This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Friday, September 28, 2012

Sanaysay ng Setyembre

Gustav Klimt's The Kiss (courtesy of Wikipedia)
... give me a reason to love you/ give me a reason to be....... a woman.” (lines from “Glory Box” by Portishead)

Una ko yatang narinig ito sa isang commercial noong late ‘90s pagkatapos naging background music ng isang controversial pre-nuptial video of a former beauty queen, and then naipalabas sa Myx Channel ang lumang music video nito, and lately, background music uli ng “Colombiana” trailer sa Star Movies. Wala lang. Para nga kasing umabot pa ng maraming taon upang malaman ko ang pamagat ng kanta na ito na parang pampatulog o di kaya’y hehehe... awiting kasaliw ng isang nagpo-pole dancing na mala-dirty dancer ni Enrique Iglesias. Well, anyway, hindi naman ako naki-ride on sa “Call Me Maybe” or “Gangnam style” craze dahil ganito na hindi man ako fan ni Justin Bieber, ang trip ko ay yun kanyang new singles na “Boyfriend” at ang “As Long As You Love Me” na akala ko cover version ng ’97 hit single ng Backstreet Boys; the music video shows that the kid have just grown up but still a boy and not yet a man at saka, gusto ko yung may line na as long as you la-la-la-la-la-la-la... some lines sound schmaltzy!
***
Trip na trip list:
Fortune Brownies available at selected Mercury Drugstores and Groceries, KFC’s Garden Salad with Asian Dressing, Choco Rhumble and Mango Mousse Singles at Goldilocks, Gotye’s “Somebody That I Used To Know” featuring Kimbra, Maroon 5’s “One More Night” (their concert tickets remain costly and the clean-shaven, tattoo-less Adam Levine ang nakaka-miss sa totoo lang), Diana Krall’s “The Look of Love”, Christmas songs, bossa nova and saxophone renditions and instrumental and new age music , GMA-7’s “One True Love”, Nescafe Chocolatte/Kopiko Kopiccino/Blend 45 Barako 3-in-1/Ludy’s Salabat/Lemon Square Power Pops Peanut Butter flavor/Lily’s Choco Peanut Butter/ Pancit ni Mang Juan BBQ flavor, History Channel’s Ancient Aliens (although disturbing, its documentaries are curiously intriguing), Victoria’s Secret “Love Spell” scents, etc, etc, etc...
***
“...kung sakaling hindi ka naniniwala sa Diyos... ang Diyos, naniniwala sa iyo.”
Ang malumanay na pahayag na ito ay sa karakter na pari na na-assign sa isang magulong slum area at ginampanan ng yumaong Fernando Poe, Jr. mula sa “Mga Alabok Sa Lupa”, his classic black and white film from the swinging ‘60s (naintindihan ba yun ng napaka-intelektwal at napakatalino mong pag-iisip, Red Thani and other freethinkers?).
Nag-channel surfing kasi ako noon at napadaan sa Cinema One. Naabutan ko kasi ang eksenang iyon kung saan sinabi ni FPJ ang pahayag na nabanggit sa isang seksi na mataray na tsik na sa simula ay galit sa kanyang ministriya ngunit di-naglaon ay humanga sa kanya. Pagkatapos, pinagnasahan pa siya ng tsik kahit na may ka-live in na ito na ginampanan ng walang iba kundi ang perennial FPJ foe, the late Paquito Diaz. Ngunit matatag siya sa kanyang mga prinsipyo, nangaral tungkol sa tunay na pag-ibig at sinabing “hindi ako ang mahal mo kundi ang iyong sarili”. At saka, kahit pari siya doon, nilabas pa rin niya ang kanyang signature action moves sans the guns at ang kanyang pangangatwiran nang kinausap siya’t pinagalitan na ng kanyang mga obispo. Hindi ko man napanood nang buo ang sine ngunit kabilang iyon sa mga unforgetable FPJ movies.
***
Nabanggit ko na sa February 2012 blog post dito na “Stopping For a While to Smell the Scent of Flowers” ang tungkol sa kauna-unahang romance pocketbook na nabasa ko. At umabot ng maraming taon bago ako nagka-interes muli na magbasa ng ganito literary genre. Hindi ako bumibili ng mga higit na sikat pero pagkamamahal na imported titles. The bookish, helpless romantics are salivating for “Twilight Saga” or “Hunger Games”or “50 Shades of Gray”; damn, what the hell are those, anyway?! Meron na nga akong koleksyon ng murang pocketbooks kahit na hindi marami. Hindi lang siguro halata sa maton na itsura ko na nagbabasa pala ako ng ganito at mas lalo pa sigurong hindi halata na ako mismo ay may mga naisulat nang manuskrito ng romance novella. Sa halip na bumili ng mas mahal pero “mas makabuluhan” daw na aklat na katha ng critically-acclaimed and award-winning authors ayon sa mga “intellectually and critically-thinking” literary critics who probably first look down on the komiks which were commonly sold sa mga bangketa noon and then the “can afford” paperbacks as means of entertainment for the common people, ako’y nagbabasa ng kung anong trip ko. Bah, humbug! Siyempre as the cliché howls and echoes on, iba-iba ang preferences ng mga tao. Kung anong trip mo ay trip mo at wala na akong pakialam. Kung anong trip ko ay trip ko at higit lalong wala ka nang pakialam!
Bweno, hindi naman ito book review. Ano ang trip ng nakararaming Pinoy pocketbook readers? Yung titles na iyon kung saan hango ang isang afternoon drama series ng channel 2? O, yung sangkaterba nang nakatambak sa romance section ng National Bookstore? Noong isang araw nga pala nang namasyal ako sa Maynila, napadaan ako sa UN Avenue and T.M. Kalaw na within the LRT station area. Nakabili ako ng dalawang pocketbbook- ang isa na kinse pesos (Golden Pages: Larawan Series featuring Janna Centeno’s “Ikaw Pa Rin”) ay doon sa bangketa at ang isa na worth 20 pesos (Rising Star Printing’s “Footprints in the Sand” by Rebecca Capistrano) sa Booksale branch sa loob ng Times Plaza Building. Murang mga pocketbook ngunit kahit na hindi man kasing pusyaw ang kulay ng mga pahina nito sa iba na nagkakahalaga pa ng 37 pesos, tila mas magaganda pa ang kwento nito.
Hay, paperback fiction... naunsyami nga pala at nadurog pa ang pangarap kong maipalimbag ang aking bwena mano na akda na aking ilalathala sana dahil sa punyemas na panggagago na ginawa ng ^&@!#*%~ Jettfire Printing na iyon sa amin na mga kliyente nila; ako’y napamura na dito sa blogs, a! Sa tuwing naaalala ko ang ginawa nilang paninira ng tiwala, naba-bad trip ako at sa pagkakataong ito ay gusto kong ilabas uli itong hinanakit na ito sa pamamagitan ng ganitong mga sanaysay tutal wala kasi akong makakwentuhang tao... ah, oo nga pala, pwede rin ang mga anonymous readers ng blog na ito; yun nga lamang ay animo nakikipag-usap lang ako sa mga bato. Ayaw pa rin ibalik ng lintik na kumpanyang iyon ang downpayment namin at nagtatago pa sila, ha? Hinding-hindi sila mapapanatag hangga’t hindi nila iwinawasto ang mga pagkakamali nila sa amin na mga nagtiwala pa man din sa kanila. Lintik na, pati yung ilang empleyado nila ay tila naghuhugas-kamay at hindi man lang nag-effort na noon pa sana ay binalaan kaming mga kliyente na may katarantaduhan na palang nangyayari sa kumpanya nila! Kung alam ko lang kung saan hahagilapin ang iba pang kliyente para sama-sama kaming magsampa ng kaso ngunit may tunay na laban ba? Pwes, nakakaiwas ang kumpanyang iyon ngayon pero ang perang kinubra nila matapos manira ng tiwala ng kanilang mga kliyente ay maghahatid ng malas sa kanilang negosyo hangga’t hindi nila isinasauli sa mga tunay na may-ari! Hinihiling ko talaga na sana huwag silang mapanatag. Sana palagi silang guluhin ng pag-aalala mula sa mabigat na kasalanan na ginawa nila sa amin na mga kliyente nila hanggang hindi inaayos ang gusot na ginawa nila.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pa rin akong mahanap na disenteng printing company mapagkakatiwalaan ko para sa pagpapalimbag ng aking mga akda! Waaaaah...! Huhuhu! Kailan pa ako makararating sa katuparan ng pangarap ko?!
***
School/ Class reunions? Sa ikalawa kong blog post dito sa Soliloquy Beyond (please see “Fakesbukbok, Fecesbook, Fartville”- September 25, 2010), binanggit ko ang tungkol sa mga reyu-reunion na iyon ng mga dating magkakamag-aral noong elementarya man o hayskul o kolehiyo. Ni minsan nga pala’y hindi pa ako nakadadalo sa reunion kung meron ba talagang reunion. Wala na kasi akong Facebook, eh. Wala na akong koneksyon sa isa man sa mga dati kong kaklase o kaututang-dila. Kibitbalikat... Ah, oo nga pala at wala akong nababalitaang reunion. Siguro doon sa iba get together lang kasi magkakabarkada. Nakikita ko minsan ang ilan sa mga dati kong kamag-aral pero dahil sa weirdo ako, misunderstood kaya ilang na ilang sa akin ang maraming tao, at hindi ma-PR, tulad ako ng isang hermit crab. Tago nang tago. Making myself a creep, tsktsktsk! Huwag na huwag niyo lang akong aasaring timang at talagang malilintikan kayo sa akin sa paraang hinding-hindi niyo malalaman, hehe! Kung may reunion man sa batch na aking kinabibilangan, tila mag-aalalangan akong dumalo dahil isa na lamang akong multo mula sa nakaraan, sa mga nagdaang panahon na iyon na nakapiling ko sila.
***
Controversial Internet film and violent protests in many areas around the world? Hindi na bago ang ganoon, tsktsktsk! Yung mga gumawa siguro ng naturang sine sa Amerika, freedom of self-expression daw kaya lang trahedya at kapahamakan naman ang idinulot nito; kasi hindi nila sineseryoso ang mga consequences ng pinaggagawa nila, eh, na para bang nananadya na. Yan tuloy, may mga inosenteng tao ang nadamay! May nabasa ako sa dyaryo na isa raw US-based Egyptian Christian ang nasa likod ng pelikula. Sa ilang related literature or past news items na nabasa ko rin, ang mga Kristiyano raw sa Ehipto, notably the Coptic Christians ay matagal nang dumaranas ng diskriminasyon at pang-aapi... kaya siguro may ilan sa kanila ang nagtanim ng matinding galit sa puso nila dahil sa sinasapit ng kanilang lahi. Sa mga news coverages na iyon, mapapanood ang epekto kapag pinairal ang matinding emosyon at makalimot sa pagpapakahinahon, hindi na mababatid ng tao kung ano ang tama o mali basta magpakaanod na lang sa dagliang bugso ng damdamin. Naalala ko noon sa klase namin sa Makabayan-HEKASI, kabilang sa mga aralin tungkol sa sinaunang pamumuhay ng mga Pilipino ang kasaysayan ng Islam sa Pilipinas. At ako’y masiglang-masigla noon na naglahad tungkol dito at sa kasaysayan mismo ng nabanggit na relihiyon. Mga araling may pinaaalala tungkol sa equilibrium sa kalipunan ng lahat ng mga may paniniwala. Ng karapatang pangalagaan ang kinaaanibang pananampalataya at ang katapat nitong tungkulin na paggalang naman sa pananampalataya ng kapwa-tao.
***
Happy-happy na naman nang ginanap ang 33rd Manila International Book Fair sa SMX Convention Center, SM Mall of Asia Complex. Nagtungo ako doon noong Setyembre 15 at 16 (kahit maulan!). The usual na mataong event with all the booths ang sponsors around. Namili ako ng ng gusto kong libro at babasahin. Mga bagsak-presyo religious books and magazines sa St. Pauls, back issues ng Cruising magazines sa Manila Bulletin, Life in Progress Volume 4: Chronicles from the Discomfort Zone ni Julius Villanueva sa Psicom booth- cute, mild, mostly a bittersweet love story (between the frail main character and his all peaches and cream lady love) and unlike its predecessor which has those annoying comic strips containing innuendo on ailurophobia. No reason to bombard it with some bitter comments tulad ng mababasa sa isang talata sa “Medley of Confectionery” posted here last November 16, 2010; kaya lang may nakakainis pa rin mababasa doon especially if you’re an ailurophile and you have your beloved kittens with you. Noong binabasa ko ito, minsan iniiba ko ang kwento sa imahinasyon ko; gusto kong maging maamo na yung aso na pwede ko nang himasin sa ulo tapos kilitin ko pa sa bundat na sikmura nito na hindi naman kailanman nagawa nung bidang lalaki! Tapos, halos kupkupin ko na yung aso kaya lang napaaway ako sa amo nito. At sa bandang huli, ang aso- sa kanya pa rin babalik, sigaw ng damdamin; wala kasing mapagtitripang amo. Hoy, kunwari lang yun, ha? Well, the last comic strip is cute- the main character’s younger brother loves to drink the creamy milk of a mother cat... goodness, Catwoman’s apparent heir!
At kahit na hindi ako mahilig magluto, nakabili rin ako ng dalawang bagsak-presyo rin na British recipe books sa Learning is Fun. Speaking of the cookbooks, mga tungkol sa desserts and chocolate recipes. Karamihan ay baked recipes eh wala kaming oven dito sa bahay! Ang gaganda kasi ng mga larawan sa mga libro na iyon; maaari ko naman paganahin ang imahinasyon ko at metaphysics. Pero di bale. May naalala pa ako doon sa isang eksena ng Steven Spielberg-directed “Empire of the Sun” kung saan ang batang-bata pa na si Christian Bale na sa gutom niya ay nag-iimagine na tunay nga siyang kumakain habang tinitigan ang mga litrato ng mouth-watering recipes sa cookbook. At least, mas okey naman yung isang eksena sa isang ‘90s Pinoy comedy movie (“Si Ayala at si Zobel” yata yun) kung saan ang mga mag-tiyo ay kumakain. Upang ganahan sa kaning lamig na walang ulam, ang tiyuhin ay nagsasabit ng nag-iisang tuyo sa itaas ng hapag-kainan. Pagkatapos siya at ang mga pamangkin niya ay alternate na lalanghap lang dito pero madaya yung isa kasi dinilaan yung tuyo, hahahahaha!
Ang dami-dami talagang tao sa event na iyon lalo pa’t may ginanap na Best of Animé. Yeah, the haven of cosplayers, para akong nasa ibang planeta! Pero hindi ako nanood doon kasi ang mahal ng ticket price. Hindi ako kabilang sa cool circle nila sa kanilang masayang costume party! Balik uli sa Book Fair. May mga namataan nga akong kilalang tao, (sa past Book Fairs, sina Tado at Stanley Chi) sina Lourd De Vera, Ramon Bautista, and especially Bro. Bo Sanchez.
May isa rin weirdo na nag-uusyoso doon na pagkatapos pumunta pa sa main mall ng MOA para bumili sa BreadTalk at KFC, walang iba kundi AKO!

1 comment: