“A joyful heart is more easily made perfect than a downcast one.” - St. Philip Neri
*******
Hey, ang April 2015 post na “Ang Bakasyunistang Weirdo sa Batanes” ang may pinakamaraming uploaded photos sa lahat ng posts ng Soliloquy Beyond at kasunod ang twin blog nito, ang March 2015 post na “Isang Lunes Santo sa Batangas.” Pareho silang travel blogs.
Makailang beses nang nasa talaan ng traffic sources of pageviews ang links sa suspicious Blogger sites na ayaw ko ngang i-click habang naka-sign in pa ako sa aking account. Pagka-sign out ko, na-curious ako sa blogsites na iyon at lumantad ang talaga namang hindi ko maaaring ipagsabi dito ang tungkol sa web addresses nila. Merong mga hardcore na hindi ko matingnan nang diretso dahil nakakasuka talaga. Ang isa namang may pagka-soft porn site ay nag-iinvite ng contributors of adult homosexual stories. Hay, naku... tsktsktsk! Napakaraming bloggers sa buong mundo at iisa ang aming tinatamasa- freedom of expression. Hindi ako goody-goody, holier-than-thou ngunit isang paninindigan ang maging responsable sa pamamahayag; ang bawat karapatan ay may kaakibat na tungkulin. Karapatang mag-express at tungkuling rumespeto.
*******
George Bellows’ “Both Members of this Club (1912)” (Wikipedia)
Ang masasabi ko lang sa tinaguriang Battle for Greatness: Pacquiao vs. Mayweather noong ika-2 ng Mayo (Mayo 3 dito sa Pilipinas)- 12 boring rounds na amoy-pera ang kapaligiran ng boxing ring kaya nga pugilism or prizefighting na battle for greatness ng laki ng kinita ng Las Vegas at hindi laban ng paninindigan upang tanghaling isang dakilang boksingero. Si Floyd Mayweather, Jr.? Nakahiga nga sa pera yet I don’t sense the integrity and genuine happiness in him.
Ang mahalaga ay wala namang serious injury sa dalawang contenders at nagpapagaling na si Pacquiao mula sa inoperahang shoulder injury. Speaking again of our pambansang kamao, very, very publicized ang kanyang religious activities along with his torrential solascripturan preaching. Malamang kung makakausap mo yun nang personal, siguro diskusyon tungkol sa relihiyon ang palaging tema, ano? Naalala ko tuloy yung isang titser namin noon sa AIMS na panay lamang ang diskusyon niya ng kanyang personal Biblical exegesis at patama sa ibang pananampalataya sa halip na ituro ang course subject na dapat niyang ituro.
Well, bago naman matapos ang buwan, mayroong nagpasaya sa sambayanang Pilipino sa pagkakapanalo ng Batangueño dance troupe na “El Gamma Penumbra”. Very enchanting talaga ang kanilang performances with those relevant themes na kanilang isinasalaysay at inilalahad sa pamamagitan ng kanilang mga sayaw, lalo na ang indak ng kanilang mga anino. Second place naman ang “Khusugstun” na folk musicians mula Mongolia. Ang throat singing na bahagi ng kanilang kultura at ng iba pang taga-Central Asia ay una ko pang napanood sa isang documentary ng National Geographic Channel. Ginaya ko pa yun kasi parang madali lang at pagkatapos medyo nanigas at nangati ang lalamunan ko, hehehe! Siyempre, para sa mga highly-trained lamang yun, ano?
Well, bago naman matapos ang buwan, mayroong nagpasaya sa sambayanang Pilipino sa pagkakapanalo ng Batangueño dance troupe na “El Gamma Penumbra”. Very enchanting talaga ang kanilang performances with those relevant themes na kanilang isinasalaysay at inilalahad sa pamamagitan ng kanilang mga sayaw, lalo na ang indak ng kanilang mga anino. Second place naman ang “Khusugstun” na folk musicians mula Mongolia. Ang throat singing na bahagi ng kanilang kultura at ng iba pang taga-Central Asia ay una ko pang napanood sa isang documentary ng National Geographic Channel. Ginaya ko pa yun kasi parang madali lang at pagkatapos medyo nanigas at nangati ang lalamunan ko, hehehe! Siyempre, para sa mga highly-trained lamang yun, ano?
Flame trees in bloom- more seductive than the delicate cherry blossoms
Melendres flower clusters- blossoming between the last weeks of the dry months and the start of the rainy season when the tropical southwest monsoon begins to gain strength
Ang planetang Saturn ay nasa Scorpius ngayong taon na kapag pinagmasdan sa kalangitan ay animo nakasabit sa isa sa mga sipit ng alakdan. Malamang sa susunod na taon, ang posisyon nito ay malapit na sa puso ng naturang zodiac constellation, ang Antares na kasingpula rin nito.
Nagpapatuloy ang tag-init na may El Niño pa. Okey naman ang pakiramdam na tumatagaktak ang pawis tapos ang baho ko na. Pero hindi naman ako nagkakasakit, hehe! Kahit maalinsangan, nilalasap ko ang bawat araw ng bakasyon kahit na staycation ito kasi ngayong taon, hindi kami nagbakasyon sa Tigbauan, Iloilo. Eh, di hindi nakapaghasik ng tahimik na ligalig doon ang weirdong blogger na nagngangalang Joan T. Teves.
Malapit na ang muling pagsisimula ng bagong school year. Ilang araw na lamang ay pasukan na. Bakit pa ako magiging excited? For pete’s sake, ang mga klase ng VABES ay gaganapin pa rin doon sa mga sickening makeshift classrooms sa campus grounds sa loob ng maraming buwan habang ipapa-retrofit daw ang mga school buildings. Punyemas! Ginawa sana ng mga nasa kinauukulan iyon noon pa at hindi kung kailan magsisimula na ang pasukan, ang tag-ulan, at ‘pananakot’ ng PHIVOLCS tungkol sa lindol. Test of endurance na naman ang sitwasyon sa VABES katulad nitong mga nakaraang buwan. Making do out of a situation na di talaga conducive to a meaningful learning.
Tsktsktsk! Kung may oportunidad lang sana na maging full-time fiction writer, magka-career change muna ako pero wala, eh... ah, lintik na! Gusto ko na lang lubusin ang bakasyong ito. Ang mga laidback days na walang stress and tension. Laidback days with fun escapism and placebo effects.
Hapon ng ika-4 ng Mayo at nag-channel surfing ako and I stumbled upon this throwback show na magmula noon ay sinubaybayan ko na at ayaw kong makaligtaan ang isa man lang episode lalo pa’t pagsapit ng pasukan, hindi na ako makakapanood nito dahil panghapon ang klase ko. Nagbalik na ang unang “X-Men: The Animated Series” but this time, sa TV5 na ito, Lunes hanggang Biyernes 3:15-3:45 (pagkatapos ng isa pang Marvel product, ang Avengers) at naka-dubbed na sa Tagalog. Kahit na may mga X-Men live action movies, nakaka-miss talaga ang animated characters nina Professor X, Wolverine, Cyclops, Jean Grey, Beast, Gambit, Rogue, Storm, Jubilee, and the rest of mutants, heroes and villains alike. Tandang-tanda ko pa noong una itong ipinalabas sa ABS-CBN, ang petsa ay Abril 16, 1993. Hehe, birthday ko noon. Kasunod nitong nag-premiere ang “Highlander”. Ang sinubaybayang Friday primetime block ng channel 2 noong early to the mid-‘90s ay nakalaan talaga para sa US TV series, pagkatapos lang ng TV Patrol. Hay, naku di tulad ngayong panahon sa dos man o sa channel 7 (buti pa ang channel 5!), ang mapapanood sa umaga, tanghali, hapon, hanggang gabi ay pulos teleserye o melodrama o soap opera kung anuman ang trip mong itawag!
Mas gusto ko pa talaga ang naunang “X-men” kaysa sa later seasons nito kahit ginamitan na ng CG effects. Iba talaga ang spectacle ng designs ng 2-D animation at very cool ang kwento ng bawat episode. Naalala ko noong ‘90s at madalas pa ang brownout. Bwisit na bwisit ako kapag itinaon pang Biyernes yun! Ah, oo nga pala! Nabanggit ko na pala ang tungkol sa X-Men at mga kahalintulad na komento dito sa isa sa mga essays ng June 2012 blog post na “Salagubang sa Ulan Tikatik”.
Ang isa pang great throwback special at akmang-akma ba naman sa mainit na panahon at nasa Jeepney TV na ay ang isa sa mga pinakapopular na TV series worldwide, ang “Baywatch”. Tulad ng X-Men, tuwing Biyernes ng gabi rin ito sa channel 2 during the early ‘90s pero ang isang ito ay hindi ko na gaanong nasubaybayan hanggang sa ibinalik ito kamakailan lamang. Sa trailer pa lang at iba pang trivia prior to its re-run, naintriga na ako at ang simpleng pag-uusyoso ay naging pagka-hook na sa kaaabang sa mga susunod na maaaksyong eksena. Napanatili ang show in clear English kahit na maugong dahil ba naman madalas ang location ay sa Pacific coast. Madali namang intindihin ang conversations dito. Sa Baywatch ba naman, pinag-iinit talaga ang televiewers ng mga nagseseksihang lifeguards; well, it’s not just about the hotness of David Hasselhoff or Pamela Denise Anderson but it’s all about the whole team, the cool show!
This is neither an advertisement nor an endorsement. Kahit na bahagyang pricey for a 13-track album ang “Josh: Sax Appeal” tapos tinipid pa ang CD folder just like that album of harp rendition by the late Tadao Hayashi, mapakinggan lang ang soothing and sensuous saxophone rendition of popular OPM songs, ay masusulit na ang bayad. Si Joshua Espinosa ay ang isa sa mga pinakabata and very promising musician ngayon. Fast-rising potential who speaks through music, siya ang cool alternative kung natutulig na ang tenga mo sa ngalngal ng Kathniel or Jadine or Taylor Swift’s shrill, fireman’s alarm kind of voice and those annoying K-Pop and tiresome One Direction.
Speaking of One Direction, kung may mga miyembro silang mag-go solo na, kaya ba nilang pantayan ang kalibre ni Justin Timberlake na itinuturing ng kasalukuyang henerasyon na pinakasikat na nagmula sa isang boyband (N’Sync)? Siguro ang future ng 1D ay nasilayan na sa Backstreet Boys nitong huling concert nila sa SM MOA Arena o di kaya ang Boyzone sa Smart Araneta Coliseum. Siguro makalipas ng maraming taon kung mayroong reconciliation na sila sa kung anumang isyung nagpaputok ng butsi ng ilan nilang miyembro, eh di muli silang magkakaroon ng reunion concert/ world tour to relive the good old times with their fans of mostly mature audience comprising of yuppies and family persons now who were the screaming, wild teens then during their heydays.
*******
Kahit na mayrong mga usong music and movie downloads (were those legal anyway?) at ang perennial, ubiquitous pirated DVDs, tinatangkilik ko pa rin ang orihinal sa mga CD stores lalo na kapag bagsak-presyo na. Prized catch talaga mula sa SM Department Store ng Mall of Asia ang isang 25-peso VCD ng “Working Girls” (1984). Ang Ishmael Bernal-directed blockbuster ang mas gusto ko kaysa sa 2010 sequel nito. Katulad nga sa islogan nito: women who hold power and women held by power. Mayroong replays nito sa mga movie chanels pero una ko itong napanood sa chanel 5 kaya lang maraming eksena ang hindi ipinakita dahil rated SPG talaga. Katulad na lang sa isang bed scene doon kung saan ang seksi-tari na siyang pinakanakakatawa talaga sa pitong bida, may private moments sa kanyang boss. At habang naghihiyaw na siya ay napapahawak siya sa isang stand ng lamp shade sa bedside table at akala ko ihahampas na niya yun sa kanyang lover habang nasa rurok na sila ng kagalakan. Dito rin galing ang kabilang sa mga pinakasikat na Pinoy movie lines, ang laglag-panty at nangangatog pang lovestruck confession thru a telebabad scene, “Sabel, this must be love!”.
Jacques Louis David’s “King Leonidas at Thermopylae” (Wikipedia)
Ang iba pang VCD na binili ko ay ang “300” na isa sa mga all-time favorite films ko at pati ang sequel nitong “300: Rise of an Empire”. The theme is very macho and testosterone-driven with all those theatricalism, including explicit sex scenes, the stylish violence, and gore which resembles coagulated crude oil. Mas gusto ko pa rin ang naunang “300” kaysa sa sequel nito at saka sa historical accounts, higit pang hinangaan at dinakila si Leonidas of Sparta kaysa sa Athenian general na si Themistocles na di-naglaon ay kumampi at nakinabang pa sa Persian Empire nang hindi na si Xerxes ang hari. Sa mga nabanggit na pelikula, ipinakikita doon ang Persian kings, especially Xerxes as barbaric and megalomaniac. Samantalang sa Old Testament ng Bibliya, according to the prophets Ezra and Nehemiah, highly-esteemed ang mga katulad ni Cyrus the Great, Darius, and Artaxerxes I as benevolent liberators of the Jewish people from Babylonian Captivity and generous donors as well nang muling itinayo ang Templo ng Herusalem. Sa ibang accounts, may speculations na ang King Ahasuerus na asawa ni Queen Esther ay actually si Xerxes daw mismo who came back to Persia brooding over his great loss to the Greeks.
Nakabili rin ako ng 99-peso DVD ng “Alexander” (Director’s Cut) pero mas gusto ko ang halos contemporary nito noong 2004, ang “Troy”. Talaga namang si Alexander the Great ang isa sa mga pinaka-fascinating if not controversial, figure in world history. Pino-portray sa pelikula ang kahusayan niya bilang pinuno as well as ang mga intriga sa personal niyang buhay. Kaya lang, talaga nga bang bisexual ang tunay na Alexander the Great? Mala-Achilles and Patroclus of the Iliad epic daw ang relasyon nila ng pinakaminahal niyang tao sa buhay niya na si Hephaestion. Sa pelikula, hindi siya ang tipong mama’s boy dahil siya ang conqueror; mas mukha pa ngang magkapatid sina Colin Farell na gumanap na Alexander at si Angelina Jolie ang kanyang queen mother na si Olympias.
Kahit nga sa Bibliya mismo, may mga accounts doon na binibigyan ng kulay ng ilang indibidwal para ma- justify na maging scriptural readings sa isang gay marriage na nabasa ko sa diyaryo many, many years back. Nasa Books of Samuel ng Old Testament, mababasa ang tungkol sa closeness ni King David at ni Prince Jonathan na anak ng kanyang arch-rival na si King Saul. One of the mournful, emotional passages from the dirge that David sang for Saul and his sons who died with him in the battle against the Philistines is from 2 Samuel 1:26- “How I weep for you , my brother Jonathan; how much I loved you! And your love for me was deeper than the love of women!” Pero sa palagay ko, ang relasyong iyon ay brotherly, platonic love and not some bromance na makabasag-plato sa lababo!
*******
Kahit na matagal pa ang Halloween at ang panahon ng Undas, napanood ko pa rin ang replay ng isang “I-Witness” documentary noong isang gabi sa GMA NewsTV, ang “Mga Kwentong Katatakutan” mula sa ilang pook sa Baguio City tulad ng kinaiilagang Diplomat Hotel, Casa Vallejo, Laperal Mansion (Baguio “White House” at iba yung nasa Malacañan Complex, ano?), ilang cabin ng Teachers’ Camp, at ang lote na dating kinatatayuan ng tanyag ng Baguio Hyatt Hotel na sinawimpalad noong 1990 killer earthquake.
Mga paboritong puntahan ng mahihilig sa supernatural o gusto lang ng kakaibang trip. Siyempre, di-maglalaon, mapapabilang na sa listahan ng mga “society of ghost hunters” kuno ang tragic Kentex factory ng Valenzuela kapag hindi na gwardyado ng awtoridad na nag-iimbestiga pa sa malagim na pangyayari doon.
Pero ano ba talaga ang mas nakakatakot? Mas nakakatakot kung ang mga heritage sites ng Baguio ay tuluyan nang napabayaan at lumala pa nang lumala ang polusyon sa naturang lungsod pati ang pagtaas ng bilang ng krimen at iba pang banta sa katiwasayan. Higit pa ngang dapat katakutan ang mga maaaring gawin ng mga buhay, eh!
Going back to the Kentex tragedy, sana’y wake up call na iyon sa safety standards ng lahat ng establisyimento, lalo na yung mga magpasahanggang ngayon ay hindi gaanong pinahahalagahan ang working conditions ng kanilang mga manggagawa.
*******
Finale of this blog: my addresses for them. Inaamin ko rin na maraming pagkakataong nagbuburo ako ng hinanakit sa totoo lang at matagal-tagal ang duration of coldness ko sa ilang tao bago ako mag-let go na lamang kasi lumipas na, eh. Sa totoo lang, kahit na hindi na ako close sa mga taong iyon o kinakausap sila o kahit batiin man ng isang ngiti, hindi ibig sabihin na mabigat pa rin ang pakiramdam ko sa kanila. It’s just that I am this distant yet I can still be there for them.
To Crème Brûlée: sabi mo noon, magpapagawa ka sa akin ng isang painting. Ang tagal-tagal pa ng kwento mo. Umasa ako noon kaya lang sana diretsahan mo na lang sinabi sa akin na nagbago na ang isip mo at hindi na tuloy ang proyekto. Well, matagal nang lumipas ang panahon... wala na akong tampo noon pa.
To Cappuchino con Tiramisu: naging “yaya” ako ng iyong “unruly” na mga “anak-anakan” sa paaralan at hinding-hindi ko malilimutan yung araw na pinagalitan mo ako sa harap nila at pagsabihan ako na ako rin ang masisisi. Hindi ko kasi kaya ang katarantaduhan ng mga bata mo pero sana tinarayan mo na lang ako dahil sa aking pagkakamali nang tayo lamang ang nagkakarinigan. Kaya tahimik akong nagngangalit noon nang hindi ko lang ipinahahalata kapag pinababantayan mo sila sa akin. Ilang taon na ang lumipas, pati ang pagkasuya ko ay lumipas din, huwag kang mag-alala. Sana’y matagpuan mo na ang right guy na nakatakda para sa iyo.
To Soufflés et Chocolat: sana noon pa, direkta mo na lang sinabi sa pagmumukha ko na hindi ka na bibili ng aking pocketbook kasi nagbago rin ang isip mo. Mauunawaan ko naman, eh. Hmmm, lumipas na ang panahon. Kahit na hindi tayo nagkakausap o tingnan man lang kita, hindi ibig sabihin ay bad trip ako. Let’s move on. Sana’y matagpuan mo na ang right guy na nakatakda para sa iyo.
To Walnut Parfait: alam kong friendly ka naman sa kahit sino, kahit sa isang weirdong katulad ko. Kaya lang, buhat noong araw na iyon na nagpahiwatig ako ng paghingi ng kaunting tulong sa iyo na bumili naman ng pocketbook ko at nilalangaw na ang sales, hindi ka naman pala malapitan na sana’y direkta mong sinabi na hindi ka interesado dahil hindi ka naman mahilig magbasa nito at maiintindihan ko. Mula noon, hindi na kita pansin na para bang hindi tayo magkakilala. At makalipas ng higit sa isang taon at maraming buwan, ikaw pa ang lumapit at pinaalala mo ang tungkol sa pocketbook na ikinainsulto ko sa totoo lamang kaya napagsungitan kita. Paumanhin sa inasal ko. Hindi naman ako galit sa iyo.
To the anonymous readers: tila clairvoyance ngunit nadarama ko kung sinu-sino ang ilan sa inyo. Sige, manatili na lamang kayong anonymous tutal ang blog site na ito ay aking soliloquy at wala na akong pakialam kung marami ang nakikibasa at hanggang doon na lang.
BAWAL MAGDISPLEY DITO NG LINKS/URL NG PORN SITES AND OTHER CYBERGARBAGE!
ReplyDeleteYEAH, SUMMER BLOG.
ReplyDelete