This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Saturday, December 31, 2016

Smiles of the Northeast Monsoon Breeze


Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon!




The Sleeping Saint Joseph on a Christmas card

            I happily received these wonderful presents from Caritas Manila days before Christmas. Pope Francis also popularized the devotion to Mama Mary’s husband and Jesus’ foster father. St. Joseph’s slumber was believed to be a symbolic meditation which finally arrived at the realization about God’s will and plan for our lives.

***

            Ika-3 ng Disyembre. Advent season na ngunit sa araw na ito, ako ay nakapa-visita iglesia sa apat na simbahan sa Maynila. Hindi man ako ganoong ka-relihiyoso, nais ko magtungo sa isang pilgrimage na meron pang cultural and historical tour. Pagbaba ko mula LRT-Carriedo, ang una sa aking itinerary ay ang simbahan ng Sta. Cruz. Sampung taon na pala ang nakalipas mula nang huli akong nagtungo dito nang ako ay pumupunta noon sa Ongpin, Binondo upang kumonsulta sa isang mahusay na Tsinoy doctor. Ang simbahan ay nanatiling hindi nagbabago. Naroon pa rin ang malawak na myural sa may altar area lalo na yung painting ng isang tupa na napagkamalan ko pa namang alien noon; nakatingala pala yung tupa, ang simbolo ng pagiging Lamb of God ni Jesus. Maraming tao ang nasa simbahan nang ako ay nakarating doon. Mga nananalangin. May mga natutulog. May mga nagpapalipas lamang ng oras mula sa alinsangan sa labas.

            Sunod ko namang nilakad ay ang magulo at masikip na Carriedo na para bang ako’y sumuong sa obstacle course makarating lang sa simbahan ng Quiapo. May mga nadaanan pa akong kiosks ng mga ‘wishing candles’ na nakapaligid kay San Juan Bautista, the prominent saint of this Advent season. Hmmm, wala namang masamang magsindi ng kandilang iba’t ibang kulay. Bumili ako ng tiglimang pisong kandila, sinindihan, at itinirik doon sa parang parilyang ihawan. Hindi naman ako seryoso sa ganitong matagal nang paniniwala pero ang kulay ng kandilang binili ko ay pink. For love and health daw. Okey naman sa akin ang maging single-blessed basta ako’y mananatiling in the pink of health!

            At tumuloy na ako sa loob ng Quiapo Church. Kaya pala tuluy-tuloy ang hangin sa loob dahil sa mga ga-higanteng mga ceiling fan na mas malaki pa sa mga elesi ng helicopter o ng eroplano. As usual, punung-puno ng tao sa loob ng simbahan. Paglabas ko sa main entrance, nakapaskil sa bulletin board doon ang mga pro-life posters. Sa Disyembre 8, bukod sa Feast of the Immaculate Conception (at tuwing sumasapit ang araw na ito ay tahimik ko ring ginugunita ang anibersaryo ng aking teaching career sa aking mahal na paaralan), Feast of Our Lady of Guadalupe rin at sa Disyembre 28, the Feast of the Holy Innocents. Ang mga litrato ay merong graphic images ng aborted fetuses. Nakakatakot man tingnan ngunit iyun ay katotohanang nagaganap sa maraming lugar sa mundo na walang pagkilala sa unborn babies bilang mayroon nang buhay. Sa mga balita noon, pati mga simbahan ay ginagawa ring lugar na pinag-iiwanan ng mga ipinalaglag na sanggol. Kamakailan lamang, nagpahayag si Pope Francis na ang mga pari, hindi lang ang mga obispo, ay maaari nang duminig ng kumpisal ng mga babaeng ipina-abort ang ipinagbubuntis. Ang mga kababaihang iyon at pati mga aborsyonista ay may karapatan din humingi ng kapatawaran mula sa Diyos basta iwaksi na nila at pagsisihan ang kanilang ginawa.

            Paglabas ko sa Plaza Miranda, tumawid ako sa Lacson Underpass patungong Echague kung saan may mga dyip na biyaheng San Miguel, sa Malacañang Complex mismo. Sunod kong tinungo ang National Shrine of St. Jude Thaddeus. Siyempre habang papunta doon, na-enjoy ko muna ang paglalakad sa Arlegui, sa labas ng Laperal Mansion hanggang J.P.Laurel tapos tawid sa Ycaza. Maraming beses na rin akong nagtungo sa St. Jude. Ilang beses ko na rin ngang nababanggit dito sa blogs na sa tuwing sasapit ang yearly Dugong Bombo, ako ay nagri-recite ng aking St. Jude’s Novena. At nitong huling blood donation event, naging qualified uli ako!

            Mula St. Jude, nilakad ko naman ang patungong National Shrine of St. Michael and the Archangels. Buti at hindi gaanong mainit at nakatuwaan ko rin ang maglakad sa Laurel lalo na sa labas ng mga gate ng administrative buildings ng Malakanyang. Napakatahimik na lugar itong San Miguel, lalo na sa mismong Palasyo. Eh, hindi naman naglalagi dito si Duterte. Doon siya madalas sa Davao City lalo na sa weekends. Habang patungo ako sa St. Michael, nadaanan ko pa ang Freedom Park kahit na hindi na ako nag-stopover doon. Maraming kabataang nakatambay. Sa mga taong iyon na regular na nakatambay at namamasyal sa naturang parke, sino sa kanila ang mga may tunay na malasakit upang magtulung-tulong na i-rehabilitate ang lugar? Na sana’y mas malinis na ito at burado na ang mga wala namang kwentang bandalismong ginawa nila sa monumento ng kalapati ng kalayaan?

            Tanghaling-tapat na nang nakarating ako sa St. Michael tapos wala nang ibang tao sa loob nang mga oras na iyon. Hindi naman nakakatakot kahit mag-isa lang ako dahil payapa ang buong lugar at kung may mga ispirito, silay ay kaaya-aya at payapa katulad ng shrine na ito lalo pa’t si St. Michael ang isinugong arkanghel na lumupig sa diyablo. Tulad sa ibang simbahan, meron itong columbarium at ossuary sa loob at mas marami pang vault sa labas na malapit sa Marian grotto and gardens. Doon ako umupo sa pew na malapit sa malaking Sleeping St. Joseph. Pagkatapos magdasal ay nagpahinga muna ako sandali. Napagod din ako lalo pa’t nagko-commute lang ako tapos ang baho ko na, hehehe! Subalit sa Advent visita iglesia na ito, maraming salamat sa Panginoon, nakadama ako ng naiibang gaan ng kalooban at tunay na kaligayahan.

            Paglabas sa shrine, mabilis lang ang makasakay ng dyip na pabalik sa Quiapo. Nananghalian pa ako sa Greenwich. Nakakagutom din ang paglalakbay sa puso ng Maynila,o! Lumamon na ako carbonara at cheesy bread sticks with Sprite. Sayang at ang Goldilocks na palagi ko rin dinarayo noon at kabilang sa mga matagal nang may pwesto sa Carriedo ay tuluyan nang nagsara kahit na marami namang customers. Paano, garapal ba naman sa pagdami ang mga illegal sidewalk vendors. Natabunan na nga noon ang Goldilocks na tanging ang signboard na lang nito sa second floor ang natatanaw, lalo pang nakubli ito dahil sa matindi nang pagsisikip sa Carriedo. Hindi ako bumibili sa mga bangketa ng Quiapo sa totoo lang. Karamihan sa mga materyal na panindang nakabalandra sa daanan ay mga schlocks. Ang nabili ko lamang ay mga kiwi (paborito ko sa lahat ng imported na prutas) sa fresh fruit stands sa labas ng SM Clearance.

            Naglakad-lakad muli ako sa mas maluluwag na kalsada ng Quiapo at mainam ang pag-uulap ng langit pero hindi naman umulan. Makapal na ang dami ng mga kostumer sa tindahan ng Excellente Ham. Marami nang namimili ng panregalo at iba pa para sa nalalapit na Pasko. Malapit nang matapos ang Quinta megamarket at masiglang-masigla pa rin ang kalakaran sa mga palengke at tiyangge patungong Plaza Miranda. Gusto ko sanang bumili ng Cordillera native backpack sa isa sa mga nadaanan kong tindahan ng handicrafts ngunit kulang ang budget ko; siguro sa susunod na lang.

            Bumalik uli ako sa Plaza Miranda. Tipikal nang katangian ng liwasang ito ang di-mabilang na taong dumaraan at ang ‘rally’ ng sangkaterbang nakaparadang sasakyan sa gilid ng Quezon Boulevard. Simula na ng mga panghapong Misa sa simbahan at puno na ito ng mga tao.

            Ah, apat na taon na pala ang lumipas mula nang huli kong cartomancy session; pakitunghayan ang “Fresh Scent of Rain-Drenched Soil and Lush Plants”- August 2012 blog post. Hindi ko na namataan sa paligid yung mama na iyon. Ang Quiapo ay pook pa rin ng syncretism! Naging trip ko uli ang cartomancy at para sa akin ay wala namang kademonyuhan dito; yung mga solascripturan puritanical prigs na literal na literal lang kung umintindi ng Bibliya ang nagsasabi ng ganoon! Ang nilapitan ko ay yung ale na may pwesto malapit sa entrance ng Lacson Underpass. Napili ko uli ang tarot deck. Napansin ko sa mga baraha na ang mga ito’y lukut-lukot na at ang ilang piraso ay tila nangatngat pa ng bubuwit ang dulo nito; malamang sa hindi na mabilang na kumonsulta sa ale sa loob ng maraming taon, ano? Bago balasahin ang mga baraha at pinapili ako ng pito, sabi ng ale ay magdasal muna ako ng “Ama Namin” nang buong taimtim.     

            Sa totoo lang, hindi lamang ang mga sasabihin ng aleng tagabasa ng kapalaran ang inoobserbahan ko kundi pati siya mismo. I am always fascinated with fortune tellers whether they are gifted with extrasensory perception or  are they just plain bluffing in interpreting the configuration and influences of the cards with one another. Kaya nga pagkatapos ng cartomancy, pumasok muli ako sa simbahan at kasama na ang ale sa mga panalangin ko. At para sa akin, ang interpretation sa symbolism of tarot cards ay nagtataglay rin ng psychological depth. At saka, lalo rin akong naintriga sa tarot cards noon pa dahil sa sinubaybayan kong mid-‘90s animé na “The Vision of Escaflowne”. Ang ganda kaya ng kwento ng isang yun!


(My very own Major Arcana tarot cards-

sigh, I don’t even know how to use it either for cartomancy

or the ancient card game of trumps)

            Heto ang ilan sa mga sinabi niya: ako ay masyado raw emosyunal. Yeah, tama. There were times when I was down with depression. Inaamin ko ang aking pagiging emotionally-vulnerable, gullible, weak. Pero, cliché man, eh sa tao lamang ako na humahantong sa mga pagkakataong iginugupo ng damdamin kapag bumababa na ang tingin ko sa aking sarili dulot ng mga tagpo o sitwasyong hindi maiwasan. Subalit maraming salamat sa Panginoon, mabilis naman ang aking emotional recovery. Dapat akong maging matatag. Ipinanganak ako under the Aries zodiac sign, element is fire and compatible with the feng shui Pig with the element of water at kabilang sa katangian nito ay ang pagiging matatag!

            At napunta sa lovelife. Hindi na ako interesado tungkol doon sa totoo lang. Gusto ko sanang tumawa sa pinagsasabi ng ale- darating din ang taong yun... I was so disgusted at what I heard! Matagal na akong single-blessed at marami akong kamag-anak from both side of the family na mga single and happy. Kinakantiyawan na lang ako lagi tungkol sa lovelife; bakit walang nanliligaw sa akin? Ah, punyemas! Alam ko ang background ng karamihan sa mga lalaking iyan! Tinitimbang nila ang kapwa nila sa panlabas na itsura at hindi sa tunay na pagkatao; the outside looks and image means everything to them! Eh, sa tumatanggi akong magpamake-over, ano? Hindi ako sophisticated; nagpapatuloy ako sa kinagisnan kong Spartan lifestyle. Hindi ako mukhang presentable. Isa akong eyesore at hindi nga naman ako mukhang tao sa paningin ng iba... at wala akong pakialam basta wala akong inaagrabyado at mas lalo walang masamang ginagawa! Ganito na ako, isang weirdo! Pagkatapos, may inalok siyang naka-sachet na pulbos. Miracle powder daw yun para maitaboy ang malas sa lovelife. Hindi ako bumili. Baka mamaya kung ano ang sangkap ng isang yun at paano kung gayuma yun tapos ang mabighani ko pa ay taong ayaw ko? Higit ko pang pipiliin ang maging happy spinster kaysa ang maging miserable sa isang miserable ring relasyon. Ah, magpakapusong-lalaki na single-blessed na lang ako. Basta, isang seryosong taboo na halos anathema para sa akin ang lesbian attraction and relations.

            The scope on career. Okey naman daw ako. Steady job. At ang sinabing ito nung ale ang medyo nagpa-disturb sa akin kahit papaano. Sa trabaho, meron daw akong kasamahan na naiinggit daw sa akin at sinisiraan ako. Naku, ha! Ni hindi ko nga nararamdaman ang bad vibes na iyon sa workplace, ano? Isa lamang akong average employee. O, kung totoo man ang tungkol sa co-worker na nakita sa baraha, ayoko nang maghinanakit o magburo ng sama ng loob. Tutularan ko na lamang ang memorable quote mula sa character na Lester Burnham na ginampanan ni Kevin Spacey sa isa sa mga all-time favorite movies ko, ang “American Beauty”- “...it’s hard to get mad when there’s a lot of beauty in the world.” Isang walang hanggang pasasalamat na ako’y may trabaho. Hindi lang trabaho, kundi career bilang guro (kahit na hindi naman ako mukhang guro lalo na kapag wala ako sa aming paaralan!). Tumatanggap ako ng sweldo mula sa gobyerno. Tungkulin ko ang pagtuturo at pumapasok ako sa VABES para doon sa mga mag-aaral at nakakatagpo ako ng kasiyahan sa pagbabahagi ng kaalaman at ang makasalamuha sila. 

            At heto pa. Ayon sa mga baraha, sa aking workplace, meron daw akong ‘guardian angel’ na nagbabantay sa akin habang ako’y nagtuturo. What? Ang tagapagbantay na iyon na animo supervisor sa klase ay isa kayang namayapang titser? O, isang pumanaw na estudyante? Marahil ay isa sa mga palakaibigang kaluluwa sa school namin? Isang guardian angel na masaya! At naalala ko yung unang beses nang ako’y nagpa-tarot reading. Meron daw akong itim na duwende na maaaring malas sa akin o natutuwa lang sa akin. Makalipas ng ilang taon, napagnilayan ko na na ang itim na duwendeng binanggit sa akin noon ay hindi isang supernatural creature kundi the symbol of the negative side of my own self! Ang aking mga negativities- kakulangan ko sa sikap at tiyaga sa buhay, pagiging bugnutin ko at magagalitin sa ilang pagkakataon, ang hindi ko pagtapos sa aking mga nasimulan, basta, anumang negativity kaya hindi ako umaasenso sa buhay.

            May mga magaganda rin namang sinabi ang ale at alam kong hindi yun pambobola. Ginagampanan ko nang maayos ang trabaho ko, masaya ako sa aming bahay, mainam ang aking kalusugan, at mayroon akong peace of mind. Maraming salamat sa Panginoon. Peace of mind... I love that. Kaya nga, sa araw na ito, apat na simbahan sa Maynila ang aking binisita at pinag-alayan ko ng panalangin ang mga taong nakasabay ko rin doon kahit na hindi ko kilala ni isa sa kanila. Pero hindi nawawala sa bawat cartomancy with palmistry session ang prediksyong ako’y makakapag-abroad daw. Hmmm, sana nga... kung meron akong malaking budget upang sumama sa pilgrimages at mamasyal sa ibang bansa at hindi ang magtrabaho doon. Matagal ko nang binura ang pangarap ko sana noon na maging OFW. At kabilang sa mga huling pahayag mula sa mga baraha at guhit ng palad- sa susunod na taon daw ay magkaka-“pangalan” na raw ako. Saan larangan? Sa pagiging fiction writer ba? May pag-asa pa ba ako doon? Ay, caramba!

            Ang araw na ito ay may kahabaan ngunit ako’y umuwi nang masayang-masaya.

           

Wednesday, November 30, 2016

Ubiquitous Sparrows


The Shrine of the Divine Mercy (courtesy of Wikimedia.com/RamonFVelasquez)

            Ika-5 ng Nobyembre. Hindi man ako ganoong ka-relihiyoso subalit sa wakas ay nakarating na ako sa Shrine of the Divine Mercy sa Maysilo Circle, Mandaluyong City. Una ko nang narinig ang tungkol doon noon pa nang pinaplano pa lamang ito. Mangyari kasi noong ‘90s, kapag pang-umaga ako sa VABES, eh di nakakapanood ako ng mga panghapong programa sa TV at may mga sinusubaybayan pa akong mga palabas tulad ng ilang drama pati “Ang TV”  sa ABS-CBN na mula noon hanggang ngayon ay nagpapatuloy sila sa pag-televise ng “3 o’Clock Habit” at talagang 3:00 pm sharp, isang minutong nakalaan sa nabanggit na debosyon. Pagkatapos ng maikling panalangin, naroon ang anunsyo ng tungkol sa pagpapatayo ng Shrine sa Mandaluyong at humihingi ang pamunuan nito ng mga donasyon. At sa loob din ng Dekada ’90, naipatayo na ito at naipa-consecrate bilang Shrine na dinarayo ng napakaraming deboto anumang araw sa buong taon kaya nga kabilang ito sa mga pilgrim churches.    

Nang ako’y nakarating sa bahaging iyon ng Mandaluyong pagbaba mula sa MRT-Boni Station, kailangang magtanung-tanong at hindi ko kabisado ang lungsod kahit na pinag-aralan ko ang mapa nito. Sumakay pa ako sa dyip sa may Robinson’s Pioneer papuntang Maysilo at pagdating doon, naligaw pa ako dahil lampas na ako sa aking destinasyon kaya tuloy nakapaglakad ako nang malayu-layo at buti na lang mapuno sa daanan lalo na sa paligid ng Mandaluyong City Hall with its signature blue paint. Pagdating sa Shrine na napakarami nang tao ang dumayo dito, napansin kong elevated pala ang kinalalagyan nito na parang mababang burol at halos pyramidal o  ang istruktura at semi-circle ang interior ng simbahan. At bago ako pumanhik doon, may nadaanan pa akong plant box sa may hagdan kaya itinanim ko muna dito ang mga dala kong plantlets ng kataka-taka, ang aking horticultural donation sa simbahan. Sana, sa muli kong pagbabalik dito, ang mga itinanim kong iyon ay nagsipaglago na.

Malapit na ngang mag-alas tres ng hapon noon kaya “3 o’Clock Habit” na at iyon ay sinundan ng recitation ng “Chaplet of the Divine Mercy”. Naglibot pa ako sa Shrine at may nakalagak pa doon na isang relic ni St. Faustina. Maraming salamat sa Panginoong Diyos dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-visita iglesia doon at masaya at magaan ang aking pakiramdam pa-uwi ko. Amen. (related blog post at “Easterly Winds” March 2016)

***

Ika-9 ng Nobyembre. Sa katatapos pa lang na US Elections, nanalo si Donald Trump laban kay Hillary Clinton thus the victory of the Republicans over the Democrats.

Ano naman ang masasabi ko? Hmmm, whatever. America is on the other side of the planet anyway.

***

Ika-10 ng Nobyembre. Habang nasa school pa ako, pasado alas tres ng hapon ay biglang lumindol. At kahit ilang segundo lang ito, nagdulot na ng takot at pangamba sa lahat lalo pa’t buhat pa noon ay nagbigay na ng babala ang PHIVOLCS tungkol sa ibayong pag-iingat sakaling magparamdam na ang West Valley Fault Line; hay, kaawaan nawa tayo ng Panginoon! Agad na sinuspindi ang mga panghapong klase bilang pag-iingat.

Habang ako’y naglalakad pauwi, tahimik kong ni-recite ang “Psalm 91” at pagkatapos ay nagmuni-muni. Nakatatakot talaga ang lindol. Sa mga kalamidad sa mundo, ito lang ang hindi maaaring ma-predict ng tao. Sinasabing ang lindol ay ubod ng sinaunang kalamidad. Bagong likha pa lang ang Mundo at iba pang planeta, pinaniniwalaang nagaganap na ito basta mayroong surface o kalupaan. Mapaminsala at labis mang kinatatakutan ang lindol, sinasabing ang mga kontinente at iba pang anyong-lupa ay nabuo dahil sa pagpapayanig nito sa crust at dahil din sa walang hanggang pag-ikot ng Mundo sa axis nito. At nang nakauwi na ako, inabangan ko sa balita ang tungkol sa naganap na lindol. Ang epicenter daw ay doon pa sa General Nakar, Quezon ngunit ang intensity nito ay naramdaman pa pababa sa Metro Manila at Southern Luzon. At dahil ang VABES at ang katabing PCSHS ay malapit na malapit na sa boundary ng Makati at Taguig, naramdaman ang Intensity III na pagyanig. Pero pagdating naman sa mismong Villamor Air Base at iba pang bahagi ng Pasay, wala naman daw naramdamang pag-uga ng lupa ang mga tagarito! Hindi man mapaminsala ang lindol na iyon, maraming maraming salamat sa awa ng Panginoong Diyos. Amen.

***

Ika-12 ng Nobyembre. Idinaos muli ang taunang Dugong Bombo 2016 ng Bombo Radyo Network at 102.7 StarFM at ngayong taon, nagbabalik na sila sa suki nilang venue, ang SM City Manila. Masayang-masaya ako sa araw na ito at ang maging qualified blood donor uli ngayong taon ay isa nang napakalaking blessing at ang kawanggawang ito ay dedicated at labis ko nang ipinagpapasalamat sa Panginoon.

Ramdam ko rin ang inspirasyon mula sa nobena ni St. Jude Thaddeus.

***

Ika-13 ng Nobyembre. Ang huling feature story ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa channel 7 ay itong viral online video mula National Geographic Channel tungkol sa isang na-obserbahang animal behavior sa isang penguin colony. Mangyari, ang mga penguins, tulad ng mga albatrosses, flamingos, swans, geese, and cranes, ay mga monogamous for life tulad sa tao (pwera lang sa mga babaero at lalakero!). Pero may isang peculiar penguin couple ang naging madrama at napatunayan sa kanilang sarili na walang forever. Ang lalaki ay nagpunta muna sa karagatan upang manghuli ng isda kaya lang pagbalik niya, nadatnan na lang niya ang kanyang asawa na meron nang kalaguyo at sa mismong pugad pa nila na-caught in the act niya ang mga ito. Eh, di nagsabong ang dalawang lalaking penguin habang pinanonood lang sila ng babaeng pinag-aagawan nila. Maya-maya’y naantala ang sabong nang humuni ang legal husband ng “mating call” na animo pinapipili ang asawa niya kung sino sa kanilang dalawa. Subalit ang babae ay pinili pa ang kalaguyo at ang heartbroken na legal husband ay lalong nagwala sa galit. Naging madugo ang sagupaan nila ng kalaguyo ngunit ano pa man ang gawin niya ang ito pa rin ang pinili ng asawa niya.

Madramang buhay-hayop.

***

Ika-24 ng Nobyembre. Sa araw na ito, siguro karamihan sa madla ay sinimulan ang araw sa panonood ng televised hearing mula Kongreso kung saan iniharap sa interogasyon ang dating driver-bodyguard at nakarelasyon pa noon ni Senadora Leila De Lima na si Ronnie Dayan. At ang mamang ito, noong kamakalawa lang ay “nadakip” daw sa Bacnotan, La Union matapos ng matagal na pagtatago. Ang dapat sanang paglilitis tungkol sa alleged involvement sa bentahan ng droga sa Bilibid ay napunta naman sa pag-uusisa at pag-uungkat ng mga d.o.m. sa Kongreso tungkol sa lovestory ni De Lima at Dayan. Kung ano man ang love affair na nila noon ay wala na tayo doon, mga d.o.m.! At itong mga d.o.m., let’s say the acronym stands for ‘defenders of mankind’ na kung makapagsalita ay akala mo na kung sino nang malilinis upang pumukol ng unang bato.

And the aftermath. Tsismis dito, tsismis doon. Diskusyon dito, diskusyon doon. Ang lalong panghuhusga sa pagkatao sa kapwa-tao dulot ng mga emosyong naudyokan at bugso ng damdamin. I am neither a fan of Digong nor De Lima. Minsan ay nagninilay ako. Ano ba ang impact of this gender issue? Na di bale na kung ang lalake ang mambabae at lalake naman sila? At kapag ang babae naman ang nagkasala at nadiin sa kahihiyan dulot ng ilang desisyon niya sa buhay niya, higit na mabigat ang sasapitin niyang humiliation kaysa sa lalaking nagkasala.

“Blessed are you, when people insult you and persecute you and speak all kinds of evil against you because you are My followers. ~Matthew 5:11~

Hindi ako nakikisawsaw sa mga mapanghusgang huntahan. Kung totoo man o hindi ang mga bintang, higit dapat mangibabaw ang pang-unawa; compassion instead of pity. True justice, not revenge and selfish motives.  

***

Ika-30 ng Nobyembre. Sa mismong araw ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, pinarangalan sa Bantayog ng mga Bayani ang 19 na tao na nakilala sa kanilang pakikibaka noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Marcos lalo na sa panahon ng Martial Law. Merong mga kabataang estudyante, aktibista, mamamahayag, iba’t ibang propesyon nila kabilang ang galing simbahan. At kabilang sa kanila ang isang local hero mula Tigbauan, Iloilo na si Fr. Jose Tangente () na maikli man ang naging buhay ngunit ito’y naging makabuluhan. Kaunti lamang ang nasagap naming impormasyon tungkol sa kaniya kung sumali ba talaga siya sa kilusang rebelde o isa lamang siya simpleng aktibistang pari noong Marcos regime na di lang sa loob ng simbahan naglalagi kundi nakikiisa sa hinaing ng mga marginalized sectors in the rural communities na kanya ring pinaglingkuran.

Noong ‘60s, ‘70s, at ‘80s, kasabay ng paghahari-harian ng mga diktador sa maraming Third World countries at kasama doon ang Pilipinas, lumaganap ang ideolohiyang “liberation theology” sa mga kaparian ng Latin American nations lalo na dahil sa ginanap na Second Vatican Council. Maganda ang layunin lalo pa’t ito ay patungkol sa tunay na pagmamalasakit sa mga mahihirap bilang tunay na magpapalaya sa sambayanan mula sa pagpasan sa kahirapan ngunit ito raw ay left-leaning with tendencies on socialism if not communism (like Marxism purged of atheist policies). At malamang, ang impluwensya nito ay umabot hanggang Pilipinas kaya siguro maraming pari at madre noon ang hindi na nakatiis sa pagmamalabis ng Batas Militar at ang di-mabubuting epekto nito kaya sila ay lumabas at na-involve sa maraming social causes and activism kahit pa paghinalaang NPA sympathizers sila tapos ang ilan sa kanila ay tuluyan na ngang naging rebelde kahit pa marami sa kanila ay napabilang din sa libu-libong tao na pinahirapan at sa mga desaparecidos. Well, masasabi ngang ang mga kaso ng paglabag sa karapatang-pantao noong panahon ni Marcos ay siya ring nagtulak sa maraming tao lumayo ang loob sa kanya at lalo pang nakibaka laban sa kanyang rehimen.

Demokrasya, mahal naming demokrasya...  

***

THE GRAND SUPERMOON OF THIS NOVEMBER






Picking the supermoon from the night sky

Monday, October 31, 2016

Bougainvilleas



“A student should be glad to become like his teacher, and the slave like his master...” ~Matthew 10:25

***

            Ika-8 ng Oktubre. Last day na ng napakasayang AgriLink 2016 na muling ginanap sa World Trade Center Metro Manila dito sa lungsod ng Pasay at kami ay nakadalo doon at hindi lang upang mag-usyoso. Ang sektor ng agrikultura at agri-negosyo kasama ang aquaculture ay very promising naman talaga sa pag-ambag sa pag-unlad ng mga mamamayan at ng bansa kung consistent ang pagbibigay-suporta dito ng gobyerno at mga kinauukulan.










Pinch the flower's base and it will snap open like a dragon's mouth!






***

            Ika-9 ng Oktubre. Hindi ko malimut-limutan itong isang kwento ng pari na narinig ko sa homily sa Misang dinaluhan namin sa Our Lady Of Loreto Chapel sa loob ng Camp Jesus Villamor Air Base. Ganito yun at dinagdagdagan ko na lamang ng ilang detalye upang ma-enhance ang pagkakwela nito:

            May isang lalaki ang bumili ng bagong imbentong robot na tipong lie detector machine na merong mga galamay na ikinakabit sa gawing pulso ng braso ng tao at kapag na-detect nito ang pagsisinungaling ay nananampal ito. Gusto niyang subukan kung epektibo ba ito kaya ikinabit niya ang mga galamay nito sa braso niya at sa kanyang anak na lalaki na kauuwi lamang sa bahay nila.

“Saan ka galing?” tanong niya sa anak.

            Sumagot ang bata. “Sa library po ng school at nagbasa-basa muna ako bago umuwi.”

            Toot-toot-toot-toot-toot! Sinampal ng robot ang bata na agad na napakamot sa ulo. “Este, sa bahay po pala ng kaibigan ko, Papa. Gumawa kami ng assignment.”

            Toot-toot-toot-toot-toot! Muli na namang nanampal ang robot at halos namaga na ang magkabilang pisngi ng bata. “Okey, okey, magsasabi na po ako ng totoo. Tumambay nga po ako sa bahay ng kaibigan ko... at saka nanood kami ng mga sex videos.”

            Tahimik lang ang robot. Nagsasabi nga ng totoo ang bata.

            Pinagalitan ng ama ang anak niyang ito. “Ang bata-bata mo pa, nanonood ka na ng malalaswang palabas! Samantalang ako nga ay hindi man lang tumitingin sa mga mahahalay na DVD at porn sites sa Internet!”

            Toot-toot-toot-toot-toot! Mas malakas pa ang tunog ng robot at agad pa nitong sinampal ang ama ng bata.

            Galit na napatingin sa kanya ang anak niya at siya’y nanliit sa hiya sa harap nito. Maya-maya’y lumapit naman ang kanyang asawa at ikinabit din sa braso nito ang isa pang galamay ng robot. Tawa pa ito nang tawa. “Grabe ang halakhak ko sa inyong dalawa! Kung ano ang puno, siya rin ang bunga! Mag-ama nga kayo!”

            Toot-toot-toot-toot-toot! At pati ang ina ng bata ay sinampal din ng robot. Nabigla agad ang ginang, inalis nito ang galamay, at kumuha ng dos por dos upang habulin ng palo ang robot na mabilis namang nakatakas mula sa kanyang galit. Nakihabol din ang kanyang mag-ama at ipinaggiitang ang robot ay nagsisinungaling din.

            Actually, ang ending ng kwentong iyon ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang interpretasyon. Maaaring kaya pati ang ginang ng tahanan ay nasampal ng robot ay dahil sa mga teoryang ito: ampon lang ang bata o di kaya’y sa iskandalosong ispekulasyon, iba ang tatay ng bata; maaaring palpak naman pala ang robot na isa lamang makina at hindi talagang tunay na mababasa ang nilalaman ng isip at puso ng isang tao.

            Anyways, kapag palaging nagsisinungaling, nakasisira naman talaga ito ng tiwala at mabuting pagsasamahan ng mga tao, di ba?

***







***

EXTRA!


Tribute to my favorite chocolate!

World-class Philippine products

"No more pillow talk. Let's just go to sleep, okay?"

"zzzzzzz......."

"Crossfire before love" 

Friday, September 30, 2016

September Mooncakes



Mother Teresa of Calcutta, now a canonized saint last September 4 at St. Peter’s Square, Vatican City, was without doubt among the most iconic, influential, and beloved women of the 20th century and even for times to come. The wrinkles and lines on her face celebrated the countless smiles she offered to the people in most dire need of hope, love, and care during her long, fruitful life of humanitarian career under God’s grace and providence. Truly, genuine beauty radiates from within.

***

Ika-6 ng Setyembre. Nadadamay na ang reputasyon ng Pilipinas dahil sa maingay na bunganga ni Digong. Maaari naman siyang magpahayag ng kanyang constructive criticism tungkol sa Amerika, kay Obama, kay Ban Ki-Moon, at sa European Union ngunit huwag naman sana sa pamamagitan ng pagmumura at pag-aalipusta sa dignidad ng tao. Pero sadya talagang parang matanda na nagmamaoy na dahil sa tuba.

Pinapakialaman daw siya sa kanyang pamamalakad sa bansa. Ayaw niyang nagki-criticize ang mga ito tungkol sa sunud-sunod na kaso ng extrajudicial killings, summary executions, and human rights abuses kahit bago pa man magsimula ang kanyang termino bilang presidente.

Pero bakit pagdating sa China na kinakaya-kaya lang ang Pilipinas pagdating sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, tila tameme siya? Nasaan ang tapang niya? Itutuloy ba niya ang nauna niyang pangako noong panahon ng kampanya na siya raw ay magdyi-jetski patungong Spratlys at itatanim ang watawat ng Pilipinas sa isa sa mga isla dito? O, baka nandiyan naman ang kanyang mga tagapagsalita upang linawin ang kanyang mga nagko-contradict na pinagsasabi na hitik lang kasi ito sa hyperbole and worse- joke only?

Available pa sa mga bookstore ang little black book na ang pamagat ay “The Duterte Manifesto”. Hindi ako bumili pero nakibasa lang ako sa back cover nito. Basta, huwag daw siyang sisihin sa bibig niya... “God-given” din daw ito sa kanya. Sigh.

“...what enters into the mouth does not make a person unclean,

what defiles one is what comes out of his mouth.” ~Matthew 15:11~

            Follow-up for this essay: Oktubre. Makalipas ang ilang linggo pagkatapos ng ASEAN Summit sa Laos, nag-state visit si Digong sa Japan at kasabay pa ang pagkakapanalo sa Miss International 2016, ni Kylie Verzosa. At napaulat pa sa mga diyaryo at TV news na noong pabalik na sa bansa ang kanyang delegasyon, sabi niya ay narinig daw niya ang salita ng Diyos habang siya ay komportable na sa kanyang kinauupuan sa loob ng eroplano at siya ay pinagsasabihang iwasan na ang pagmumura. Noong campaign period, bukod sa rape joke, nadali rin siya dahil umano sa pagmumura kay Pope Francis na agad din niyang inihingi ng paumanhin. At nang minsang nag-courtesy call siya sa isang Simbahang Katoliko, nagbitiw pa siya ng pangako na sa bawat murang binubuga ng bibig niya, katumbas yun ng isang libong piso na kanyang donasyon sa charity. Ah, siguro, ililista yun ng dakila niyang alalay na si Bong Go at naka-magkano na kaya siya?

            At sa follow-up news naman tungkol sa balitang iyon na nakarinig daw siya ng “divine message” habang pauwi galing Japan, sinabi naman niya- joke only.

            Balik sa dating kinagisnan. Madalas kong natityempuhan na broadcasted sa AM radio stations o sa government TV channels ang kanyang talumpati sa iba’t ibang events dito man sa Pilipinas o sa mga Filipino communities abroad, ang talagang natural na Digong. Formal speeches, mga batikos at patama sa mga kritiko tapos napunta naman sa ibang kuwento at lumiko sa isa pang kwento at nagsanga pa ng karagdagang kwento para hindi antukin ang audience na agad magtatawanan at kinikilig pa kapag narinig na siyang bumwelta ng kanyang pagmumura.

***

            Ika-2 ng Setyembre. Gabi. Pinanood ko ang finale ng matagal ko nang sinubaybayang “JuanHappyLoveStory” sa GMA-7. Tuwang-tuwa ako sa rom-com na ito sa totoo lang dahil nag-break free siya from the usual weepies and heavy melodramas na tatak na ng primetime program block ng TV networks. Mature and adult-oriented with naughty humor yet still discreet, yun ang trip ko sa mga palabas sa TV!

***

            Ika-12 ng Setyembre. Special non-working holiday ngayon bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Islamic holiday of Eid’l Adha or the Feast of the Sacrifice. Ang mga local and international terrorist groups ba na lagi na lang binabanggit sa mga balita ay maliliwanagan at matututo pa kaya ng tunay na sakripisyo? Ang isakripisyo na ang kanilang kalupitan at mga makasariling hangarin o ideolohiya upang manaig na ang katarungan at kapayapaan sa mundong ginugulo nila.

***

            Ika-17 ng Setyembre. Nagpunta ako sa annual Manila International Book Fair na ginanap muli sa SMX Convention Center ng SM Mall of Asia. Hindi mahulugang karayom palibhasa ay Sabado! Kaunti lamang ang binili ko- notebook mula St. Pauls, set of BookMark postcards tungkol sa local ancient artifacts, at ang Volume 1 of the highly-popular “Looking Back” compilation by Professor Ambeth Ocampo. Ang huling nabanggit ko ay nabili ko sa malawak na National Bookstore-Anvil hall na kung bagsak-presyo pa sana ang iba pang volumes ng “Looking Back” ay pinagbibili ko na sana kung hindi lang short sa budget!

            Nakatutuwa talagang basahin ang essays ni Prof. Ambeth at siksik pa sa historical facts na nasusundan g kanyang witty, dynamic views and insights. Mga selected compilation yun mula sa column niya sa editorial section ng Philippine Daily Inquirer.

***
Botanical Gallery














Wednesday, August 31, 2016

Surge of the Southwest Monsoon Breeze


Playfully huffing, along came

The Southwest Monsoon

With whirling gray clouds for chariot and great cloaks of rain

Then came an imminent storm

Seizing her hand, he said “Come, dance with me.”


The Habagat as depicted in Philippine stamp

***

            .38 caliber revolver or a pistol, dalawang sachet ng shabu. Kapag di-kilalang gun-for-hire, kung hindi nakabalot ng packing tape, merong gusut-gusot na cardboard na nagpapaabot ng mensaheng “adik, tulak- wag tularan”. Kapag pulis ang tumumba, ang dahilan ay nanlaban daw habang inaaresto sabay pakita ng ebidensya; kahit isang adik na di naman kumikita ng tulad sa mga tulak at ang ikinabubuhay lamang ay pangangalakal ng basura ay nakabili ng isang .38? Pati mga nasa loob na ng police station at nakaposas na, nagawa pa ring manlaban dahil nang-agaw raw ng baril? Mahaba pa ba ang listahan ng “The Marked Ones” in this so-called Duterte fierce war on drug problems in the country?

***

            Ika-5 ng Agosto. Nagsimula na ang Rio Olympics 2016 at sayang nga na hindi ko napanood ang live coverage ng opening ceremony sa TV5 dahil sa time difference on the other side of the world. Kakaunti lamang ang mga atletang Pinoy na ipinadala doon. At siyempre, ang inaasahang aani lang ng pinakamaraming medalya ay ang US at mga mayayamang bansa.

            Ika-8 ng Agosto. Malaking balita itong pagkasungkit ng silver medal ng Pinay Olympian weightlifter na si Hidilyn Diaz ng Zamboanga. 20 years ago sa Atlanta Olympics, nakamit din ni Onyok Velasco ang silver sa boxing. Natalo man ang ibang mga atletang Pinoy, ang mahalaga naman ay ginawa nila ang kanilang makakaya hanggang sa huli at hindi sila nag-give-up.

            Ika-16 ng Agosto. Kahit gabing-gabi na, inabangan ko pa rin sa TV5 ang Men’s Hurdles dahil kasali doon ang Fil-Am na lumalaban para sa Pilipinas na si Eric Cray. Hindi nga lang siya umarangkada sa semi-finals.

            Nagtapos ang Rio Olympics nang matiwasay. Nakakainis nga lang kasi sa channel 5 at AksyonTV, ang daming komersyal tapos, sa halip na ipalabas uli nila ang mga replay ng sports just for the sake of fun and significant TV viewing, lagi na lang mga home TV shopping na paulit-ulit lang naman!

***

            Ika-27 ng Agosto. Nakapanood muli ako ng isang magandang episode ng “Karelasyon” sa channel 7 na pinagbibidahan ng napaka-kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler pero ang ginampanan niyang karakter ay extreme na kabaligtaran ng kanyang notorius public image! Sa naturang Saturday afternoon drama anthology, isa siyang bading, malambot na bading at mapagmahal sa pamilya lalo na sa kanyang ina na si Elizabeth Oropesa at meron pa ngang mga eksena na nag-uusap sila sa dayalektong Bikolano. Pero dahil sa uhaw sa tunay na pagmamahal at kaligayahan, naging gullible siya sa kamay ng mandurugas niyang boylet, si Derrick Monasterio, na hindi man lang nga niya masampal ni isang tapik lamang, hehehe! In fairness, ang galing niyang umarte at hawig ni Heath Ledger (). He has the gift of being an excellent thespian... kung hindi lang siya pabaya sa career at sa sarili niya, o! 

***

            Ika-11 ng Agosto. Mainit ang isyung ito tungkol sa pagpayag ni Digong na mailibing na sa Libingan ng mga Bayani ang dating Pangulong Marcos at very vocal siya tungkol doon sa panahon pa lang ng pangangampanya bago ang eleksyon. Napaulat pang kabilang ang Marcos family sa most avid supporters niya. Ayon sa mga tutol Sa pagpapalibing, superficial lang ang kanyang pamantayan kung bakit. Dahil naging sundalo rin naman si Macoy, ah...

             Muling nahati ang sambayanan sa isyung ito. Para sa mga loyalista, panahon na upang mag-move on. Para naman sa mga aktibista, hindi ganoong kadali ang mag-move on mula sa madilim na yugto ng Martial Law at nagbabalik na naman ang mga hinanakit at pananariwa ng mga sugat mula sa nakaraan lalo pa’t ang angkan ng mga Marcos ay unrepentant at nagmamatigas pa rin upang magbigay ng kanilang sincere and formal public apology at ibalik sa kaban ng bayan ang kanilang ill-gotten wealth at ang mga nakurakot ng cronies nila. The damages had already been done. (related blog at the February 2016 “#Hashtag-hashtagan: No #Hashish Please!”)

            Kung ang mga taong hindi nakaranas ng pagdurusa at mapagkaitan ng kalayaan noong panahon ni Marcos, madali lang sa kanila ang masilaw ng cliché na “move on” na tayo. Ang ilan ay nangaral pang “kung ang Diyos nga ay nagpapatawad, tayong mga tao pa kaya?” Alam niyo, kahit siguro mga agnostics ay malamang pagsasabihan kayo na lumalabag na kayo sa Ikalawang Utos! Pinatatawad na tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan, wala nang kundisyon, subalit huwag naman maging makapal ang mukha natin na dahil lang sa tumanggap tayo ng pagpapala o grasya ay hindi na tayo marunong magpakababang-loob sa pag-amin sa ating mga kasalanan at paghingi ng kapatawaran mula sa Kanya at sundan iyon ng lubos na pagsisisi at paggawa ng kabutihan bilang atonement lalo na sa mga taong may hinanakit sa atin.

            Si Ferdinand Marcos ang pinakamamahal na anak ng Ilokos at para sa mga loyalista, walang kapintasan ang maisisisi sa kanya sa kabila ng lahat at ang iba ay halos sambahin pa siya. Kaya nga, why the fuss naman na sa ipagpilitan pa ng pamilya niya na doon siya sa LNMB maihimlay? Bakit hindi na lang sa kanyang sinilangang bayan ng Sarrat kung saan payapa, tahimik, at mayroong kaaya-ayang tanawin at maaari pang ipagpagawa ng isang enggrandeng musoleo at memorial park para lang sa kanya at upang maging place of pilgrimage pa ng lahat ng nagmamahal sa kanya.

            Noong Disyembre 1 at 2, 2002, nakasama kami sa isang tour sa Ilokos. Bukod sa Vigan, Paoay Church, Malacañan ti amianan, Fort Ilocandia, at Pagudpud, hindi mawawala talaga ang dumaan sa Batac upang dumalaw sa “burol” ni Macoy. Bawal na bawal ang magpalitrato doon at selfie pa kaya? Kaya lamang ang pinagmasdan ko noon ay isang wax figure sa loob ng glass case at hindi ang Pangulong ito na nasa unang termino pa ng panunungkulan tulad ng nasa portrait sa loob ng lumang aklat na ito inilathala at inilimbag circa 1967 during the first presidential term kung kailan walang seryosong hidwaan sa pamahalaan, hindi pa naitatatag ang NPA at MNLF, at wala pang nanggagalaiting student activism from the first quarter storm. The first term na malayo naman sa illusory glory and delusions of Martial Law.



            Follow-up for this essay. Ika-18 ng Nobyembre, nagulat ang sambayanan nang napaulat na si Marcos ay inilibing na sa Libingan ng mga Bayani tanghaling-tapat ng araw na ito at ginawaran ng full military honors. Kaya pala, panay ang daan at pag-ikot ng mga helicopter sa himpapawid ng Villamor Air Base at natiyempuhan ko pa ang isa sa mga ito na naghatid ng kabaong ng dating diktador mula Ilokos at paglapag sa Gate 5, nagkaroon ng 21-gun salute na dinig na dinig sa buong barangay! Bantay-sarado raw sa LNMB at baka magkasagupa ang mga pro at anti lalo pa’t isa raw itong private family affair ng mga Marcos.

            Paano kung mabaligtad ang desisyon ng Korte Suprema? Ano yun? Bubungkalin uli ang libingan at ibabalik ang wax figure, este mga buto ni Marcos sa Batac? At saka, ayon sa ilang ulat, noong buhay pa si Marcos, nagpahiwatig na raw siya na kapag siya ay yumao na, nais niyang mailibing sa tabi ng kanyang mga magulang sa kanilang family mausoleum sa Aglipayan Cemetery ng Sarrat. Eh di, ang pamilya lang pala niya ang nagpupumilit na siya ay ihimlay sa LNMB?

            Nakakainis at ang curriculum ng Araling Panlipunan ng Ikalimang Baitang ay binago nang husto because of the so-called K to 12 program. Maraming paksa ng HEKASI ang tinanggal at gustung-gusto ko pa naman sana ang mga talakayan at aralin tungkol sa 20th century kasaysayan ng Pilipinas tulad ng panahon ng Batas Militar hanggang EDSA People Power Revolution kasama ang panunungkulan ng mga Pangulo pagkatapos nito at ang finale ng naturang subject tungkol sa demokrasya at pangangalaga nito.

            Hindi ako maka-Marcos, ano? Never. Kaya lang, kung halimbawang makakasama uli ako sa isang northern tour at doon uli sa Ilokos, wala na siguro sa itinerary ang Marcos Shrine ng Batac kahit pa may isa uling wax mannequin ni Macoy dito. At ang Marcos monument sa kabundukan ng Agoo, La Union na natatanaw pa ng mga biyaherong dumadaan sa Marcos highway paakyat at pababa ng Baguio? December 2001 pa nang ito ay pinasabog, early New Year celebration daw ng mga NPA at Christmas gift daw para sa mga Marcos at mga loyalista ng mga ito. At least, nakita ko pa rin yun Pebrero ng taong din yun! Para bang si Marcos ay nagmumulto at hanggang sa kasalukuyang panahon, ang multo niya ay patuloy pa rin sa pagpaparamdam sa sambayanang hindi pa rin nagkakaisa at hindi pa rin lubos na nangangalaga sa demokrasya.

***

            Ika-19 ng Agosto. Birth anniversary ng dating Pangulong Quezon, araw ng Quezon City (actually my birthplace!), at nagpapatuloy ang Buwan ng Pambansang Wika.

            Sa araw na ito, napabilang pa ako sa mga inter-school participants sa isang forum sa GSIS-Senate Building. Forum na may pamagat na “Bayani ba ‘to?” at saka film showing pa because of the efforts of the Quezon Province historian, Ryan V. Palad. Early viewing ng isang indie film and biopic ng Gil Portes-directed “Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli” starring Aljur Abrenica for the plum role.




            Elementarya pa lang ako nang unang na-familiarized sa mga bayani at hindi lang ang Dakilang Lumpo na si Mabini ang may pangalang Apolinario. Ang pagbanggit tungkol kay Apolinario Dela Cruz o Hermano Pule (at hindi Puli) bilang isa sa mga tagapagtaguyod ng kalayaan sa relihiyon sa pamamagitan ng kanyang Cofradia de San Jose noong panahon ng mga Espanyol ay kadalasang hanggang isa o dalawang pangungusap lamang sa buong kabanata ng karamihan sa mga batayang aklat ng HEKASI para sa Ikalima at Ikaanim na Baitang at sa Unang Taon sa hayskul. Sa totoo lang, higit pa akong nakasagap ng kaalaman tungkol sa talambuhay niya sa isa sa mga episodes ng “Bayani” na kabilang sa Saturday morning kids-friendly programs ng channel 2 noong 1995; at tandang-tanda ko pa na ang gumanap bilang Hermano Puli ay si Daniel Fernando of the Scorpio Nights 1 stardom and now, a dedicated Bulakenyo politician.          

             Tulad ng “Heneral Luna” noong 2015, ang “Hapis at Hinagpis ni Hermano Puli” ay naglalayon din ng edukasyon sa kasaysayan. Kaya lamang, kapag ang naturang biopic ay ipinalabas na sa mga sinehan sa Setyembre, inaasahan na ang pagsabay sa takilya ng mga tinaguriang “historical/ indie film slayers”- mga big time, profit-driven international blockbusters and commercialized local horror flicks/ rom-coms starring ‘popular love teams’ of today and just for the ‘good vibes claim’, for pete’s sake! Tapos sabayan pa ng astronomical movie ticket prices sa mga mall!

             Ah, let’s just talk about Hermano Puli. The biopic has a poignant plot- si Puli, bilang isang batang nangarap na mag-pari paglaki subalit tulad sa mga tipikal na historical melodramatic soap operas, nariyan ang staple of Spaniard racist contrabidas na nagresulta sa pagkaapi sa mga Indios na mga di-naglaon ay naghiganti, at sa bandang huli, trahedya pa rin ang sinapit. Ngunit itinuturing si Puli bilang isang proto-revolutionary tulad nina Diego at Gabriela Silang bagamat di naman ang kalayaan mismo ng buong kapuluan ang ipinaglaban nila kundi sa lalawigan kung saan sila nakatira. At bago ang GomBurZa martyrdom, nauna siya ng maraming taon pa, ilang dekada pa bago lumitaw ang isang Jose Rizal o Andres Bonifacio o Emilio Aguinaldo with the clutches and meddling of American imperialism to topple down the decadent Spanish regime.

            Bago tinawag na Quezon ang lalawigan ni Hermano Puli, ito ang lumang alcaldia (o probinsya) ng Tayabas na ngayon ay ipinangalan na sa isang munisipalidad at di-naglaon ay naging chartered city na. At ang Lucban ang sinilangang pueblo o bayan ng ating bayani, ang pook kung saan nagsimula ang mga pangarap niya at ang kanyang pangangaral tungkol sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng Cofradia de San Jose. Sa totoo lang, noon ko pa pangarap makapunta sa Lucban dahil sa mga dream destinations ko na Pahiyas Festival, ang Kamay ni Hesus Shrine, at ang kamangha-manghang Bundok Banahaw kahit na sa katabing bayan na ito ng Dolores. Kasama rin ang Bundok San Cristobal, pinagtsitsismisan man ng tungkol sa kung anu-anong kababalaghan ngunit kasama pala ito sa mga last strongholds ng Cofradia.

            Subalit kagaya ni Heneral Luna, walang happy ending para kay Puli. Ang mala-charismatic group/ messianic movement ng Cofradia ay di-naglaon naging kilusang manghihimagsik dahil na rin sa panggigipit sa kanila ng  gobyernong Espanyol at ilang matataas na kaparian mula sa Simbahan na nag-akusa sa kanila bilang mga heretics. Subalit ayon sa mga historians at mula mismo sa mga personal na talaan ni Puli, ang Confradia ay hindi naman isang sekta o kulto. Nanatili itong kaisa ng Simbahang Katoliko hanggang huli. Paano kung noon pang panahon ng Espanyol nabuo ang El Shaddai, Lord’s Flock, at iba pang Catholic charismatics? Siguro, kahit ano pang paliwanag ang gawin ng mga kasapi ay matutulad lang sila sa Cofradia hangga’t ang mga pinuno nila ay mga “Indios”.

            Well, ipinakita sa pelikula ang ilang kakaibang ritwal ng Cofradia na obviously, paghahalo ng pre-Hispanic beliefs in charms and amulets with Christian faith and piety. Ah, ang mga anting-anting, agimat, mutya, at bertud na naglipana sa labas ng Quiapo Church o sa mga anting-anting factory sa Cavite at lalo na sa Banahaw! Mula sa mga sinaunang kawal at mandirigma hanggang sa mga kasapi ng Cofradia hanggang sa mga Katipunero patungo sa mga gerilya/ USAFFE, at matatagpuan pa rin sa mga lihim na bulsa ng mga sundalo ng makabagong panahon. Kung di man for personal beliefs, maituturing namang curios ang mga ito for any folk art collection. Subalit ang mga ‘mahiwagang kwintas’ na iyon ng Cofradia ay hindi talaga naggarantiya ng tagumpay. Nagsimula na silang magtatag ng kanilang Tagalog na kaharian ngunit outnumbered pa rin sila sa hukbong Espanyol kaya sila bumagsak.

            Nakatakas man sa simula ngunit nahuli pa rin si Puli, nilitis, at hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad sa harap ng plasa ng simbahan ng Lucban. At hindi pa nakuntento ang mga Espanyol at tinagpas pa ang kanyang ulo, kamay, at paa upang ipakita sa madla bilang pananakot sa lahat ng nagtatangka pang magrebelde sa kanila. Nagpapaalala ng sinapit ng Scottish hero na si Braveheart na lumaban sa mga Briton. At ang Kabanata 50 ng “Noli Me Tangere” ni Rizal ay may binanggit din kahalintulad na barbaric act sa pagsasalaysay ng tungkol sa angkan ni Elias, isa sa mga pangunahing tauhan.

            Subalit ang dugo ni Puli, tulad ng sa iba pang bayaning Pilipino, ay ang nagdilig sa lupang tinubuan; na kahit nasawi man sila, uusbong at uusbong pa rin ang mga bagong punla upang ipagpatuloy ang kanilang mga nasimulang adhikain. Makalipas ang ilang dekada pagkamatay ni Puli, umusbong ang Kilusan ng mga Propagandista at ang Katipunan. Nang sinakop ng mga Amerikano ang Pilipinas, isinulong naman ang kalayaan sa pagpili ng pananampalataya kaya may mga Pilipinong nagtatag din ng mga bagong relihiyon. Paglipas ng maraming, maraming taon, maraming sekta ang nakabase sa Banahaw at sa iba pang probinsya. Ngunit naniniwala akong hindi talaga iniwan ni Hermano Puli ang Inang Simbahang Katoliko. Kung binigyan lang sana siya ng mga awtoridad ng kanyang panahon ng pagkakataong maging isang pari.