This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Friday, September 28, 2012

Sanaysay ng Setyembre

Gustav Klimt's The Kiss (courtesy of Wikipedia)
... give me a reason to love you/ give me a reason to be....... a woman.” (lines from “Glory Box” by Portishead)

Una ko yatang narinig ito sa isang commercial noong late ‘90s pagkatapos naging background music ng isang controversial pre-nuptial video of a former beauty queen, and then naipalabas sa Myx Channel ang lumang music video nito, and lately, background music uli ng “Colombiana” trailer sa Star Movies. Wala lang. Para nga kasing umabot pa ng maraming taon upang malaman ko ang pamagat ng kanta na ito na parang pampatulog o di kaya’y hehehe... awiting kasaliw ng isang nagpo-pole dancing na mala-dirty dancer ni Enrique Iglesias. Well, anyway, hindi naman ako naki-ride on sa “Call Me Maybe” or “Gangnam style” craze dahil ganito na hindi man ako fan ni Justin Bieber, ang trip ko ay yun kanyang new singles na “Boyfriend” at ang “As Long As You Love Me” na akala ko cover version ng ’97 hit single ng Backstreet Boys; the music video shows that the kid have just grown up but still a boy and not yet a man at saka, gusto ko yung may line na as long as you la-la-la-la-la-la-la... some lines sound schmaltzy!
***
Trip na trip list:
Fortune Brownies available at selected Mercury Drugstores and Groceries, KFC’s Garden Salad with Asian Dressing, Choco Rhumble and Mango Mousse Singles at Goldilocks, Gotye’s “Somebody That I Used To Know” featuring Kimbra, Maroon 5’s “One More Night” (their concert tickets remain costly and the clean-shaven, tattoo-less Adam Levine ang nakaka-miss sa totoo lang), Diana Krall’s “The Look of Love”, Christmas songs, bossa nova and saxophone renditions and instrumental and new age music , GMA-7’s “One True Love”, Nescafe Chocolatte/Kopiko Kopiccino/Blend 45 Barako 3-in-1/Ludy’s Salabat/Lemon Square Power Pops Peanut Butter flavor/Lily’s Choco Peanut Butter/ Pancit ni Mang Juan BBQ flavor, History Channel’s Ancient Aliens (although disturbing, its documentaries are curiously intriguing), Victoria’s Secret “Love Spell” scents, etc, etc, etc...
***
“...kung sakaling hindi ka naniniwala sa Diyos... ang Diyos, naniniwala sa iyo.”
Ang malumanay na pahayag na ito ay sa karakter na pari na na-assign sa isang magulong slum area at ginampanan ng yumaong Fernando Poe, Jr. mula sa “Mga Alabok Sa Lupa”, his classic black and white film from the swinging ‘60s (naintindihan ba yun ng napaka-intelektwal at napakatalino mong pag-iisip, Red Thani and other freethinkers?).
Nag-channel surfing kasi ako noon at napadaan sa Cinema One. Naabutan ko kasi ang eksenang iyon kung saan sinabi ni FPJ ang pahayag na nabanggit sa isang seksi na mataray na tsik na sa simula ay galit sa kanyang ministriya ngunit di-naglaon ay humanga sa kanya. Pagkatapos, pinagnasahan pa siya ng tsik kahit na may ka-live in na ito na ginampanan ng walang iba kundi ang perennial FPJ foe, the late Paquito Diaz. Ngunit matatag siya sa kanyang mga prinsipyo, nangaral tungkol sa tunay na pag-ibig at sinabing “hindi ako ang mahal mo kundi ang iyong sarili”. At saka, kahit pari siya doon, nilabas pa rin niya ang kanyang signature action moves sans the guns at ang kanyang pangangatwiran nang kinausap siya’t pinagalitan na ng kanyang mga obispo. Hindi ko man napanood nang buo ang sine ngunit kabilang iyon sa mga unforgetable FPJ movies.
***
Nabanggit ko na sa February 2012 blog post dito na “Stopping For a While to Smell the Scent of Flowers” ang tungkol sa kauna-unahang romance pocketbook na nabasa ko. At umabot ng maraming taon bago ako nagka-interes muli na magbasa ng ganito literary genre. Hindi ako bumibili ng mga higit na sikat pero pagkamamahal na imported titles. The bookish, helpless romantics are salivating for “Twilight Saga” or “Hunger Games”or “50 Shades of Gray”; damn, what the hell are those, anyway?! Meron na nga akong koleksyon ng murang pocketbooks kahit na hindi marami. Hindi lang siguro halata sa maton na itsura ko na nagbabasa pala ako ng ganito at mas lalo pa sigurong hindi halata na ako mismo ay may mga naisulat nang manuskrito ng romance novella. Sa halip na bumili ng mas mahal pero “mas makabuluhan” daw na aklat na katha ng critically-acclaimed and award-winning authors ayon sa mga “intellectually and critically-thinking” literary critics who probably first look down on the komiks which were commonly sold sa mga bangketa noon and then the “can afford” paperbacks as means of entertainment for the common people, ako’y nagbabasa ng kung anong trip ko. Bah, humbug! Siyempre as the cliché howls and echoes on, iba-iba ang preferences ng mga tao. Kung anong trip mo ay trip mo at wala na akong pakialam. Kung anong trip ko ay trip ko at higit lalong wala ka nang pakialam!
Bweno, hindi naman ito book review. Ano ang trip ng nakararaming Pinoy pocketbook readers? Yung titles na iyon kung saan hango ang isang afternoon drama series ng channel 2? O, yung sangkaterba nang nakatambak sa romance section ng National Bookstore? Noong isang araw nga pala nang namasyal ako sa Maynila, napadaan ako sa UN Avenue and T.M. Kalaw na within the LRT station area. Nakabili ako ng dalawang pocketbbook- ang isa na kinse pesos (Golden Pages: Larawan Series featuring Janna Centeno’s “Ikaw Pa Rin”) ay doon sa bangketa at ang isa na worth 20 pesos (Rising Star Printing’s “Footprints in the Sand” by Rebecca Capistrano) sa Booksale branch sa loob ng Times Plaza Building. Murang mga pocketbook ngunit kahit na hindi man kasing pusyaw ang kulay ng mga pahina nito sa iba na nagkakahalaga pa ng 37 pesos, tila mas magaganda pa ang kwento nito.
Hay, paperback fiction... naunsyami nga pala at nadurog pa ang pangarap kong maipalimbag ang aking bwena mano na akda na aking ilalathala sana dahil sa punyemas na panggagago na ginawa ng ^&@!#*%~ Jettfire Printing na iyon sa amin na mga kliyente nila; ako’y napamura na dito sa blogs, a! Sa tuwing naaalala ko ang ginawa nilang paninira ng tiwala, naba-bad trip ako at sa pagkakataong ito ay gusto kong ilabas uli itong hinanakit na ito sa pamamagitan ng ganitong mga sanaysay tutal wala kasi akong makakwentuhang tao... ah, oo nga pala, pwede rin ang mga anonymous readers ng blog na ito; yun nga lamang ay animo nakikipag-usap lang ako sa mga bato. Ayaw pa rin ibalik ng lintik na kumpanyang iyon ang downpayment namin at nagtatago pa sila, ha? Hinding-hindi sila mapapanatag hangga’t hindi nila iwinawasto ang mga pagkakamali nila sa amin na mga nagtiwala pa man din sa kanila. Lintik na, pati yung ilang empleyado nila ay tila naghuhugas-kamay at hindi man lang nag-effort na noon pa sana ay binalaan kaming mga kliyente na may katarantaduhan na palang nangyayari sa kumpanya nila! Kung alam ko lang kung saan hahagilapin ang iba pang kliyente para sama-sama kaming magsampa ng kaso ngunit may tunay na laban ba? Pwes, nakakaiwas ang kumpanyang iyon ngayon pero ang perang kinubra nila matapos manira ng tiwala ng kanilang mga kliyente ay maghahatid ng malas sa kanilang negosyo hangga’t hindi nila isinasauli sa mga tunay na may-ari! Hinihiling ko talaga na sana huwag silang mapanatag. Sana palagi silang guluhin ng pag-aalala mula sa mabigat na kasalanan na ginawa nila sa amin na mga kliyente nila hanggang hindi inaayos ang gusot na ginawa nila.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pa rin akong mahanap na disenteng printing company mapagkakatiwalaan ko para sa pagpapalimbag ng aking mga akda! Waaaaah...! Huhuhu! Kailan pa ako makararating sa katuparan ng pangarap ko?!
***
School/ Class reunions? Sa ikalawa kong blog post dito sa Soliloquy Beyond (please see “Fakesbukbok, Fecesbook, Fartville”- September 25, 2010), binanggit ko ang tungkol sa mga reyu-reunion na iyon ng mga dating magkakamag-aral noong elementarya man o hayskul o kolehiyo. Ni minsan nga pala’y hindi pa ako nakadadalo sa reunion kung meron ba talagang reunion. Wala na kasi akong Facebook, eh. Wala na akong koneksyon sa isa man sa mga dati kong kaklase o kaututang-dila. Kibitbalikat... Ah, oo nga pala at wala akong nababalitaang reunion. Siguro doon sa iba get together lang kasi magkakabarkada. Nakikita ko minsan ang ilan sa mga dati kong kamag-aral pero dahil sa weirdo ako, misunderstood kaya ilang na ilang sa akin ang maraming tao, at hindi ma-PR, tulad ako ng isang hermit crab. Tago nang tago. Making myself a creep, tsktsktsk! Huwag na huwag niyo lang akong aasaring timang at talagang malilintikan kayo sa akin sa paraang hinding-hindi niyo malalaman, hehe! Kung may reunion man sa batch na aking kinabibilangan, tila mag-aalalangan akong dumalo dahil isa na lamang akong multo mula sa nakaraan, sa mga nagdaang panahon na iyon na nakapiling ko sila.
***
Controversial Internet film and violent protests in many areas around the world? Hindi na bago ang ganoon, tsktsktsk! Yung mga gumawa siguro ng naturang sine sa Amerika, freedom of self-expression daw kaya lang trahedya at kapahamakan naman ang idinulot nito; kasi hindi nila sineseryoso ang mga consequences ng pinaggagawa nila, eh, na para bang nananadya na. Yan tuloy, may mga inosenteng tao ang nadamay! May nabasa ako sa dyaryo na isa raw US-based Egyptian Christian ang nasa likod ng pelikula. Sa ilang related literature or past news items na nabasa ko rin, ang mga Kristiyano raw sa Ehipto, notably the Coptic Christians ay matagal nang dumaranas ng diskriminasyon at pang-aapi... kaya siguro may ilan sa kanila ang nagtanim ng matinding galit sa puso nila dahil sa sinasapit ng kanilang lahi. Sa mga news coverages na iyon, mapapanood ang epekto kapag pinairal ang matinding emosyon at makalimot sa pagpapakahinahon, hindi na mababatid ng tao kung ano ang tama o mali basta magpakaanod na lang sa dagliang bugso ng damdamin. Naalala ko noon sa klase namin sa Makabayan-HEKASI, kabilang sa mga aralin tungkol sa sinaunang pamumuhay ng mga Pilipino ang kasaysayan ng Islam sa Pilipinas. At ako’y masiglang-masigla noon na naglahad tungkol dito at sa kasaysayan mismo ng nabanggit na relihiyon. Mga araling may pinaaalala tungkol sa equilibrium sa kalipunan ng lahat ng mga may paniniwala. Ng karapatang pangalagaan ang kinaaanibang pananampalataya at ang katapat nitong tungkulin na paggalang naman sa pananampalataya ng kapwa-tao.
***
Happy-happy na naman nang ginanap ang 33rd Manila International Book Fair sa SMX Convention Center, SM Mall of Asia Complex. Nagtungo ako doon noong Setyembre 15 at 16 (kahit maulan!). The usual na mataong event with all the booths ang sponsors around. Namili ako ng ng gusto kong libro at babasahin. Mga bagsak-presyo religious books and magazines sa St. Pauls, back issues ng Cruising magazines sa Manila Bulletin, Life in Progress Volume 4: Chronicles from the Discomfort Zone ni Julius Villanueva sa Psicom booth- cute, mild, mostly a bittersweet love story (between the frail main character and his all peaches and cream lady love) and unlike its predecessor which has those annoying comic strips containing innuendo on ailurophobia. No reason to bombard it with some bitter comments tulad ng mababasa sa isang talata sa “Medley of Confectionery” posted here last November 16, 2010; kaya lang may nakakainis pa rin mababasa doon especially if you’re an ailurophile and you have your beloved kittens with you. Noong binabasa ko ito, minsan iniiba ko ang kwento sa imahinasyon ko; gusto kong maging maamo na yung aso na pwede ko nang himasin sa ulo tapos kilitin ko pa sa bundat na sikmura nito na hindi naman kailanman nagawa nung bidang lalaki! Tapos, halos kupkupin ko na yung aso kaya lang napaaway ako sa amo nito. At sa bandang huli, ang aso- sa kanya pa rin babalik, sigaw ng damdamin; wala kasing mapagtitripang amo. Hoy, kunwari lang yun, ha? Well, the last comic strip is cute- the main character’s younger brother loves to drink the creamy milk of a mother cat... goodness, Catwoman’s apparent heir!
At kahit na hindi ako mahilig magluto, nakabili rin ako ng dalawang bagsak-presyo rin na British recipe books sa Learning is Fun. Speaking of the cookbooks, mga tungkol sa desserts and chocolate recipes. Karamihan ay baked recipes eh wala kaming oven dito sa bahay! Ang gaganda kasi ng mga larawan sa mga libro na iyon; maaari ko naman paganahin ang imahinasyon ko at metaphysics. Pero di bale. May naalala pa ako doon sa isang eksena ng Steven Spielberg-directed “Empire of the Sun” kung saan ang batang-bata pa na si Christian Bale na sa gutom niya ay nag-iimagine na tunay nga siyang kumakain habang tinitigan ang mga litrato ng mouth-watering recipes sa cookbook. At least, mas okey naman yung isang eksena sa isang ‘90s Pinoy comedy movie (“Si Ayala at si Zobel” yata yun) kung saan ang mga mag-tiyo ay kumakain. Upang ganahan sa kaning lamig na walang ulam, ang tiyuhin ay nagsasabit ng nag-iisang tuyo sa itaas ng hapag-kainan. Pagkatapos siya at ang mga pamangkin niya ay alternate na lalanghap lang dito pero madaya yung isa kasi dinilaan yung tuyo, hahahahaha!
Ang dami-dami talagang tao sa event na iyon lalo pa’t may ginanap na Best of Animé. Yeah, the haven of cosplayers, para akong nasa ibang planeta! Pero hindi ako nanood doon kasi ang mahal ng ticket price. Hindi ako kabilang sa cool circle nila sa kanilang masayang costume party! Balik uli sa Book Fair. May mga namataan nga akong kilalang tao, (sa past Book Fairs, sina Tado at Stanley Chi) sina Lourd De Vera, Ramon Bautista, and especially Bro. Bo Sanchez.
May isa rin weirdo na nag-uusyoso doon na pagkatapos pumunta pa sa main mall ng MOA para bumili sa BreadTalk at KFC, walang iba kundi AKO!

Friday, August 3, 2012

Fresh Scent of Rain-drenched Soil and Lush Plants

Come to the Philippines and see the contrasts of beauty, Third World woes, and the happiness of being a Filipino.
(my tweet dated May 26, 2012; trending kasi noon sa Twitter Philippines ang “come to the Philippines” tapos may ilang netizens ang nag-retweet nito at nag-favorite pa)

Quiapo, Manila (courtesy of Wikipedia/ Jhun80)

Noong isang araw ay namasyal ako muli sa isa sa mga trip kong pook sa Maynila, ang Quiapo. Dahil sa LRT, mabilis nang magtungo doon. Pagbaba sa station, lakad-lakad sa Avenida Rizal at sa mala-obstacle course sa kahabaan ng Carriedo. Sightseeing around and the gaze at the great picture of humanity which make up Quiapo 24/7. Ipinangalan daw ang sikat na distrito na ito sa isang aquatic plant na tinatawag na “kuyapo” o sa isang uri ng water lily basta katulad na katulad kasi siya ng mga halaman na iyon na kahit na tumutubo sa tubig na hindi na nga malinaw at malinis ay nabuhay at nabuhay pa rin, fresh and ever green and blooming. The historic water lily by the Pasig River.
Sa tuwing naglalakad ako sa Quiapo o kahit saan man na mataong lugar, ang pag-iingat ko ay may halong kapraningan; kung kinakailangan lang talaga. Ngunit magkagayunman, I’m more at ease na maglakad-lakad dito kaysa sa mga class na sosyal na mga mall. Anyways, hindi naman ako nag-shopping doon,a. Nais ko ng isang quiet pilgrimage sa Simbahan and trip down memory lane at the Plaza Miranda. Nabanggit ko na nga pala ang tungkol sa Mahal na Poong Nazareno sa January 2012 blog post ko na “Salamat”. The Minor Basilica of the Black Nazarene, unperturbed by the secularism, wordliness and pollution which you’ll forget once you enter her sacred portals. Day and night, people. People everywhere. Ngunit ang mga nananampalataya ang bumubuo sa Simbahan at tiyak na sang-ayon doon ang pamosong arkitekto ng nakabibighaning istruktura nito na si Juan Napkil along with the throng of workers who faithfully toiled to build this historic and lovely Church.
And then Plaza Miranda. As usual, the bustling commercial areas around it. Basta, halu-halo ang makikita. Ang lawak ng palengke at tiangge. Ah, siguro yung ibang nagtitinda ng mga ‘strange merchandise, especially the ‘scandalous bottle of dark liquid’, ay nagsilipat sa Baclaran, tsktsk! Sa labas pa naman ng Redemptorist Church,o! And the multicolored candles right outside the stairs of the Quiapo Church. Noong una ay hindi ko pansin ang mga candle shop na ito. Pero nitong mga nakaraang araw kasi, palagi kong naiisip ang magsindi ng isang kakaibang kandila... na meron pala sa Quiapo noon pa; hindi ko lang pinapansin! Bumili ako ng taglimang piso na kandila (guess what kung anong kulay), sinindihan ito habang naiisip ko ang kumpanyang iyon na may atraso sa akin. Basta... wala naman akong ill will sa pagtirik ng kandilang ito. Ang kalooban pa rin ng Panginoong Diyos ang masusunod. Amen.
Ngunit bago ako nagtungo doon sa mga kandila at balik sa Carriedo, naglakad-lakad muna ako sa Plaza Miranda dahil may iba pa akong pakay. Quiapo is indeed a refuge of syncretism (dati-rati, sa Baclaran, meron din,a!). Bukod sa mga tindero at tindera, marami rin nakapwesto doon na ‘tagabasa ng kapalaran’. Hehe, tiyak na sesermunan ako ng mga fundamentalists at mga pinakarelihiyoso at ipapamukha sa akin ang mga Biblical passages na literal na iko-quote nila to justify their crusade against the occult. Eh, gusto ko lang kasi ng BOOST OF SELF-ESTEEM sa EGO TRIP kong ito lalo pa’t may pinasan akong kalungkutan... ni wala nga akong close friend ngunit nagawa ko pa rin i-confide ang mga problema ko dito sa blog site kung saan nababasa pa ng anonymous readers; yun nga lang para akong nakikipag-usap sa hangin... eh, wala namang pakialam ang mga yun sa akin maliban na lang sa mag-usyoso sa mga sanaysay dito. Ah, oo nga pala. Soliloquies or monologues ang nilalaman ng blog site na ito, conversations with myself, right?
Sabi nung mama, ayon sa molescopy sa isang sulyap lamang niya sa mukha ko at wala naman akong sinasabi sa kanya, ang nunal malapit sa ilong ko ay naghahayag ng habit kong mangbara ng mga tao sa paligid ko; in short, mataray ako. Oo, totoo yun. Mataray ako pero may dahilan kung bakit kailangan kong magtaray. Generally, maayos naman daw ako, eh. Maayos akong makitungo, magtrabaho... pero umaabuso ang mga taong iyon na pinakitunguhan ko pa nang mabuti. Na dinanas ko raw ang hinanakit at sama ng loob na idinulot sa akin ng mga tao na iyon. Sad but true, ako’y nagiging gullible, naïve. Nabiktima na nga ako ng pagsasamantala ng ibang tao. Naisip ko nga noon pa na masyado siguro akong mabait at nagtitiwala kasi ako, eh, tsktsktsk!
Pagkatapos, binalasa na ang tarot cards, ang Major and Minor Arcana with their colorful, mysterious designs; actually, ang tingin ko dito ay mala-psychological counselling na at hindi occult tulad ng laging sinasabi dito ng fundamentalists and purists. Again, tulad ng nabanggit ko na dito, this is for a boost of self-esteem, I hope they respect me for this. The mystique of cartomancy. May nabasa ako na sa ilang bansa ng Europa, ang tarot cards ay ginagamit sa isang sinaunang card game na tinatawag na tarocchi and not just for divination. At maraming sinabi yung mama. Kahit na pansin kong nagko-contrast ang ilan niyang pahayag, sa aking katahimikan, meron akong napagtanto sa aking sarili hinggil sa ilang nabanggit niya. Oo nga, minsan sa hindi ko rin maawat na kritisismo ko sa ilang tao sa paligid ko, lumalabas tuloy na nagiging mahadera na ako, hehehe! Samantalang mature na sila upang maging responsable sa kanilang mga ginagawa at hayaan ko silang magsikap sa sarili nilang pamamaraan. Ah, siyanga pala, noong una akong sumangguni sa cartomancy dito rin sa Quiapo, may isang interpretation noon na nagpa-disturb sa akin. Meron daw isang itim na duwende na palagi akong sinusundan at nagdudulot sa akin ng kamalasan kaya tuloy hindi ko makamit ang mga mithiin ko bukod sa pagiging urong-sulong ko. Siyempre kung literal ang pagkakaunawa doon, talagang mababahala ako. Subalit sa paglipas ng ilang taon, tuluyan ko nang na-realize ang tunay na kahulugan ng pahayag na iyon ng “devil card”. Ang sinasabing ‘itim na duwende’ ay ang simbolikong negative side ng aking sarili at hindi isang supernatural entity. Ang SARILI KO mismo ang hadlang sa aking mga mithiin. Noong mga panahong iyon kasi, tila ako’y walang patutunguhan, hindi nag-iingat kaya tuloy napapahamak, padalus-dalos sa pagpapasya, at hindi muna mangarap na nang tuluyan para sa sariling pag-unlad.
Ngunit ang mga panahon na iyon ay nakatulong pa rin sa akin. Sinabi ng mama sa recent cartomancy naman na kailangan ko talagang dumanas ng mga pagsubok para ako’y maging matatag. Sa ibang matters naman, hindi raw ito ang panahon para ako’y makarating sa abroad; hindi kasi sang-ayon ang “chariot card”. Dati-rati’y ang magtrabaho sa abroad ang gusto ko sana pagka-graduate sa college pero iwinaksi ko na iyon. Nais ko rin namang makarating sa mga bansang pangarap kong marating ngunit hindi na upang magtrabaho doon kundi upang mamasyal o sumama sa pilgrimages. Kung sabagay, kahit walang pera para mag-abroad, I can always count on metaphysics and imagination. Marami pang tarot readings. Tapat na tapat ako sa aking pamilya. Ah, hindi nawawala ang lovelife. Sabi raw sa baraha, ang mahal ko raw ay isang babae ngunit hanggang friends lang kami... WHAT?! Hindi na lang ako umimik na iyon ay HINDI TOTOO. Kadiri, yuck! Appalling and dismal to my ears! Umabot na ako sa edad na ito at napagtanto ko na rin na hindi na kailangang ma-in love because savoring this single-blessedness brings me contentment and happiness people around me won’t comprehend.
Before the cartomancy session ended, three inquiries and the cards will answer that. First, yung hiling ko na maibalik na sa akin at sa iba pang kliyente ang mga kinuha ng kumpanyang iyon- mahirap (ah, kasi yung kumpanyang iyon, hindi na yata nahihiya sa dami ng taong pinabayaan). Second, may lalapitan akong isang malaking printing press para matuloy na ang pagpapalimbag sa aking mga akda- hindi rin maaari, yun ang payo ng baraha (at na-realize ko na lamang na ang printing enterprise na iyon ay may sarili nang publications na priority talaga nila tapos ang layo pa ng address nila). Third, makikilala ba ako bilang isang manunulat? Ang sagot, nagliwanag pa ang mukha nung mama sabay ngiti, oo naman! Talaga? Siguro nga na may tamang panahon kahit pa naunsyami nga ang pagpapalimbag sa aking bwena manong akda. Noong isinusulat ko ang aking mga akda, binubuhos ko talaga ang passion ko dito dahil gustung-gusto ko at nasisiyahan ako. Ah, oo nga pala. Malamang nga na kilala na rin akong manunulat sa ibang pamamaraan... writer sa anyo ng isang blogger na ang blog site ay nakatanggap na ng libu-libong pageviews kahit pa mula sa mga anonymous readers na nakikibasa lamang ng mga sanaysay dito!

Antique Tarot Cards (courtesy of Wikipedia)

Saturday, July 21, 2012

Don't Mess Up With This Soliloquist

Antonio de Pereda's St. Anthony of Padua with the Infant Jesus (courtesy of Wikipedia)

St. Anthony of Padua, please pray for me and the others, o humble servant of Our Lord. May the lost dear things, fruits of our labors be found and retrieved or returned. May the lost trust be mended and genuine forgiveness follows. May the lost confidence and hope to pursue dreams be regained. So be it.
***





The serene, natural beauty of snake plants with their long clusters of evening blossoms
Every atoms and molecules travelling within the trail of delicate agave fragrance
And I’m hoping upon the sparkle of a neutrino to light up the cosmic dark matter enough to vanquish a black hole...
Simple poetry on nature’s glory to soften the geekiness of astrophysics.
***

Sa mga nakaraan kong blogs maliban sa first and gloomy post of July 2012, karamihan ay magagaan ang tema and feel good ones, the inspired, the lighthearted views of the world. Buhat pa sa previous blogs, binanggit ko na ang tungkol sa publishing venture ko ng aking dapat sana’y ipakikilala kong bwena mano kong akda. Maglalayag na sana ako ngunit hindi pa man ako nakalalayo ay bigla na lang may namuong waterspout mula sa laot na singtulin ng kidlat sa pagkilos na bigla na lamang pahampas na ibinalik ako sa pampang. Tapos, sira-sira na ang aking bangka at tiyak na matatagalan bago ako makabawi muli. Back to zero. Olats.

Patawarin nawa ako ng Panginoong Diyos na hindi ko Siya matularan kung paano Siya magpatawad. Palagi na lang sinasabi ng iba na “kung ang Diyos nga ay nagpapatawad, tayo pa kayang mga tao?”. Subalit Siya ay nagpapatawad nang walang kondisyon... na hindi ko matularan bagamat napatawad ko na ang kumpanyang iyon na pinagkatiwalaan ko subalit sa kasalukuyan ay tinambakan pa ng barikada ang aking landas patungo sa pangarap na malapit ko na sanang maabot. Ang kapatawarang iyon ay may kondisyon sapagkat ako’y tao na nasaktan... kung ibabalik lang nila ang mahahalagang kinuha nila sa akin at sa iba pang kliyente nilang nagtiwala rin sa kanilang serbisyo, ang Jettfire Printing Enterprises na iyon na bigla na lang nagsara ng mga branches nito! Kapag lakas-loob pa silang umiwas sa amin na mga kliyenteng masama ang loob sa ginawa nilang pagsira sa tiwala namin sa kanila ay alam na nila ang mangyayari... hindi sila matatahimik, hindi sila lubos na magiging masaya dahil may mga tao silang nasaktan! Ibalik lamang nila sa akin ang aking downpayment, CD manuscript, proposed cover illustration, pati sample paperback at ako’y panatag nang makakapag-move on at kakalimutan na lang ang hindi magandang nangyari. Pakitunguhan lang sana nila nang mabuti kaming mga kliyente at iwasto nila ang kanilang mga pagkukulang at pagkakamali!
***

Masyado na akong madrama sa recent blog posts dito. Gloomy July 2012 posts. Mga monologues tungkol sa suliraning pinapasan ko sa kasalukuyan! At mababasa pa ng anonymous readers ng blog site na ito... wala lang. Anyways, soliloquy naman ito. Walang interaction sa audience. Gusto ko na sanang i-privatize muna ang blog site na ito for good, eh at hindi kailanman sakop ng public domain ang mga essays at pictures dito except for the solemn prayers, Biblical quotations and other references which are not mine that I honestly mentioned and acknowledged its sources and those uploaded pictures from Wikipedia, Flickr, and Google. Ang sinumang hihiram nang walang paalam, mag-aangkin o gagamitin sa kagaguhan ang mga blogs ko dito na naglalaman ng aking mga saloobin at pananaw at ang mga pictures dito ay malilintikan sa akin saan man kayong lupalop naroroon!

But then again, privatization... I had thought about it all over again. Maybe through my blogs, I became too generous to a lot of net surfers who stumbled upon this site intentionally or unintentionally. And perhaps I became so bitter after what happened to my venture. Well okay... you anonymous readers win. Marami kasi ang nagsi-search sa Google images ng tungkol sa “Villamor Air Base Elementary School” o ng tungkol sa mga sinaunang lipunang Pilipino lalo pa’t iyon ang mga paksa ng Makabayan-HEKASI 5 at Araling Panlipunan I ngayong Unang Markahan, eh! I had shared a lot! Hmp! Wala naman akong inaasahang kapalit... basta kibit-balikat na lang ako at magpapatuloy na lamang sa aking monthly blogging.

Naalala ko na naman noong active pa ako sa Facebook. May mga pagkakataon na ang contents of status update ko sa fb wall ay pahiwatig ng kalungkutan, frustrations, at paghingi sana ng payo o tulong na bakasakaling may isa man lang na “fb friend” ang mag-pass by kahit short message man lang ng pag-unawa. Pero ang lawak-lawak kasi ng fb wall kaya tuloy natambakan lang ng bumabahang statuses- mga new pics, apps invitation, kaartehan and other vanity stuff, etc. Sigh...
Bweno may isa naman palaging nariyan para sa akin. BFF na hindi ako iiwanan kahit kailan at anumang mangyari. Tutulong siya sa akin na maghanap uli ng maasahan at mapagkakatiwalaang printing company para sa aking mga akda. Siya ay walang iba kundi si Joan T. Teves, also known as weirdjtt.
***

Itong pangalawang July 2012 post na ito ay hindi naman pulos pahayag ng lungkot , frustrations, at sama ng loob. Gusto kong mag-formulate ng placebo effects. Ang magawa namang tawanan ang aking problema.

Marami na akong naisulat na kwento mula pa noong tuluyan akong nangarap na maging manunulat. Nakatago sa loob ng kabinet ko ang aking mga manuscripts at yung ilan ay ginawa nang hideout ng mga ipis (kung sabagay, ang mga ipis dito sa bahay ay mga ‘cultured’ at hindi tagadala ng germs!). Hay, sa tuwing binabasa ko kahit man lang pahapyaw ang mga kwento ay napapabuntunghininga na lang ako minsan. Dapat ay nakalathala na ito, naipalimbag, at nai-release na sa market. At may mga readers na tatangkilik dito kung trip nila tapos magsi-send ng e-mails sa akin kung kailan ang susunod na publications... nangangarap na naman ako ng gising! Hindi ako naghahangad na maki-level sa mga writers na iyon na graduate ng UP o Ateneo o mga dalubhasa sa PNU (nag-aral din naman ako doon, a) at kahit sino na ang mga akda ay inilalathala ng mga kagaya ng Summit Books at Anvil. Pang-masa ang level ng aking mga akda tulad ng appeal ng mga komiks noon o ng pocketbooks na nakatambak sa Tagalog Romance section ng mga bookstore (kaya lang hindi naman pulos romance ang genre ng mga akda ko, ano?). Dito sa blog post na ito ay nagpapa-fantasize na naman ako. Phantasmagoria kung saan kilala na raw akong writer, hehehe! Ngunit paano yan? Nagtatrabaho rin ako tuwing hapon, mula Lunes hanggang Biyernes ay napalilibutan ako ng mga bata at ako’y inaasahang maging wholesome... samantalang ang aking mga akda ay nagtataglay ng mature, adult-oriented themes, mga kwentong hindi akma sa mga paslit, hehe, at hindi pa ako gumagamit ng pen name, ha! Ah, the imagined just to make me have some humor to lighten up so that I won’t fall into despair although it’s also just like counting the chicks or ducklings even before the eggs are hatched but got broke only to find out that the yolks will not form and develop to be what they should be as I want or need them to be. At ako’y lalo pang nagising sa pasan kong problema sa kasalukuyan na dumadagan sa aking pangarap.
***

Other matters here in this blog na hindi naman puro pahayag na lang ng frustrations at sama ng loob:


Itong nasa larawang ito ay ang aking iniingat-ingatang proyekto sa Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika noong ako’y nasa Ikalimang Baytang. Pumili ako noon ng mapaggagayahang larawan sa aming textbook at mag-isa ko itong drinowing at kinulayan; humingi lang ako ng pambili ng ¼ illustration board. Unang markahan noon sa HEKASI at ang tema ng proyekto ay tungkol sa sinaunang lipunan ng mga ninunong Pilipino tapos ang na-assign sa akin ay tungkol sa antas ng mga aliping namamahay at sagigilid at sa kanilang mga tungkulin sa lupain ng kanilang mga amo. Hindi ko ba naman akalain noon na magiging visual aid ko pala ang vintage project na ito sa in-assign sa aking subject na HEKASI 5 rin pala.

Anim na oras lamang ang aking daily length of work from Monday to Friday ngunit hindi nawawala ang stress at tension at minsan, pagbaba ng aking lakas o stamina dulot na rin kasi ng pagbuhos ko ng aking passion sa aking mga gawain. Yes, I always have reason for passion. Kung pinahahalagahan mo naman talaga ang iyong hanapbuhay na hindi ginagawang motivation ang sweldo at impluwensyang matatamo dito, ignite it more with passion.
***

Sound trip, yeah. Hindi naman talaga ako mahilig sa hip hop music lalo na yung local ones sa totoo lang; no offense. Para kasing pare-pareho lang ng istilo, tunog, lalo na ang beat or rhythm na hindi mo na ma-differentiate ang mga ito...jologs. May kanya-kanya lang kasing trip ang bawat tao; oo sige na, alam ko na yun! Magra-rap tapos may chorus na kinakanta na kadalasan pa ay hango sa ibang kanta. Si Eminem ba ang nagpa-uso ng ganoon way back in late 2000 through one of his greatest hits na “Stan” featuring Dido na muling inawit ang ilang lines mula sa sarili nitong hit na “Thank You”?

Ngunit naalala ko na noong Dekada ’90, ang Pinoy hip-hop music noon (lumabas muna kayo, mga rockers at metal!) ay mas astig kasi mas orig ang tunog at istilo to the likes of Andrew E, Michael V, Denmark, and the late great Francis Magalona. The late ‘90s also produced bands like Sun Valley Crew and Urban Flow na minsan ay mapapanood pa rin ang mga lumang music video nila sa Urban Myx ng Myx channel; talagang very cool kahit pa inspired lang sila ng mga foreign groups ngunit ang style nila ay totoong kakaiba kung ikukumpara sa mga rappers ngayon.

Speaking of Urban Flow, way back in the summer of 1997 ay saulado ko pa ang kanilang big hit na “Miss Pakipot” kahit na yung himig ay parang may pinanggayahang lumang awitin. Parang sariwa pa sa akin kahit papaano ang lyrics ng Urban Flow na “ c.t.g. (crush,type,gusto) kita, miss miss pakipot/ c.t.g. kita miss miss suplada/ c.t.g. kita miss miss maganda/ sa palagay ko, mahal na nga kita, haaah...haaah, haaaah, woo-hooo.../ miss, miss, ba’t ang suplado mo?/ sayang, ako’y may crush sa ‘yo/ pero teka (6x)/ ganyan na ba talaga ang ugali nila?/ o baka naman ay nagpapakipot lang...” and the rest is history! Kung merong revivals or cover versions na karamihan ay pulos na lang mapakikinggan sa OPM artists ngayon, siguro sa susunod, pati Pinoy urban music from the past!
***

(hindi ako pwedeng mag-upload ng Sailor Moon characters dito kasi copyright infringement yun; please refer to Wikipedia)

Ang haba talaga ng kwento ng “Sailor Moon” na na-realize ko pa lalo sa Monday to Friday airtime nito sa Hero Channel; kaya naman kasi noon, inabot ito ng maraming taon sa Channel 5 (kasi tuwing Linggo lang yun tapos inilipat sa Sabado; at sa Tagalog version, Bunny ang ipinangalan kay Usagi). Nasa elementary pa ako noong una ko itong nakahiligang subaybayan at nagtuloy sa high school hanggang sa nasa college na ako nang napanood ko ang last season nito at kabanata. Yeah, growing up with the magical allure of Sailor Moon. Nabanggit ko na pala sa isang past blog ko dito na “Tropical Southwest Monsoon” dated April 27, 2012 ang tungkol sa animé na iyon pero I did some little research with the help of Mr. Wikipedia without the leaks. 1991 pa pala ito nagsimula as a manga by Naoko Takeuchi. At ang “magical girl theme” nito ang sinasabing pinanggayahan ng iba pang animé.

But unlike the others, hmmm, this one seemed to be... more liberal. May love story, yeah, the undying love of Usagi and Mamoru, but romances of the different kinds are also included buhat pa sa first season; remember those two generals of the Dark Kingdom pero mga discreet na discreet sila di tulad nina Ennis and Jack of Brokeback Mountain, hehe. Siguro kung mga batang musmos ang makakapanood, hindi naman yun halata, hehehe! And then, in Sailor Moon S season, two new beautiful characters- the boyish, crossdressing Haruka (Sailor Uranus) and the girly-girl Michiru (Sailor Neptune); anyways, the planets Uranus and Neptune ay tinagurian din naman ng mga astronomers bilang twin gas giants of the outer Solar System. Sa last season naman ng Sailor Moon, merong mga bagong tauhan, ang Sailor Starlights na nagpapapaalala na hindi lang si Ranma ang pwedeng magpalit ng kasarian. Tapos isa sa mga iyon, si Fighter, nang nag-disguise bilang lalake ay may na-develop din na feelings para sa bidang si Usagi. Ahahahay, grabe, the rollercoaster story of one of the finest animé that became popular in different parts of the world, including the Philippines.

Oo nga pala, hindi lang ang Sailor Moon ang liberal, ano? Meron din sa iba pang animé, may mga beki, merong les, hehehe! Tulad na lang ng isa pa nitong ‘90s contemporary, ang “Yu Yu Hakusho” or “Ghostfighter” sa Philippine adaptation. Tandang-tanda ko ang series nito kung saan kabilang ang favorite villain ko dito na si Sensui. Si Sensui doon ay isang disturbed, troubled, and misanthropic na tao kaya siya lumikha ng pitong katauhan upang tulungan siyang maka-cope up sa buhay. Ang ikapito niyang tauhan ay... isang girl, hay! Yeah, babae, ang katauhang nag-manifest sa kanya nang nag-confide siya ng tungkol sa lahat ng kanyang mga pinagdaraanan sa kanyang close pal na si Itsuki, the pretty and mysterious male monster na dapat sana’y tatapusin niya noon. At nang tinapos siya ni Yusuke (Eugene in local version), dinala ni Itsuki ang kanyang katawan patungo sa sarili nitong dimensyon kung saan nanatili silang dalawa lamang hanggang sa kapwa sila naglaho; na yakap-yakap pa ni Itsuki ang wala nang buhay na si Sensui. What a love story, for pete’s sake!
***

Well, that’s it. My second blog post for the month of July. Next month, ano kayang tema ng blog? Baka tungkol na naman sa frustrations ko sa paghabol ko na sana sa aking pangarap. Tsktsktsk! I’ll just dream on...








Tuesday, July 3, 2012

Sad Soliloquy... but a Soliloquy of Hope Shines On...

This is a sad day for me... that printing company whom I approached last summer for my first publication suddenly closed down and their staff took my manuscript CD, downpayment money, and other related stuff with them. Now, I have to look for them and my hunt for the right printing press is back to zero.

The disadvantage of being just a one-person team...

Now, I'm confiding those woes to these anonymous readers here whom I don't even have one single damn clue if they will heed these statements except for eavesdropping at my precious "Soliloquy Beyond".

Where and when can I find help here?

Edvard Munch's The Scream (1893)courtesy of Wikipedia

Saturday, June 23, 2012

Salagubang sa Ulan Tikatik

*pambihira, salagubang pala yun at hindi uwang! (6/30/12), hehe...

the May or June Beetle- courtesy of Wikipedia/Patrick Coin (author)

Johnny-come-lately chatter about that big three news in a row many, many days ago. First, Lady Gaga concert at the newly-constructed SM Mall of Asia Arena. Noong first time namang nag-concert dito sa bansa ang ale na iyon, wala namang mga maiingay na protesta. Hindi naman ako fan niya pero trip na trip ko ang kanta niyang “You and I” and its corny/maize-rich music video... because of her piano playing and crossdressing scenes in the famous Nebraska cornfields (doon ba talaga nai-shoot ang video?). Oh, almost forgot. The “Judas” song, the great cacophony to every fundamentalist’s ears. Lady Gaga looks like Marilyn Manson in the music video but I understood the lyrics even though according to the Gospels, Mary Magdalene and Judas Iscariot were never been some love team. Lalo na noong pinuna ni Hudas ang ginawa ni Maria Magdalena na paghugas sa mga paa ng Panginoon at pinunasan ito ng sarili niyang buhok; an ancient method of foot spa. Ngunit ano pa man ang paliwanag tungkol sa artistic contents ng kanta, hindi na talaga maawat ang mga protesta. Well, which is more annoying? The Lady Gaga concert or that controversial art exhibit of Mideo Cruz last year? Fundamentalists will probably answer about the concert?
Magkakaiba-iba talaga ang saloobin at pananaw ng mga tao lalo na sa isang demokratikong bansa gaya ng Pilipinas. Man, naalala ko ang isang nabasa ko sa dyaryo many years back. Some modern day puritans condemn Barney and SpongeBob Squarepants as harmful entertainers to their young ones because of alleged homosexuality. Oh, my goodness... respetuhin na lang ang saloobin ng ibang tao kahit na napapailing na ako sa kanilang mga naglalagablab na mga krusada. Let them stay clean because they want to stay clean by disinfecting things they believe to be threats to cleanliness because cleanliness is next to godliness according to them. Kibit-balikat na lang ako, hehe...
By the way, naalala ko na naman ang tungkol sa kontrobersyal na makabagong edisyong inilathala ilang taon na ang nakalipas ng tungkol sa gnostic Gospel of Judas; and its sudden outburst as some talk-of-the-town gradually faded away again just like its fate during the ancient times. At saka sa isang past blog ko dito (please see “Ego Trip on the 16th of April: A Soliloquy For a Certain Blogger called WEIRDJTT” dated April 16, 2012), isa sa dalawang crayon etching artworks na naka-upload doon ay may pamagat na “Judas Grieves”. Noong meron pang “Rock Rumble” program sa 102.7 Star FM, malimit ko pang marinig sa airwaves ang “Halik ni Hudas” ng Pinoy rock band na Wolfgang. And the age-old question goes: why did Judas Iscariot need to KISS Christ?

uploaded picture of Giotto Di Bondone’s Kiss of Judas pre-Renaissance fresco/ courtesy of Wikipedia

Second, Jessica Sanchez. Ah, what a reign of the white guys with guitars. Ngunit paano naman si Adam Lambert na runner-up din siya pero mukhang nahigitan na niya ang champion ng American Idol season na sinalihan niya? Hindi naman ako fan ni Jessica. Great voice, yeah-yeah. And great Californian twangy accent; wondering where’s the sweet Mexican tone since she is also half-Mexican herself. Sa totoo lang nitong huling laban ni Pacquiao kung saan inawit niya ang pambansang awit ng Amerika, parang wala akong naintindihan sa mga binigkas niya. Tapos, narinig ko yung ilang FM radio DJs na nagkukumentaryo tungkol sa boxing event na kung si Jessica naman ang paaawitin ng “Lupang Hinirang” with all that twang... at na-simulate pa nila ang posibleng tunog, hehehehe, natawa ako sa narinig ko mula sa kanila! Ang punto ay tulad sa iba pang Fil-Ams na English lang ang alam na lenggwahe at napilitan at napilipit ang dila sa wikang Filipino.
Third, Chief Justice Renato Corona. Ah, SALN (statement of assets and liabilities net worth, tama ba?)... the piece of paper which has the power to topple down anyone in the government. My further comments about that, I’ll just keep to myself and my diary, not here. Bilang isang empleyado ng pamahalaan, batid ko rin kung paano magsulat sa isang SALN. Just don’t make it bland or tasteless, salten your SALN and make it complete!
At tulad ng nauna nang tinuran ng netizens, laspag na nga ang patawa effect na ito: “Mga gaga, hindi nakuha ni Jessica ang corona!”
***

picture of hard-boiled jackfruit seeds or beans
Mmm...yum,yum,yum,yum! This is not the usual platter of beans for your chili con carne. Fresh jackfruit seeds which were hard-boiled for almost an hour. Before munching on these nutty delights, peel off the white hull and brown outer seed coating. Taste almost like taro root crop (gabi).
***
Updates on international pageviews of this blog site. The long list now includes Gabon, Kuwait,Netherlands, Thailand, Vietnam, France, Indonesia, Sweden (because I once talked about their Marabou chocolates in the past blog “Impressionist Wannabe” dated August 6, 2011), and then China. Siguro, kung hindi overseas Filipino worker yun doon, eh, baka tagaroon mismo. Nagsasaliksik ng tungkol sa iba’t ibang pananaw na may kinalaman sa Scarborough Shoal (Panatag) stand-off eh, may mga binanggit din kasi ako tungkol doon sa mga past blog posts dito.
Nitong isang araw ay may nabasa akong article sa New York Times na naka-insert sa Saturday Edition ng Manila Bulletin (dated June 9, 2012). Tungkol sa mga alitan sa West Philippine Sea or rather South China Sea in international terms. May binanggit kasi doon tungkol sa ginawa umanong pagbabanta ng Chinese naval authorities sa isang Indian oil exploration company na kasosyo ng Vietnam. Nag-back off tuloy ang kumpanya ngunit nagbitiw ng matapang na pahayag ang Indian foreign minister na “The South China Sea is the property of the world.”


The Dalai Lama
Sabi raw ng ilang turista, kapag nasa China at mag-Google ang sinumang nag-i-internet, hindi mahahanap ang mga artikulo tungkol sa Dalai Lama (I remember those old news items showing ‘very nationalistic’ Chinese protesters branding him as some riot seed during his US visit), Tienanmen Square protests (the tragic people power revolution), at iba pang itinuturing na “enemies of the state” umano. During the 2008 Beijing Olympics, it was been reported that China refused to include the Philippines as one of the Olympic Torch itinerary just because of the Spratlys issue; despite the grandeur, their famous Bird’s Nest has a rotten egg in it!
Nitong Hunyo mismo, bumisita ang 17th Karmapa at ang venue ng kanyang sessions with the audience ay sa SMX Convention Center; hindi ako nakapunta doon. Wikipedia please and you will be surprised to find out that there are actually two 17th Karmapa. Sino ba sa kanilang dalawa yung batang maliit na may suot na dilaw na headdress na nasa litrato ng artikulo tungkol sa Tibetan Buddhism sa aming 1989 edition encyclopedia? Marahil kung magkakaroon din ng Philippine visit ang Dalai Lama, tiyak na mag-aalboroto ang China at pag-iinitan ang ilang may kinalaman sa ating bansa tulad ng ginawa nila sa ating banana exports or travel ban sa tourists spots natin, tsktsktsk... annoying and arbitrary bullying! May mga Tibetan nationals din daw dito sa bansa noon pa. A Tibetan monk is a sure picture of peace maliban na lamang kung sumali siya sa mga protesta laban sa Chinese government sa pamamagitan ng pagsilab sa kaniyang sarili just like that Vietnamese monk during the Vietnam War. Malaking bahagi ng buhay ng kasalukuyang Dalai Lama ang mamuhay at mamuno in exile. According to general references, sinamantala kasi ng China ang pagiging isolationist ng Tibet noon. And then tightly hugged the land of the monks as her very own. Meron akong napanood minsan sa English-speaking Chinese cable channel kung saan man may isang documentary (with propaganda contents perhaps) tungkol sa Tibet at mga tao dito na higit na bumuti umano ang kalagayan nang dahil sa pamamahala ng Chinese government. Yet the Tibetan protests will never be suppressed. Learn from the sands. The tighter you hold it, the more it will slip out of your hands.
No spark of antagonism in China-Philippines relations, please. Anyway, according to several accounts, their ancient traders and seafarers from their bygone dynasties of illustrious emperors used to call my country as “Ma-yi”, the land of gold.
***

uploaded picture of a tumbleweed/ courtesy of Wikipedia/ Flickr
Sa trabaho ko ngayon, panghapon na at inilipat ako sa Ikalimang Baytang. At least, wala nang advisory class at HeKaSi pa rin na may isang EPP ang subject load! Naalala ko ang isang conversation ng mga characters nina Leonardo Dicaprio at Kate Winslet sa “Titanic” noong getting to know each other pa lang sila, itong si Lover Boy aka Jack Dawson ay ikinumpara ang kanyang sarili sa isang tumbleweed na tutubo na lang kung saan siya dalhin ng hangin. Wala namang tumbleweed dito sa Pilipinas pero merong talahib at amorseko. Na tutularan ko rin...
***
Matagal ang hangover ng madla tungkol sa katatapos pa lang na Manny Pacquiao-Timothy Bradley bout. I think the results were so unfair. Ngunit bilog ang mundo hindi parisukat tulad ng boxing ring. Aside from that, ang madla ay nagtataka rin; a rosary used to be prominent around his neck sa bawat sagupaang sinuong niya magwagi man o mauwi sa draw ang laban. Napanood ko pa nga sa isang defunct show ng GMA-7 na “Magpakailanman” noong pasikat pa lang siya at isinadula ang kanyang buhay (iba pa yung sa isang sine, ha?), nakasaad doon na noong nagsisimula siya sa boksing, ang asawa niya ang unang nagsabit ng isang rosaryo sa kanya at buhat noon ay lagi na niya itong sinusuot bago at pagkatapos ng bawat laban. For sola scripturan reason? Will he quote Matthew 6:7 to justify? Anyways, I still find the bout results as unjust. Some people think- is it because they don’t want to tarnish Bradley’s winning streak? Hometown decison? And how I wish that Timothy Bradley will never be another Floyd Mayweather, Jr. Preacher na pala si Pacquiao, ano? Let him also solemnly preach with his actions now that he will return to his congressional duties. Will a rematch be arranged sometime in November or December?
I’m sorry to admit this. Bakit kaya buhat noong napanood ko ang laban at pati yung sa kanila ni Marquez last year, napapagunita ako sa isang dialogue ng sine na “The Scorpion King” kung saan ang pangunahing kontrabida na si Memnon ay nasabi out of some instinct sa kanyang Sorceress na “you look... diminished...”. Ewan basta hindi naman sa naghahanap ako ng mas maaaksyon pang sagupaan sa boxing ring tulad sa mga nakaraang laban niya. Siguro kung kasing-agresibo pa rin siya noong mas bata pa siya ay... oo nga pala, no more contrary image of a fighter-preacher, please...
***
Muli kong binuklat ang Polaris, ang aming yearbook sa Asian Institute of Maritime Studies (AIMS) at ang mga classroom pa namin noon sa lumang Sea Tower na nasa kanto ng Roxas Boulevard at Arnaiz Street ng Pasay City (very memorable ang building na iyon). Iilan lamang ang kilala ko dito, mostly mga kapareho ko ng kurso, ang BS Customs Administration (ang layo naman ng relevance nito at sa dual career ko ngayon, hehe!) ngunit ang quotes ng ilan kong ka-batch kahit sa ibang kurso are quite of great interest. At saka , parang hindi ko matingnan nang matagal ang itsura ko doon sa totoo lang. Inedit pa nila ang ipinasa kong quotation na ako nga mismo ang nag-compose di tulad sa karamihan sa mga kaeskwela ko. Ang original na quote ay dapat sana ganito: “Take advantage now of a hearty laughter because tears might come later”; pagdating sa yearbook, sa ilalim ng litrato ko at address/contact number, ang nakasaad ay “Take advantage now of a hearty laughter because it might never come later”. Gusto kong magreklamo pero naka-imprenta na, tsktsktsk! Marami rin nga doon sa ilang pahina ang may typographical errors.
Karamihan sa mga quotes ay halos magkakapareho. Mga tungkol sa pananalig, pagsusumikap, tagumpay, karunungan, at iba pang aral ng buhay. Ang Confucian saying na “a journey of a thousand miles begins with one step” ay nagkaroon ng ilang alteration sa iba; yung isa ay ginawa pang ‘million miles’! Meron din naman not-the-usual, hehe! Marami ay fans ni Spider Man gaya nga ang quote ay “with great powers, come great responsibility” or the Christmas-themed “it’s better to give than to receive” and the kinky-sounding “make love not war” and then the warlike “only the strong survives” and the paradox of “the more you hate, the more you love”; marami naman doon ay ang sea man’s motto ang isinaad na “a man without ambition is like a ship without direction”. Hindi ko na lang babanggitin kung sinu-sino yun baka ma-dyahe ang mga yun, eh.
Ngunit ang mga sumusunod na quirky quotes ang tingin ko ay ang pinakamaaangas at ubod ng taray. I’ll mention their names and courses out of respect and acknowledgement of their witty side. Hoy, wala nang gagaya sa mga quotes nilang ito, ha?! Pero hindi ko lang sigurado kung sariling ideya nila at sila ba mismo ang nag-compose or mayroong ibang source ng kanilang inspiration.
“make your fantasy a reality” – Michael N. Coria, BS Computer Science
“love is responsibility” – Alfie M. Mendoza, BS Customs Administration
Mga quotes naman ang mga sumusunod ng mga seaman of the BS Marine Transportation course:
“the ship is my house, the sea is my land” – Daryl O. Barias
“touch the heart of the king, not his kingdom” – Geo Glen P. Biliran
“life is a roller coaster” – Gilord S. Dela Cruz
“today is sacrifice, tomorrow is paradise” – Russel L. Felipe
“study without application is abortion” – Fernan S. Guerrero
“”If the sea’s angry and the waves are fierce, a seaman’s task is never complete, for as along as there is water to sail and shore to reach, a seaman will never retreat” – Lucky R. Reyes
Mga quotes naman ang mga sumusunod ng mga seaman of the BS Marine Engineering course:
“Ryan Mojar Afable, now a name, soon will be a legend” – Ryan M. Afable
“no one can see the real beauty of the sea except a seaman like me” – Ace Dominick T. Petroche
“a seafarer will always be a seafarer forever” – Joseph S. Sanone
“a tremendous feeling has arisen in me, that even if you throw me in hell, you cannot disturb my paradise” – Vanz Ryan DR. Cariaga
Mga quotes naman ng mga seaman of the Seafarers Rating Course (SRC):
“no fear when Ryan is here” – Ryan J. Buenaventura
“I’m not afraid of the storm because I know how to sail” – Eros L. Nacional
Karamihan nga pala sa mga ka-batch ko ay nakakalat na sa buong mundo. Ang aming Alma Mater, ang AIMS, siya ang terminal or port, maraming schedule ng departure ngunit agad na natatapatan ng arrival schedule.
***

Noong Hunyo 9 nga pala, araw ng Sabado, sumali ako sa Manila Bulletin Sketchfest na ginanap sa Ayala Triangle Gardens. Tanghali na kasi nang nagtungo ako doon eh hanggang alas dos lang yun ng hapon. Napilitan akong mag-taksi lalo pa’t Makati ang lugar na iyon at kung mag-MRT tapos maglalakad sa paghahanap eh mabaho na ako sigurado pagdating pa lang sa venue, hehehe! Maalinsangan ang araw na iyon. Sa totoo lang ay magkahalong gusto at pag-aalinlangan ang nadama ko sa contest na iyon. Parang trip lang na wala akong pakialam kung talo na ako sa simula pa lang o magmukha lamang basura ang entry ko kung itatabi sa gawa ng ibang participants at mas maganda pa nga ang gawa ng mga nasa kiddie category. Kibitbalikat... ngunit masaya pa rin ako. Ang tema ng kontes ay “it’s more fun in the Philippines” pero importante na ma-integrate ang “Make it Happen. Make it Makati” campaign. Ang ginawa kong drawing ay may pamagat na “River Cruise with a Noble Cause. It’s more fun in the Philippines” sapagkat nakuha ko ang ideya para dito sa napanood kong balita noong nakaraang taon na isang Lithuanian student sa Asian Institute of Management- Makati ang gumawa ng isang balsa na yari sa plastic bottles na binalutan niya ng lambat at namangka siya sa Ilog Pasig sakay dito; iyon ay isa niyang environmental campaign at panawagan sa lahat na pangalagaan naman ang mga anyong-tubig ng Metro Manila na matagal nang problema ang polusyon. Hindi lang siya basta turista, ano? Make it Happen. Make it Makati... bawat lungsod pala ay may kani-kaniyang tourism campaign; nakabibighani nga ang allure of the Makati central business district skyline na natatanaw ko buhat sa rooftop ng bahay namin. Hindi naman ako tagaroon but it is the people who make up their home city of Makati not those high-rise buildings or the busy commerce areas.
May hiling lang ako. Kinuha na ng Manila Bulletin staff ang lahat ng entry. Kung sakali man na mababasura na nang tuluyan ang entry ko, sana huwag nilang ilamukos nang tapon sa garbage bag kundi isama na lang nila sa mga naipakilong waste paper na dadalhin sa recycling center.

Isang weirdo: ang lakas ng loob at tigas ng mukha na sumali sa MB Sketchfest kahit na not a chance na makapag-compete sa mga tunay na mahuhusay sa arts; ngunit di bale, ang pogi naman niya! May angal?
***
Ipinalalabas nga pala uli sa Studio 23 tuwing Linggo ng hapon ang ‘90s animated series ng X-Men and Spider Man tapos Tagalized na (pero as of this date, July 21- inilipat na sa bagong schedule ang X-Men na tuwing 5:30 pm na raw). Well, malinaw sa aking alaala na unang ipinalabas ang mga ito sa channel 2 noong early and mid-90s and in original English pa. Nostalgia again lalo na doon sa X-Men animated series na mas pinanabikan ko pa kaysa sa movie adaptations nito. Tandang-tanda ko pa noong 1993, Biyernes, April 16 na birthday ko pa nang nag-premiere ito sa Friday primetime ng channel 2 at sinusundan pa nga ito ng Highlander: The Series, the adventures of the Scottish swordsman Duncan McCloud. Basta, naalala ko na noong taon na iyon, hindi nakukumpleto ang Friday nights ko kung hindi ko mapanood ang X-Men (bwisit nga lang na madalas pa ang brownout noon). Then sometime in early 1994, wala pa ngang finale ang X-Men ay bigla na lang napalitan ng “Batman: The Animated Series” na exciting din naman. At saka... para bang mas okey pa ang TV program line-up noon. Tulad na lang sa channel 2 sa panahon nang ang “Eat Bulaga” pa ang noontime show nito. Ang primetime programs noon pagkatapos ng TV Patrol at pati na rin sa iba pang TV networks ay hindi pulos mga teledrama, reality and game shows ang umiiral kundi mga kwelang sitcom. At tuwing Biyernes ng gabi ay yun nga. X-Men or yung iba pang cartoons na sumunod dito at US imports- Highlander, The Nanny and especially ang nagpainit sa Friday Nights kahit hindi na summer, Baywatch. Sa ibang channel naman tulad ng 7, The Flash; sa 9, McGyver; sa 5, early Saturday night pa yun, ang Thunder in Paradise na tungkol sa isang hi-tech na yate at pinagbibidahan ni Hulk Hogan.
***
Oo nga pala. Isa rin sa mga pinakasinusubaybayan ko noong early ‘90s sa channel 5 ay ang “Idol ko si Pidol”. No big deal naman kung merong Home Along da Riles sa 2 or replays ng John and Marsha sa 9 ang ating King of Comedy dahil mga lumang pelikula naman niya ang ipinalalabas sa 5 na tuwing Martes pa ng gabi yun. Tuwang-tuwa pa ko noon. Well, walang katulad kasi si Dolphy.
Walang katulad si Dolphy at mapalad tayo na kabilang tayo sa henerasyon na napasaya niya at ng kanyang long, illustrious and brilliant career.
***
Lupit ng NBA Finals nitong nakaraang araw. Napatahimik ng init ang dagundong ng kulog. Last year kasi, pinulaan si Lebron James sa kanyang paglalaro at ngayon, bumawi siya. #LETSGOHEAT pa rin!
***
Update sa ipinaimprenta kong pocketbook na bwena mano kong ilalathala: ang tagal pang makumpleto ngunit slow but sure naman; sana, pwede ko nang maipakita ang babasahing ito bago pa man magtapos ang buwan ng Hunyo. Kagaya ng mga nabanggit ko sa bawat last part ng mga nakaraang blog posts ko dito, isa yun romance paperback. At saka pink ang choice color ko para sa cover page nito na may cover illustration na ako mismo ang gumawa. Ang girly-girl ng feeling sa pocketbook na ito. Sa totoo lang, ako na ang nagsasabi na tila wala naman sa itsura ko ang magsulat ng mga akda na may romantic contents, hehe... ang bwena manong akda na iyon ay mukha rin tulad ng iba pang romance pocketbook ngunit ayoko itong ikumpara sa iba. Kung sa karamihan sa mga romance ay boy-meets-girl ang karaniwang tema, sa akin ay mayroong girl-meets-girl scenario at naipahiwatig ko pa iyon sa back cover prologue! Whoa, binibigyan na siguro ng ibang kahulugan ang mga pahayag dito ng kung sinumang makakabasa ng blog na ito pero kung interesado man kayo, pakiantabayanan na lang ang pocketbook na iyon na sasabihin ko naman dito kapag available na. Ah basta, yung mga main characters na girls, ano... hehehe, abangan na lang kung sinu-sino sila at anu-ano ang kanilang mga pakikipagsapalaran sa buhay. O, kung girl-and-girl pa rin ba talaga sa pagtatapos ng kwento. Abangan...
Aaminin ko na ang mga akda ko na naisulat ay hindi nawawalan ng intimate scenes tulad na lang sa una kong pocketbook. Ang mga next in line pa na pagsisikapan kong maipalimbag in the months to come ay mas mahahaba na with heavier themes. Speaking of intimate scenes, discreet ako pagdating dito; yun nga lamang ay ako ang conservative, ang mga characters ay kadalasang hindi, hehe! Basta, mga adult characters and situations with maturity. Sa mga susunod na novella ay mayroong character na siya ang bida ngunit siya rin ang kanyang anti-hero kasi may pagka-bad girl ang dating niya or bawal na pag-ibig ng dalawang main characters and with a closet gay. Natatawa ako; basta mga kwento na tiyak na iri-reject lang ng mga publishing company na iyon kasi hindi umaayon sa expectations ang standards ng editors nila kaya nagtatag ako ng sarili kong publications na ipinarehistro ko sa Department of Trade and Industry nang sa gayon ay makapag-aplay rin ako ng ISBN at maging copyright sa National Library para sa aking mga akda. Isa akong independent writer at ako na rin maglalathala ng aking mga akda.
Sana, sa susunod kong pag-blog dito ay ikukwento ko na ang tungkol sa pocketbook kong iyon na ready na.

Friday, May 18, 2012

Himig ng mga Tigbaw

Yaong marahan na hangin
May lambing sa saloobin
Pinaindak ang talahib
Humilig sa kanyang dibdib.

Nagliparang mga binhi
Pagsibol, kanila’y mithi
Kung saan man ihahatid
Hindi talos, hindi batid.

Ngunit mapalad ang ilan
Umabot sa kalupaan
Damong hindi padadaig
Bahagi rin ng daigdig.

Mga sumibol, yumabong
Bulaklak ay nagsiusbong
Sa hangin ay nasasabik
Kanilang binhi’y ihasik.


photo courtesy of Wikipedia/ author: Scott Bauer
***
Ako ang nag-compose nito and my poetic muse is the hardy and ubiquitous ‘talahib’ or ‘tigbaw’ itself. All rights reserved!

HEY YA, AHOY THERE! MARAMI NANG NATATANGGAP NA PAGEVIEWS ANG BLOG POST NA ITO. MERON PANG IBANG BLOG DITO TUNGKOL SA TIGBAUAN, ILOILO AT PATI ALAMAT NG TIGBAUAN AT NAMOCON AT SAKA YUNG DRAWING PA NG SIMBAHAN NG TIGBAUAN- PAKITUNGHAYAN ANG "THIS WEIRDO'S SUMMER BLOG" POSTED ON APRIL 2013. (This statement was added here on October 1, 2013; iba naman yung "This Weirdo's Summer Blog Before The Rainy Season Comes" na posted on May 2013 )

Matapos ang tatlong taon, ang weird blogger na ito, ang inyo pong lingkod, ay muling nakasama sa summer vacation sa munisipalidad ng Tigbauan, Iloilo. Way back in May 2009 nang may blog essay ako sa aking naunang blog site sa aking defunct but memorable Friendster account kung saan ko nai-express ang aking mga saloobin tungkol sa bakasyon din namin noon sa Iloilo kaya nga inintegrate ko na yun sa recent blog na ito. Halos hindi naman nagkakalayo ang mga pahayag noon at ngayon; pakitunghayan sa ikalawang pangkat ng mga sanaysay pagkatapos nito na may pamagat na “Blue Sky, White Clouds”.
Madaling-araw ng ika-30 ng Abril ang simula ng family summer vacation. Ang aming Toyota Hi-Ace na minsang tinahak ang mga lansangan sa Japan at ngayo’y naturalized Filipino na ay nakakondisyon na para sa isang mahaba-habang interisland travel. Sa totoo lang ay mas magastos ito kaysa ang mag-commute sa bus man, barko, o eroplano ngunit kung ikukumpara sa pag-commute sa bus, ang total travel time ay mas maikli na basta maabutan agad ang iskedyul ng mga ro-ro (roll on-roll off vessels). Narating namin ang aming destinasyon sa gabi mismo ng parehong petsa ng biyahe. Ngunit ang paglalakbay ay nakahahapo rin maliban na lang sa kagaanan ng kalooban sa tuwing nasisilayan ang naggagandahang tanawin na nadaraanan.

The mountains of Aklan, Panay Island

Coast of Oriental Mindoro

A Ro-ro vessel of the Montenegro Shipping Lines docked at Caticlan Port, Malay, Aklan

Sa dalawang nasakyan naming ro-ro (Batangas-Calapan at Roxas-Caticlan), kakaunti ang mga pasahero palibhasa ay walang nakasabayang convoy or caravan ng mga bus. Pang-masa ang mga ro-ro ngunit napansin ko yung isang pasahero na obvious na patungong Boracay tulad ng iba pa. Hindi siya nag-eroplano at malamang may dala rin siyang sariling sasakyan. Si Krista Kleiner, Binibining Pilipinas-International 2010, ang reyna ng ro-ro ng mga sandaling iyon. Hindi naman siya pa-sosyal, game pa nang nagpa-picture ang ilang pasahero kasama siya at sa tuwing naglalakad-lakad siya sa deck habang hinihintay na dumaong na ang barko sa Caticlan, ang hangin ay nagiging mahalimuyak, hihi!

Boracay Island- note the mushrooming business enterprises there

Carabao Island, Romblon- some tourists claimed that she is better than the neighboring Boracay

Maraming beses ko nang natanaw ang isla ng Boracay mula sa laot ngunit ni minsan ay hindi pa ako nakararating doon. Naaalala ko pa nga ang itsura nito noong Dekada ’90, ang panahon kung kailan hindi pa ito exploited and overdeveloped; still pristine and the island was more lush and serene at that time. Well, ayon sa marami, she’s one of the best in the world, because she got a lot to offer. Palaging publicized sa mga tourist’s brochures, sa mga TV shows, samantalang hindi lamang ang Boracay ang may natatanging kariktan sa mga isla ng bansa. White sands for a great dream destination ... and white-washed controversies on ecological and environmental issues like pollution from excessive development, depleting population of the native flora and fauna, slowly receding coastline, Caticlan airport extension at the mainland, and sad but true, may napanood akong dokyumentaryo sa TV tungkol sa mga nagaganap na land grabbing dahil umano sa mga business opportunities ng ilang pribadong kumpanya o indibidwal at ang mga Ati na silang mga unang residente ay pinaaalis sa kanilang mga tinubuang lupain at may mga diskriminasyon laban sa kanila. Tourism has its dose of both the boon and the bane. May palayaw nga pala ang isla. Bora. Di ba may isang Polynesian island cluster sa South Pacific Ocean na tinatawag na “Bora-Bora” kung saan may mga sikat din na resorts? Kaya nga be original naman,o! Call the island off the coast of Malay, Aklan- Boracay, please.
***
Labing-isang araw lamang ang itinagal ng bakasyon datapwat masaya rin naman. Pina-renovate na ang ancestral house namin. Marami nang nabago because the only constant is change. Ang hindi lamang nagbabago ay ang masaya at mabuting samahan ng mga Tigbaueño. Hmmm, ang weird blogger na ito ay mula sa malaking angkan. Yun nga lang, hindi ako natural na ma-PR o palakwento, eh (actually, I'm one of the least liked in both sides of the family). Hehe, iniilagan sa totoo lang (hindi naman pinangingilagan!). Sigh. Gaya ng nabanggit ko sa ilang past blogs ko, eh, this weird blogger just brings on the creeps to people around. Kibit-balikat na lamang ako basta wala naman akong ginagawang masama o inaagrabyadong tao and I can still find comfort in the tranquility of my second home.
***
Barrio dog

Date palm by the riverside


Ang ilog ng Tigbauan. Isa ito sa mga paborito kong pasyalan sa probinsya. Silent water that runs deep. Mahaba ang kasaysayan nito bago pa lang maitatag ang bayan o ang paglaganap ng mga apelyidong may inisyal na letrang “T” sa maraming Tigbaueño alinsunod din sa inisyal ng pangalan ng bayan. Hinahanap ko ang mga tigbawan o talahiban; bihira na pala ang ganitong damo dito? Taong 2008 at sa pananalasa ng bagyong Frank sa Western Visayas nang biglang nagngalit ang ilog kung saan maraming buhay ang kinuha at winasak na mga ari-arian. Nagpakawala kasi ng tone-toneladang tubig ang isang dam noon at ang ilog na ito ay mistulang nabulunan hanggang sa nagwala na nang tuluyan. Subalit sa bawat pagtungo namin dito, payapa ang ilog, ang anyo ng isang nagpapasigla sa mga kabukiran at sa buong bayan mismo. Nakalulungkot nga lang sapagkat napuna ko sa ilang bahagi ng pampang nito na may munting dump sites na at tinatapunan ng ilan ang ilog mismo. Ayaw ba nilang masindak sa mga anyo ngayon ng mga ilog, estero, at baybayin ng Metro Manila at iba pang lugar na pasan ang matagal nang suliranin sa polusyon? Madali lang magkaroon ng compost pit para sa mga biodegradable waste o mag-recycle, di ba?


The interiors of the St. John de Sahagun Parish, Tigbauan, Iloilo. Di tulad sa ibang Simbahan na itinatag noong panahon ng mga Kastila, hindi mga gilded na retablo o naglalakihang relief ang narito kundi mga mosaic (proyekto ng dating kura paroko ng bayan) mula sa altar area hanggang sa Stations of the Cross giving the churchgoers a rare glimpse of the arts and architecture of the early Christian churches, villas, and palaces during the time of the ancient Roman and Byzantine empires.


The enigma of the purplish-black jellyfish. Ang makakating lamang-dagat na iniiwasan ngunit nagpapaalala ng tungkol sa sarap ng pagtatampisaw sa dagat, hehe!


Museo Iloilo (right in front of the Iloilo Provincial Capitol). Institution that showcases the long history of the province and the rich culture of her noble people. The capital city of the province by the banks of the great Irong-Irong River is bustling indeed. Sarap din mag-food trip, eh, lalo na doon sa Tatoy’s Manokan and Seafoods, ang paboritong restaurant ng mga big time politicians.Kabilang na sa emerging pasalubong centers for your biscocho, piaya, and more, ang Mama's Kitchen located in a heritage house at Arevalo, Iloilo City where the most sought after melt-in-your-mouth assorted cookies can be bought.
***
Mini-blogs area:
Mula dito sa Pasay hanggang doon sa Iloilo and vice versa, naghuhumiyaw ang alinsangan ng panahon. Aba, May 6, ang isa sa mga pinakamainit na araw ngayong taon. 70th anniversary ng pagbagsak ng Corregidor at sigurado sa araw na iyon noon ang matinding alinsangan ay kasama rin pinasan ng mga magigiting na kawal ng bayan. And then nasubaybayan ko rin mula sa Tigbauan ang “Thrilla in NAIA”, hehe! Ang nangyayari ba naman kapag nag-iinit ang ulo ng maraming tao.
Malapit nang magtapos ang summer vacation. Ang haba ng bakasyon at ang saya-saya. Walang stress. Walang tension. Ang sarap magbabad sa panonood sa TV. Napanood ko na sa wakas ang episode 50 or finale ng animé na “Blood+” sa Studio 23 (channel 38 ito sa Iloilo at simultaneous pa sa Metro Manila and Calabarzon area). Nanonood uli ako at nag-eenjoy sa mga cartoons. Nagbalik ang “Looney Tunes” na nasa Studio 23 ngayon (inaabangan ko uli sina Foghorn Leghorn at Pepe Le Pew) at “Tom and Jerry” sa GMA-7; mas masayang manood ng vintage cartoons lalo na yung ‘50s series na talagang ang ganda ng pagkaka-animate sa mga ito. Meron pang “Alamat ni Snow White” sa 23 at mga nag-comeback na animé na Mojacko, Slam dunk (both at channel 7), at Sailor Moon (Hero channel), pati Naruto at iba pa. Eh sa gusto kong manood nito!

Update sa “RuPaul’s Drag Race Season 4” sa Velvet Channel. Naroon pa rin ang dalawang Fil-Ams na contender (move over, Jessica Sanchez and American Idol!) at mas madaldal pa sila’t maingay kaysa kay Manila Luzon ng Season 3. Unlike those American Idol Fil-Ams, ang mga Fil-Ams dito ay mas Pinoy pa sa totoo lang. Siyanga pala, nitong isang episode, may isang kasali doon, si Latrice Royale, the big momma of the batch, ang may malaking patawa. Sabi niya ang salitang ‘bitch’ ay isang acronym for ‘being in total control of herself’; pwede rin na ‘being in total control of himself’. Oh my goodness, hehehehehehe!

Na-feature sa showbiz news noong isang gabi sa “24 Oras” ang Eat Bulaga noong isang araw kung saan may isang blonde na batang Amerikano, si Gabby Abshire from Milwaukee na very Caucasian ang itsura ang agaw-pansin nang nakausap niya ang idol na si Vic Sotto. Sanay pa sa wikang Filipino without the Yankee accent (like Apl.de.ap of the Black-eyed Peas)! Aba, daig pa pala niya ang iba pang Filipino-American na English lang ang alam na lenggwahe o kung mag-trying hard man na managalog ay napipilipit pa ang dila because they just can’t let go of their American accent at ang batid lang siguro na mga salita ay ‘adobo’ (samantalang mas masarap ang tinola o sinampalukang manok), ‘salamat’, o’mahal kita’.
Man, hindi pa naipapalimbag ang bwena mano kong akda ngunit kailangan ko na ito bago pa man magtapos ang summer. Sasabihin ko na ang uri nito- isang romance paperback. Alam ko na karamihan sa inyo na mga anonymous readers ng blog na ito ay hindi naman mahilig sa ganong babasahin o di kaya’y nababaduyan kayo’t nakukornihan pa. Hindi ko naman kayo kukulitin na bumili nito, eh. Napakatagal kong nangarap na sumapit na ang pagkakataon na maipalimbag na ang aking mga akda. Ang ipaiimprenta kong akda ay unang na-conceptualized noong nag-aaral pa ako sa AIMS na habang patuloy ang lectures and review tungkol sa tariff and customs laws, drawbacks and abatements and computations of dutiable value sa mga import commodities o tungkol sa terms in technical smuggling which are misclassification, misdeclaration, and undervaluation o kung paano nakadaragdag sa government revenue ang Bureau of Customs without its long time woes on corruption... aaaah! Parang dudugo ang ilong ko, hehehe! Palagi akong nagdi-daydream noon, nangangarap nang gising... ang pagbuo ng mga ideya tungkol sa aking mga kwento at isulat ito na balang araw ay ipalilimbag din ito at makikilala ako bilang manunulat on my own right!

***
“Blue Sky, White Clouds”
(this one is integrated here and it first appeared as a page in my first blog site on May 2009 several days after our vacation in Tigbauan, Iloilo)

The 4th of May. Under the oppressive heat of the jolly summer sun, we waited and waited for the air-conditioned bus which was supposed to be at the Dimple Star Terminal in EDSA-Malibay by high noon. And thankfully, after almost an hour, the bus arrived. Sa totoo lang ay ayaw ko sa mga air-con na bus lalo pa't magdamagan pa ang biyahe at nahihilo ako sa air freshener na ginagamit dito. Pero wala nang magagawa dahil ito na lang ang available. Napakarami sigurong pasahero ang nagkakandarapa para sa ordinary. Peak season ba naman para magbiyahe.

The long, long way to Tigbauan, Iloilo. Mahilig naman akong maglakbay lalo pa't may nunal sa parehong paa ko. EDSA,Skyway,Alabang stopover,SLEX,view of Mt.Makiling at Calamba,Laguna then the heavy rains and traffic at Sto.Tomas,Batangas and suddenly, the sun shone again at the Star Tollway towards the Port of Batangas. The roll-on,roll-off vessels were already waiting for the caravans of buses, trucks,and private vehicles, and the throngs of passengers in rush for the first come,first serve seats of convenience in the lounge area or up on the deck. All to be ferried to Calapan City, Oriental Mindoro.

The Strong Republic Nautical Highway. Una kong nalaman ang tungkol dito noong 2003 nang nanonood ako ng Crayon Shin-chan sa channel 9 at malimit na lumabas ang commercial tungkol doon pero hindi ko gaanong pansin hanggang sa kami na mismo ang sumubok dito nang umuwi kami sa Iloilo upang makiramay at makipaglibing sa isa naming mahal na kamag-anak. Nagkataon na sembreak pa noon. Humigit-kumulang 24 oras ang biyahe noon (Philtranco ang isa sa mga pioneers ng inter-island travel tulad nito) dahil mas mahaba ang ruta nang hindi pa naaayos ang Antique highway kaya dadaan talaga sa mga interior towns ng Aklan,Capiz,at Iloilo tapos sa Iloilo City pa ang terminal kaya panibagong pag-commute pa tungong Tigbauan. Matagal talaga ang biyahe kaya siguradong ang isang pasahero na sanay sa barko,lalo na sa eroplano ang may katakut-takot na angal na ingangalngal. One of the most inconvenient means of travelling to the provinces of Visayas at paano pa kung hanggang Mindanao pa? Ngunit ang pagkakaroon ng ro-ro at nautical highway upang pagdugtungin ang iba't ibang lalawigan ng Pilipinas ay isa sa mga pinakamatagumpay na proyekto ng pamahalaan. Bahagi ito ng farm-to-market roads at ang mga negosyante mula sa mga probinsya at ang mga karaniwang mamamayan o domestic tourists ay nakinabang dito nang husto. Napakaraming pasahero ang tumatangkilik dito kabilang na kami (kahit na sawa na rin akong magbyahe sa bus at ro-ro; pero dapat siguro ay huwag akong magsawa kasi mas tipid dito,eh). Kumikita nang husto ang mga buslines. Ang dating tulog na mga bayan sa mga probinsya ay nagsipagsigla. Animo hindi lamang ambon kundi ulan nga ng grasya. Dalawang beses na rin dinala sa Tigbauan ang van namin (kaya lang ay iba pa rin ang tipid na hatid ng pag-commute sa bus). Matagal nga ang biyahe pero huwag na lang isipin na matagal ang paglalakbay o minsan ay nakakabagot na dahil before we know it ay naroon na tayo sa ating destinasyon. At saka, ngayon ay estimated na wala pang 24 oras ay nasa Tigbauan, Iloilo na kami dahil sa Antique highway. Ang pinakamalaking advantage na hatid ng bus/ro-ro combo ay papara ang bus sa town plaza mismo at may mga nakaabang nang pedicab para ihatid na kami sa aming ancestral house na di-kalayuan lamang (pwede na ngang lakarin yun kundi kasi sa sangkaterbang bagahe at bitbit).

Naglayag na ang Starlite ferry sa oras ng paglubog ng araw kaya nasilayan ko pa ang kabundukan at mga oil depot ng Calaca,Batangas. Pero gabi na nang marating namin ang Mindoro at hindi ko pa nga napagmamasdan ang countryside nito during daytime hours. Tatlong oras ang byahe sa iba't ibang bayan ng Oriental Mindoro. Lumalalim na ang gabi at sinabi ng konduktor na ilatag ang mga kurtina at i-switch off ang ilaw nang magawi kami sa masukal na lugar dahil may mga nambabato daw doon. Buti at wala naman. May mga tao talagang ayaw nang nakikita ang kanilang kapwa-tao na maligaya at maunlad. Nakaidip ako at paggising ko ay nasa Roxas na kami kung saan naroon ang pangalawang ro-ro terminal. Ang laki na ng progreso ng lugar na ito.

The 5th of May. Midnight embarkation sa isa na namang Starlite ferry. Sa prangkahang pagsasalarawan, hindi maayos ang accomodation para sa mga pasahero (buti pa sa Montenegro!). Palibhasa ay naka-book na dito ang DimpleStar kaya priority samantalang may ilang bus nga ng ibang kumpanya na naunang dumating sa terminal pero naantala naman ang biyahe. Sa totoo lang ay nakahanda na ako sa isang anticipated torture. Apat na oras pa naman ang biyahe mula Mindoro hanggang Panay tapos wala pang maayos na higaan dito sa Starlite. Naranasan ko pang humiga sa maalikabok na sahig (ang dami ngang pasahero ang kung saan-saan lang humihilata sa kakulangan ng mga upuan). Nagsuka pa ako pero maagap lang ferry crew para maglinis dito. The inconvenience and discomfort made me so sick to my stomach! Terrible,nauseating accomodation tapos hindi pa agad dumaong sa Caticlan ang Starlite dahil may isa pang ro-ro ang hindi pa nakakaalis doon. Subalit, naging masama nga ang pakiramdam ko, dapat ay higit na magpasalamat ako sa Panginoon para sa ligtas na paglalakbay naming lahat.

Sunrise kahit umuulan-ulan. Maraming tao sa Caticlan palibhasa ay gateway to Boracay na maraming beses ko nang natanaw pero kahit kailan ay hindi ko pa nararating. Basta, ang gusto ko ay makarating na kami sa Tigbauan. Saglit lang na naglakbay sa bahaging ito ng Aklan ang bus namin tapos dire-diretso na sa Antique kung saan nag-stopover kami sa Tibiao for breakfast. Muli kong napagmasdan ang payapa at luntiang kapaligiran at mga bukirin ng Antique na pumawi agad sa masamang pakiramdam ko kanina sa ro-ro. Sayang at aircon ang bus, sariwa pa naman ang hangin sa labas. Mabilis ang biyahe at nakarating kami agad sa kabisera, ang San Jose. Nababawasan na ang mga pasahero sa bawat bayan na nadaanan. Bago magtanghali ay papasok na kami sa Iloilo kung saan kabundukan ang binagtas ng bus tapos zig-zag pa na parang sa Baguio. Patapos na ang paglalakbay. Pasado alas-dose y media ng tanghali ay pumara na ang bus sa may plasa ng Tigbauan. Hay sa wakas, here again in our second home.

*******
Iba talaga kapag gumising sa isang payapang umaga kung kailan ang mga huni ng ibon ay nadirinig ng mga nahihimbing kasabay ng marahang ihip ng dalisay na hangin. Natural sa ating mga Pilipino ang maging malapit sa mga kamag-anak. We have such warm and hospitable relatives and friends here, including their pet dogs. We are all of the contented middle-class. Gusto ko ngang mag-aral ng Karay-a, isang version ng Ilonggo na dominant dito sa Tigbauan. Oo nga na tama ang nabasa ko sa isang article ng Smile, ang magazine ng Cebu Pacific. Ang dialect ng Ilonggo ay 'musical' at may kakaibang lambing, namumukud-tangi sa Visayan dialects. At saka hindi agad halata sa isang Ilonggo kung galit dahil sa hinahon ng wika nito. Tuod na maayo gid an Ilonggo. Baka mag-react ang ethnic pride ng iba diyan na may kani-kaniyang Bisayan dialect,a!

Nakalayo kami sa hagupit ng bagyong Emong kasi sa Luzon pa yun. Umuulan-ulan rin dito sa Tigbauan pero madalas na maaliwalas at maalinsangan ang panahon. Ngunit iba talaga ang ginhawang hatid ng probisya. Marami kaming pinuntahan sa ibang barangay o baryo para dalawin ang ilan naming kamag-anak, sa dagat (sarap lumangoy!), sa ilog at sa lupain namin sa tabi nito, sa mga malalawak na bukirin, sa sementeryo to visit our dearly departed loved ones, sa palengke, sa Simbahan (oh, those magnificent religious mosaic paintings!), hanggang sa Iloilo City... kahit saan; at hindi ako gaanong napapagod talaga. Malaki, maganda, at maunlad ang Tigbauan. Mahusay makipagkapwa-tao ang mga Tigbaueño.
*******

Bago ako matulog, susulyap muna ako sa langit. Ang daming bituin ngunit ngayong summer, namumukud-tangi ang constellation ng Scorpius na unang lumilitaw sa timog-silangang direksyon ng langit. Ito ang costellation na may 'puso' dahil sa pinakamaliwanag nitong bituin, ang Antares, na mapula at tulad nga sa tumitibok na puso. Alam kong kinatatakutan ang isang alakdan at ito'y sumisimbolo sa panganib mula pa noong unang panahon (pwera lang sa mga naalisan na ng kamandag upang gawing alaga o yung naging exotic street food sa China; or the best ay ang bandang Scorpions!). Ngunit para sa akin ay sagisag ng maaliwalas na summer night sky ang Scorpius na patuloy na gumagapang sa kalangitan habang payapang namamahinga ang mga tahanan dito sa Tigbauan.

Nasilayan ko rin ang kabilugan ng buwan kahit medyo maulap ang langit. Siguro kung full moonlight ito, lalong napakaganda ng payapang tanawin. At ako'y nagmumuni-muni tungkol sa ating rich Philippine folklore. Mga supernatural creatures... ngunit ayon mismo sa mga taga-Panay, sa lahat ng probinsya nito, ang 'aswang matter and issue' ay hindi naman totoo. Maaaring paraan ito ng pagdidisiplina noon sa mga tao, lalo na sa mga bata, na huwag gumala sa kung saan-saan para na rin sa kanilang sariling kapakanan. Maaari rin na paninirang-puri yun sa kapwa-tao o pook (hoy,maganda sa buong Western Visayas,ano?). But one thing is for sure. Walang terrifying night creatures- sapagkat ang mga tunay na aswang ng lipunan ay yaong mga tao na mahilig manakit o manira ng kapwa-tao. Noon nga nang dumadaan pa kami sa Capiz at interior towns ng Iloilo at malalim na ang gabi, payapa naman at tahimik sa mga pook na iyon at matulungin pa ang mga tao.

*******
May 15. Evening in the new Iloilo Airport at the town of Sta. Barbara. Nag-eroplano na kami pabalik sa Villamor (malapit lang ang NAIA-3 sa amin at nakatipid sa airfare sa tulong ng aming kamag-anak na nagtatrabaho sa Iloilo Airport). First time kong sumakay sa isang sibilyan na eroplano, ang Cebu Pacific. Bakit sibilyan? Eh, kasi ang C-130 ng Philippine Air Force ang nasakyan ko na noon. Libre pa at dahil sa nakiangkas lang kami nang malaman na magtutungo ito sa Iloilo upang maghatid ng cargo ng PAF (missing that aircraft a lot).

*******
Ang sabi ay masarap daw magbakasyon kung maraming pera. Maaari ngang totoo yun. Ngunit hindi naman talaga kailangang gumastos nang malaki habang nasa bakasyon. Yun bang ang hinahanap ay change of surroundings and environment para mahanap muli ang sarili. Makapag-unwind. Basta may malalim na dahilan na hindi mahahanap sa maalinsangan at masalimuot na lungsod na pinagmulan. Sana ay laging ayos silang lahat doon sa Tigbauan.
P.S. pagdating sa pasalubong at delicacies, undisputed na nangunguna nga ang mga Ilonggo dito. Piaya, pinasugbo, biscocho, rosquetes o bañadas at iba't ibang biskwit of the traditional or secret recipe, La Paz Batchoy, Pancit Molo, laswa vegetable dish, seafoods, chicken inasal, etc. etc. Namit, namit! Wala akong nai-post na pictures dito as visual aid (magastos ang magpa-scan sa internet shop, ano?). Pero ang magagandang alaala ng masayang bakasyon- preserved in my memory and in my heart.