpay sa buhay? Ang nararapat dito ay i-motivate ang mga paslit na maniwala sila sa kani-kanilang sarili. Madalas na karaniwan sa mga paslit ay may short span of attention at dahil mga bata, bumubugso ang pagka-hyperactive kaya parang yumayanig ang silid-aralan kapag hindi na sila nakontrol. May mga hirap sa pagbabasa. May mga suliranin sa pag-uugali. Sad but true na naroon talaga ang kaibahan sa scholastic performances. Actually, ang kanilang klase ang aking pasanin. Penitensya, kalbaryo, mabigat na pasanin, hehe... Ngunit palagi kong isasaisip at isasapuso ang winika ng Panginoon “Come to Me all of you who are tired and I will give you rest for My yoke is easy and My burden is light.” Magkakasama pa kami ng mga batang yun mga ilang buwan pa kaya nararapat lamang na palagi ko silang isasama sa aking mga panalangin. At may napagtanto ako. Sila na aking mga pasanin... subalit sila rin ang naghahatid sa akin ng naiibang kasiyahan. No, it’s not power, pleasure, and pain like some kiss on a rose or a bed of roses with all those thorns... it’s simply between them and I. There’s always a reason for passion.

Marcel Duchamp’s LHOOQ Dada artwork in protest of his movement against the established academic traditions of European art

Meron isang local avant garde artist ang gumaya dito ngunit ang trying hard na mokong na iyon ay pinagdiskitahan pa ang Our Lady of Perpetual Help na pinamagatan pang “My Virgin Mama”. Well, hindi po siya si Mideo Cruz. Freedom of expression... ang kalayaan na basic right na ng bawat tao (kaya nga dahil dito ay narito sa cyberspace ang blog site na ito, ano?) at ikinapuputok na ng butsi ng mga labis na naninindigan para dito.
Pwede bang pumantay na ang level ang napakalawak at mapaglarong imahinasyon sa pagpapahayag doon sa mga may tama na sa pag-iisip dulot ng tetrahydrocannabinol and other hallucinatory substances or sa mga schizo? Hehe, ewan, dapat pa bang pakialaman yun? Look, hindi lang mga Katoliko ang na-offend sa kontrobersyal na artwork kundi pati Aglipayan at mga Orthodox. Kung nakikisawsaw man ang mga fundamentalists sa paggigiit nila tungkol sa Unang Utos bunga ng literal nilang pagkakaunawa dito, sige nga at ano ang ibig sabihin ng mga rebulto ng dalawang anghel sa ibabaw ng Ark of the Covenant na iniutos mismo ng Diyos kay Moises na gawin (ever watched “Indiana Jones: Raiders of the Lost Ark”)? Eh, yung nangyari sa disyerto kung saan dahil sa pagiging mareklamo ng mga Israelita ay pinarusahan sila ni Yahweh at pinatuklaw sila sa mga ahas ngunit muli Niya silang kinaawaan nang sila’y nagsisi at inutusan Niya si Moises na gumawa ng rebulto ng copper serpent at itindig ito sa tagdan at ang sinumang natuklaw na tatanaw dito ay gagaling agad. Parang Jewish counterpart ng caduceus ni Asclepius in the ancient Greek religion which eventually became the modern symbol of the medical profession. Fundamentalists and puritans who haven’t got tired of their ‘idolatry accusations’ against the people who are outside of their flock should stop self-proclaiming that they knew the Bible by heart and intellect but in fact they don’t have the heart to respect and the mind to understand the faith and beliefs of all people because God has no favorite among His creatures. And Mideo Cruz, I think is so harsh and narrow and shallow because he himself ay nag-aakusa na sa kapwa-tao niya; na yung ipinagmamalaking art exhibit niya ay ‘sumasalamin’ daw sa excesses of society (grabe naman siya na parang nambibintang na nang tuwiran!). Man, starving for publicity for that so-called orgiastic shock art? Kaya nagninggas ang damdamin ng iba’t ibang tao. Ano kaya ang kahulugan ng ‘limitasyon’ o ‘hangganan’ para sa mga advocates ng freedom of expression? Kung merong ibang artists ang magdrowing ng caricature nila na kahalintulad ng ‘polytheismo’, idya-justify pa rin ba nila’t ipagtatanggol ang artistic freedom ng mga ito bilang... or, simply, freedom of expression? Kaya lamang kasi, kahit gaano man kalalim ang kanyang mga pananaw at pangangatwiran, sampu ng kanyang mga tagasuporta at tagapagtanggol, wala nang ibang makauunawa sa isang eccentric kundi ang kapwa rin eccentric, hehe! Ah, ewan ko! Ewan ko sa kanila! Hehe, siguro kasi pagkatataas ng pinag-aralan, palibhasa mga dalubhasa, hehe! Kaya iba ang taste... pabayaan na nga sila, hehe...
Katolisismo ang pinagbalingan ni Mideo Cruz... i-lie detector test kaya siya kung sa isang dako kaya ng mga ideya niya ay nais din ba niya-feature ang Islam, Buddhism, or Hinduism? Playing safe? Hehe? Tapos, ang mga supporters niya ay nag-divert sa iba namang isyu bilang pangontra sa mga tumutugis sa kanila at nabanggit pa ang priests’ abuses (sa Catholic Church lang ba may ganitong kaso, kayong mga naglilinis-linisan, mapaghusga, at mga unang pumupukol na ng bato?) and the RH Bill. Nang nag-channel surfing ako minsan at napadako sa isang news channel kung saan ay may forum at pwedeng mag-text ang mga viewers, may nabasa ako doon mula sa isang texter na hindi raw siya papayag na ang buwis na ibinabayad niya sa gobyerno ay mapupunta lang sa paggastos para sa mga taong walang disiplina sa sex (buwis din ng taumbayan ang nagpondo raw sa “Kulo” art exhibit sa CCP). Sino ba ang prime manufacturers ng contraceptives? Mga naglalakihang korporasyon at kapitalista na nakabase sa mayayamang bansa at namumuhunan sa mga Third World nations tulad ng ating bansa at tiyak na tiba-tiba kapag naisabatas na ang naturang panukala? Talaga nga bang ganoon na kababa ng health care services ng ating bansa o meron naman talagang sapat na badyet... na ibinibulsa lang ng iilan na sa palagay ko ay wala rin pakialam sa RH Bill at mas lalong walang pakialam sa lipunan at kay Mideo Cruz. Ano ba ang paninindigan ko sa isyu na ito?
Secret. Sssshhhhh!


crocodile's skeleton: illustration by Richard Lydekker

Crocodiles do cry, too. Yet those are real tears. Mga luha kung bakit patuloy ang panghihimasok ng mga tao sa kanilang mga natural na tahanan. Mga luha kung bakit ang mga tao ay mapang-abuso sa kapaligiran. Mga luha kung bakit ang mga tao ay likas na sakim sa pag-angkin sa mundong ibabaw. Mga luha kung bakit ang angkan ng mga buwaya ay patuloy pa rin iniuugnay sa mga tiwali lalo na sa mga kawani ng pamahalaan. Mga luha kung bakit ang kanilang sariling mga luha ay ginagamit na matalinghagang pananalita tungkol sa huwad na awa at pakikisama. Tsktsktsk! Na-extinct na ang mga dinosaurs (except for tuataras, coelacanth, or perhaps some magical plesiosaurs that’s why accounts of legendary lake or sea monsters still persist (?)); ngunit ang mga buwaya ay hindi nalipol. Noon, people-eaters:crocodiles... ngayon, crocodile-eaters:people. Siguro nga na matanda na si Lolong Buwaya at ang kanyang asawa (crocodilian monogamy?) kaya sa paglipas ng panahon ay lumaki silang ganoon. Naalala ko na noong short flourishing of the komiks renaissance (that was in 2007), sa Klasik Komiks, may kwento si Carlo J. Caparas doon tungkol kay Kroko at may nakamamanghang illustrations ito kahit na merong nakakatakot at nakakadiri; tungkol sa isang nakamamanghang buwaya na may nakamamanghang laki. Biglang natigil ang sirkulasyon at paglalathala ng mga komiks na iyon kaya tuloy nag-imagine na lang ako kung ano ang naging kapalaran ni Kroko. At nitong mga nakaraang buwan, biglang umere sa TV5 ang isang child-friendly primetime series na “Bangis” na mula rin sa panulat ng naturang sikat na nobelista. Tungkol din iyon sa isang ga-higante rin na buwaya. Ano yun? Kung iisa lang sina Kroko at Bangis, nag-evolve ba ang buwaya nito mula nang nag-crossover mula sa komiks patungo sa telebisyon bilang isang mahiwagang reptilya na may kakaibang talino at masayahing puso? Kung namatay na si Lolong, anong gagawin sa katawan niya? Ipipreserba ba in the name of science and education? O, kung may magka-interes sa katawan niya, in the name of worldly consumerism and materialistic fashion statements? Stay away from our wildlife, Lacoste, Crocs, all of you, fashionista capitalistas!
Oo nga pala. Hours bago ibalita on national television ang tungkol sa pagkakahuli kay Lolong, meron kaming class discussion sa English Reading. Isang popular fable na “The Monkey and the Crocodile”. Matalino man ang matsing, kung buwaya naman ang katapat eh, nakakalamang pa rin, hehe! Ngunit bago iyon, bahagi ng motivation to the lesson ang pagkabanggit ko sa ‘evolution’ (Darwinian allergen to all fundamentalists; Scopes Trial? Napanood ko kaya yun sa channel 9 noon starring Jack Lemon as the brilliant Attorney Clarence Darrow). Na ang mga buwaya, base sa mga fossils na nadiskubre, ay mga dambuhala nga during the age of the dinosaurs at di-naglaon ay lumiit na sila sa paglipas ng mga panahon. Na ang mga matsing o unggoy o bakulaw ay mga kamag-anak ng tao (at nagturuan naman ang mga bata sa isa’t isa na nagtatawanan pa).


Miss Universe 2011

Yeah, I remember, I remember. Last year, sa mga dyaryo, naka-post ang mga board passers sa architecture at madali lang tandaan ang rare name na “Shamcey Supsup” and then several days ago, nagningning ang pangalan niya sa pinakaprestihiyosong patimpalak-kagandahan na Miss Universe kahit na 3rd runner up pa siya.
BTW (kung hindi ko nabasa sa dyaryo ang ibig sabihin nito ay hindi ko mababatid na ‘by the way’ pala ang ibig sabihin nito, pity me; yung ‘xoxo’ na lang ang hanggang ngayon ay di ko alam but what the heck?!), napaka-impressive ng sagot niya sa Q & A portion. Honest, honest-to-goodness. Pero hindi lang sa Q&A pinagbabasehan ang winning points ng isang kandidata. Madalas akong manood ng mga beauty pageant just like any byuti-kontes-gone-gaga beki-beki, ahay! What’s wrong with the answer? Well, that was answered from the heart. Kaya lamang sa paglipas ng mga araw, I had pondered on those words. Siguro, iba’t iba ang interpretations ng iba’t ibang tao na na-comprehend yun. Dapat bang ma-kompromiso ang religious affiliation sa isang relasyon para lang sila magkasundo? Hehe, napanood ko ang last two season ng “Sex and the City” series sa HBO, including its two movies- Charlotte York, the Episcopalian princess ‘left’ Christ for her one true Jewish love (how’s that for an offense against Christianity, Miss Supsup?). Teka nga, hindi si Vivica A. Fox ang unang nakapagtanong ng tulad ng sa sinabi niya sa beauty pageant! Mga late 1995 or early 1996 yata yun, sa “Mr. Pogi” portion ng Eat Bulaga, tandang-tanda ko pa ang tanong ng isang female judge sa isang contestant na kung meron siyang girlfriend na nagyayaya sa kanya na sumama na sa religion na kinaaniban nito, papayag ba siya? Ang sagot ng binata ay hindi pero maski siya ay hindi rin naman gagawin ang ganoon sa nobya niya. Hindi kailangang ma-kompromiso ang relihiyon sa isang relasyon, just to please your loved one (ang mahalaga ay tunay na pamamahalan at pag-uunawaan without that annoying discussions and debates on differences of beliefs and faith; teka, bakit nga ba ako nagsasatsat tungkol dito- ni hindi nga ako kailanman in a relationship; ah, ewan!). Talk about proselytization, for pete’s sake! Bakit magpaparaya para lamang matanggap ka ng iyong minamahal kung masaya ka naman at payapa ang kalooban sa kinalakhan mong pananampalataya? At saka, ang banggit ni Shamcey bago matapos ang sagot niya ay “... my God”... Eh, kung kapareho rin ng ganoong sagot ang sasambitin ng isang Christian girl sa kanyang Jewish boyfriend... bakit? Magkaiba ba ang Diyos ng mga Kristiyano sa Diyos ng mga Hudyo? At saka, nakalulungkot kung bakit ang impression sa ilang na tao na ang drama ay “they left the Catholic Church to become Christians”... hindi ba ‘Kristiyano’ ang mga Katoliko mula pa noon? Christians and Catholics and Protestants and Quakers... what’s with those walls, segregation, and exclusive claims! Well anyway, opinion here comes freely, hehe... just remember that Miss Shamcey Supsup, minsan, noong isang araw lamang ay napag-isa ang sambayanan. Epitome of a real Filipina worth emulating.


diamonds wikipedia source: CrucifiedChrist

What is suffering? This was a question of big deal to Prince Siddharta Gautama more than 2,000 years ago. “What is happiness to you, David?” ang tanong ng character na ginampanan ni Cameron Diaz kay Tom Cruise sa pelikulang “Vanilla Sky” (not “Knight and Day”, though!). Sa tuwing pinagmamasdan ko ang lumalaking sakop ng isang kahiganteng korporasyon sa aming pamayanan and the taipans and tycoons, the moguls and magnates, foreigners gobbling our lands in the guise of ‘investments’, the unstoppable land conversion and communities, both legal and illegal, being swept away because of that so-called modernization and development, diamonds appear in my thoughts. Diamond, the birthstone of April, my birthstone, precious stone of happiness. Hindi ito sa ‘bleeding heart’ appeal nor walang kinalaman sa “Diamonds from Sierra Leone” ni Kanye West or the Leonardo DiCaprio-starred “Blood Diamond”, why are Amsterdam and Zurich called the cities of diamonds? Why are diamonds forever? Paano naman ang dugo at pagdurusa ng napakaraming mahihirap na Aprikano na isinusuong sa panganib ang kanilang mga buhay mahango lang ang mga brilyante mula sa ilalim ng lupa? Ang malalaking negosyante na matagumpay. Their successes are the diamonds of their career. Ngunit mga diyamante ba na naghahatid ng tunay na kaligayahan... o mabibigat lamang na pasanin? Araw-araw, pag-aalala kung paano mananatili ang pamamayagpag ng negosyo. Gabi-gabi, iniisip kung bukas ba ay matataas pa rin ba ang stocks. Mga ‘bilanggo’ ng sarili nilang mga ‘tagumpay’. Mga tagumpay sa larangan... na mga pasanin din pala na kanilang ipapasan. Yun bang parang mga ibon na nasa loob ng gintong hawla na bukas naman ang pinto ngunit ayaw lumabas kasi mayroong dalawang kahaharapin- ang madakip tungo sa kapahamakan o di kaya’y kung iiwan ang gintong hawla ay maaari namang may ibang magka-interes na angkinin ito kaya hindi bale na lang na manatili sa loob nito.
Diamond affection... or rather, seeing beyond the adamantine look of a diamond in the rough.

courtesy of wikipedia/unknown USGS employee
Photos here courtesy of Google and Wikipedia

Saturday, August 6, 2011

Impressionist Wannabe

Who among these famous Florentines got that real dazzling smile?

Mona Lisa (or La Gioconda)- do you really think so that this Leonardo Da Vinci masterpiece has the smile that captivated the world and cryptologists Robert Langdon and Dan Brown all over? What’s with the absence of eyebrows? This is how the age-old question goes.



Niccolo Machiavelli- the notorious but celebrated statesman whose “The Prince” was then sweetly defeated by Antoine de Saint-Exupery’s alien little prince; Machiavellian vs. Elizabethan, Niccolo nonetheless, could had been the ‘object of envy’ of those English playwrights. Which of this do you prefer? Politics and governance or the entertainment for the amusement of the Queen with her flawless alabaster skin, her elite circle and the select few?


Girolamo Savonarola- fiery Dominican reformer and martyr. Not a Protestant, just a protesting Catholic; theocracy advocate but never a Taliban model.


***
Dusk, not twilight... I have never been a fan of sexy vampires or hunky werewolves, not even that of the lovestruck damsel in distress caught between those... those... creatures! Romanticized monsters or creatures out of medieval beliefs and superstitions out of colorful imaginations.
What’s this mystique about the serene sky and calm setting sun at dusk? The thought of people going home, the smell of dinners or supper prepared, evening news, and the descent of the planet Venus in the west as well as the ascent of the stars.




***
Botanical impressions during the rainy season.











***
I develop a habit of placing bread crumbs and left-over rice in one corner of our rooftop and then leave it till the sparrows (maya) come and feast on it. I think they already know me for there are times when they seem to catch my attention. Pigeons or doves are not the only cageless birds around. Move over, here comes the sparrows, the ‘stay out’ pets.


***
Xocolatl, the “bitter water” that the Aztecs introduced to the world. So popular that it blotted out the fear of imagining how the cult of the war and sun-god Huitzilopochtli took place each day during the heydays of the Mesoamerican empire. Then Quetzalcoatl wannabe, “El Adelantado” Hernan Cortes whose guns, goons, and gold policy probably got taken by the seductive powers of Montezuma’s most prized beverage that which undergone a swift and sweet evolution to become the world’s favorite flavor.
Marabou (dainty and tidy confection made in Sweden; I thought that the marabou storks of Africa have the same ‘dirty jobs’ like that of their vulture peers!)




Cadbury/ Toblerone


New Zealand Whittaker’s- this became my favorite choco brand for its right amount of sweetness and consistency and no cloying aftertaste that sticks on the tongue for some time even after you drank almost a liter of water; only that the new price greatly disappoints me and the other chocoholics who already got hooked on it. From 39 pesos in Mercury Shops and most supermarkets to 45 pesos?! What the heck they have done?


When I was in high school, I used to buy Meiji Chocolate (it is at par with Hershey’s) in the 7-11 store outside St. Mary’s Academy- Pasay and it was sold for only 16 pesos. Well, what ever happened to this Japanese brand now?
Chocolat (French/ ‘sho-ko-la’), the choco-themed cafe with a little but comfortable branch in SM Mall of Asia. Ricoa powder for champorado and hot cocoa. Milo and other instant choco drinks. Tsokolate e, the traditional, steaming hot and syrupy drink from tablea prepared in the old-fashioned way using the almirol and batirol (remember the chapter of Noli Me Tangere where the San Diego alferez would spread rumors that his frenemy, Padre Salvi, had the habit of turning off some of his guests by offering them poorly prepared hot chocolate if he ask his helper to make it ‘tsokolate a’?). The choc-nut, Goya sans a Chinita endorser, or the Bulacan-made chewy Lala. The imported chocolates your balikbayan relatives give. All the chocolates in the world! And yet ONLY ONE has the ultimate right to be called NO. 1 in the world...
Theobroma cacao, the prime source of cocoa.
(courtesy of Wikipeda/ as for the cacao tree:author is Luisovalles)




Friday, July 8, 2011

Feeds {as a plural noun} at the Back of the Yard

Nansha vs. Paracel-Spratlys. Philippines- West Philippine Sea. Vietnam- East Sea. China/Taiwan- South China Sea. Brunei and Malaysia- Northern Sea? Sa territorial dispute na ito ay lumalabas kung sino ang ‘pinakamasiba’, hehe! Ang ating bansa ay nag-claim lamang ng iilang pulo (Kalayaan Group of Islands) at sapat na ito to tell our Asean neighbors which part of the controversial Southeast Asian body of salt water are rightfully ours alinsunod sa exclusive economic zone and law of the sea. Ang laki-laki na nga ng China, eh, gusto pang kubkubin ang buong karagatan. Eh, kung tuluyan na nilang inangkin ang disputed areas? Di magpapatayo ng oil drilling sites tapos wantusawang pangingisda with poaching sa marine life na naroon tapos biglang nadisgrasya ang mga planta ng langis nila at nagkaroon ng malaking ecological disaster sa pook na itinuturing na bahagi ng ‘fragile coral triangle’? Ang lakas din ng loob ng Taiwan na maki-dispute din samantalang ito ang pinakamalayo sa mga claimants. Ang parehong bansa, ayon sa nabasa kong artikulo sa mga dyaryo, ay ipinangangalandakan ang ancient Han and Ming records nila umano na magdya-justify na kanila ang naturang karagatan kasama ang lahat ng isla na narito. So, noong pinag-aaralan na ng kanilang mga naka-seda nang ninuno ang karunungan nina Confucius at Lao-Tzu eh ang mga sinaunang tao sa Pilipinas ay nakatira pa sa mga kweba at kagubatan? Buti nga at hindi nila isinama ang ating kapuluan sa ‘records’ nila bilang bahagi ng kanilang imperyo samantalang “Ma-Yi” ang bansag nila dito na ibig sabihin ay lupain ng ginto. Hindi naman sa chinophobe na ako; aba’t narinig ko sa ilang kamag-anak na meron daw kaming isang malayong ninuno na isang immigrant mula sa southern China. Yun nga lang ay hindi naging dominant ang genes, hehe! Well, anyway... habang humahanga ako sa naiibang kagandahan ng Kalayaan Islands na napapanood ko sa TV, naisip ko na sana hindi na lang totoo ang mga ispekulasyon na mayaman umano sa langis ang karagatang nasa kanluran ng ating bansa. Ang oil resources na pinaglalawayan ng kahit aling bansa... ngunit kung ito naman ang magiging dahilan ng mga hidwaan ng mga bansa at kani-kanilang mamamayan di sana hindi na lang ito naroon. Renewable, environment-friendly energy na lamang ang pagtuunan ng pagsasaliksik sa halip na petroleum power na nakadadagdag sa palala nang palalang polusyon na matagal nang pasanin ng ating planeta. At saka, hindi ba nila ‘napakikinggan’ ang karagatan? Ang malawak na karagatan, kasama ang marine biodiversity na nananahan dito sa loob ng napakahabang panahon at noong wala pang mga tao, ang tunay na kayamanan! Bansang Tsina na marangal na tahanan nina Mao at Deng at mga Tienanmen Square activists, ano ba ang mas mahalaga sa iyo? Ang strategic location and exploitation of mineral resources and potential oil deposits ng iyong so-called South China Sea o ang mabuting samahan niyo ng mga kapitbahay sa Timog-Silangang Asya tulad ng Pilipinas?
*******
Bog-bog-bog-plak! She hit the sheriff! One nice, sunny day in a southern city after the deluge, merong action movie/reality show... Sana pinagbigyan na lang ng mama yung ale. At yung ale, talaga nga bang maalinsangan sa kanilang lungsod nang araw na iyon kaya nalusaw ang kanyang anger management? Para naman doon sa mga tao, binigyan ba sila ng notice ng korte na kailangan na nilang lisanin ang pook na kanilang inangkin ngunit hindi naman pala kanila? Yung local government, meron na bang nakahandang relocation site noon pa para sa kanila samantalang ang kanilang lungsod ay pinakamalaki raw sa buong bansa? And lastly, the politicos... hehe, ano pa man ang paliwanag at pride eh, lumabas pa rin ang “unbecoming of a public servant worthy of emulation”, hehe! Tsktsktsk!
*******
dj ______,kung wala kang kasalanan di batuhin mo na ang mga obispo.don’t be a prig. / starfm,wag namang gamitin ang station sa political mudslinging.tinuturuan na kasi listeners na magtrial by publicity o manghusga na agad,eh. / dj nico, sana di ka katulad ng ibang djs na mga prejudiced- below the belt na freedom of expression! (excerpts from the text messages sent to 102.7 StarFM on Wednesday afternoon, July 6, in reaction to the ‘forum’ started by a FM radio disc jockey whose alias rhymes with a type of steak)
That was minutes before the Rock Rumble. Akala ko ay AM station ang pinakinggan ko kasi yung pinagsasabi nung isang dj ay tungkol sa isang recent controversy at nag-solicit siya ng reaction sa mga listeners and finally, siya na mismo ang nagbitaw ng sarili niyang saloobin. Nanonood din naman ako ng mga balita, ano? Yung tungkol sa PCSO, ilang obispo at pari, at mga sasakyan na form of donation daw na ipinamudmod noong nagdaang administrasyon. Pero sana kahit mga simpleng sasakyan na lamang kasi ang mahalaga ay yung practical use nito di na bale kung anong taon ang model nito. O, di kaya’y sana e-jeep na lang para bawas carbon emission na siyang dumaragdag sa polusyon sa kapaligiran. Or, bakit di na lang all-terrain vehicle? Ilan sa mga recipients ay nasa mga pook kung saan ang kanilang diocese ay nakasasakop ng maraming far-flung areas. Tsktsktsk! Ngunit hindi lang naman Catholic clergy ang nakatatanggap ng donations na ito mula sa PCSO kasi maging ang mga lider ng ilang religious denominations, remember? Kumplikadong isyu na hindi pa naman legally napatutunayan. At yung StarFM dj ay nag-exercise lamang ng kanyang freedom of expression by bashing the bishops right under their noses tapos samahan pa ng pag-ungkat ng RH bill, na ganito, ganoon... man, how dare you self-proclaim to be an idol? Naniniwala ako sa pamosong punchline na sinabi sa isang past season ng ex-Americal Idol judge na si Simon Cowell na “it’s just my opinion, and I’m always right”; but for some radio dj, it’s just their opinion and they’re not always right!
Gusto ko lang kasing mag-sound trip at ang Star ang pinakamadalas kong pakinggan. Ah, oo nga pala at ilang beses ko na rin napakinggan ang saloobin ng dj na iyon tungkol sa ilang isyu. Mga may halong pambabatikos; aba’t kung ganoon na lang eh bakit di na lang siya mag-radio announcer sa AM station? What thoughtless, irresponsible words of a cynic! Nakakadismaya sa paborito ko pa namang radio station na may ganitong dj (ilipat na lang sa ibang station kung siya na ang naka-on air, hehe!). Nakakalungkot nga naman ang makasagap ng mga kontrobersyal na balita. Mga tungkol sa iregularidad. Katiwalian. Ngunit noon pa man ay natutunan ko na mula sa isang talinghaga ng Panginoon tungkol sa isang babaeng nahuling nangangalunya (pero di ko naman kinukumpara ang mga dawit sa PCSO controversy sa Biblical character na ito, ano?). Na huwag manghusga agad. Maniwala sa due process of the law... huwag nang makisawsaw sa trials by publicity. Wala namang masama kung maghayag ng mga pananaw o saloobin dahil basic right ito ng bawat tao; kaya lamang kung below the belt na ang kuru-kuro ay lumalabas na ang prejudice, ang biases! Kaya habang umaalingawngaw ang bwena mano sa playlist na “Sad But True” ng Metallica, ay nakigamit ako ng cellphone at nag-send ng mga text sa kanila (pero iba na ang on-air na dj!). Bukambibig naman palagi ng dj na may ‘constructive criticism’ ang fb fan page niya. Di ko na kailangang i-activate muli ang fb account ko dahil sapat naman ang 29765 para sa listeners’ feedback para iparating ang honesty na ito na hindi lahat ay natutuwa sa pinakikinggan sa isa sa pinakapopular FM radio station ng bansa.
*******
Sa nature ba naman ng trabaho ko ngayon, kailangan na minsan ay ‘walang hiya-hiya’ na. Hindi naman talentado sa pag-awit ngunit minsan ay nagiging music coach ako (ehek!). Naituro ko na ang “Maghintay Ka Lamang” (Ted Ito) at “Bawal na Gamot” (Willy Garte) bilang bahagi ng character education. Maging ang “Sa Ugoy ng Duyan” (words by Levi Celerio/ music by Lucio San Pedro) at mga children’s songs na “Roses” at yung “Alpabetong Filipino” na hindi ko kailanman nalimutan buhat pa noong una ko itong napakinggan sa “ATBP” na isang sikat na pambatang programa sa channel 2 noong ‘90s at grade 4 pa ako noon. At sa palagay ko ay nakahanay na ang “Antipolo”, “Chua-ay” na isang Igorot harvest song, at “Sarong Banggi” kapag second grading period na ng HEKASI kung saan ang mga aralin ay tungkol sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Nakakahiya man na ako’y kumanta ngunit trabaho, eh. Hehe!
At minsan ay nagturo ako ng game to break the ice or monotony sa loob ng silid-aralan. Yung Simon Says na una kong natutunan noong Grade 5 pa ako. Yun bang kapag binanggit lang ang Simon Says ay saka pa lang susundin ang ipinagagawa ng facilitator ng game. At yung mga nahuli o di sumunod ay papatawan ng consequence. Sukatan din ito ng pagiging alerto. At nang nahuli na ang bibigyan ng consequence, hehehe, di ko maiwasan ang ‘mang-trip’ gaya na lang ng ‘parusa’ na may toilet humor kapag mga lalaki. Sabi ko gayahin nila ang aso kung paano ito umihi o di kaya’y umarte sila na para bang natatae na sa kinatatayuan nila. At libang na libang ang mga yun. Well, minsan-minsan lang naman ang magpalaro. Hmmm, malay ko kung yung iba sa kanila ay maging mga guro balang araw. Bukod sa pagtalima sa mga tungkulin ay sasamahan din nila sa minsa’y mga libangan ang kanilang mga mag-aaral kapag walang academic sessions. Gaya na lang sa game na Simon Says na minsan ay kinatuwaan nila nang husto noong sila pa ay mga estudyante.

Monday, June 27, 2011

Balangay at Barangay

(courtesy of Wikipedia/ Mwx German Wikipedia)
Snake incarnation of an umalagad: Amaya’s kambal-ahas (this instant serpentine celebrity is actually a corn snake, a colubrid-type that has no venom and commonly found in North American corn fields preying on mice and rats)

Noon ko pa nadinig ang isang matagal nang urban legend tungkol sa isang socialite na may kakambal umanong ahas na nananahan daw sa isa sa mga kilalang properties nila at may isang magandang aktres ang naka-engkwentro umano ito. Ewan ko at dapat bang magpaniwala doon ngunit para sa akin, na-mesmerize na ako sa isang makulay na ahas na umiinog sa epicseryeng may pamagat na “Amaya”. What’s with the name? Female ng “Amay Bisaya”? Kasi nga ang mga tauhan sa naturang TV show ay mga sinaunang Bisaya at ang pagbanggit ng Sugbu (Cebu) o banwa (bayan) at ang pintados-look ng mga tao ay mga cue words na ang setting ay sa Visayas region during the pre-Hispanic times. Kaya pala kakaiba ang maraming terms na ginagamit dito at hindi yung mga usually nasa Makabayan (HeKaSi) at Araling Panlipunan textbooks na mostly tungkol sa ancient Tagalogs at iilan lang ang tungkol sa ibang pangkat gaya ng mga Ilokano, Igorot, Bisaya, o Moro. Halimbawa, sa mga textbooks, ang sabi doon ay “maharlika” ang tawag sa high society sa lipunan ng mga Tagalog samantalang sa “Amaya” ay mga kadatuan at tumao. Nagkakatalo lang sa “timawa”. Kaya nga hindi dapat masamain kung matawag na “mukhang-timawa” kasi mga malalayang tao sila. Eh, kung “mukhang-alipin” kaya ang itawag sa iyo? Again, mga sinaunang Bisaya sa “Amaya” kaya sa halip na “alipin” ang sinasabi ay “uripon”. Hindi “aliping sagigilid/namamahay” kundi “hayohay”. Sa halip na “barangay” ay “banwa”. Ang balangay ay karakoa tapos para sa bangka, baroto. Ang kanilang mga anito ay tinatawag na diwata at umalagad. Gayundin sa pagtawag ng mga Bisaya sa kani-kanilang kaanak na distinct talaga mula sa mga Tagalog at iba pang pangkat-etniko ng kapuluan. Maraming Bisayan terms na mapapansin dito. Siyangapala, bakit kaya sa Visayas region naka-set ang epic-serye na ito? Parang nai-imagine ko na... baka ang mga tauhan dito ay yaong ‘fictional ancestors’ nina Lapu-Lapu, Rajah Humabon, Sikatuna, at iba pang kilalang pinunong Bisaya?
Nang ipinalalabas ang promo ng nabanggit na TV show, hindi yata bagay na si Marian ang gaganap sa papel ng bida dahil litaw na litaw ang Spanish-Filipino mestiza look niya ngunit dahil sa kwento ay na-justify kung bakit papayagan ang malasutla at mapusyaw niyang kutis. Ang term na “prinsesa” ay hango sa salitang Kastila kaya kung babanggitin ito sa show, mai-spoil ang kwento plus mga puna pa ng mga historians. Thus, the word “binukot”. Ang mga anak na babae ng datu ay nakatira sa attic o bukot ng kanilang balay. Tapos, hindi pa sila naaarawan kaya pumusyaw lalo ang balat nila (paano na ang Vitamin D?). hmmm, lahat kaya ng mga sinaunang Pilipino ay mga kayumanggi? Maliban na lang ang mga may lahing Tsino at Arabe kasi ang mga dayuhang ito ay matagal nang nakipag-ugnayan sa mga ninuno at ilan sa kanila ay nanatili na dito sa Pilipinas. Ah, oo nga pala at hindi pa nagkakaisa ang kapuluan noon sa iisang katawagan at bansa (ito ang naging alas ng mga dayuhang mananakop). May nabasa akong article sa Wikipedia na may mga sapantaha or strange accounts na mula pa noong ancient times, may ilang alamat ng mga tao buhat sa iba’t ibang bansa ang tungkol sa Chryseis o lupain ng ginto na isang kapuluan sa timog-silangang Asya sa gilid ng isang napakalawak na karagatan (“Ma-Yi” nga ang tawag ng mga Tsino dito, eh). Tapos, may mga malalakas ang loob na mga Griyegong manlalakbay ang nakarating umano sa mga pulo ng Visayas 2,000 years ago. Kung totoo man yun, eh di hindi lang pala sa mga Espanyol at Amerikano nakuha ng mga Pinoy ang Caucasian genes. Malay natin na hindi naman pala tayo purung-puro na mga Malay.
Going back to the name “Amaya”. Parang word game lang, ha? Naalala ko ang isang sinubaybayan kong sci-fi fantasy sa channel 7 din yun, ang “Atlantika”, ang pangalan ng bidang babae dito na ginanapan ni Iza Calzado ay “Amaya”. May connection ito at ang epic-serye ngayong 2011. Paano, ang gumaganap na “Amaya” ay ang girlfriend ng ka-love team noon ni Iza sa Atlantika, hehe! Meron ngang pag-uulit lang ng character names. Gaya rin sa “Captain Barbell”, ang pangalan ng karakter dito ni Lovi Poe ay “Althea” na recipient ng puso ng pumanaw na asawa ng bida. At naalala ko noong 2004, may light drama noon sa channel 7 din na “Twin Hearts”. Ang pangalan ng bidang babae na si Tanya Garcia ang gumanap at isa rin heart recipient, ay “Althea”. Man, name games. Hehe, bahala na nga ang writers nila! By the way, napanood ko na si Gardo Versoza bilang Machete (at naalala ko pa yung nakita kong pin-up photo niya sa isang lumang showbiz magazine noong starlet pa siya noong '90s- naka-bikini tapos naka-pose sa may poolside, hehe!) at sa action-fantasy teledrama na “Sugo” sa 7 bilang Apo Abucay (bayan yun sa Bataan, a!) Yung pangalawang nabanggit ko, raha na raha rin ang karakter niya pero mas bagay sa kanya ang maging Rajah Mangubat. Ah, meron nga palang apelyidong “Mangubat”, ano?