This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Monday, September 26, 2011

September Softness

(This essay was posted on the 2nd anniversary of Bagyong Ondoy. Lintik na tanghali na idineklarang walang pasok sa mga paaralan ng Metro Manila!)


Dambana ng Kagitingan, Bundok Samat, Pilar, Bataan/courtesy of Wikipedia/Sam Tan

Caspar David Friedrich’s “The Cross on the Mountain”

Noong una ay talagang nag-alangan ako sa aking pagkadestino sa mga batang nasa huling section na ng Ikaapat na Baytang (ngunit Metro Manila naman ang pangalan ng aming section na placebo effect at huwag naman ‘IV-18’). Yun bang mayroong extremity na ako na noong nasa elementarya, mula Grade 1 hanggang 6 ay napabilang sa highest section at tapos ngayon... well, walang puwang ang reklamo. Ganyan talaga... parang sundalo na na-assign sa mga liblib na pook and that’s an order. With the exception of transferees, ang mga batang ito ay nagmula rin sa last two section noong Grade 3 sila. Ngunit, eh ano ngayon? Bakit yun bang mga nasa higher section lang ba ang magtatagumpay sa buhay? Ang nararapat dito ay i-motivate ang mga paslit na maniwala sila sa kani-kanilang sarili. Madalas na karaniwan sa mga paslit ay may short span of attention at dahil mga bata, bumubugso ang pagka-hyperactive kaya parang yumayanig ang silid-aralan kapag hindi na sila nakontrol. May mga hirap sa pagbabasa. May mga suliranin sa pag-uugali. Sad but true na naroon talaga ang kaibahan sa scholastic performances. Actually, ang kanilang klase ang aking pasanin. Penitensya, kalbaryo, mabigat na pasanin, hehe... Ngunit palagi kong isasaisip at isasapuso ang winika ng Panginoon “Come to Me all of you who are tired and I will give you rest for My yoke is easy and My burden is light.” Magkakasama pa kami ng mga batang yun mga ilang buwan pa kaya nararapat lamang na palagi ko silang isasama sa aking mga panalangin. At may napagtanto ako. Sila na aking mga pasanin... subalit sila rin ang naghahatid sa akin ng naiibang kasiyahan. No, it’s not power, pleasure, and pain like some kiss on a rose or a bed of roses with all those thorns... it’s simply between them and I. There’s always a reason for passion.

Marcel Duchamp’s LHOOQ Dada artwork in protest of his movement against the established academic traditions of European art

Meron isang local avant garde artist ang gumaya dito ngunit ang trying hard na mokong na iyon ay pinagdiskitahan pa ang Our Lady of Perpetual Help na pinamagatan pang “My Virgin Mama”. Well, hindi po siya si Mideo Cruz. Freedom of expression... ang kalayaan na basic right na ng bawat tao (kaya nga dahil dito ay narito sa cyberspace ang blog site na ito, ano?) at ikinapuputok na ng butsi ng mga labis na naninindigan para dito.
Pwede bang pumantay na ang level ang napakalawak at mapaglarong imahinasyon sa pagpapahayag doon sa mga may tama na sa pag-iisip dulot ng tetrahydrocannabinol and other hallucinatory substances or sa mga schizo? Hehe, ewan, dapat pa bang pakialaman yun? Look, hindi lang mga Katoliko ang na-offend sa kontrobersyal na artwork kundi pati Aglipayan at mga Orthodox. Kung nakikisawsaw man ang mga fundamentalists sa paggigiit nila tungkol sa Unang Utos bunga ng literal nilang pagkakaunawa dito, sige nga at ano ang ibig sabihin ng mga rebulto ng dalawang anghel sa ibabaw ng Ark of the Covenant na iniutos mismo ng Diyos kay Moises na gawin (ever watched “Indiana Jones: Raiders of the Lost Ark”)? Eh, yung nangyari sa disyerto kung saan dahil sa pagiging mareklamo ng mga Israelita ay pinarusahan sila ni Yahweh at pinatuklaw sila sa mga ahas ngunit muli Niya silang kinaawaan nang sila’y nagsisi at inutusan Niya si Moises na gumawa ng rebulto ng copper serpent at itindig ito sa tagdan at ang sinumang natuklaw na tatanaw dito ay gagaling agad. Parang Jewish counterpart ng caduceus ni Asclepius in the ancient Greek religion which eventually became the modern symbol of the medical profession. Fundamentalists and puritans who haven’t got tired of their ‘idolatry accusations’ against the people who are outside of their flock should stop self-proclaiming that they knew the Bible by heart and intellect but in fact they don’t have the heart to respect and the mind to understand the faith and beliefs of all people because God has no favorite among His creatures. And Mideo Cruz, I think is so harsh and narrow and shallow because he himself ay nag-aakusa na sa kapwa-tao niya; na yung ipinagmamalaking art exhibit niya ay ‘sumasalamin’ daw sa excesses of society (grabe naman siya na parang nambibintang na nang tuwiran!). Man, starving for publicity for that so-called orgiastic shock art? Kaya nagninggas ang damdamin ng iba’t ibang tao. Ano kaya ang kahulugan ng ‘limitasyon’ o ‘hangganan’ para sa mga advocates ng freedom of expression? Kung merong ibang artists ang magdrowing ng caricature nila na kahalintulad ng ‘polytheismo’, idya-justify pa rin ba nila’t ipagtatanggol ang artistic freedom ng mga ito bilang... or, simply, freedom of expression? Kaya lamang kasi, kahit gaano man kalalim ang kanyang mga pananaw at pangangatwiran, sampu ng kanyang mga tagasuporta at tagapagtanggol, wala nang ibang makauunawa sa isang eccentric kundi ang kapwa rin eccentric, hehe! Ah, ewan ko! Ewan ko sa kanila! Hehe, siguro kasi pagkatataas ng pinag-aralan, palibhasa mga dalubhasa, hehe! Kaya iba ang taste... pabayaan na nga sila, hehe...
Katolisismo ang pinagbalingan ni Mideo Cruz... i-lie detector test kaya siya kung sa isang dako kaya ng mga ideya niya ay nais din ba niya-feature ang Islam, Buddhism, or Hinduism? Playing safe? Hehe? Tapos, ang mga supporters niya ay nag-divert sa iba namang isyu bilang pangontra sa mga tumutugis sa kanila at nabanggit pa ang priests’ abuses (sa Catholic Church lang ba may ganitong kaso, kayong mga naglilinis-linisan, mapaghusga, at mga unang pumupukol na ng bato?) and the RH Bill. Nang nag-channel surfing ako minsan at napadako sa isang news channel kung saan ay may forum at pwedeng mag-text ang mga viewers, may nabasa ako doon mula sa isang texter na hindi raw siya papayag na ang buwis na ibinabayad niya sa gobyerno ay mapupunta lang sa paggastos para sa mga taong walang disiplina sa sex (buwis din ng taumbayan ang nagpondo raw sa “Kulo” art exhibit sa CCP). Sino ba ang prime manufacturers ng contraceptives? Mga naglalakihang korporasyon at kapitalista na nakabase sa mayayamang bansa at namumuhunan sa mga Third World nations tulad ng ating bansa at tiyak na tiba-tiba kapag naisabatas na ang naturang panukala? Talaga nga bang ganoon na kababa ng health care services ng ating bansa o meron naman talagang sapat na badyet... na ibinibulsa lang ng iilan na sa palagay ko ay wala rin pakialam sa RH Bill at mas lalong walang pakialam sa lipunan at kay Mideo Cruz. Ano ba ang paninindigan ko sa isyu na ito?
Secret. Sssshhhhh!


crocodile's skeleton: illustration by Richard Lydekker

Crocodiles do cry, too. Yet those are real tears. Mga luha kung bakit patuloy ang panghihimasok ng mga tao sa kanilang mga natural na tahanan. Mga luha kung bakit ang mga tao ay mapang-abuso sa kapaligiran. Mga luha kung bakit ang mga tao ay likas na sakim sa pag-angkin sa mundong ibabaw. Mga luha kung bakit ang angkan ng mga buwaya ay patuloy pa rin iniuugnay sa mga tiwali lalo na sa mga kawani ng pamahalaan. Mga luha kung bakit ang kanilang sariling mga luha ay ginagamit na matalinghagang pananalita tungkol sa huwad na awa at pakikisama. Tsktsktsk! Na-extinct na ang mga dinosaurs (except for tuataras, coelacanth, or perhaps some magical plesiosaurs that’s why accounts of legendary lake or sea monsters still persist (?)); ngunit ang mga buwaya ay hindi nalipol. Noon, people-eaters:crocodiles... ngayon, crocodile-eaters:people. Siguro nga na matanda na si Lolong Buwaya at ang kanyang asawa (crocodilian monogamy?) kaya sa paglipas ng panahon ay lumaki silang ganoon. Naalala ko na noong short flourishing of the komiks renaissance (that was in 2007), sa Klasik Komiks, may kwento si Carlo J. Caparas doon tungkol kay Kroko at may nakamamanghang illustrations ito kahit na merong nakakatakot at nakakadiri; tungkol sa isang nakamamanghang buwaya na may nakamamanghang laki. Biglang natigil ang sirkulasyon at paglalathala ng mga komiks na iyon kaya tuloy nag-imagine na lang ako kung ano ang naging kapalaran ni Kroko. At nitong mga nakaraang buwan, biglang umere sa TV5 ang isang child-friendly primetime series na “Bangis” na mula rin sa panulat ng naturang sikat na nobelista. Tungkol din iyon sa isang ga-higante rin na buwaya. Ano yun? Kung iisa lang sina Kroko at Bangis, nag-evolve ba ang buwaya nito mula nang nag-crossover mula sa komiks patungo sa telebisyon bilang isang mahiwagang reptilya na may kakaibang talino at masayahing puso? Kung namatay na si Lolong, anong gagawin sa katawan niya? Ipipreserba ba in the name of science and education? O, kung may magka-interes sa katawan niya, in the name of worldly consumerism and materialistic fashion statements? Stay away from our wildlife, Lacoste, Crocs, all of you, fashionista capitalistas!
Oo nga pala. Hours bago ibalita on national television ang tungkol sa pagkakahuli kay Lolong, meron kaming class discussion sa English Reading. Isang popular fable na “The Monkey and the Crocodile”. Matalino man ang matsing, kung buwaya naman ang katapat eh, nakakalamang pa rin, hehe! Ngunit bago iyon, bahagi ng motivation to the lesson ang pagkabanggit ko sa ‘evolution’ (Darwinian allergen to all fundamentalists; Scopes Trial? Napanood ko kaya yun sa channel 9 noon starring Jack Lemon as the brilliant Attorney Clarence Darrow). Na ang mga buwaya, base sa mga fossils na nadiskubre, ay mga dambuhala nga during the age of the dinosaurs at di-naglaon ay lumiit na sila sa paglipas ng mga panahon. Na ang mga matsing o unggoy o bakulaw ay mga kamag-anak ng tao (at nagturuan naman ang mga bata sa isa’t isa na nagtatawanan pa).


Miss Universe 2011

Yeah, I remember, I remember. Last year, sa mga dyaryo, naka-post ang mga board passers sa architecture at madali lang tandaan ang rare name na “Shamcey Supsup” and then several days ago, nagningning ang pangalan niya sa pinakaprestihiyosong patimpalak-kagandahan na Miss Universe kahit na 3rd runner up pa siya.
BTW (kung hindi ko nabasa sa dyaryo ang ibig sabihin nito ay hindi ko mababatid na ‘by the way’ pala ang ibig sabihin nito, pity me; yung ‘xoxo’ na lang ang hanggang ngayon ay di ko alam but what the heck?!), napaka-impressive ng sagot niya sa Q & A portion. Honest, honest-to-goodness. Pero hindi lang sa Q&A pinagbabasehan ang winning points ng isang kandidata. Madalas akong manood ng mga beauty pageant just like any byuti-kontes-gone-gaga beki-beki, ahay! What’s wrong with the answer? Well, that was answered from the heart. Kaya lamang sa paglipas ng mga araw, I had pondered on those words. Siguro, iba’t iba ang interpretations ng iba’t ibang tao na na-comprehend yun. Dapat bang ma-kompromiso ang religious affiliation sa isang relasyon para lang sila magkasundo? Hehe, napanood ko ang last two season ng “Sex and the City” series sa HBO, including its two movies- Charlotte York, the Episcopalian princess ‘left’ Christ for her one true Jewish love (how’s that for an offense against Christianity, Miss Supsup?). Teka nga, hindi si Vivica A. Fox ang unang nakapagtanong ng tulad ng sa sinabi niya sa beauty pageant! Mga late 1995 or early 1996 yata yun, sa “Mr. Pogi” portion ng Eat Bulaga, tandang-tanda ko pa ang tanong ng isang female judge sa isang contestant na kung meron siyang girlfriend na nagyayaya sa kanya na sumama na sa religion na kinaaniban nito, papayag ba siya? Ang sagot ng binata ay hindi pero maski siya ay hindi rin naman gagawin ang ganoon sa nobya niya. Hindi kailangang ma-kompromiso ang relihiyon sa isang relasyon, just to please your loved one (ang mahalaga ay tunay na pamamahalan at pag-uunawaan without that annoying discussions and debates on differences of beliefs and faith; teka, bakit nga ba ako nagsasatsat tungkol dito- ni hindi nga ako kailanman in a relationship; ah, ewan!). Talk about proselytization, for pete’s sake! Bakit magpaparaya para lamang matanggap ka ng iyong minamahal kung masaya ka naman at payapa ang kalooban sa kinalakhan mong pananampalataya? At saka, ang banggit ni Shamcey bago matapos ang sagot niya ay “... my God”... Eh, kung kapareho rin ng ganoong sagot ang sasambitin ng isang Christian girl sa kanyang Jewish boyfriend... bakit? Magkaiba ba ang Diyos ng mga Kristiyano sa Diyos ng mga Hudyo? At saka, nakalulungkot kung bakit ang impression sa ilang na tao na ang drama ay “they left the Catholic Church to become Christians”... hindi ba ‘Kristiyano’ ang mga Katoliko mula pa noon? Christians and Catholics and Protestants and Quakers... what’s with those walls, segregation, and exclusive claims! Well anyway, opinion here comes freely, hehe... just remember that Miss Shamcey Supsup, minsan, noong isang araw lamang ay napag-isa ang sambayanan. Epitome of a real Filipina worth emulating.


diamonds wikipedia source: CrucifiedChrist

What is suffering? This was a question of big deal to Prince Siddharta Gautama more than 2,000 years ago. “What is happiness to you, David?” ang tanong ng character na ginampanan ni Cameron Diaz kay Tom Cruise sa pelikulang “Vanilla Sky” (not “Knight and Day”, though!). Sa tuwing pinagmamasdan ko ang lumalaking sakop ng isang kahiganteng korporasyon sa aming pamayanan and the taipans and tycoons, the moguls and magnates, foreigners gobbling our lands in the guise of ‘investments’, the unstoppable land conversion and communities, both legal and illegal, being swept away because of that so-called modernization and development, diamonds appear in my thoughts. Diamond, the birthstone of April, my birthstone, precious stone of happiness. Hindi ito sa ‘bleeding heart’ appeal nor walang kinalaman sa “Diamonds from Sierra Leone” ni Kanye West or the Leonardo DiCaprio-starred “Blood Diamond”, why are Amsterdam and Zurich called the cities of diamonds? Why are diamonds forever? Paano naman ang dugo at pagdurusa ng napakaraming mahihirap na Aprikano na isinusuong sa panganib ang kanilang mga buhay mahango lang ang mga brilyante mula sa ilalim ng lupa? Ang malalaking negosyante na matagumpay. Their successes are the diamonds of their career. Ngunit mga diyamante ba na naghahatid ng tunay na kaligayahan... o mabibigat lamang na pasanin? Araw-araw, pag-aalala kung paano mananatili ang pamamayagpag ng negosyo. Gabi-gabi, iniisip kung bukas ba ay matataas pa rin ba ang stocks. Mga ‘bilanggo’ ng sarili nilang mga ‘tagumpay’. Mga tagumpay sa larangan... na mga pasanin din pala na kanilang ipapasan. Yun bang parang mga ibon na nasa loob ng gintong hawla na bukas naman ang pinto ngunit ayaw lumabas kasi mayroong dalawang kahaharapin- ang madakip tungo sa kapahamakan o di kaya’y kung iiwan ang gintong hawla ay maaari namang may ibang magka-interes na angkinin ito kaya hindi bale na lang na manatili sa loob nito.
Diamond affection... or rather, seeing beyond the adamantine look of a diamond in the rough.

courtesy of wikipedia/unknown USGS employee
Photos here courtesy of Google and Wikipedia

Saturday, August 6, 2011

Impressionist Wannabe

Who among these famous Florentines got that real dazzling smile?

Mona Lisa (or La Gioconda)- do you really think so that this Leonardo Da Vinci masterpiece has the smile that captivated the world and cryptologists Robert Langdon and Dan Brown all over? What’s with the absence of eyebrows? This is how the age-old question goes.



Niccolo Machiavelli- the notorious but celebrated statesman whose “The Prince” was then sweetly defeated by Antoine de Saint-Exupery’s alien little prince; Machiavellian vs. Elizabethan, Niccolo nonetheless, could had been the ‘object of envy’ of those English playwrights. Which of this do you prefer? Politics and governance or the entertainment for the amusement of the Queen with her flawless alabaster skin, her elite circle and the select few?


Girolamo Savonarola- fiery Dominican reformer and martyr. Not a Protestant, just a protesting Catholic; theocracy advocate but never a Taliban model.


***
Dusk, not twilight... I have never been a fan of sexy vampires or hunky werewolves, not even that of the lovestruck damsel in distress caught between those... those... creatures! Romanticized monsters or creatures out of medieval beliefs and superstitions out of colorful imaginations.
What’s this mystique about the serene sky and calm setting sun at dusk? The thought of people going home, the smell of dinners or supper prepared, evening news, and the descent of the planet Venus in the west as well as the ascent of the stars.




***
Botanical impressions during the rainy season.











***
I develop a habit of placing bread crumbs and left-over rice in one corner of our rooftop and then leave it till the sparrows (maya) come and feast on it. I think they already know me for there are times when they seem to catch my attention. Pigeons or doves are not the only cageless birds around. Move over, here comes the sparrows, the ‘stay out’ pets.


***
Xocolatl, the “bitter water” that the Aztecs introduced to the world. So popular that it blotted out the fear of imagining how the cult of the war and sun-god Huitzilopochtli took place each day during the heydays of the Mesoamerican empire. Then Quetzalcoatl wannabe, “El Adelantado” Hernan Cortes whose guns, goons, and gold policy probably got taken by the seductive powers of Montezuma’s most prized beverage that which undergone a swift and sweet evolution to become the world’s favorite flavor.
Marabou (dainty and tidy confection made in Sweden; I thought that the marabou storks of Africa have the same ‘dirty jobs’ like that of their vulture peers!)




Cadbury/ Toblerone


New Zealand Whittaker’s- this became my favorite choco brand for its right amount of sweetness and consistency and no cloying aftertaste that sticks on the tongue for some time even after you drank almost a liter of water; only that the new price greatly disappoints me and the other chocoholics who already got hooked on it. From 39 pesos in Mercury Shops and most supermarkets to 45 pesos?! What the heck they have done?


When I was in high school, I used to buy Meiji Chocolate (it is at par with Hershey’s) in the 7-11 store outside St. Mary’s Academy- Pasay and it was sold for only 16 pesos. Well, what ever happened to this Japanese brand now?
Chocolat (French/ ‘sho-ko-la’), the choco-themed cafe with a little but comfortable branch in SM Mall of Asia. Ricoa powder for champorado and hot cocoa. Milo and other instant choco drinks. Tsokolate e, the traditional, steaming hot and syrupy drink from tablea prepared in the old-fashioned way using the almirol and batirol (remember the chapter of Noli Me Tangere where the San Diego alferez would spread rumors that his frenemy, Padre Salvi, had the habit of turning off some of his guests by offering them poorly prepared hot chocolate if he ask his helper to make it ‘tsokolate a’?). The choc-nut, Goya sans a Chinita endorser, or the Bulacan-made chewy Lala. The imported chocolates your balikbayan relatives give. All the chocolates in the world! And yet ONLY ONE has the ultimate right to be called NO. 1 in the world...
Theobroma cacao, the prime source of cocoa.
(courtesy of Wikipeda/ as for the cacao tree:author is Luisovalles)




Friday, July 8, 2011

Feeds {as a plural noun} at the Back of the Yard

Nansha vs. Paracel-Spratlys. Philippines- West Philippine Sea. Vietnam- East Sea. China/Taiwan- South China Sea. Brunei and Malaysia- Northern Sea? Sa territorial dispute na ito ay lumalabas kung sino ang ‘pinakamasiba’, hehe! Ang ating bansa ay nag-claim lamang ng iilang pulo (Kalayaan Group of Islands) at sapat na ito to tell our Asean neighbors which part of the controversial Southeast Asian body of salt water are rightfully ours alinsunod sa exclusive economic zone and law of the sea. Ang laki-laki na nga ng China, eh, gusto pang kubkubin ang buong karagatan. Eh, kung tuluyan na nilang inangkin ang disputed areas? Di magpapatayo ng oil drilling sites tapos wantusawang pangingisda with poaching sa marine life na naroon tapos biglang nadisgrasya ang mga planta ng langis nila at nagkaroon ng malaking ecological disaster sa pook na itinuturing na bahagi ng ‘fragile coral triangle’? Ang lakas din ng loob ng Taiwan na maki-dispute din samantalang ito ang pinakamalayo sa mga claimants. Ang parehong bansa, ayon sa nabasa kong artikulo sa mga dyaryo, ay ipinangangalandakan ang ancient Han and Ming records nila umano na magdya-justify na kanila ang naturang karagatan kasama ang lahat ng isla na narito. So, noong pinag-aaralan na ng kanilang mga naka-seda nang ninuno ang karunungan nina Confucius at Lao-Tzu eh ang mga sinaunang tao sa Pilipinas ay nakatira pa sa mga kweba at kagubatan? Buti nga at hindi nila isinama ang ating kapuluan sa ‘records’ nila bilang bahagi ng kanilang imperyo samantalang “Ma-Yi” ang bansag nila dito na ibig sabihin ay lupain ng ginto. Hindi naman sa chinophobe na ako; aba’t narinig ko sa ilang kamag-anak na meron daw kaming isang malayong ninuno na isang immigrant mula sa southern China. Yun nga lang ay hindi naging dominant ang genes, hehe! Well, anyway... habang humahanga ako sa naiibang kagandahan ng Kalayaan Islands na napapanood ko sa TV, naisip ko na sana hindi na lang totoo ang mga ispekulasyon na mayaman umano sa langis ang karagatang nasa kanluran ng ating bansa. Ang oil resources na pinaglalawayan ng kahit aling bansa... ngunit kung ito naman ang magiging dahilan ng mga hidwaan ng mga bansa at kani-kanilang mamamayan di sana hindi na lang ito naroon. Renewable, environment-friendly energy na lamang ang pagtuunan ng pagsasaliksik sa halip na petroleum power na nakadadagdag sa palala nang palalang polusyon na matagal nang pasanin ng ating planeta. At saka, hindi ba nila ‘napakikinggan’ ang karagatan? Ang malawak na karagatan, kasama ang marine biodiversity na nananahan dito sa loob ng napakahabang panahon at noong wala pang mga tao, ang tunay na kayamanan! Bansang Tsina na marangal na tahanan nina Mao at Deng at mga Tienanmen Square activists, ano ba ang mas mahalaga sa iyo? Ang strategic location and exploitation of mineral resources and potential oil deposits ng iyong so-called South China Sea o ang mabuting samahan niyo ng mga kapitbahay sa Timog-Silangang Asya tulad ng Pilipinas?
*******
Bog-bog-bog-plak! She hit the sheriff! One nice, sunny day in a southern city after the deluge, merong action movie/reality show... Sana pinagbigyan na lang ng mama yung ale. At yung ale, talaga nga bang maalinsangan sa kanilang lungsod nang araw na iyon kaya nalusaw ang kanyang anger management? Para naman doon sa mga tao, binigyan ba sila ng notice ng korte na kailangan na nilang lisanin ang pook na kanilang inangkin ngunit hindi naman pala kanila? Yung local government, meron na bang nakahandang relocation site noon pa para sa kanila samantalang ang kanilang lungsod ay pinakamalaki raw sa buong bansa? And lastly, the politicos... hehe, ano pa man ang paliwanag at pride eh, lumabas pa rin ang “unbecoming of a public servant worthy of emulation”, hehe! Tsktsktsk!
*******
dj ______,kung wala kang kasalanan di batuhin mo na ang mga obispo.don’t be a prig. / starfm,wag namang gamitin ang station sa political mudslinging.tinuturuan na kasi listeners na magtrial by publicity o manghusga na agad,eh. / dj nico, sana di ka katulad ng ibang djs na mga prejudiced- below the belt na freedom of expression! (excerpts from the text messages sent to 102.7 StarFM on Wednesday afternoon, July 6, in reaction to the ‘forum’ started by a FM radio disc jockey whose alias rhymes with a type of steak)
That was minutes before the Rock Rumble. Akala ko ay AM station ang pinakinggan ko kasi yung pinagsasabi nung isang dj ay tungkol sa isang recent controversy at nag-solicit siya ng reaction sa mga listeners and finally, siya na mismo ang nagbitaw ng sarili niyang saloobin. Nanonood din naman ako ng mga balita, ano? Yung tungkol sa PCSO, ilang obispo at pari, at mga sasakyan na form of donation daw na ipinamudmod noong nagdaang administrasyon. Pero sana kahit mga simpleng sasakyan na lamang kasi ang mahalaga ay yung practical use nito di na bale kung anong taon ang model nito. O, di kaya’y sana e-jeep na lang para bawas carbon emission na siyang dumaragdag sa polusyon sa kapaligiran. Or, bakit di na lang all-terrain vehicle? Ilan sa mga recipients ay nasa mga pook kung saan ang kanilang diocese ay nakasasakop ng maraming far-flung areas. Tsktsktsk! Ngunit hindi lang naman Catholic clergy ang nakatatanggap ng donations na ito mula sa PCSO kasi maging ang mga lider ng ilang religious denominations, remember? Kumplikadong isyu na hindi pa naman legally napatutunayan. At yung StarFM dj ay nag-exercise lamang ng kanyang freedom of expression by bashing the bishops right under their noses tapos samahan pa ng pag-ungkat ng RH bill, na ganito, ganoon... man, how dare you self-proclaim to be an idol? Naniniwala ako sa pamosong punchline na sinabi sa isang past season ng ex-Americal Idol judge na si Simon Cowell na “it’s just my opinion, and I’m always right”; but for some radio dj, it’s just their opinion and they’re not always right!
Gusto ko lang kasing mag-sound trip at ang Star ang pinakamadalas kong pakinggan. Ah, oo nga pala at ilang beses ko na rin napakinggan ang saloobin ng dj na iyon tungkol sa ilang isyu. Mga may halong pambabatikos; aba’t kung ganoon na lang eh bakit di na lang siya mag-radio announcer sa AM station? What thoughtless, irresponsible words of a cynic! Nakakadismaya sa paborito ko pa namang radio station na may ganitong dj (ilipat na lang sa ibang station kung siya na ang naka-on air, hehe!). Nakakalungkot nga naman ang makasagap ng mga kontrobersyal na balita. Mga tungkol sa iregularidad. Katiwalian. Ngunit noon pa man ay natutunan ko na mula sa isang talinghaga ng Panginoon tungkol sa isang babaeng nahuling nangangalunya (pero di ko naman kinukumpara ang mga dawit sa PCSO controversy sa Biblical character na ito, ano?). Na huwag manghusga agad. Maniwala sa due process of the law... huwag nang makisawsaw sa trials by publicity. Wala namang masama kung maghayag ng mga pananaw o saloobin dahil basic right ito ng bawat tao; kaya lamang kung below the belt na ang kuru-kuro ay lumalabas na ang prejudice, ang biases! Kaya habang umaalingawngaw ang bwena mano sa playlist na “Sad But True” ng Metallica, ay nakigamit ako ng cellphone at nag-send ng mga text sa kanila (pero iba na ang on-air na dj!). Bukambibig naman palagi ng dj na may ‘constructive criticism’ ang fb fan page niya. Di ko na kailangang i-activate muli ang fb account ko dahil sapat naman ang 29765 para sa listeners’ feedback para iparating ang honesty na ito na hindi lahat ay natutuwa sa pinakikinggan sa isa sa pinakapopular FM radio station ng bansa.
*******
Sa nature ba naman ng trabaho ko ngayon, kailangan na minsan ay ‘walang hiya-hiya’ na. Hindi naman talentado sa pag-awit ngunit minsan ay nagiging music coach ako (ehek!). Naituro ko na ang “Maghintay Ka Lamang” (Ted Ito) at “Bawal na Gamot” (Willy Garte) bilang bahagi ng character education. Maging ang “Sa Ugoy ng Duyan” (words by Levi Celerio/ music by Lucio San Pedro) at mga children’s songs na “Roses” at yung “Alpabetong Filipino” na hindi ko kailanman nalimutan buhat pa noong una ko itong napakinggan sa “ATBP” na isang sikat na pambatang programa sa channel 2 noong ‘90s at grade 4 pa ako noon. At sa palagay ko ay nakahanay na ang “Antipolo”, “Chua-ay” na isang Igorot harvest song, at “Sarong Banggi” kapag second grading period na ng HEKASI kung saan ang mga aralin ay tungkol sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Nakakahiya man na ako’y kumanta ngunit trabaho, eh. Hehe!
At minsan ay nagturo ako ng game to break the ice or monotony sa loob ng silid-aralan. Yung Simon Says na una kong natutunan noong Grade 5 pa ako. Yun bang kapag binanggit lang ang Simon Says ay saka pa lang susundin ang ipinagagawa ng facilitator ng game. At yung mga nahuli o di sumunod ay papatawan ng consequence. Sukatan din ito ng pagiging alerto. At nang nahuli na ang bibigyan ng consequence, hehehe, di ko maiwasan ang ‘mang-trip’ gaya na lang ng ‘parusa’ na may toilet humor kapag mga lalaki. Sabi ko gayahin nila ang aso kung paano ito umihi o di kaya’y umarte sila na para bang natatae na sa kinatatayuan nila. At libang na libang ang mga yun. Well, minsan-minsan lang naman ang magpalaro. Hmmm, malay ko kung yung iba sa kanila ay maging mga guro balang araw. Bukod sa pagtalima sa mga tungkulin ay sasamahan din nila sa minsa’y mga libangan ang kanilang mga mag-aaral kapag walang academic sessions. Gaya na lang sa game na Simon Says na minsan ay kinatuwaan nila nang husto noong sila pa ay mga estudyante.

Monday, June 27, 2011

Balangay at Barangay

(courtesy of Wikipedia/ Mwx German Wikipedia)
Snake incarnation of an umalagad: Amaya’s kambal-ahas (this instant serpentine celebrity is actually a corn snake, a colubrid-type that has no venom and commonly found in North American corn fields preying on mice and rats)

Noon ko pa nadinig ang isang matagal nang urban legend tungkol sa isang socialite na may kakambal umanong ahas na nananahan daw sa isa sa mga kilalang properties nila at may isang magandang aktres ang naka-engkwentro umano ito. Ewan ko at dapat bang magpaniwala doon ngunit para sa akin, na-mesmerize na ako sa isang makulay na ahas na umiinog sa epicseryeng may pamagat na “Amaya”. What’s with the name? Female ng “Amay Bisaya”? Kasi nga ang mga tauhan sa naturang TV show ay mga sinaunang Bisaya at ang pagbanggit ng Sugbu (Cebu) o banwa (bayan) at ang pintados-look ng mga tao ay mga cue words na ang setting ay sa Visayas region during the pre-Hispanic times. Kaya pala kakaiba ang maraming terms na ginagamit dito at hindi yung mga usually nasa Makabayan (HeKaSi) at Araling Panlipunan textbooks na mostly tungkol sa ancient Tagalogs at iilan lang ang tungkol sa ibang pangkat gaya ng mga Ilokano, Igorot, Bisaya, o Moro. Halimbawa, sa mga textbooks, ang sabi doon ay “maharlika” ang tawag sa high society sa lipunan ng mga Tagalog samantalang sa “Amaya” ay mga kadatuan at tumao. Nagkakatalo lang sa “timawa”. Kaya nga hindi dapat masamain kung matawag na “mukhang-timawa” kasi mga malalayang tao sila. Eh, kung “mukhang-alipin” kaya ang itawag sa iyo? Again, mga sinaunang Bisaya sa “Amaya” kaya sa halip na “alipin” ang sinasabi ay “uripon”. Hindi “aliping sagigilid/namamahay” kundi “hayohay”. Sa halip na “barangay” ay “banwa”. Ang balangay ay karakoa tapos para sa bangka, baroto. Ang kanilang mga anito ay tinatawag na diwata at umalagad. Gayundin sa pagtawag ng mga Bisaya sa kani-kanilang kaanak na distinct talaga mula sa mga Tagalog at iba pang pangkat-etniko ng kapuluan. Maraming Bisayan terms na mapapansin dito. Siyangapala, bakit kaya sa Visayas region naka-set ang epic-serye na ito? Parang nai-imagine ko na... baka ang mga tauhan dito ay yaong ‘fictional ancestors’ nina Lapu-Lapu, Rajah Humabon, Sikatuna, at iba pang kilalang pinunong Bisaya?
Nang ipinalalabas ang promo ng nabanggit na TV show, hindi yata bagay na si Marian ang gaganap sa papel ng bida dahil litaw na litaw ang Spanish-Filipino mestiza look niya ngunit dahil sa kwento ay na-justify kung bakit papayagan ang malasutla at mapusyaw niyang kutis. Ang term na “prinsesa” ay hango sa salitang Kastila kaya kung babanggitin ito sa show, mai-spoil ang kwento plus mga puna pa ng mga historians. Thus, the word “binukot”. Ang mga anak na babae ng datu ay nakatira sa attic o bukot ng kanilang balay. Tapos, hindi pa sila naaarawan kaya pumusyaw lalo ang balat nila (paano na ang Vitamin D?). hmmm, lahat kaya ng mga sinaunang Pilipino ay mga kayumanggi? Maliban na lang ang mga may lahing Tsino at Arabe kasi ang mga dayuhang ito ay matagal nang nakipag-ugnayan sa mga ninuno at ilan sa kanila ay nanatili na dito sa Pilipinas. Ah, oo nga pala at hindi pa nagkakaisa ang kapuluan noon sa iisang katawagan at bansa (ito ang naging alas ng mga dayuhang mananakop). May nabasa akong article sa Wikipedia na may mga sapantaha or strange accounts na mula pa noong ancient times, may ilang alamat ng mga tao buhat sa iba’t ibang bansa ang tungkol sa Chryseis o lupain ng ginto na isang kapuluan sa timog-silangang Asya sa gilid ng isang napakalawak na karagatan (“Ma-Yi” nga ang tawag ng mga Tsino dito, eh). Tapos, may mga malalakas ang loob na mga Griyegong manlalakbay ang nakarating umano sa mga pulo ng Visayas 2,000 years ago. Kung totoo man yun, eh di hindi lang pala sa mga Espanyol at Amerikano nakuha ng mga Pinoy ang Caucasian genes. Malay natin na hindi naman pala tayo purung-puro na mga Malay.
Going back to the name “Amaya”. Parang word game lang, ha? Naalala ko ang isang sinubaybayan kong sci-fi fantasy sa channel 7 din yun, ang “Atlantika”, ang pangalan ng bidang babae dito na ginanapan ni Iza Calzado ay “Amaya”. May connection ito at ang epic-serye ngayong 2011. Paano, ang gumaganap na “Amaya” ay ang girlfriend ng ka-love team noon ni Iza sa Atlantika, hehe! Meron ngang pag-uulit lang ng character names. Gaya rin sa “Captain Barbell”, ang pangalan ng karakter dito ni Lovi Poe ay “Althea” na recipient ng puso ng pumanaw na asawa ng bida. At naalala ko noong 2004, may light drama noon sa channel 7 din na “Twin Hearts”. Ang pangalan ng bidang babae na si Tanya Garcia ang gumanap at isa rin heart recipient, ay “Althea”. Man, name games. Hehe, bahala na nga ang writers nila! By the way, napanood ko na si Gardo Versoza bilang Machete (at naalala ko pa yung nakita kong pin-up photo niya sa isang lumang showbiz magazine noong starlet pa siya noong '90s- naka-bikini tapos naka-pose sa may poolside, hehe!) at sa action-fantasy teledrama na “Sugo” sa 7 bilang Apo Abucay (bayan yun sa Bataan, a!) Yung pangalawang nabanggit ko, raha na raha rin ang karakter niya pero mas bagay sa kanya ang maging Rajah Mangubat. Ah, meron nga palang apelyidong “Mangubat”, ano?

Wednesday, May 18, 2011

The Tropical Sunlight Here is Fiercer and Brighter than the Summer Solstice Over the Stonehenge

The Royal Wedding of Prince William and Kate Middleton: Best Wishes! (photo from bbc.co.uk)


Beatification of Pope John Paul II: Even before he was born, he was already blessed because of the destiny the Lord God would grant him. Sixteen years ago, that was in January 1995, even though I knew little about him then nor had seen him personally, I was like anyone else who got this silent but blissful feeling which didn’t need further explanation to do everytime I look at his smiling and peaceful portraits and video footages seen on TV, magazines or newspapers, and books. People love him; even non-Catholics or anybody of different faiths express their admiration for him and even got a picture of him. The rest of the world have Sinead O’ Connor’s notoriety sank in its own quicksand and blotted out those folks who are angry over the reported or alleged sins of some fallen clergy and even blamed the late pope in their trials by publicity. I ain’t no mind reader nor a superpsychologist yet everytime I gaze at the blessed pope’s portrait, I believe that he had sacrificed his whole life in service to God and the world.
(photo from cbc.ca)


From Saudi Arabia with Pride even after being Stripped of Citizenship: The Journey of Osama bin Laden from the Oil-rich Desert Kingdom and Finally to Pakistan’s Verdant Summer Capital: In less than 24 hours after the beatification of Pope John Paul II whom one of his past protégé attempted to assassinate during the World Youth Day ’95 in Manila...what an icon he was (?); well, he once was an innocent little boy growing up in the arid sands of his country and who would also thought then that this kid with the face of an angel (?) would grow up to be the world’s most wanted terrorist? Now that the Arab nations are too busy with the problems and conflicts right there in their own yards, any spare time for a ‘dramatic final salute’ to the man who once earned all the emotions the world has to offer? He’s already at the bottom of the sea, forever in slumber. The calmest and most peaceful on the sea floor, what a resting place for a man whose name was once associated with bloodshed, hatred and bigotry.
(photo: top- from cbsnews.com/ bottom- newgrounds.com)


Naalala ko lang yung ilang light-hearted moments which revolved around bin Laden’s enigma. Tuwing Bagong Taon ay may nababanggit na ipinagbabawal na paputok na tinatawag na “bin Laden”. May isa pang segment noon ng “Wow Mali!” kung saan merong dalawang tao na na-differentiate ni Joey De Leon, sina Mr. Bin Laden... at si Mr. Bean “Laden”.
At doon naman sa isang past episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”, merong game para sa mga bata kung saan ipapakita sa kanila ang larawan ng iba’t ibang kilalang tao lalo na sa pulitika at susubukin kung familiarized na ba sila sa mga ito. Nang makita ng isang bata ang larawan ni bin Laden, inosente niyang sinagot na “kapatid ni Papa Jesus”.

(photo from fastlinesports.com)

Manny Pacquiao versus Sugar Shane Mosley- Tameme ka na, Floyd Mayweather Jr! Wala ka ngang talo pero ikaw na mismo ang nagpalaos sa sarili mo! Hahahaha! Tama nga si Amb. Jose Zaide sa kanyang column sa editorial ng Manila Bulletin noong May 16 na pagdating sa yaman ng lahat ng nasa kongreso, ang kay Sarangani Representative Manny Pacquiao lamang ang sigurado at batid na batid ng madla kung saan nagmula. How about the ‘sweet pabonggahan/extravagance’ of that birthday party of his mommy dearest? Hehe, matagal din silang namuhay sa kahirapan noon na halos rockbottom na kaya karapatan naman nilang maging masaya, ano? Sa mga natatawa na lang, eh, inggit lang siguro kayo, hehehe! Bakit? Pwede namang magpagawa sa isang Chinese bagmaker ng Hermes, ano? Ano bang ispesyal sa mga bag na iyon eh tulad lang naman yun ng iba pang sisidlan tulad ng mga basket o sako? Ang fashion consciousness and consumerism nga naman sa daigdig, o! At saka, may animal product pa na mainit sa mga mata ng animal rights activists, hehe! Well, anyway... Pacquiao is one of a kind talaga. Kahit na pinasisikat na ngayon ang football or soccer, hindi naman nito madi-dethrone ang basketball at boxing na mga no. 1 sports para sa nakararaming Pilipino. Naalala ko rin yung laban na iyon noong May 8 at may bagyo dito sa bansa, bakit kasi iba ang ring announcer? Sa halip na “let’s get ready to rumble!” ang dumagundong sa buong Las Vegas, eh, “it’s showtime!” lang? Hmp!
Dog Days and Nights of Sirius and the Rare Planetary Alignment of Mercury, Venus, Mars, and Jupiter in the Eastern Horizon Shortly Before Sunrise- Tila nang-uuyam ang matinding alinsangan ngayong Mayo at hindi lang mabigkas ang “Nyenyenyenye! Hindi natuloy ang bakasyon sa Iloilo!” Isang beses lang nakasama sa out-of-town trip sa buong summer vacation ang weirdo na ito (kaysa naman wala!). Ang dami ko sanang gustong mapuntahan pero mag-iimagine na lang ako. Noong Mahal na Araw, sa San Pedro Cutud, San Fernando, Pampanga. Ang Simbahan ng Antipolo ngayong Mayo. Ang Daranak Falls, Tanay, Rizal. Ang Pahiyas Festival, Kamay ni Hesus, at paanan ng Bundok Banahaw sa Lucban, Quezon. Hay, sa Calabarzon area lamang ang mga iyon, o! Baka, hindi niyo pa alam kung ano ang ibig sabihin ng Calabarzon, hehehe! Eh, Mimaropa, anu-anong probinsya ang nasa abbreviation nito?

Pictures taken last May 6- brother and sister-in-law’s house blessing in Lipa, Batangas; you can’t find this weird blogger there... I was the photographer, though!




Hey, look closely at the middle of this picture na kuha sa isang bangin sa Barangay Manggahan, Mataas na Kahoy, Batangas (outside the famous La Virginia hotel and resort; please see www.lavirginiaresort.com). Tila ilusyon ng isang nakapamulsa na taong nagmamasid sa tanawin at sa Taal Lake o di kaya’y life-sized action figure ni Hellboy na nagkulay green kasi yung hairstyle at ang coat na pamporma.


Picture got zoomed to reveal more that the green figure is a fresh banana leaf (bakit ba naman kasi hindi pa nasentro sa litratong ito?).


"The Blue Marble" -Apollo 17's Picture of the Planet Earth: The last primary photo of my Friendster profile before I finally sign it out before May 31
Finale of this blog post: Kung hindi ko ba naman nabasa noong isang araw sa Bulletin ang tungkol sa Friendster ay hindi ko malalaman na sa May 31 ay magpapaalam na ito (but actually for a major facelift). Ang social networking site na naunang kinatuwaan ng madla. Kahit na hindi ako madalas mag-log in dito ay nagkaroon ito ng sentimental value para sa akin (related statements in my first blog post here in Blogger with the title “Fakesbukbok, Fecesbook, Fartville”). Na-save ko na ang blogs ko doon sa Yahoo! Mail ko at pinag-iisipan ko nga kung dadalhin ko ba dito ang ilang essays. Ang personal pictures ay nasa Yahoo! Mail na rin samantalang ang karamihan ay galing naman sa Wikipedia, eh. Yung mini-blogs na nasa comments’ section ay actually nagmula naman sa diary entries ko. The end of the road na nga para sa aking Friendster profile after almost four years (nagsimula noong December 2007 kung saan kabilang sa mga naghayag ng hindi man tuwirang reaksyon sa muli kong pakikipag-communicate at pag-view ng profiles sa mga naging kaklase ko noon ay ang isang hitad na tsik, eh- sagot niya sa isang tanong na ‘who do you want to meet?’ ay ‘yung mukhang tao.wag lang yung iba sa past na parang ewan’; okay, fine, at least hindi siya plastic tulad ng sa iba pa naming kaklase, lalo na yung isang kumag na kelot na natatandaan ko pa rin ang pagmumukha, sa pagsasabi nang totoo na hindi na kailangang gunitain na minsan ay nagkasama kami sa iisang section at classroom noon; binago niya kasi ang data doon matapos kong i-view ang profile niya bilang simpleng pangungumusta; at pagkatapos ng ilang linggo nang muli kong ‘kinumusta’ kahit hindi ako nag-log in, pinalitan na naman niya ang data; ah, basta, lintik na yan na ayoko nang mangalkal ng luma nang isyu at lalong ayokong mangaway, hehehe!). And before I forget, the list of friends. Mga dati kong kaklase na muling nakadaupang-palad sa pamamagitan ng social networking site na iyon. Pina-deactivate ko na ang Facebook ko, eh; ilang linggo lang akong naging active doon tapos naumay rin ako. Basta before May 31 ay tuluyan ko na rin isasara ang Friendster account ko. Nag-iwan nga ako ng message sa shoutout box ko na kung nais ng ilang ‘tunay’ na kaibigan ko ay mag-send na lang ng honest-to-goodness e-mail. Contact na lang through direct e-mail at hindi ang pa-fb-fb pa. Pero talagang nahumaling na nga sila sa Facebook, eh; kahit nga Twitter ay hindi naman naging hit sa mga iyon. Ang fb na yan, magkakaroon din naman ng sunset of its glory iyan dahil may mga bago pang social networking sites ang madi-develop at mauuso, di ba? Ngunit kahit na isasara ko na ang Friendster ko, may lalo akong na-realize na na-develop para sa akin mula nang nag-sign in ako dito, ang freedom of expression.
The pictures here, except Batangas souvenir images, are from Google photos! Thanks, sources! :)


Saturday, April 16, 2011

The Earth in the Constellation of Aries the Ram in the Zodiac Celestial Path Without Ophiuchus

A narra tree's verdant foliage rustling in the dance of the breeze
And a shower of the multitude of golden blooms gently descended
With every tiny petal wafted the sweet calm of the sweltering summer...
(originally posted in "Reverie: The 16th of April" at my first blog site- http://weirdjtt.blog.friendster.com)


(the following pictures are of summer botanical splendor; lilies which are associated with the Lenten season and also with me, haha- bilad man sa matinding init ng araw o pilit iginugupo ng pabugsu-bugsong hangin ay nakatindig pa rin)









Para bang noong nakaraang taon lang ay kabado ako sa para sa board exam namin, o! Ang bilis ng mga araw ngunit isinasantabi ko na lang ang tunay kong gulang. Basta, hehe!Okey lang kahit walang celebrations... higit ko pa ngang ipinagdiriwang ang Pasko at Pasko ng Muling Pagkabuhay, ano?

Nagpapatuloy na nga ang tag-init. Inoobserbahan ko kasi ang posisyon ng mga konstelasyon sa langit. On early evenings, ilan sa mga northern constellations na naging prominente noong malamig ang panahon tulad ng Auriga, Canis Major & Minor, Orion, at Gemini ay palubog na sa kanluran. Matataas naman ang pwesto ng Bootes, Big Dipper, Virgo, Corvus, atbp lalo na ang pinaka-spectacular summer night sky sight na Scorpius (beside Ophiuchus) na lumilitaw sa timog-silangang dako. Kahit na sa urban environment kung saan hindi na sariwa ang hangin ay nagpapatuloy pa rin ang tanglaw ng mga bituin kasama ng mga planeta. Kaya ko rin palaging pinagmamasdan ang mga iyon bukod sa nagdudulot ng katiwasayan sa kalooban ay nalalaman ko kung upgraded pa ba ang grado ng aking salamin. Ipinagawa pa ito sa Perez Optical sa Carriedo doon sa Quiapo at 1,400 pesos din ito, ano? (walang problema kasi tinipid ko naman ang sahod ko sa pagiging 3rd member sa Barangay Elections ng nagdaang taon)
Kailangang nadi-differentiate ang liwanag ng mga bituin sa kanilang magnitude. 0 ang pinakamataas o pinakamaliwanag tulad ng Sirius (Canis Major), Canopus (Carina of Argo), o Capella (Auriga). First magnitude naman ang pumapangalawa at halimbawa nito ay ang orange-red Antares of Scorpius. Ang polestar na Polaris na hindi umaalis sa pwesto nito sa hilaga ay second magnitude naman kaya mahalaga rin na napagmamasdan ko pa ang tanglaw nito. Aba, mula pa noong unang panahon ay napakahalaga nito hindi lang sa mga astronomo, marino, at mga naglalakbay sa gabi kundi sa bawat nako-curious kung nasaan ang direksyon ng hilaga; at saka dito rin ipinangalan ang yearbook namin sa AIMS. Nakapanlulula nga ang light-years o distansya ng mga bituing iyon ngunit lalo kong napagtatanto na ang planeta nating ito, ang Mundo na nilikha ng Panginoong Diyos, ang ang ating 'mother spaceship' sa kahiwagahan ng kalawakan. Do I sound geeky everytime I come out with these astronomical statements? Nais ko lamang pagmasdan ang mga bituin sa panahong ito ng Aries, ang Tupa sa kalangitan. :)

(photos courtesy of Wikipedia)


(the weird blogger's strange portrait)

Monday, April 4, 2011

Alinsangan at Aliwalas Sa Panahon ng Tag-init

the weirdo and the majestic Mt. Makiling in the background

Nitong isang araw lamang ay ginanap ang Pagtatapos Batch 2011 ng Villamor Air Base Elementary School (venue: Cuneta Astrodome). Parang kailan lamang nang ako mismo yung Grade 6 na nag-gradweyt... nostalgia... Sa Alma Mater song na "Sa Iyong Isang Alay"- tinupad ko nga yung tinutukoy sa lyrics nun na "isang panatang muli kang babalikan/ upang sa iyong paanan/ muli kang aalayan..."
Ha! Tag-init na nga at namumukadkad na ang mga puno at iba pang halaman. Ayoko nang mag-summer classes sa PNU! Gusto ko naman ng mahaba-habang bakasyon (the advantage of teachers over office employees, nyehehehe, may sweldo pa rin kahit summer na). Hay, ang bakasyon sa Iloilo na matagal ko nang pinanabikan!
***
Madalas nga akong mamili sa mga ukay-ukay sa Pasay-Edsa area lalo na kapag may sale. Iniisnab ko na lang ang mga retail stores sa loob ng mga mall. Sobrang mahal ng mga produkto nila. Tulad na lang sa Dickies branch ng Metropoint. Ang taray pa ng mga sales ladies nang tinanong ko lang tungkol sa 70% off kuno nila. Kung ano raw ang nasa etiketa ay siya nang 70% ng original price ng t-shirts na tinda nila. Ha? Itong isang t-shirt na kupas na ang kulay ay 300 pesos pa rin kahit na 70% discount na? At bigla ko na lang napagtanto na best friend talaga ng masa ang mga tindahan ng mga ukay-ukay! Doon nga sa isang ukay-ukay sa Edsa, at least mas friendly naman ang bading na tagatinda kaysa mga sales ladies sa mall na kay kapal ng make-up. Segunda mano na lamang na kasuotan kahit na hindi mo naman kailanman malalaman kung sino ang huling nagsuot nito. Anong Penshoppe? What Bench or Human? Forme, Cinderella, Kashieca, Karimadon? Komersyalisadong kapitalismo, hehe! Saan ko ba huling nakita ang mga tindahang iyon? Sa mga ukay-ukay, hindi man mga produktong Pilipino ang mabibili doon ngunit nakatutulong pa rin naman tayo sa ating kapwa-Pilipino, eh. Sino ba ang kadalasan ang mga may-ari at naghahanapbuhay nang marangal sa pamamagitan ng mga tindahang ukay-ukay? Mga Pilipino siyempre! :)