This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Monday, December 31, 2018

Garden Salad and Clean Waters


Ika-8 ng Disyembre. Feast of the Immaculate Conception. Sa araw na ito lamang natapos ang first semester ng City University of Pasay (paano, anong petsa na nagsimula nitong mga nagdaang buwan?) at pahabol na pasahan na ng mga requirements sa mga subjects kung saan naka-enroll. Pagkagaling ko sa CUP, nagpunta naman ako sa Baclaran. Sobrang dami na talaga ng sidewalk vendors at marami sa mga daanan ay talaga namang madumi; totoo namang maraming sidewalk vendors ang walang pakialam sa kalinisan ng kapaligiran basta kumita lang sila kahit papaano, kahit sakupin na ang tabing-kalsada as in ‘Occupy Baclaran’ movement at pagkatapos, kakaripas na ang kanilang caravan kapag oras na ng sidewalk clearing operations ng MMDA. Para nang naging maze o di kaya’y labyrinth ang mga bangketa with those array of schlocks anywhere at di pa nababanggit ang mga masasamang-loob nananamantala sa di-mahulugang karayom na sitwasyon sa Baclaran. Tapos, nagutom ako. Punung-puno na sa KFC at mas lalo namang siksikan sa Chowking. Merong BonChon sa Berma pero di ko type ang Korean food sa ngayon (no offense sa K-Pop fanatics) at saka, nang minsang bumili ako ng kanilang famous Korean-style fried chicken, makapal yung breading, kaunti ang laman ng maliit na chicken thigh, at saka mamantika! Ah, siguro, depende lang sa oras at yung BonChon branch sa SM MOA ay palagi ngang puno ng kostumer.
At dinala ako ng aking pagod nang mga paa sa katabing maliit pero mataas na building ng Berma, ang Victory Food Plaza. Matagal nang naitayo ito sa bahaging iyon ng Redemtorist Road at maganda ang lokasyon dahil tapat mismo ng Baclaran Church. Hanggang 6th floor ito at merong rooftop kung saan masisilayan ang halos buong Baclaran area lalo na ang simbahan. Maraming tindahan doon- restaurants, optical shops, money remittance center, salon, ukay-ukay thrift shops, at pati tattoo shops. Kumain ako sa Uncle Cheffy sapagkat ang kanilang turmeric rice ay talaga namang irresistible! Masasarap din ang nasa menu nila.
Naabutan ko pa ang Misa sa Baclaran Church. Dapat talagang magsimba ako tulad ng aking tradisyon sa tuwing sumasapit ang ika-8 ng Disyembre, kapistahan ng Imaculada Concepcion, at ito’y 8th anniversary ng aking career sa aming mahal na paaralan. Araw rin ito ng pasasalamat sa Panginoon. Amen.
*******


  
Ika-12 ng Disyembre. Maswerte ang mga taga-Villamor Air Base sapagkat inilagak muna sa Philippine Air Force and Aerospace Museum ang mga Balagiga Bells mula Eastern Samar na makalipas ang 117 taon ay nakapagbalikbayan na sa wakas!
Maaliwalas ang panahon at kay ganda naman talaga ng aming umaga sapagkat nakasaksi kami ng mga pamana mula sa kasaysayan. Maraming tao sa museo ng Villamor at tamang-tama naman ang scheduled field trip doon ng mga mag-aaral galing sa isang private school sa ibang lugar. Sa harap ng kaakit-akit na mural, nakapatong sa naka-red carpet na sahig ang mga VIRs- very important relics, ang tatlong kampana mula sa simbahan ng Balangiga o St. Lawrence the Martyr Parish. Dalawa sa mga ito ay matagal na ‘nakabakasyon’ sa Amerika at ang isa ay sa South Korea pa hinango. Ano bang ispesyal sa mga kampanang iyon? Tatlong antigong kampana na medyo malaki-laki. Una akong na-familiarized sa kasaysayang nakaugnay sa mga ito sa binasa kong featured article sa September 1993 issue ng Panorama magazine ng Manila Bulletin. Matagal na matagal na kasing ipinipetisyon ng Pilipinas na ibalik na ng Estados Unidos ang mga bagay na iyon hanggang sa sumapit ang administrasyong Duterte tapos sa kasalukuyang administrasyon ng mga Amerikano, mas marami nang opisyales ang nagbigay green signal na “it’s time to let go”.
Ika-28 ng Setyembre, 1901. Ipinagpapatuloy pa rin ng mga heneral ni Pangulong Aguinaldo ang pangunguna sa mga himagsikan laban sa mga Amerikano kahit sa pamamaraang ‘guerilla warfare’. Ang kumander ng mga hukbo sa Eastern Visayas ay si Vicente Lukban. At nangyari na ang mga retaliatory attacks. 48 na miyembro ng ‘company C’ mula sa hanay ng mga kalaban ang nalipol ng mga Samarnon habang pinapatunog ang mga kampana ng simbahan bilang hudyat ng laban para sa kalayaan. Mabilis itong nalaman ng mga opisyales ng mga Amerikano at bilang retaliation, bumalik ang kanilang hukbo, mas marami at mas malupit sa kanilang pagsunod sa utos na lipulin ang mga taga-Balangiga, kabilang ang mga kabataang lalaki sampung taon pataas basta kaya nang maghawak ng baril at gawin ang Samar na isang ‘howling wilderness’. Pagkatapos ng trahedya, tinangay ng mga kalaban ang tatlong kampanang naging saksi sa katapangan at pagkamakabayan ng mga Pilipino upang kanilang maging war trophies.
Nakamamanghang mga kampana. Kung makapagsasalita lang ang mga ito, napakarami itong isasalaysay mula sa araw na nilikha ang mga ito noong panahon ng mga Español, ang mga napanood nitong mga tagpo sa buhay ng mga taga-Balangiga, ang di-malilimutang mga araw ng himagsikan ng mga Samarnon, hanggang sa mahabang bakasyon sa Amerika at Korea. Ang mga antigong kampana ay maituturing nang mga historical and cultural treasures ng isang pamayanang pinagsilbihan ng mga ito bilang mga tagapagpaalala sa pananampalataya at babala naman tuwing may kalamidad. Ika nga ng isang linya: for whom the bells toll?
*******
Minsang maulan na araw, napagawi ako sa BDO branch sa Plaza 66 building dito sa Villamor, namataan ko sa paligid ang isang dayuhang babae na may transaksyon sa naturang bangko. Pagkakita ko pa lang sa four-leaf clover tattoo niya sa braso, nakilala ko siya agad, si Maria Ozawa! Mag-isa lang siya at tila, bukod sa akin, yung mga sekyu lang ang nakakakilala sa kanya. Meron akong coffeetable book niya na binili ko noon (please refer to “Planetary Alignment” blog post January 2016) at ganoon din ang itsura niya sa personal. Maganda na doll-faced and sexy pa rin. Noong nakaraang dekada, namamayagpag ang kanyang lucrative career sa Japan na kanyang bansa bagamat isa siyang French-Canadian-Japanese. At ano ang hanapbuhay noon? Porn superstar. Kaya pala sa Friendster ten years ago, sa profile ng ibang users, napabilang sa fan sites nila ang para kay Maria Ozawa na nang nakita ko ang profile pic, akala ko nga si Angelica Panganiban kapag naka-3/4 view. Pero nakaraan na yun. 2015 nang dumating siya sa bansa tapos nagkaroon ng acting and modeling gigs pero sa kasalukuyan, isa na raw siyang businesswoman somewhere in the RWM complex.
*******
Disyembre 17. Bukod sa pagbabalik ng Balangiga Bells, isa pang Christmas gift para sa Pilipinas, ang pagkakapanalo sa Miss Universe 2018 ni Catriona Gray. Hindi ko man napanood nang buo ang pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand, siyempre kaisa ako ng sambayanan sa selebrasyon. Hot na hot talaga siya sa kanyang ‘lava walk’. Siguro sa susunod ang mga future beauty queens ay merong iba’t ibang katawagan sa kanilang lakad- Siamese cat walk, poodle walk, dahong-palay walk, gazelle walk, fountain walk, drifting water walk, flash flood walk, name game your own walk, hehe!
*******
Nitong Disyembre rin, sa wakas ay napanood ko na sa HBO ang “Loving Pablo” na ngayong taon lamang ipinalabas sa mga sinehan at di ko alam kung magkano ang kinita sa takilya. Nagtataglay ng mararahas na eksena ang sine, pagsasadula ng mga reyalidad sa isang magulong lipunan. Ang mga gumanap ay ang real-life couple na sina Javier Bardem at Penelope Cruz. Hango ang kwento nito sa akda ni Virginia Vallejo, ang “Loving Pablo, Hating Escobar”. Ang pelikula ay tungkol sa maalamat na buhay ng pinakamayaman at pinakanotoryus drug cartel kingpin mula Medellin, Colombia. Sa kwento ng sine, gusto lang ni Escobar ng respeto, ang ipagmalaki naman siya ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang mga anak o kahit sino ngunit ang respetong pangarap niya ay hindi kailanman magiging kanya kung ang pagbabasehan ay ang trato ng mundo sa kanya.
Una akong na-familiarized sa pangalang iyon nang napanood ko ang isang show sa History Channel tungkol sa mga bahay ng mga sikat na kriminal. Na-feature ang dating magarang mansyon ni Escobar na guho na lang ngayon at ang dating malalawak nitong hardin na may mini-zoo na may mga hippopotamus din daw noon, ay napakasukal na almost beyond recognition. Kapag nandoon ka, mai-imagine mo ang lifestyle of the rich and famous narcos na ayon sa mga ulat, kung karumal-dumal ang sinapit ng mga kalaban o nagtraydor sa kanila, ganoon din daw ang sasapitin nila. At si Escobar ay pinagbabaril ng Colombian authorities dahil totoo naman daw na nanlaban. 
Actually, ang bidang babae na si Virginia na isang kilalang TV personality sa Colombia noon ay nai-portray sa sine na tila naging kabit na may pagka-goldigger, kundi man biographer ni Escobar. Ngunit sa huli, nakipagtulungan din siya sa FBI para tuluyan nang masugpo yung mama at ang mga demonyong alipores nito. Yung pagdurog sa cartel, pagkakapatay sa mga tauhan nito, at ang katapusan mismo ni Escobar ay itinuring na malaking tagumpay sa anti-narcotics campaign ng Colombia na matagal na nasira ang reputasyon dahil sa mga pinaggagawa ng mga cocaine drug lords na mga mamamayan pa naman nila. Itinuring na ‘cult hero’ at Robin Hood of Medellin si Escobar noon dahil marami raw siyang natulungang mahihirap pero ang ganoong kawanggawa ay hindi mahuhugasan ang halaga ng katotohanang dahil sa ipinakalat nilang bawal na gamot, di-mabilang na tao sa mundo ang nasira ang buhay dahil dito. In short, galing sa masama ang tulong niya at siguradong na-realize na yun noon pa ng mga dati niyang kababayan. Ang kamatayan ni Pablo Escobar ay nangyari noong Disyembre 2, 1993; twenty-five years ago.
*******
December treats: Nöel Bazaar at the SMX Convention Center, SM Mall of Asia. Ang saya mamili pero hindi ako nag-shopping spree, a!
 
Pero naregaluhan ko na ang sarili ko nitong isang t-shirt na nabili ko sa Harrison Plaza. Ang cute-cute ng white tiger na glow in the dark pa ang design.
*******
Simpleng pagdiriwang ng Pasko sa pamamagitan ng pagdalo sa Misa sa mismong ika-25 ng Disyembre, masayang-masaya na ako. Maraming salamat sa Panginoon para sa araw na ito. Amen.
Nitong Disyembre 29 ay natuloy rin ang aking personal na tradisyon at panata ng pasasalamat taun-taon kapag pumasa ako sa pagiging qualified blood donor sa Dugong Bombo, ang Advent/Christmas season visita iglesia sa quatro iglesias de Manila- Sta. Cruz Church, Quiapo Church, at ang parehong National Shrines sa San Miguel outside Malacañang, St. Jude and St. Michael.
Sayang at pagbalik ko sa Quiapo, hindi na ako nakabili ng tingi na Excelente Ham at pati quezo de bola. Ang dami-dami kasing mamimili doon. Pero kaysayang bumili ng red plums at mga kastanyas sa street na iyon ng Carlos Palanca!

Aluminum tray filled with chestnuts, red plums plus kiwi fruits and Laughing Cow!
*******
Siyanga pala, isa lang MMFF 2018 entry ang napanood namin sa sinehan ng SM MOA (ang mahal naman ng tickets nila!), ito ang award-winning “Rainbow’s Sunset”. Ang ganda na nakaaantig na kwento na tipong “Tanging Yaman” plus “Bwakaw” meets “Brokeback Mountain” ang timpla pero no wonder na may naulinigan akong mga humihikbi mula sa audience sa pagtatapos nung sine. Ang galing-galing pa rin ni Eddie Garcia na yung karakter niya doon ay may hawig sa ginanapan niya sa “Bwakaw”. Meron man gay contents, ang nabanggit na pelikula ay isa pa rin unforgetable family drama!
*******
Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon!

More Christmas Galleries

 Nativity at the Shrine of St. Therese, Villamor Air Base, Pasay City

Resorts World Manila, Newport Complex, Pasay City





 Ang bibili ng mga alak na ito ay siguradong mayaman na galit sa pera at malamang lasang suka na ang iinumin niyang ito, hehe!

The Nostalgic Harrison Plaza, Malate, Manila

  


Please save the Harrison Plaza.



                                      

                                                                                                                                           


Friday, November 30, 2018

Cool Cat


My pet cat, Pit Bull when he was still in this world. How I miss him so...
Nobyembre 16. Ako’y nakadama ng ‘gloomy Friday night’. Mula pa nitong tanghali mahina na kumilos ang senior citizen kong miming at ayaw na niyang kumain. Pagsapit ng gabi, nanghihina na siya at naramdaman kong iiwan na ako ng aking pinakamamahal na pusa. Ayoko na siyang maghirap pa kaya ipinanalangin ko sa Panginoon na Siya na ang bahala sa kanya.
Nine years old na si Pit Bull; ipinanganak siya noong Oktubre 2009. Una ko pa lang siya napagmasdan noong kuting pa siya at napansin ang distinct black spot sa noo niya, napagpasyahan kong pangalanan siyang Pit Bull dahil para siyang mukhang pitbull. Mula pa noong maliit siya ay hindi ko siya napa-checkup sa beterinaryo at hinayaan ko siya sa kanyang natural, wild feline instincts sapagkat likas sa mga pusa ang pahalagahan ang kanilang personal freedom at ayaw rin nilang pakialaman sila ng mga tao sa kung paano sila mamuhay. Ang malaking pinag-iba ng mga pusa sa mga aso ay sila itong mas free-spirited. Hindi siya maarte sa pagkain; kung anong kinakain namin, yun din ang tsibog niya. Ngunit si Pit Bull, mahilig man gumala noong kabataan niya, makipagrambulan sa ibang barako sa ngalan ng teritoryo, at babaero pa, umuuwi pa rin siya sa akin bilang alaga kong miming. At nang naging senior citizen na siya at sumapit na sa age of retirement, pinili na niyang maglagi sa bahay at siya’y tuluyan nang naging isang housecat ni hindi na siya pumapalag kapag kinakarga ko siya na parang baby. Madalas pag natutulog ako noon, siya ay nahihimbing naman sa unan ko. Sa tuwing nagbabakasyon kami, kinakausap ko siya na mag-ingat palagi at inihahabilin ko sa aming katiwalang kamag-anak na siya ay pakainin at bigyan ng malinis na tubig. At anong saya kapag umuuwi ako sa bahay at siya naman ay nakaabang sa may terrace.
Nobyembre 17. May kahabaan ang araw na ito. Pasikat pa lang ang araw at pagbangon ko ay inalam ko kung kumusta na si Pit Bull ko. Maaliwalas ang panahon ngunit ito’y araw ng kalungkutan para sa akin sapagkat ang pinakamamahal kong pusa ay namaalam na at na-realize kong hayaan ko na siyang magpahinga sa awa ng Panginoon. Doon, naroon din ang mga miming ko noon. Nagkaroon si Pit Bull ng himlayan sa aming hardin, ang kanyang memorial park at katabi pa nito ang lote ng magandang si Mama Miming (namaalam nitong Hunyo) na naging alaga ko rin noon at gusto ko pa noon na maging asawa niya kahit na madalas ay nagsusungitan sila. Mayroong mataas na fortune plant sa kanilang himlayan. Magpahinga ka na, Pit Bull ko. Maraming salamat sa Panginoon at naging bahagi ka ng buhay ko.
Nagpatuloy pa rin ako sa buhay sa araw na ito. Pumasok ako sa aming Saturday classes ng graduate studies kung saan ako naka-enroll ngayong semestre. Pagsapit ng hapon, nagtungo ako sa SM Manila sapagkat highly-anticipated para sa akin ang petsang ito. Muling ginanap sa naturang mall ang Dugong Bombo. Napakaraming donors at kay tagal ng hintay ko sa pila. Ngunit napawi rin ang pagkabagot nang matapos ang karagdagang pagsusuri at ako’y naging qualified blood donor muli ngayong taon. Maraming salamat sa Panginoon. Ang aking mantra: pagtataglay ng spiritual nourishment + pagiging clean-living + pagpapanatili ng healthy lifestyle. Kagabi ko natapos ang aking St. Jude’s Novena at nitong umaga ang aking rosary! Kahit na ginabi ako sa pag-uwi, hindi naman ako napagod o nahilo. At hindi rin siksikan sa LRT.
At pag-uwi sa bahay, hay... unang gabi na wala na ang aking Pit Bull. Isa sa mga anak niya,si Lalake na anak niya kay Babayi,ay dati namang naglalagi dito sa bahay kaya lang mula ang naging alpha male tomcat na ay naging suplado na at tuluyan nang tumira sa teritoryo kung saan siya naghahari. Dito sa bahay, bawal kasi ang mga aso pero pinapayagan ang mga pusa at meron din akong mga alagang maya (sila’y mga ibong may layang lumipad). Isang araw, magkakaroon uli ako ng miming na kusang-loob na maging maamo sa akin.    



Wednesday, October 31, 2018

Cup of Tea


The Story of a Soul: Autobiography of St. Thérèse of Lisieux translated by Anthony Beevers/ inilathala ng Sinag-Tala Publishers at aking nabili mula sa Paulines’ Bookstore ng Daughters of St. Paul, 2655 F.B. Harrison, Pasay City. Ang mga sumusunod ay ilang hango mula sa payak na talaarawang iyon na dahil sa pagpapala ng Panginoong Diyos ay naipalaganap sa iba’t ibang bahagi ng daigdig at hindi mabilang na mambabasa ang naantig sa puno ng katapatang mga nilalaman nito buhat sa malalim na paghayag ng ating santa ng kanyang pambihirang pananampalataya.
“Jesus saw fit to enlighten me about this mystery. He set the book of nature before me and I saw that all the flowers He has created are lovely. The splendor of the rose and the whiteness of the lily do not rob the little violet of its scent nor the daisy of its simple charm. I realized that if every tiny flower wanted to be a rose, spring would lose its loveliness and there would be no wild flowers to make the meadows gay. It is just the same in the world of souls- which is the garden of Jesus. He has created the great saints who are like the lilies and the roses, but He has also created much lesser saints and they must be content to be the daisies or the violets which rejoice His eyes whenever He glances down. Perfection consists in doing His will, in being that which He wants us to be.” (from Chapter 1)
“I’ve said that Jesus is my Director... so I, the Little Flower on the mountain of Carmel turned at once to the Director of directors and blossomed in the shadow of the Cross. I was watered by His tears and Precious Blood and His adorable Face was my radiant sun.” (from Chapter 7)
“I believe quite simply that it is Jesus Himself, deep in my poor little heart, who works within me in a mysterious manner and inspires my daily actions.” (from Chapter 8)
She called her doctrine “little way of spiritual childhood” and it is based on complete and unshakeable confidence in God’s love for us. This confidence means that we cannot be afraid of God even though we sin, for we know that, being human, sin we shall but, provided that after each fall, we stumble to our feet again and continue our advance to God. /  The depth of her love for God means that all the small trivial acts of which she is capable take on great value because of the motive behind them. And God, with His overwhelming love and understanding, accepts them joyfully. (from the book’s Introduction)
At dahil sa aklat, higit natin makikilala si Sta. Teresita or St. Thérèse of the Child Jesus (dito sa Villamor Air Base at tuwing Oktubre 1 ang kanyang feast day). Isa siyang halimbawa ng nabanggit ng Panginoon sa Kanyang aral tungkol sa pagtataglay ng genuine and humble childlike faith- “...na ang mga nagpapakababa ay iniaangat.”
*******
 
The covered court constructed at the vast, open area of the Villamor Air Base Elementary School grounds where the temporary makeshift classrooms’ site had been, way back in the school years 2014-2015 and 2015-2016.  
*******
Ika-10 ng Oktubre. Sa araw na ito ay may nationwide exam para sa Grade 4 tungkol sa English Proficiency and the rest of the elementary pupils ay wala nang klase; ang mga titser at iba pang empleyado ng paaralan ay magri-report pa rin. Kahit ako, hindi na pumasok sa school dahil ayaw kong palagpasin ang pagkakataong masilayan ang Philippine visit ng incorrupt heart relic ni St. Padre Pio Pietrelcina ngayong taon sapagkat higit itong magtatagal sa mga provincial itinerary nito sa Cebu, Davao, at lalo na sa Batangas, doon sa Padre Pio Shrine sa Sto. Tomas na napuntahan na namin noong 2015 pa (pakitunghayan ang “Isang Lunes Santo sa Batangas” blog post March 2015).
Pagdating ko sa Sta. Cruz mula LRT-Carriedo, tumigil muna ako sa simbahan doon at nagdasal bago ako sumakay ng dyip na biyaheng Intramuros hanggang pier (North & South Harbor). Maalinsangan pa ang panahon kahit nang nasa Magallanes Drive na ang dyip na na-trapik pa pero nang palapit na sa Manila Cathedral, makulimlim na ang langit at medyo lumamig na ang hangin. Pagbaba ko pa lang sa may Plaza Roma, namangha ako sa sobrang dami ng mga tao na pumila para sa public viewing ng relic! Pambihirang tanawin ng sangkatauhan! People from all walks of life. Halos magdalawang oras akong nakatayo doon sa pila tulad ng karamihan sa mga dumayo sa Cathedral at sadyang test of endurance talaga. Umulan na nga doon ngunit mabuti at lagi kong dala ang aking payong. Nakatulong din ang ulan at makulimlim na panahon upang pawiin ang alinsangan at lalong hindi nagpatinag ang bawat tao sa pagkahaba-habang pila. Batid kong iba-iba ang hangarin ng mga tao. May mga kahilingan, pasasalamat, or simply, out of curiousity. Nitong Abril ngayong taon, nagpunta rin ako sa Cathedral nang dinala doon ang blood relic ni St. Pope John Paul II (pakitunghayan ang “Strawberry Yogurt Smoothie” April 2018 blog post).
 


Hindi ako nabagot sa mahaba at matagal na pila sa totoo lang. Malamang ay dahil sa lumamig ang panahon nang nakarating ako sa Intramuros at mas sariwa naman ang hangin sa palibot ng Manila Cathedral. Pinagmasdan ko rin ang mga nakapaligid na gusali sa Plaza Roma tulad ng Bureau of Treasury (ang dating Ayuntamiento) along Cabildo at sa di-kalayuan sa Gen. Luna, ang Palacio del Gobernador na opisina na ngayon ng COMELEC. Ngunit ang kaaya-aya talagang panoorin ay ang pagiging disiplinado na ng mga tao sa pila at marahil ay tuluy-tuloy nga ang pagdarasal ni Padre Pio at kabilang sa kanyang mga panalangin ay nawa manatiling kalmado ang mga taong matiyagang pumila masilayan lamang ang kanyang puso. Isa sa mga quotable quote mula sa ating santo noong nabubuhay pa, “Be calm, pray, and don’t worry”.
May mga pagkakataon nga lang na nabwisit din ako sa dalawang beses na may sumingit sa pila namin. Hindi naman ako pwedeng makipag-away. Awa ng Diyos, wala namang naganap na mainit na pagtatalo sa mahahabang pila at yung mga sumingit sa hanay namin, mga senior citizens pala, ay sinabihan ng mga concerned marshalls na meron priority lane para sa mga matatanda, PWDs, buntis, at mga may kasamang maliliit na bata. Bago mag-ala singko ng hapon, sa wakas ay nakapasok na ako sa gilid ng katedral. Hindi mahulugang karayom hanggang sa loob mismo ng simbahan! At mabilisan lamang ang viewing sa relic sapagkat sobrang dami pa ng mga tao sa mga pila. Hindi ko masyadong natitigan ang puso dahil ang taas ng kinalalagyan ng reliquary nito at medyo malabo na ang glass case nito dulot marahil ng moisture ng panahon at mula sa libu-libong tao na humawak dito. Nasilip ko pa rin ang incorrupt heart na animo tapa o di kaya’y black truffles. Subalit ang damdaming ito, tulad ng mga close encounters sa mga saintly relics na nasilayan ko na mula kay Sta. Clara de Montefalco, St. Anthony of Padua, at St. Pope John Paul II, hindi maihayag ng mga salita. Ito ay pagkamanghang di-maipaliwanag basta damhin ko na lang at lalong mapagtanto na kayganda ng daigdig na nilikha ng Panginoong Diyos. Paglabas ko sa Manila Cathedral hanggang sa pag-uwi, ni hindi nga ako nakadama ng pagod.
Makalipas ng ilang araw, napansin ko pa rin sa social media ang tungkol sa relic tulad ng Yahoo!News tungkol sa Cebu itinerary ng puso. Binasa ko ang maikling news article na nai-post ng SunStar. At pati ang mangilan-ngilang comments ay inusyoso ko. Ako’y nadismaya. Pulos galing sa mga online readers na mga trolls, bashers, and puritanical Christian prigs na taglay ang kanilang nakalalasong bigotry. Nakalulungkot na ang nilalaman ng kanilang mga puna ay mga pambabatikos at paninirang-puri sa mga paniniwala ng kanilang kapwa-tao. Bago pa mapalitan ng iba pang news article ang tungkol sa relics, nag-comment din ako. I speak out for Padre Pio and for those people na matiyagang pumila para masilayan ang relic. Bawat tao na pumila sa public viewing sa relic ay may kani-kaniyang petition for Padre Pio’s intercession at hindi kami kailanman nagsagawa ng idolatry o paglabag sa Unang Utos gaya ng laging bintang ng mga puritanical Christian prigs na yun.
Kaming mga Katoliko ay nagbibigay-pugay sa mga santo na noong nandito pa sa Mundo ay malalim na ang pagiging Jesus-lovers nila at higit pang Kristiyano ang pamumuhay hindi lang sa salita kundi sa gawa kaysa sa mga nagpapakilalang ‘Christians’ daw sila sa lalim ng pag-unawa sa Bibliya o marubdob sa pagkanta ng kanilang praise and worship songs ngunit mga makikitid naman ang pananaw, unawa, at respeto sa pananampalataya ng ibang tao. Sila itong mahilig makipag-argumento sa paghahangad nila na ang kanilang mga personal na paniniwala ang nasa tama at ang mga hindi nila katulad dito ay mga napariwara o nawala na sa landas. At may na-realize ako. Hindi man talaga ako relihiyoso pero may nais akong ipahabol sa intercessions ni Padre Pio na isama niya nawa sa kanyang mga panalangin ang mga taong ugali nang atakihin o bastusin ang pananampalataya ng kanilang kapwa dahil lamang sa hindi nila katulad ang mga ito ng paniniwala and in God’s perfect time, matauhan sila at maliwanagan.
Napansin ko nga na karamihan sa mga comments na naka-post sa mga Yahoo News portal ay platform na lamang para sa negatibong reaksyon, panlalait, pambabastos, at hindi na freedom of expression; mahihinuha rin na karamihan sa mga nagku-comment sa mga social media ay nangangailangan talaga ng wastong edukasyon, tsktsktsk! Well, naglipana pa rin sa Internet ang mga walang magawang matino sa kanilang walang habas sa paghayag ng kanilang pangungutya at paninira sa kahit sino o ano. Sa kasalukuyan, sila ay natataehan pa sa sarili nilang negativities and insecurities; be calm, pray, and don’t worry, balang araw ay matatauhan din sila.
Post script. Nobyembre 1. Undas. Gumawa na naman ng ingay ang ating kagalang-galang na Pangulong Duterte sa kanyang usual anti-Catholic rhetoric. Binanatan na naman niya ang mga paniniwala at tradisyong Pilipino na nauukol sa Todos Los Santos habang nasa Norte siya at mino-monitor ang kalagayan ng mga tao sa mga pook na nasalanta ng Bagyong Rosita. The usual tatak-Digong defamation remarks tapos paglapastangan niya sa mga taong namuhay nang banal at sinabi niyang ilagay na lang ng mga Katoliko sa altar si “Santo Rodrigo”. Hmmm, ang mga militant artists na gumagawa ng mga Duterte effigies tuwing may malawakang kilos-protesta tulad ng tuwing SONA o Human Rights/ International Women’s Month Celebrations ang magagaling sa paglikha ng mga ‘stunning portraits’ ng ating Pangulo: parang may altar rin naman para kay “Santo Rodrigo”, pagtirikan ng mga itim na kandila, at nasa ilalim nito ang mga ‘human sacrifices’-mga biktima ng extrajudicial killings since 2016! SATIRE IN THE FORM OF THIS ESSAY.
*******
Oo nga pala. Oktubre nga pala ngayon. Mapapanood pa sa TV ang mga documentaries and magazine shows na tampok ang mga kwentong katatakutan. Di naman nakapagtatakang ang trending sa cinema world ay mga Halloween-themed movies especially imported ones. Yung bang mga horror flicks na nagiging predictable na kahit na pataasin pa ang scream meter ng suspense and thrill ng takbo ng kwento. At sa larangan naman ng panitikan, uso na naman ang mga horror, spine-tingling, hair-raising tales for a chilling scarefest gaya ng Panorama Halloween issue 2018 ng Manila Bulletin. Ang napansin ko sa mga kwentong katatakutan, para bang nagiging pare-pareho na yung ‘dramatic’ flow of events lalo na sa pangingibabaw ng kadiliman at kasamaan ng mga karakter at tila gustong palabasin ng mga authors nito na wala nang kaligtasan ang mga biktima. Well, basag-trip na kung biglang magkaroon ng twist ang mga kwento kung saan maparusahan naman ang mga masasamang nilalang at kaharapin ng mga ito ang divine judgment bilang parusa sa paninira ng mga ito sa buhay ng mga tao at katiwasayan ng mundo. Hay, naman, o! Hehehe! Depende na sa nais ng mga readers kung ang gusto ba nila ay yung tragic, bloody, gory story endings or pwede namang ang mga karakter na ‘biktima’ ay nagkaroon ng pagkakataong gumanti sa mga maligno, aswang, at iba pang horror characters at pabalikin ang mga ito sa impyerno. Anyways, bweno in reality, hindi basag-trip ang pagpapairal ng absolute truth ng pangingibabaw at pagliliwanag pa rin ng kabutihan sa Mundo, sa buhay, at hanggang sa kabilang-buhay. Amen.
Di naman talaga ako mahilig sa horror movies. Mas gusto ko pang manood ng sexy films, ano? Kahit yung mga lumang R-18 noon sa mga sinehan na ipinapalabas na sa ‘very late night’ schedules ng PBO o CineMo na naipa-censored na rin naman ang ilang eksena, aba, aba, okey naman pala. Medyo malabo na nga lang ang kulay ng pelikula na animo palaging magtatakipsilim na o di kaya’y madaling-araw na pasikat na ang araw. Nakapanghihinayang naman na hindi ko napanood itong isang pelikula na “Wild and Free” sa sinehan. Nakakainis naman kasi at iilang sinehan lamang ang nagpalabas nito at malalayo pa yun. At hindi pa na-extend ang showing ng naturang pelikula. Anong problema? Nag-flop ba sa takilya? Palibhasa ba ang mga bida ay mga potential, talented Kapuso artists at di yung mga mas mabentang Kapamilyas na suking-suki ang pabebe image sa mga paulit-ulit na komersyal? Sa totoo lang, mas trip ko pang panoorin ang mga pelikulang mature ang adult content pero may lalim ang kwento kaysa mga pabebeng rom-com flicks na pinagbibidahan ng mga loveteams na may chemistry daw... nakakaumay.
******
Kaysaya namang makarating sa Agrilink 2018 na sa World Trade Center Manila dito sa Pasay City. Nakatutuwang gumala sa napakaraming exhibits and booths doon mula sa mga halaman at hayop (di mabaho doon sa mga piggery, a!) hanggang sa mga farm equipments and supplies pati sa mga bazaar ng regional products. Paborito ko na yata yung camel na naroon. Hay... ang sarap siguro kung may sariling agricultural estate sa isang masagana at mapayapang nayon sa probinsya tapos masayang farm life and lucrative agri-businesses. Ang saya namang mangarap nang gising na ganoon nga na manirahan sa pook na iyon na may magagandang tanawin, sariwang hangin, at maayos na buhay, hehe!
































              *******               
 Nitong Oktubre rin ay nakadalo ako sa National Arts and Crafts Fair na ginanap sa SM Megamall kung saan tampok ang iba’t ibang regional products and product showcase mula Region 1 hanggang ARMM. May nadatnan pa akong cultural show doon ng mga Tausug Muslims. Nakapamili pa ako ng ilang produkto. Ang sarap sanang mag-shopping dahil karamihan sa mga items doon ay bihirang mahanap sa kahit saan. Filipino products na talaga namang world-class. Pero bakit yung ibang tanyag na world-class Pinoy products tulad ng Cobonpue furniture and Malagos Chocolates, sa presyo pa lamang ng mga iyon ay mistulang ayaw nang ipalasap sa mga pangkaraniwang Pilipino?
Pero, promise. Ang saya-sayang makadalo sa ganoong uri ng event. Magkakaiba man ang political, ethnic, and cultural background dito sa Pilipinas, lahat tayo ay pare-parehong Pilipino!