This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Saturday, October 20, 2012

OktoberZest Reload

“San Pedro Calungsod”

Pagkatapos ni San Lorenzo Ruiz, isa na namang Pilipino ang hinirang nang santo, si Blessed Pedro Calungsod. Bagamat obscure ang malaking bahagi ng kanyang personal background except for the fact na isa siyang teenage catechist na Bisaya ayon sa talaan ng mga historians noong panahon ng mga Espanyol. Natunton naman ang mga descendants mula sa kanyang angkan. Yung kay San Lorenzo kaya na mayroon ngang pamilya? At yung maraming representasyon niya, gayundin kay San Lorenzo, ay base lang daw sa itsura at pananamit ng mga Pilipino noon. Well, they were both 17th century Pinoys. Ngunit para sa drinowing kong illustration na iyon sa itaas ng talata na ito, sa halip na nakatingala sa kalangitan, ang ating mahal na beato ay nakatungo, may matamis na ngiti sa labi, at nakapikit habang natatanglawan ng sinag ng liwanag mula sa kaitaasan. The same pose which reminded me of the humble submission to God’s calling by the Blessed Virgin in several paintings about the Annunciation. At yung buhok niya ay hinahangin. Hinahaplos ng mga hangin ng Karagatang Pasipiko na minsan ay mabagsik, minsan ay mahinahon. The background has tall coconut trees na marami sa Pilipinas at Guam; posibleng pangunahing pinagkukunan nila ng pagkain at inumin. At prominente ang Krus. Sapagkat makalipas ang tatlong daang taon matapos ang martyrdom ng pangkat ni Calungsod at pagdilig ng sarili nilang dugo sa lupain ng Guam, karamihan na sa mga Chamorro sa kasalukuyan ay mga Kristiyano.
***
“If St. Francis of Assisi is a modern day environmental activist and ecological conservation advocate ...”

Nakakita at nakahawak na ako noon sa isang lugar na napuntahan ko ng ivory product na yari sa pangil ng hippopotamus and I felt sad and sorry kahit na kahanga-hanga ang craftmanship ng anonymous West African artist dito. Maganda na sana kaya lang paano nakuha ang raw materials nito? Buti sana kung hindi dahil sa poaching at yung hippopotamus ay namatay na without human involvement and greed nang kinuha ang mga pangil.
May nabasa akong showbiz magazine na merong article tungkol sa interview sa isang controversial talent manager na naikwento na madalas may nag-aalok sa kanya ng mamahaling religious statues na nagtataglay ng ivory. Pagkatapos nitong mga nakaraang linggo lamang ay pumutok naman ang iskandalo tungkol sa ivory trade and smuggling at na-special mention ang isang pari na kababayan pala niya na mayroon umanong collection ng imaheng yari sa ivory. What is it about ivory especially those that came from elephant tusks? Meron namang alternatibo dito tulad ng PVC, fiberglass, at bunga ng South American ivory nut palm. But the real animal ivory is the real deal since the ancient times.
Si Mama Mary na babaeng pinagpala sa lahat ay namuhay bilang simple at tahimik na babaeng Hudyo. Payak at masayang namuhay kasama ang kabiyak na si San Jose at ang pinakamamahal na Anak. Pinaniniwalaan na si St. Luke, bukod sa isang manggagamot ay isa rin alagad ng sining na ipininta ang pinakamatandang religious icon which depicted the Blessed Mother and the Infant Jesus. Marami nang works of art na nagtampok sa kanyang imahe with all the reverence at pagpupugay sa kanya. Marami ay elaborated pa in contrast sa tunay niyang lifestyle noong panahong iyon.
Ang malungkot nito ay tila nagkakaroon ng animal sacrifices. Masisiyahan ba ang ating Mahal na Ina kung may isang kawawang elepante na papatayin para lamang sa ivory tusks nito? At yung ivory tusks ay uukitin bilang religious icon. Ang makinis na mukha na yari sa ivory na malamang ay hindi nagpapaalala ng kagandahan at kabutihang-loob ng Mahal na Ina kundi ng mga poachers and ivory traders, smugglers and collectors.
***
Isa itong anekdota na naikwento ng pari sa kanyang homiliya sa Misa at noong mga nakaraang taon pa iyon. Sa isang bayan daw na may lumang simbahan nakadestino ang dalawang pari. Ang isa ay monsignor na samantalang ang isa naman ay bata-bata pa. Sapagkat may edad na ang monsignor, may pagka-grumpy old man na ito na madalas pagalitan at pahiyain ang kasamang batang pari kahit pa may ibang taong nakakakita. Sa halip na ipagtanggol ang dignidad, hindi na umiimik ang pari sa tuwing pinahihiya at nagtutungo na lamang ito sa banyo upang maglinis doon. Isang araw ay nakatakdang madestino na sa ibang parokya ang monsignor. Tinawag niya ang kasamahang pari upang kausapin ito nang masinsinan at humingi na rin ng patawad sa hindi niya maayos na pagtrato dito noon. Ang tugon ng kasama niya, “Monsignor, matagal ko na kayong napatawad. Sapagkat sa tuwing pinagagalitan niyo ako at hinihiya sa harap ng ibang tao, maglilinis na lamang ako ng banyo... at ang inyong sepilyo ang ipinangkukuskos ko sa inidoro.”
***
“The Purple Mirage”

Colored illustration lamang ang nasa itaas at bakit ko ia-upload ang aktwal na litrato? It’s all about the rare and unusual purple mirage.
Tulad ng mababasa sa caption sa drowing, the color purple is also the color of an illusion, a stunt that I had done many, many days ago. That was the day when I manifested a side of me which I am not actually and this is a sort of argument in metaphysics on the ego, myself. Hindi lahat ng detalye ay ipapaalam ko; I’ll just keep it to myself.
Ang saya pa rin ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day noong Oktubre 5!
***
Rembrandt's The Night Watch (courtesy of Wikipedia)
Vincent Van Gogh's Sunflowers (courtesy of Wikipedia)

Misan ay muli kong kinakatuwaang basahin ang isang travel magazine na bigay noon ng kamag-anak naming seaman, ang “Amsterdam Exclusive” in English pa. Glossy magazine na galing pa ng Netherlands. Talagang first world na first world. Ang unang ideya ko tungkol sa naturang bansa ay yung masaganang flower farms nito at Madurodam miniature theme park na nakita ko sa isa pang travel magazine, ang Mabuhay. Pagkatapos, kung may Filipino connection ang lupaing ito ng mga Olandes, dito na nakatira yung mga exiled na komunista at meron din OFW communities. As usual, wala naman akong sangkaterbang euro para makapag-jetsetter subalit libre naman ang imahinasyon, hehehe! Ang saya sigurong sumakay sa river cruise sa Amsterdam waterways o mag-strolling sa mga flower farms na may windmills, museo, at mga makasaysayang pook. Teka, hindi ba naiinsulto ang mga Olandes o Dutch sa mga entries sa English dictionary na “Dutch uncle” (taong may hindi namang maayos na kritisismo), “Dutch courage” (lakas ng loob na dulot lamang ng alkoholikong inumin), “Dutch treat” (kanya-kanyang gastos; ‘hindi kita ililibre, ano ka, sinuswerte?!’), “to be in Dutch” (mapahiya), “to beat the Dutch” (figurative language na may kinalaman sa kompetisyon). At least, okey pa yung “Dutch Boy” na brand ng pintura.
May cultural diversity nga pala ang daigdig. Merong traditional and conservative societies. Merong liberal societies. At meron pang mas liberal na societies , with secularism included. And Amsterdam is an excellent example of that kind of society. Free choices. Kahit na nababasa ko lamang sa magasin ay naku-culture shock na ako na may information dito tungkol sa marijuana museum and other ‘grass spots’. Well, napaisip ako. Hindi naman ako nagtataglay ng green thumb pero kung halimbawang legal na papayagan ako ng mga awtoridad, lalo na ng PDEA, na mag-alaga ng isang plant specimen ng cannabis sativa ay ituturing ko na lamang ito bilang karaniwang houseplant at uupakan ko ang tatangay nito. Noong unang panahon naman ay tulad lang ito ng ibang wild na halaman na tahimik na namumuhay sa mundong ibabaw na merong chlorophyll, photosynthesis process at tumatanggap ng carbon dioxide at naglalabas ng oxygen. Nasobrahan siguro ng curiosity at talino ng ilang tao na gumambala sa innocent and natural existence nito kaya tuloy napasama ang reputasyon nito, tsktsktsk!
Pagkatapos, hehe, may isang distrito sa Amsterdam... na kung sakaling daraan dito ang river cruise ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng litrato. Na-feature na nga pala ang very liberated side of the said city sa “Deuce Bigelow: European Gigolo” with all those grotesque punch lines. Yeah, ang mga chikas na nakadispley sa mga bintana kung nais ng turista ng isang kakaibang window shopping. Nabasa ko ang isa sa mga pinakamahabang kwento ni Hans Christian Andersen na hindi naman fairy tale, ang “What the Moon Saw” na sa isang kabanata nito na “third evening”, siguro isang window lady ang tinutukoy dito. Tungkol iyon sa isang babaeng na nagkasakit nang malubha at ang kanyang abusadong asawa ay pinilit pa siyang magtrabaho sa pamamagitan ng pagdispley sa kanya sa bintana ng bahay nila sa pagbabakasaling merong magkursunada sa kanya hanggang sa hindi na niya kinaya. Discreet lang kasi ang Danish author. Well, the district? Off limits to conservatives, the religious, strict health buffs, and militant feminist groups.
Aba’y kahit may lugar na ganoon, beautiful Amsterdam has lots to offer and it’s up to you. By the way, meron din namang Dutch connection sa maraming tahanan ng mga Pinoy lalo na tuwing Pasko at Valentine’s Day. Saan galing ang maraming imported na quezo de bola (Edam variety) o saan unang pinitas ang mamahaling tulips?
***
Bali-balita ang tungkol sa “sin tax bill” na sinimulan sa panukalang taasan ang halaga ng mga sigarilyo para dumami na ang titigil sa bisyong ito. Meron ngang masasamang dulot sa kalusugan ang pagyoyosi... pero ako’y nagi-guilty rin, hehe! Not practicin’ what I preach... hindi nga ako naninigarilyo pero nagtinda ako ng sigarilyo noong meron pa kaming tindahan! Ito ang isa sa mga pinakamabentang paninda. Goodness... nakakahiya. Hindi ako naninigarilyo at hindi kailanman. Ngunit may pakinabang sa akin ang karton, kaha, at palara ng iba’t ibang yosi kasi ang kinis at ang puti ng surface para gawing drawing pad. Actually, ang pinagdrowingan ko ng mga naka-upload na artworks ko dito ay mga palara at kaha. Nice way to recycle without the tar, carbon monoxide, and nicotine and the noxious smoke except for remnants of the dried tobacco leaf’s scent.

"Sunset" (crayon etching)

1 comment: