This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Wednesday, January 31, 2018

Chestnuts and Red Plums

The Our Lady of Fatima Parish at Don Carlos Revilla Village, Pasay City




Isang replika ng Poong Nazareno na nakasuot ng damit na ipinanggayak din sa orihinal na poon sa Quiapo
*******
Nang minsang namili ako sa Liana’s sa Taft Rotonda dito sa Pasay, nagulat ako nang madatnan sa isang bahagi ng department store nito sa second floor kung saan walang gaanong tao ang nagagawi, merong tray sa ibabaw ng istante ng hardware supplies ang may naka-displey na mga casette tapes na ibinebenta! Ano kayang naisip ng mga namamahala at inilabas nila ang mga ito mula sa matagal na pagkaka-imbak sa bodega nila? Tapos ang presyo ay naglalaro mula higit 50 hanggang 75 pesos samantalang wala na halos mabiling casette player (ewan lamang doon sa Raon sa Quiapo at pati antique shops) at pati nga portable CD players ay bihira rin sa mga bilihan ng appliances! Para bang ‘clearance sale’ na lang maubos lang ang stock at mangilan-ngilan na lamang ang mapagpipiliang album titles at ang year of manufacture pa ng mga tapes ay buhat pa noong later half of the ‘90s to 2001! Wala na ba silang iba pang album? Tamang-tama at dito sa bahay, meron kaming portable radio and CD player na meron din casette na binili noon sa ukay-ukay (thrift shop) ng Japanese items at nasa mainam pang kondisyon. Iniingatan pa rin namin ang aming koleksyon ng tapes buhat pa noon, ano? At ang mga nabili kong tapes ay sadyang naghintay ng higit sa dalawang dekada bago napatugtog! At ang ganda pa rin ng sounds!
*******
May napakinggan na naman akong isang magandang kwento na di ko malimutan. Nagsimba kami noon na isang maaliwalas na araw ng Linggo sa Our Lady of Loreto Chapel at ang pari ay nagkwento bilang bahagi ng kanyang homily. Ang ganda ng kwento. Allegory ito tungkol sa plano ng Panginoon para sa atin. 
Noong unang panahon sa Palestine, tatlong munting punungkahoy ay nagsipagsibol sa isang kakahuyan. Bawat isa sa kanila ay nagsalaysay ng kani-kanilang pangarap. Ang unang puno ay nangarap na kapag naging matayog na siya upang buwalin at pakinabangan ng mga tao, nais niyang maging bahagi ng magarang mansyon ang kanyang katawan at dito maninirahan nang marangya ang isang makapangyarihang pamilya. Ang ikalawa naman ay naglahad na balang araw, ang katawan niya ay magiging matatag na haligi ng isang malaking barko kaya lahat ng mga tao sa pantalan ay mapapatingala sa kanya at kung saan-saang panig ng mga karagatan sa mundo ang kanyang mararating. Ang ikatlo naman ay nag-ambisyong darating ang araw na iyon na magiging bahagi raw siya ng isang “pambihirang pagtatanghal” na siyang pag-uusapan ng lahat ng tao at magiging tanyag daw siya dahil doon.
Lumipas ang mga panahon at ang mga puno ay nagsipaglaki hanggang sa hustong gulang na nila upang magamit ng mga tao. Ang unang puno ay pinutol at mula sa troso nito ay ginawa ang isang sabsaban at kulungan ng mga alagang hayop ng mga pastol sa Bethlehem; isang malamig na gabi, dumating doon ang isang mag-asawa at isinilang ang Sanggol na nang lumaki ay naging mahusay na karpintero tulad ng Kanyang ama-amahan. Ang ikalawang puno naman ay dinala sa Galilea upang gawing bangka; bukod sa ginagamit sa paglalayag at pangingisda sa lawa, sumakay doon ang Guro upang makalayo pansamantala sa labis nang paglapit sa Kanya ng napakaraming tao na nakikinig sa Kanyang pangaral at umaasa sa Kanyang pagpapagaling sa kanila. At ang ikatlong puno naman, nang pinutol ay dinala sa Jerusalem upang gawing mga krus. At sa isa sa mga krus na ito, ipinako ang Panginoon.
*******
Buhat pa noong isang araw ay nag-aalboroto na ang Bulkang Mayon. Spectacular man ang masilayan ang lava fountain and flow nito lalo na sa gabi, deadly beauty pa rin. At libu-libong tao na ang naapektuhan, di lang mga tao kundi lahat ng nilalang na may buhay. 2003 pa iyon nang una kong masilayan nang personal ang pambihirang kagandahan ni Daragang Magayon. Kailan kaya uli? Sana, sa muling pagkakataon ay payapa na muli ang Mayon.
*******

Special tribute edition of Playboy Philippines dedicated to our grand old man, Hugh M. Hefner. What an issue!
*******
Extra!

Kung isang Ilonggo ang tatanungin, ang ibig sabihin ng ‘damak’ ay marumi, dugyot, o salaula. Kung mga Turkish nationals ang tatanungin, ano kaya ang ibig sabihin sa kanilang wika ng brand name na ito ng NestlĂ© Chocolate with irresistible pistachios?

*******
“Grand Gallery of Manila Trip and the Super Blue Blood Moon of January 31”
Inside the Malate Church
The Malate Pieta: In memory of the people who perished during World War II and the Liberation of Manila 1945


The statue of the Comfort Woman at Baywalk
Rajah Sulayman Park




The Sto. Niño procession at Roxas Boulevard since it was the last Sunday of January
“Signs of the Times” – pinapansin ba naman? Sa kahabaan ng ruta ng parada, ang mga tao ay literally naglalakad sa ‘carpet’ ng mga ikinalat nilang basura. Sana naman sa sunod na taon, isa sa mga Santo Niño na lalahok sa parada ay bihisan bilang militant environmentalist and advocate of Manila Bay rehabilitation and clean-up.
*******
The phenomenal, once in a lifetime, super blue blood moon!
Looks rather like the biscuit moon, I guess.



Sunday, December 31, 2017

Alinsangan at Pagkatapos ay Ginaw

Gallery of the December Moon and the Best Salted Egg ever!





The “Lumina” walkway tunnel of lights and other Christmas display at the 
Resorts World Manila and Maxim’s Hotel, Newport Complex, Pasay City.







*******
The “I-Witness” anniversary specials sa GMA-7 ay nagpapatuloy sa pamamayagpag at nadagdagan ito nang ang feature documentary ay tungkol na sa “Rohingya Refugees: Silang mga Nilimot ng Mundo” at inilahad ni Atom Araullo who made waves again after his much-talked about “Philippine Seas”.  Bukod sa kalagayan ng mga Rohingya Muslims sa kasalukuyan, ipinakita rin sa naturang programa ang di-birong trabaho ng mga UN humanitarian workers gaya ng mga Pinoy na naipadala doon sa border ng Bangladesh at ng Myanmar. Kaygaganda pa namang mga tao ang mga Rohingya subalit kalunus-lunos ang kanilang kalagayan at itinuturing silang “stateless” dulot ng bigotry and racism ng mga taong walang puwang ang pagmamalasakit sa kapwa-tao. Paano na yung mga bata na sa murang edad ay nalantad na sa kalupitan ng kanilang lipunang kinagisnan? Ang mga tagpong iyon sa mga refugee camps ay kabilang sa mga most depressive areas sa mundo at harinawa’y wala namang mapadpad na ‘bulok’ na mga tao na sa halip na tulungan sila sa wastong pamamaraan ay i-eexploit ang kanilang kalagayan at kamalayan upang maghasik ng masasamang ideolohiya ng mga ito tungkol sa extremism o radicalism upang ‘ipaghiganti’ ang sinapit ng kanilang lahi sa kamay ng mga ‘infidels’. Subalit sa palagay ko, kahit nagkaganoon man ang buhay ng mga Rohingya, lumilitaw ang mga iba’t ibang bayani at anong malay natin na merong ilan sa kanila na may pagmamahal at pagmamalasakit sa kanilang lipunan ang makikilala sa pagtulong na makabangon muli sa dignidad ang kanilang lahi.
*******
December 8, Feast of the Immaculate Conception and also my day of thanksgiving because it was the anniversary of my teaching career.
May napanood din nga pala akong documentary sa “Reel Time” ng GMANewsTV, ang “Batang Maestro”. Kay ganda namang programa na kinunan sa isang tahimik na nayon sa Sorsogon sa Bicol Region. Ibang-iba talaga ang karamihan  sa mga batang taga-probinsya at kung sino pa ang mga nasa malalayong baryo na medyo salat sa mga pangangailangan ay sila pa ang higit na kakikitaan ng pagsusumikap at tiyaga at maagang natututong maging mga responsableng mamamayan kumpara naman sa karamihan sa mga batang taga-syudad gaya dito sa Metro Manila. Nakatutuwa naman ang batang iniinterbyu sa dokyu at siya’y naging titser sa kanyang mga kapwa-bata na tinuturuan niyang magbasa at makahabol sa mga aralin. Bihira na kasi ang mga kagaya niya, ano? 
*******
Disyembre 17. Sa wakas ay napanood ko na ang episode 7 ng “Star Wars: The Force Awakens”. Nakakabanas nga lang ang presyo ng ticket sa sinehan sa SM MOA pero gustung-gusto ko talagang mapanood ang nabanggit na pelikula na very astronomical, di bale na sa ticket, kundi sa sobrang ganda kasi. Siguro ang episode 8 ay sa 2019 pa; di ko lang napapanood ang mga “spin-off” flicks nito tulad ng “Rogue One”. Makalipas ng maraming dekada, magkakaroon din kaya ng film remake ang Star Wars? Ang sarap lang kasing mag-imagine na paano kung tugma sa fantasies ni George Lucas na marami talagang extraterrestrial civilizations somewhere in the universe, in a galaxy far,far away. Kung ang maraming tao dito sa Earth ay di naniniwalang may buhay sa malalayong planeta o galaxies, malamang ang mga nilalang naman doon ay hindi rin siguro sumasagi sa kanilang isipan na may nag-i-exist palang planetang tinatawag na Earth.
Pagkagaling ko sa panonood ng sine ay nagawa ko pang makarating sa Noel Bazaar sa SMX na last day nga ng araw na iyon. Di naman ako gaanong namili. Nakakalula ang dami ng exhibitors at mga shoppers! Pero ang mahal naman kasi ng mga tinda sa booth ng Team Manila; trip ko pa namang bilhin yung cap nila na may naka-embroidered design na Chinese characters at English translation nitong “West Philippine Sea”. Quirky, witty item, ain’t it?
*******
Ika-25 ng Disyembre. Maligayang Pasko!
Sa totoo lang, kahit Paskung-Pasko, muntik na akong mapaaway sa ilang kapitbahay at bwisita, este bisita nila. Paano ba naman, alas dos na ng madaling-araw, sige pa rin ang ingay ng party nila at di na kami makatulog. Kung di sila inawat eh di hanggang umaga na ang istorbong dulot nila at di namang maaaring dahil kasi Pasko ay pakisamahan na lang sila kung wala na sa katwiran ang pinaggagawa nila, ano? Ang nakapanggigil lalo kasi ay nang naulinigan ko yung mga bading na hosts nila na ‘Pasko naman daw kaya walang bawal-bawal’. Kung pwede lang magmura dito sa blog... joke. Beast mode on a Christmas day... sigh.
Well, anyways. Umusad ang araw ng Kapaskuhan na may maaliwalas na panahon kahit pa nag-uulan nitong mga nakaraang araw o may napaulat na bagyo sa bansa. Kailangang dumalo sa Misa.  Palipasin na ang mga hinanakit at sama ng loob na naganap nitong madaling-araw at ipanalangin din ang mga kapitbahay, ano? Napakagandang araw pa rin ito, the designated birthday of the Baby Jesus.
Nakalulungkot nga lamang at ang Pasko ng makabagong panahon ay heavily-commercialized and secularized na ang Christmas celebrations. Yun bang ang marami sa mga tao ay mas trip pa ang disruptive, bacchanalian parties gaya kagabi sa ilang kabahayan o di kaya ang magpaka-stress sa paghahanda ng isang bonggang noche buena ma-impress lang ang guests o di kaya’y bilangin na lang ang mga natanggap na regalo at iba pang uri ng aguinaldo. 
*******
Ika-30 ng Disyembre, araw ni Rizal.
Ang kasayahan sa karnabal ay lalong naging makulay sa maraming naririnig na tugtugan sa bawat tindahang maaaring panooran. May matitinis na tunog ng trumpeta. May nakatutulig na hampas ng tambol. May tila umiihip sa plawta. Mga tunog musikang kapag nagkasama-sama ay nakapagpapaindak sa mga binata at sa mga dalaga.
Nakadaragdag sa kaingayan ang maraming kalesang ikutan nang ikutan sa mga lansangan at nagbababa ng mga pasahero sa masayang peryahan.
“Tabi! Tabi! Tabi!” Oo, kailangang tumabi ka upang makaraan ang kalesa sa kalsada. Tabi! Tabi! Tabi! Isang katotohanang ang ingay ng tumatakbong kalesa ay nakadaragdag ng ibayong kulay sa perya.  ~~~hango sa Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo ng “El Filibusterismo” ni Jose Rizal.
Yun ang Quiapo na nakagisnan ni Rizal. Ang pook ay kabilang sa arrabales o suburbs ng Maynila na nakasentro naman sa Intramuros. Special mention ito sa ilang chapters ng El Fili bilang setting ng malaking karnabal kung saan meron dinarayong ‘pagtatanghal ng kababalaghan’ ng isang mystery American character doon na nagngangalang Mr. Leeds at ang kanyang di-umanong “Egyptian mummy” na si Imuthis na sa mahabang pagkukwento ng nakaraan nito ay mahihinuhang si Simoun na dating si Crisostomo Ibarra ang may pakana ng palabas dahil itinaong ang mga VIP guests ay mga Espanyol na may atraso sa kanya tulad ni Padre Salvi na nakakatawa sa kabanata na iyon dahil nahimatay sa kapraningan. At ang kasama niyang prayle na si Padre Irene ay sinabing kaya siya nawalan ng ulirat ay dahil sa sobrang kabusugan sa sopas na may itlog ng pugo!
Eh, ang Quiapo ngayon? Maingay at masaya pa rin pero may mga lugar nang nakaliligalig at nakaririmarim pa ang gulo at dumi. Ang di lang nagbago doon sa paglipas ng mga panahon ay isang sentro pa rin ng komersyo ng sekular na mundo at lalo naman ng pananampalataya lalo pa’t nasa puso nito ang Poong Nazareno. Sa mismong araw ni Rizal, kabilang sa mga pinuntahan ko sa Maynila, bukod sa aking yearly visita iglesia sa apat na simbahan- Sta. Cruz, Minor Basilica of the Black Nazarene, and National Shrines of St. Jude and St. Michael, ay ang naturang distrito. Di-mahulugang karayom sa dami ng mga tindahan at mga mamimili lalo pa’t nagsisipagbilihan na ng maihahanda sa media noche ang mga taong dumarayo doon. Lalo naman doon sa Excelente Ham sa Palanca, as usual. Natikman ko na ang ham na tinda doon. Kakaiba nga ang linamnam dahil ang traditional and time-tested recipe ang style nila. Hehe, nakabili rin ako ng mga kastanyas at ang red plums na para rin palang apples.
*******
December 31. Ang bisperas ng Bagong Taon and Solemnity of the Feast of the Holy Family. And looking back at 2017, what a year it was!
*******
Gallery of the Merry Christmas and Happy New Year







Ficus trees (balete) and Christmas displays at the Camp Jesus Villamor Air Base, Pasay City





Our media noche on New Year's Eve


Thursday, November 30, 2017

Blueberry Cheesecake


“Love me or hate me. That’s it. Just be yourself.
Be the badass that you are.”
“Tanggalin mo yung libog, and then you will see the woman.
You will see her like an angel na sobrang ganda.
So kailangan tanggalin mo yung pagkamanyak at pagka-creepy ng mga lalaki.”
“I can’t be alone. A woman drives me to become a better man, so tama yung kasabihan na
“Behind every successful man is a woman”.
Nagagalit ang ibang mga lalaki kapag nalaman nila na mas matapang pa ang babae sa kanila.
For instance, kapag may sakit, ang pain tolerance ng babae sobrang taas.
They’re goddesses. They’re more intelligent than men.
I like hearing their voices, so I don’t play around anymore. I learn from them.”
(excerpts from FHM Gent section interview with the controversial, self-proclaimed sapiosexual Baron Geisler; courtesy of FHM October 2016 issue; 
published by Summit Media;
at ang back issue na ito ay nabili ko pa sa Booksale branch sa SM City Sucat, Parañaque)

*******
The vast open area of Villamor Air Base Elementary School through different years

Way back in 2011

2014

2017- back to the way it used to be!
*******
Kapag vacant period ko mula sa aking trabaho sa VABES, madalas ay I would just sneak out sa back door exit ng aming campus kung saan paglabas doon ay South Superhighway na (mag-ingat lang sa paglalakad dahil makitid ang pedestrian sidewalk sa gilid nito) at tapos kaunting lakad lang, masilayan mo na ang gate ng St. Alphonsus Liguori Parish ng kalapit na Magallanes Village and the towering Asia Pacific College, nasa Makati ka na. Ang dinarayo ko kasi doon Shell Station kung saan may mga palamunan, este, mga restaurant and convenience store. Minsan, kapag trip ko ng ibang klaseng meryenda, gusto ko ng pastries mula sa Shell selections and coffeeshop, eh! At pagkabili, hay, ang bilis lamang bumalik sa school. Sarap ng choco roll na parang croissant at lalo na yung blueberry cheesecake. Yummy!
*******


(first three pictures taken at Madame Tussaud's, Siam Paragon, Bangkok)



Nobyembre 4. Pinanood ko ang first of the documentary series of 18th anniversary specials ng “I-Witness” sa GMA-7. Nagtungo ang journalist na si Kara David sa Chiang Mai na nasa northern Thailand na upang i-cover ang tungkol sa kalagayan ng mga elepante. Kaawa-awa rin ang lagay ng mga gentle giants na ito sa tourist shows; mapapanood na nagbibigay-aliw sila sa mga turista pero pagkatapos ng pagtatanghal ay ikukulong na sila pagkatapos ikadena ang kanilang mga paa. At ang kanilang mga mahouts ay armado rin ng mga kahoy na dos por dos na meron pang matalas na hook sa dulo nito na ipinampapalo raw sa kanila kung di sila sumunod. Ang paliwanag ng kinauukulan ay para raw huwag gumala ang mga elepante at mamerwisyo sa mga residential areas at kabukiran. Binisita rin ni Miss Kara ang tanyag na elephant sanctuary ng Chiang Mai na pinangangasiwaan ng ethnic groups na yung marami sa kanila ay mga refugees galing Myanmar. Ang naturang sanktwaryo ay napakaganda at napakapayapang lugar na napalilibutan ng mga bulubundukin at maraming ilog at ang mga elepante ay tahimik na namumuhay nang malaya; ang ilan sa kanila kasi ay naging biktima ng pang-aabuso at sinagip ng mga nagmamalasakit na NGOs doon. Nakapanayam din ang Karen ethnic tribes na nangangalaga rin sa hayop. Meron din matutunang aral mula sa kanila tungkol sa pagmamahal sa kalikasan. At ang mga elepante ay kabilang sa mga kayamanan ng kalikasan.

Nang nasa Bangkok kami nitong Oktubre, wala akong nakita ni isang elepante; palibhasa, di man lang kami nakapamasyal sa zoo doon. Noong namasyal ako sa Manila Zoo, nasilayan ko ang kaisa-isang elepante sa Pilipinas, si Mali. Mula sa pagiging regalo ng Sri Lanka na dumating noong panahon ni Marcos, siya na ang “Queen of the Manila Zoo”. Dahil matagal na siya doon, ano kayang iniisip niya? Minsan kaya sumagi sa kanyang isip na isa na rin siyang kaisa ng mga tao gaya ng mga tagapag-alaga niya at mga bumibista sa kanya? Paano kung natupad ang matagal nang pangarap ng mga animal rights activists na ihatid na siya sa elephant sanctuary na iyon sa Chiang Mai? Makakapag-adjust kaya siya ?

Way back in 2006, ginanap noon sa Araneta Center-Cubao ang napaka-ambisyosong dagdag-atraksyon daw, ang “Elephant World Show”na pagtatanghal ng isang Thai company. Pero isang maalinsangang araw, ang alpha male elephant nila ay nakawala at nakatakas mula sa mga mahouts nito. Malayu-malayo rin ang narating ng pamamasyal ng isang yun sa Quezon City at nahirapan ang mga awtoridad na mahuli ito. Kaawa-awang hayop nang tinarget ng tranquilizers tapos bahagyang nadaganan pa nito ang isang nakaparadang sasakyan sa tabing-kalsada nang nawalan ng malay. At pagkatapos ng insidenteng iyon, hindi na nagdaos muli ng elephant shows sa Pilipinas.

*******

Nakabili ako ng 65-peso 1986 edition pocketbook “French For Travellers” mula sa Berlitz. Sa totoo lang, ang gusto ko talaga ay Castillian Spanish  for self-study subalit my, oh, my... French is such an elegant language! Mahirap nga lang dahil di dapat literal ang pagbigkas sa written words di tulad sa English, Spanish, Portuguese, and Italian ngunit masaya rin, a. Subukan ko nga dito sa blog ang ilang natutuhan ko:
Bonjour! Je ne parle pas bien Français, s’il vous plâit. Au moins je voudrais Ă©tudier cette belle langue. Un instant, combien de temps je ferai Ă©tudier jusqu’Ă  je devenir bon dans Français?Ma Français voici est-il si mĂ©diocre? Oh, bien... pouvez-vous m’aider amĂ©liorer ma Français enfin? Merci.
(Good day! I don’t speak much French, please. At least, I’d like to study this beautiful language. Wait, how long I should study until I become good in French. Is my French here that poor? Oh, well... can you help me improve my French anyhow? Thanks.)
Hay, matatagalan pa nga bago ako maging cabisote man lang ng wikang Pranses, hehe! 
*******
Nobyembre 13. Nagsimula na ang ASEAN Summit. Makasaysayan pa ito dahil ika-50 anibersaryo pa at mapalad ang Pilipinas para pangunahan ang nabanggit na event. As usual, mga tatalakayin ay ang tungkol sa progreso- kabuhayan, kalakalan, teknolohiya. Pag-uukulan din ng pansin ang mga isyu sa seguridad at pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan ng ASEAN nations gayundin ang tungkol sa mga karapatan ng mga migant workers. Kaya lang, ayon na rin sa paliwanag ng kinauukulan, ang summit ay hindi raw platform para sa konkretong solution sa matagal nang “Rohingya Muslims’ Crisis” sa Myanmar; ang gobyerno ng bansang iyon ay matagal nang binabatikos dahil sa human rights abuses against the ethnic tribes and hundreds of thousands fled to neighboring countries of Bangladesh, Thailand, and Malaysia. Kinondena na ng United Nations ang atrocities sa ethnic minorities. Pero bakit ang democracy icon na si Aung Sang Suu Kyi ay nananahimik lang?
Hay, ASEAN Summit... basta, pag may ganitong malaking event, di mawawala ang mga kilos-protesta ng mga emosyunal na militanteng grupo na para sa kanila lahat na ng presidente ng Pilipinas ay hindi nila gusto at mas lalong nakundisyon na ang isipan nila na ang gobyerno ng Amerika ay masama. Bukod sa bumabahang bugso ng damdamin, ang ilang sa kanila ay busy sa pag-vandalize ng mga pampublikong lugar at pati tarpaulin na nakapaskil na wala namang kinalaman sa events ay bababuyin pa ng mga bopol na kasama nila na kung di mga nasobrahan ng emosyon o dunong (kung estudyante sa mga ‘progresibong pamantasan’) eh, hehehe, may sahod malamang sa pagsali-sali sa rally, ano? Ang gusto siguro ng mga aktibistang ito, ang lider ng Pilipinas ay dapat isang clone ni Vladimir Lenin o Karl Marx o nagtataglay man lang ng genes ni Che Guevarra; at pagkatapos, kung sakaling dumating ang sandaling ang pamumuno ng ‘ideal leader’ nila ay hindi na naging maayos alinsunod sa kanilang mga pamantayan at inaasahan, babalik na naman sila sa mga kalsada na nakataas ang mga kamao habang sumisigaw-sigaw ng “Makibaka! Huwag matakot!” Makalipas ng ilang sandali, nariyan na ang mga hukbo ng komunistang gobyerno, paghuhulihin ang mga militanteng grupo at ikukulong sila sa mga gulags bilang kaparusahan sa aktibismo nila. Hehehe, satire in the form of this essay.
As for the heads of state who attended the ASEAN Summit, Donald Trump will never be the darling of the crowd because it was bestowed already to Canadian Prime Minister Justin Trudeau lalo pa nga nang binisita nito ang isang women and children’s clinic sa Tondo at pagkatapos ay pumasok pa sa kalapit na Jollibee para mag-takeout orders. Hindi naman siya nagbibingi-bingihan tungkol sa matagal nang umaalingasaw na “Canadian garbage woes” na ini-export ng bansa niya noong 2013 pa at dapat ibalik yun sa kanila, a!
*******
Nobyembre 18. Maaliwalas ang panahon na kahit bahagyang maalinsangan, gusto ko ito dahil masigla ang aking dugo. Tulad ng aking tradisyon taun-taon, ang aking nine-night recitation ng aking St. Jude’s Novena at sa mismong araw na ito, ang Rosary and Chaplet of the Divine Mercy. Habang papuntang ako sa Dugong Bombo na ginanap muli sa SM Manila, nagkataong nakasakay ako sa isang grabe ang siksikan na LRT! Mabuti at may isang mapagmalasakit na babae na hinawakan ang kamay ko dahil wala akong makapitan sa kapal ng dami ng pasahero sa bagon. God bless her. Pagdating sa event, ang haba ng pila tapos yung maliit na bakanteng pwesto na inilaan sa mismong blood donation, akala ko bodega. Anyways, all’s well. Mas marami lang nga siguro ang donors’ turnout ngayong taon. Ang nakaligtaan ko nga lang ay dapat uminom ako ng sapat na tubig prior to blood-letting. Medyo nagtampo tuloy ang artery ko dahil natagalan ang blood flow. Maraming salamat sa Panginoong Diyos, ako’y naging qualified blood donor muli.
*******
Nobyembre 19. Napanood ko nitong gabi ang televised program ng katatapos na “Reina Hispanoamericana 2017” mula Bolivia kung saan nanalo si Miss Philippines Teresita Ssen “Wynwyn” Marquez samantalang first time pa lang sumali ng Pilipinas na tanging Asian country doon ngunit mayroon din Hispanic heritage just like the Latin American countries. Simple lamang na beauty pageant pero masaya lalo na para sa mga Pinoy.
*******
Makailang beses na nga na kapag naglalakad ako sa daan tapos may makasalubong akong ilan sa mga batang naging mag-aaral ko noon tulad ng mga mula sa huling advisory class na hinawakan ko, iniiwas nila ang paningin nila. Tsktsktsk! Damn it, had I become a monster that time? At nitong isang araw lamang, naglalakad ako papuntang kompyuteran nang namataan ko sa malapit itong bata na high school na ngayon. Tinakpan niya ang pagmumukha niya at pagkatapos ay tumalikod pa. Akala niya’y hindi ko na siya kilala. Sinusulyap-sulyapan ko siya habang ako’y dumadaan noon at pagkatapos ay bahagya niyang sinundan ako ng tingin at kahit ilang microseconds lang iyon, nagtagpo ang aming paningin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkabalisa at bakas sa mukha niya ang ligalig na animo ang nakita niya ay maligno sa halip na titser niya noong Grade 5 siya. Ang isang yun ay pagpapasaway lagi ang gawa noon sa klase. Sa totoo lang sa kakaibang tagpong iyon sa daan, para bang gusto kong palitawin muna ang original kong pagkatao kapag wala sa paaralan at pagtripan emotionally yung ugok makita muli ang facial reaction niyang iyon na nasisindak dahil sa aking malamig na presensya bilang multo mula sa nakaraan na bigla na lang sumusulpot sa paligid ng tulad niyang wala namang respeto sa akin. Hehehe, satire in the form of this essay.
*******

Sa wakas, nakabili na ako ng Playboy magazine Philippine edition mula 7-11! Bi-monthly ang publication ng Playboy Philippines. Panlalaki raw ito... no way! Eh, gusto ko rin magbasa, hehe! Iba’t ibang features naman ang tinatalakay dito pero umiikot pa rin ang reputasyon nito sa mga litrato ng mga tsiks, the Playmates! Artfully done naman ang mga seductive photos (na sana’y di na-photo-shopped!), ngunit ang malaking pinag-iba nito sa FHM, merong ‘exposures’ kaya tuloy nagkaroon ng soft porn effects lalo na para sa mga readers na lalakeng di maawat ang paninigas... ng panga nila sa pagkatulala sa mga nasisilayang kagandahan sa magazine!
Sa totoo lang, kaya ako bumili ay inaabangan ko kung sa issue nito ay merong cover story tungkol sa founder nitong si Hugh Hefner na payapang namaalam noong Setyembre pa pero sa halip ay ang tungkol sa kanyang struggles para maging comic artist noong kabataan niya lalo pa’t may talent pala siya sa arts. Kaya lang, ika nga sa kasabihang “when life throws you lemons, then make a lemonade”, hindi ang maihanay sa mga tulad nina Charles Schulz, Stan Lee, at iba ang naging kapalaran niya because there was something more than comics daydreaming and then came... Playboy. Ang lolo kasi nating ito ay flamboyant man lalo na tungkol sa women’s affairs, nananatili pa rin elusive all his life. He amassed great fame and fortune and all the beautiful women he could have but not true love.