This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Tuesday, October 31, 2017

Manila Cuyapo, Bangkok Lotus


Oktubre 4. Kapistahan ni St. Francis of Assisi. Marami akong nasisilayang ibon lalo na ang mga maya. Maaliwalas ang panahon hanggang gabi at tamang-tama dahil flight patungong Bangkok ng aming grupo- ako, ang nanay, at tatlo naming kamag-anak na mga tita at pinsan ko. Actually, first time kong nakapasok sa Ninoy Aquino International Airport- Terminal 1 at mas lalo rin, ang unang beses kong makapag-abroad at sa Thailand pa na gusto ko ring mapuntahan noon pa kasi kung papipiliin ako sa mga Southeast Asian destinations kasama ang Hong Kong at Macau, ang bansang yun ang trip ko mula nang nakita ko sa aming encyclopedia ang article tungkol doon, lalo na ang mga templo.


Okey naman pala sa NAIA-1. Bakit pa tuloy pa rin ang reklamo ng ilang maarte na kabilang ito sa worst airports in the world? Nang nakapila na kami sa immigration counters, natunghayan ko mula sa mga bintana nito ang isang napakagandang sunset sa direksyon ng Manila Bay. Mabilis lang ang short interview sa immigration at sa wakas, may tatak na ang aking passport na noong 2014 pa ako nag-aplay para dito. Nang nasa passenger departure area na kami, ang daming pasahero patungong Bangkok. Halu-halong lahi. Yung dalawang magkatabing mama na nakaupo sa kabilang row ay parehong nagtetelebabad sa cellphone nila. Isang Pilipino at isang taga-Thailand. Eh, di nagkakarinigan pa ng Bisaya at wikang Thai. Well, dahil parehong Southeast Asiatic, magkahawig ang mga Pinoy at mga Thai at kung magkakasama ang mga ito, mahirap i-distinguish hangga’t hindi nagsasalita. Napakinggan ko na ang wikang Thai sa international TV channels. Merong distinct tone ang salita nila. At ang hahaba ng mga pangalan ng mga tao doon. Maraming Thai films na rin ang nai-export sa Pilipinas bukod sa kanilang Muay Thai kickboxing.

Sawasdee. Nasa economy class kami ng Thai Airways. Talagang purple or violet na may saffron yellow accents ang kanilang official colors mula sa logo, pintura ng eroplano, bahagi ng uniporme ng flight attendants, at pati kumot at sigurado pati sa airport nila. Kulang na lang ay ang puto bumbong, ube halaya, at hopia ube ng Eng Bee Tin, hehe! Seriously, ang ganda ng serbisyo sa Thai Airways. Unang beses ko rin natikman ang Thai cuisine tulad ng green curry chicken with rice sa inihain nilang onboard meals. Makalipas ng tatlong oras at ilang minuto, lumapag na sa Suvarnaphumi Airport ang aming Boeing. Nakalulula ang di-maliparang uwak na paliparan  na ewan ko kung ilang porsyento ang laki nito kumpara sa NAIA. Palalim na nga ang gabi nang makarating kami doon; ahead nga pala ng isang oras doon sa Pilipinas.



Ang layu-layo pala ng airport mula sa city proper mismo pero meron kasing convenient airport link na mala-skyway ang haba. Marami namang masasakyan patungong syudad. Bilingual na ang mga road signs sa paligid at kahit saan kasi nga ang Thailand ay isa sa mga nangungunang bansa pagdating sa turismo. Napansin kong tanging “road” lang ang label nila sa mga pangunahing lansangan tulad ng Rama IX Road at yung “soi” ay tumutukoy sa mga karaniwang kalsada at walang ‘boulevard’, ‘highway’, ‘avenue’, ‘expressway’ ,  ‘drive’,  ‘lane’ at ‘street’.

My oh, my... Bangkok at night. Tahimik na tahimik. First time ko pang nadama ang pagiging isang foreigner. Maraming salamat sa Panginoon, ang biyahe ay maayos at banayad.


Oktubre 5. First morning. Nang dumungaw ako mula sa bintana ng aming hotel suite sa may Soi St. Louis 3 na malapit sa Sathorn Road, kay ganda ng view. Parang nasa Makati lamang ang kinalalagyan namin. Nandito kami sa ibang bansa ngunit ang pakiramdam ay hindi nalalayo sa Pilipinas. Yun bang pakiramdam na nagbakasyon kami sa iba pang lungsod sa probinsya.






Pleasant weather. Sightseeing tour mula sa aming taxi... hay, ang saya naman! Malilinis naman sa maraming kalsada at nalilinyahan ng mga puno. Safe and sound. Nagtungo kami sa isa sa mga pinakakilala at dinarayong temple complex na malapit lamang sa Grand Royal Palace, ang Wat Pho. Ang official name nito ay Wat Phra Chetuphon Vimolmangklararn Rajwaramahaviharn. Kamangha-manghang templo lalo na yung napakalaking Reclining Buddha. Sayang nga lang at hindi ako nakabili ng kahit isang maliit na figurine nito at may Buddha collection pa naman kami sa bahay kahit hindi naman kami mga Buddhists. Madalas nga ay ginagaya ko yung meditative posture ng Buddha ng Thailand. Hindi naman yun lotus position pero kung di sanay eh, masakit din sa mga binti kapag tumagal nang husto, hehe! I love Wat Pho.















Sayang at hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong makapunta sa kalapit na Grand Palace at sa Wat Phra Kaew or Temple of the Emerald Buddha. At mas lalong naghinayang ako na hindi man lamang nasilayan ang Wat Arun or the Temple of Dawn across the Chao Phraya River at mula nang nakita ko ang litrato nito sa encyclopedia, yun din sana ang gusto kong mapuntahan. Well, bumili na nga lang ako ng postcards at anong malay ko na makakapunta uli ako sa Thailand balang araw.

Ganito kasi. Noong nasa Bangkok kami, mga ilang linggo na lamang ay naka-schedule na ang royal cremation para kay King Bhumibol Adulyadej na pumanaw noong nakaraang taon pa. Kaya pala mula Wat Pho, natanaw ko ang isang lugar sa labas nito na natatakpan ng mga trapal at merong towering steel structure na tinatapos pang gawin. Crematorium daw yun. At karamihan sa mga mamamayan ay nakasuot ng itim bilang paghahanda sa isang solemn state funeral. Siyanga pala, karamihan sa mga pangunahing lansangan sa lungsod ay nalilinyahan ng mga potted marigolds o amarillo. Dilaw ang royal color ng bansa. Hindi ko alam kung ano ang local name nila para sa amarillo pero ito ang madalas na flower offerings sa mga templo at mga maliliit na shrines. At nabasa ko na national flower din daw dito ang namumukadkad na golden shower tree.



Si King Chulalongkorn ang pinakakilalang hari ng Thailand. Subalit sa makabagong panahon simula noong 20th century at naging constitutional monarchy man ang uri ang pamahalaan sa bansang dating kilalang Siam, si King Bhumibol ang most-loved, most popular, and hands-on monarch na pinaunlad ang agrikultura sa kaharian at nagpapanatili ng pagkakaisa doon sa kabila ng mga napapaulat pa na magulong political situation at papalit-palit na mga namumunong prime ministers. Nadisgrasya sa pulitika noon si Thaksin Shinawatra pero para sa international community, siya pa rin malamang ang pinakakilalang Thai state leader at para sa mga Pilipino, napagkakamalan siyang look-alike ng iconic crooner na si Jose Mari Chan.

Nakapag-state visit na raw noon sa Pilipinas sometime noong panahon ni dating Pangulong Marcos, ang hari kasama ang kanyang si Queen Sirikit.

Gallery as a tribute to the king






*******
Dalawang beses na akong nakasakay sa sikat na sikat na mode of transport ng Bangkok, ang tuk-tuk. Taxicle kungbaga, hehe! Siyempre, para sa aming mga Pilipino, ang tawag talaga dito ay tricycle pero ang disenyo nito ay nahahawig sa mga environment-friendly racal e-trikes na nagsisimula nang dumami at tinatangkilik na ng commuters tulad ng mga biyaheng Quiapo-Divisoria. Naku, hanggang apat na pasahero lang talaga ang sakay ng tuk-tuk tapos ako yung ikalima kaya tuloy, sa sahig nito ako nakaupo at nakakapit ako ng mahigpit kasi nakakatakot minsan at walang harang sa gilid nito at ang bilis ng pagmamaneho nung mama.



At ang isa pang pampublikong sasakyan at talaga namang pang-masa ay yung version nila ng Pinoy dyipni kahit na hindi ganoong kaakit-akit sa totoo lang (sorry, Thai drivers) pero napupuno rin yun ng pasahero at may mga nakasabit pa sa likuran. Kadalasan ay mga lumang Nissan pick-up vans na nilagyan ng bubong. Yung isa pang sasakyang tinatangkilik ng Thai commuters na gustong umiwas sa heavy traffic ay mga motorbikes kung saan ang mga lisensyadong drayber ay nakasuot ng tsaleko na may numero samantalang dito sa Pilipinas, habal-habal ang tawag doon na ipinagbabawal na sa Metro Manila pero pwedeng-pwede naman sa mga probinsya.

Hehe, nakapaglakad-lakad din kami sa mga kalsada ng notoryus na lugar na ito. Front lang malamang yung night bazaar dahil ang nagbibigay ng kasikatan sa Patpong ay ang dinarayong night spots and red light district with the so-called sex tourism alongside wholesome entertainment naman brought about by ‘lady boys’ and action-packed boxing matches. Tapos sa isang nadaanan naming bar, yung bouncer ay nagtatawag na sa mga dumaraang turista na ‘ping-pong show’ daw. Ano yun? Later on, I did a little research... damn it, akala ko table tennis exhibition games; yun pala, yung ping pong ball ay ihahagis ng kostumer para mai-shoot sa... ay, di bale na nga! Hihi, kakadiri naman, o!  

City tours. Mainam at bilingual na ang signboards sa mga pampublikong lugar tulad ng isang ito sa Wat Pho na kahit agaw-pansin ang grammar. Maraming Thai ang nakakapagsalita na ang English kahit ilang salita o parirala man lang dahil sanay na sila sa mga turista lalo pa’t ang kanilang bansa ay kabilang sa mga nangunguna sa turismo sa mundo. Ayon sa lady driver ng taxi na sinakyan namin, maraming Filipina teachers sa Bangkok at nagtuturo ng English. Madali rin namang ‘kausap’ ang mga locals tulad na lang kapag may bibilhin ang mga turista, palaging meron silang dalang calculator lalo na sa tawaran. Minsan nga ay nakikipag-usap kami in English sa mga tao doon tapos sumasagot sila sa wika nila nang madalas pero kahit papaano meron pa rin significant na pagkakaintindihan. “Land of Smiles” daw ang Thailand lalo na sa Bangkok na kahit maraming locals ang hindi masyadong makapag-English ay sapat na ang mga ngiti nila.

Land/City of Smiles... I don’t agree much with this title which has been bestowed by the international community upon Bangkok and the rest of Thailand, honestly. Any city or country anywhere in the world can be called “land of smiles” be it in the stressful side of Metro Manila, Kabul, Baghdad, and Darfur as long as the people, despite the hardships they endure, manage to move on in life with hopes and dreams and happily wear a sweet smile to brighten up each day, the term called “joie de vivre”. Marami sa mga napuntahan namin sa Bangkok, hehehe, yung ilang tao ay hindi rin naman palangiti, eh. Siguro ay stress din sa trabaho nila at mga di-maiiwasang pag-aalala o suliranin sa pang-araw-araw.




Basta Thai cuisine, maanghang na marami ang rekado bunga ng Indian influence tulad ng pad thai, green curry, at tom yum. Kahit yung nasa localized menu ng mga fastfood chains nila na grabe ang rekado sa fish fillet rice toppings at sa hamburger! Pero ang traditional Thai cuisine ay malasa at masustansya dahil din kasi maraming luto sa gulay at mga sahog na herbs. Masasarap din ang mga prutas sa bansang iyon. Di pa ako nakakain sa isang Thai resto dito sa Pilipinas pero kilala rin ang mga putahe nila. Pero when it comes to sinigang vs. tom yum goong? Sinigang pa rin! Saan kaya sa Bangkok ang mga restaurant at karinderya ng mga Pilipino? Wala nga sa mga malls nila na pulos Japanese and Chinese resto naman!

Kabilang din sa mga napuntahan namin ay ang Madame Tussaud’s Wax Museum sa Siam Paragon na nasa high-end mall complex ng syudad. Exciting ang pumunta doon. Nakatutuwa ang mga life-size wax figures ng mga kilalang tao mula sa larangan ng politics, music, arts, science and technology, sports, and showbiz.

Pero nakukulangan ako sa mga naka-exhibit. Siguro may mga napalitang figures dahil di naman nagtatagal ang wax, di ba? Wala man lang representative na Pilipino sa gallery of Southeast Asian state leaders and heroes! Hindi nila kilala si Jose Rizal! O, siguro, dapat ay iniisa-isa ko ang mga nakahilerang printed biography with picture ng mga lider ng mga bansa at baka kasama naman pala doon ang tungkol sa isa man kina Marcos, Cory, o Duterte.  At ang isa pang puna na dapat ay inihayag ko sa feedback kiosk ni “Jim Carrey” sa museum exit ay tungkol sa photo gallery na ito.

Bakit sa dinami-dami ng kilalang tao ng 20th century, isinama pa nila ang litrato ni Adolf Hitler? Kung pwede lang mag-suggest sa may-ari ng museum na ito, sana ang larawan na lamang ni General Douglas MacArthur o si President Cory na first female president in Asia. Bakit wala si Saint Pope John Paul II na nakabisita na rin noon sa Thailand at kay King Bhumibol at kabilang din sa mga pinaka-maimpluwensyang lider sa kasaysayan? Well, at least , hindi naman na-bypass si St. Mother Teresa of Calcutta. Mabuti naman.


Bukod sa MBK mall, nakapamili rin kami sa mala-Divisoria/Baclaran combination ng Bangkok, ang Chatuchak Weekend Market na halos nasa city outskirts na. Nakalulula ang lawak ng mga pamilihan at karamihan talaga ay mura basta makapal ang iyong Thai Baht sa bulsa. Ang dami rin ng aming pinamili lalo na mga souvenir  t-shirts, refrigerator magnets, keychains at iba pa. Marami rin garments and accessories ang nakakarating din sa mga pamilihan sa Pilipinas. Lahat ng mga abot-kayang t-shirts na nabili ko noon sa Liana’s Supermarket and Department Store sa Taft Rotonda dito sa Pasay, made in Thailand ang mga yun at maganda ang quality.

*******

Oktubre 8. Madaling-araw pa lang at tulog pa ang lungsod, nakapag-empake at nakagayak na kami patungong airport. Natanaw ko ang maaliwalas na langit at ang konstelasyon ng Orion. Ang bilis lang ng biyahe papuntang Suvarnaphumi at mangilan-ngilan pa lamang ang mga pasaherong naka-check in na doon.



Excited na kaming umuwi sa Pilipinas. Patuloy ang maaliwalas na panahon kahit maulap pag-uwi namin. Maraming salamat sa Panginoon, ang lakbay ay maayos at banayad pa rin tulad noong papuntang Thailand. I miss Bangkok agad-agad pag-take off pa lang ng eroplano ng Thai Airways sa airport. Sana sa muling pagkakataong makapamasyal uli doon, nais kong mapuntahan ang ilan pang dinarayong templo at iba pang tourist spot na hindi namin napuntahan dahil ang ikli ng aming bakasyon doon.

Saturday, September 30, 2017

Azucar de Muscovado


Setyembre 1. Sa first Friday of September, 2017 tumapat ang Islamic holiday na Eid’l Adha at ito ay idineklarang special non-working holiday. Feast of the Sacrifice ang kahulugan nito sa English; yung mga teroristang hanggang ngayon ay naghahasik pa rin ng kaguluhan at dalamhati sa Marawi at iba pang lugar sa mundo, alam din ba nilang magsakripisyo ng kanilang buhay sa pagtalikod na sa kanilang mga buktot na ideolohiya at kahibangan upang maibalik na ang kapayapaan at kaayusan sa buhay ng napakaraming taong ginawan nila ng di-mabuti?

UPDATE para sa sanaysay na ito: Oktubre 16. Maugong na news headlines sa araw na ito ang pagkakapatay sa dalawang top leaders ng ISIS-inspired Maute-Abu Sayyaf terrorist group. Dahil sa tip ng isang nailigtas na bihag, natunton ng militar ang pinagkukutaan ng  mga ito at rat-tat-tat-tat-tat-tat... sapul sina Omar Khayyam Maute at ang hinirang daw na ‘emir of the Southeast Asian caliphate’ na si Isnilon Hapilon! Isinapubliko pa ang mga graphic images nila at kulang na lang ay iparada na ang mga bangkay nila sa buong Marawi bilang war trophies at sila naman itong pasimuno ng dalamhati  ng libu-libong mamamayan at pagkawasak ng dating maringal na lungsod, tsktsktsk! Nakakatakot tingnan yung mga litrato pero yung kay Hapilon, palibhasa ay buo pa ang katawan niya matapos mapuruhan sa may dibdib, tila ba ipinikit na lang niya ang mga mata upang tuluyan nang mamahinga mula sa wala namang saysay na ipinaglaban nila. And a couple of days later, idineklara na ng pamahalaan na malaya na ang Marawi, ang mga bakwit ay maaari nang umuwi, at tutugisin pa rin ng mga sundalo at pulis ang mga natitirang terorista. Isang malaking hamon di lang para sa pamahalaan kundi para sa buong bansa ang tulungang makabangon ang Marawi.

*******

Setyembre 9. Isang araw pagkatapos ng traditional nativity feast ni Mama Mary, nagsadya ako sa isang visita iglesia sa Shrine of Mary, Help of Christians sa may Don Bosco-Better Living, Parañaque. Napanood ko sa balita na ang simbahang nilapastangan at sinunog pa ng mga demonyong terorista pagkatapos dukutin ang ilang tao kabilang na ang parish priest, ang St. Mary’s Cathedral ay may kahalintulad na official name- Our Lady, Help of Christians. Bagamat Muslim city ang Marawi, merong Catholic residents pa rin doon. At may nabasa ako na si Mama Mary ay kabilang sa mga perfect, holy women of faith according to Islamic scholars. At mas lalo naman sa Kristiyanismo.

Hindi madaling mahanap ang naturang shrine lalo na para sa isang commuter na tulad ko na galing pa sa ibang lungsod. Naligaw ako sa malalawak na subdivision bago ako makarating sa simbahan na nasa gitna pala ng residential area. Isa nga pala akong ‘alien’ na napadpad sa suburban side na ito ng malaking lungsod ng Parañaque.  At saka yung mga sign boards na nagsasaad ng directions patungo sa shrine ay hindi accurate sa totoo lang at sana mas linawin pa nila ang mga ito upang makahikayat pa ng mas maraming pilgrims; kaya nga bago ako umalis sa simbahan, nag-iwan pa ako ng maikling liham sa may thanksgiving box doon at dito ko inihayag ang bahagya kong pagkadismaya though it was a good-natured comment subalit higit na nangibabaw ang aking pasasalamat na nakarating ako dito nang payapa kaysa sa kapaguran ko mula sa biyahe; just like what the Lord said, “... for My yoke is easy and My burden is light. Come and I’ll give you rest.” 

*******

Setyembre 16 at 17. Sa mga maalinsangang araw na ito, nakadalo ako sa Manila International Book Fair na muling ginanap sa SMX Convention Center, SM Mall of Asia. Nakakabanas nga lang ang sobrang haba at tagal ng pila sa entrance dahil higit daw ang dami ng mga taong nagsadya sa naturang event ngayong taon. May mga nabili rin akong mga aklat at iba items mula sa mga booth ng exhibitors doon.

Kabilang nga pala sa mga binili ko ay ang aklat ng mga kwento ng isa sa mga pinakamahusay na Filipino fictionists, si Nick Joaquin. Collection of four lengthy short stories na talaga namang kapana-panabik ang tema. Ang pinakagusto ko doon ay ang “Doña Jeronima” na malamang ay na-inspired ang may-akda mula sa isang kabanata ng “El Filibusterismo” ni Jose Rizal kung saan ang mga tauhan doon ay nagkukwentuhan ng mga alamat mula sa Ilog Pasig habang naglalayag ang Bapor Tabo nila patungong Lawa ng Laguna.

At saka, nakabili rin ako mula sa Tradewinds booth ng Mangyan Ambahan poetry na inukit sa kawayan at native bamboo musical instruments kabilang ang Maranao kubing (jaw harp/ Jew’s harp). Later on, nakabili rin ako ng isa pa nito sa isang souvenir shop sa Quiapo na mas mura pa nga. Nakatutuwang patugtugin ang kubing. Di lang ako makapaniwala na ginagamit pala ito bilang bahagi ng paghaharana noon! 




*******

Setyembre 21, 2017, ginunita ang ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar. Man, at times did I sigh mula nang ipinatupad ang K to 12 curriculum dahil kabilang yun sa mga hindi na ituturo sa Ikalimang Baitang at labis akong nanghihinayang. Sana, balang araw ay makapunta ako doon sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City at sa EDSA Shrine. At sana, sa araw na iyon, maginhawa nang sumakay sa MRT!

*******

Setyembre 27. Teachers’ Day celebration ng Pasay City Division at ginanap muli sa Cuneta Astrodome. Naka-uniform ang mga guro ng kulay maroon na polo shirt at para kaming sasama sa Traslacion ng Nazareno sa Quiapo. Grabe, ang daming dumalo pero sana mas maaga naman nilang sinimulan ang palatuntunan kasi umabot hanggang gabi na. At merong raffle draws. Nainip ako. Umiral ang pagkabagot na ito at ang pag-aalala na makauwi na agad dahil ang hirap-hirap mag-commute pauwi kung sasabay sa sanlaksang tao.  Later, pagdating ko pa lang sa bahay, I was informed na nabunot pala ang pangalan ko sa raffle at ang dalawang libong pisong para sa akin sana ay forfeited na.

Tsktsktsk! Great. Ngunit sa aking pagdarasal at pagmumuni-muni, na-realize kong ang hindi naman pala para sa akin ay hindi talaga para sa akin. Huwag na akong manghinayang pa.

*******

Ngayong Setyembre, simula na ng bagong season ng paborito kong serye mula sa History Channel, ang “Ancient Aliens”. Ang gaganda ng mga episodes ng kasalukuyang season nito gaya ng tungkol sa reincarnation at ang maaaring extraterrestrial connection nito. Actually, makailang beses akong skeptic sa paniniwalang ito tulad ng sa scientific cloning na isa namang likely solution para sa muling pagkabuhay ng kahit anong nilikha sa mundo. Hindi nagkaroon ng puwang sa mga paniniwala ng Kristiyanismo ang reincarnation at ang tungkol sa sinasabing transmigration of souls ay yaong kapalaran sa kabilang-buhay. Pero anong malay ko kung reyalidad na pala yun ng cycle of life di lang dito sa Mundo kundi sa Universe mismo. Siguro kung hindi pa nakatakda sa kabilang-buhay ang isang kaluluwa ay maglalakbay pa siya at magkakaroon pa ng bagong anyo sa bagong buhay.

Thursday, August 31, 2017

Pink Hibiscus






My favorite variety and color of gumamela (hibiscus)


*******


Lately, pulos mabibigat na balita sa pagsisimula ng Agosto: kamatayan ng mga pulitikong may kinasasangkutang kontrobersya na nanlaban di-umano kaya niratrat daw ng mga pulis. Ang isa pang balita ay tungkol sa pagkakapuslit daw sa bansa mula China ng shabu na nakapanlulula ang tinatayang street value at dahil daw sa kapabayaan ng Bureau of Customs. Man, Nicanor Faeldon’s in the boiling hot seat dahil hindi raw sumunod sa mga tuntunin ukol sa mga sensitibong kaso tulad ng ganoon. Hay, noon ay pangarap ko rin magtrabaho sa BOC sa totoo lang, hehehe! Gusto ko yung taga-inspect ng mga karagamento sa mga piyer o airport at baka may mga kontrabandong nakakapuslit; B.S. Customs Administration sa AIMS pa naman ang unang kurso ko, o! Sa mga kagawaran tulad sa mga adwana, mahirap ba talaga ang maging ma-prinsipyo at tuwid kung naririyan ang mga kababanggain mo na handang lumamon sa iyo sa kabila ng malinis mong pagtupad sa tungkulin?


Agosto 9. Gabi. Nag-usyoso lamang ako sa channel na PBO para malaman kung anong palabas na lumang pelikula (dahil mas gusto ko ang mga ito kaysa sa mga karamihan sa mga pelikulang Pinoy ngayon!), nagkataon na ang showing ay isang 1994 action flick na hango sa tunay na buhay ng isang dating sundalo tapos naging officer ng Customs, ang “Col. Billy Bibit Story (RAM)”. Ano bang masasabi ko sa pag-arte ni Rommel Padilla? Sssshhh. Nagkaroon pa nga ng cameo role si Robin Padilla at iba pang artista dito, eh. Gaya sa iba pang “true-to-life” movies noon, dinagdagan ng ilang exaggeration para sa ikagaganda ng pelikula pero smooth na smooth pa rin ang portrayal sa controversial and colorful personality na si Billy Bibit na naging beterano ng mga giyera sa Mindanao noong panahon ni Marcos, naging kasapi ng Reform the Armed Forces Movement noong panahon ni Cory, coup plotter, and then intelligence officer ng BOC-Cebu tapos tahimik nang namuhay noong panahon ni Ramos. Tsktsktsk! Itinaon kaya ng PBO ang pagpapalabas nito habang mainit pa ang kaso sa BOC ngayon? Meron din kasing pagkakahalintulad si Faeldon kahit papaano kay Bibit dahil pareho silang military officers at nasangkot sa coup attempt. Idealism-driven tulad ng kanyang Magdalo contemporaries na kumalaban kay Gloria, matagal-tagal din nagtago si Faeldon, namuhay nang tahimik noong si Noynoy na ang presidente, at muling lumutang nang si Duterte na ang pangulo na nagbigay sa kanya ng pwesto sa gobyerno. At ang pwestong iyon ay naging napakabigat na pasaning nagpabagsak muli sa kanya.  


*******


Meron akong sinubaybayang show sa channel 7 mula pa noong unang episode at nitong Agosto ito nagtapos, ang Pinoy version ng hit Koreanovelang “My Love From The Star”, hehe! Mas nahigitan pa nga nito ang original version lalo pa’t ang cute ng tambalang Jennylyn Mercado at newcomer na si Gil Cuerva with his gorgeous long hair and supermodel looks.


*******


Agosto 12. Hapon. Ang  unang itinerary ko sa aking visita iglesia para sa araw na ito ay ang St. John Bosco Parish sa may Don Bosco Institute ng Makati. Pagpasok ko pa lamang sa gate nito ay namangha na ako. Ang ganda-ganda kasi doon at payapa pa at hindi mararamdaman na ang buong compound ay napalilibutan sa labas nito ng isang stressful, polluted concrete ‘urban jungle’ that is called the business district. Kakaiba ang architecture ng simbahan pero how cute naman. Pagkatapos, sumakay naman ako ng dyip na tinatahak ang A. Arnaiz Street at bumaba ako sa isa pang Makati-based church, ang San Ildefonso Parish sa Barangay Pio Del Pilar na pangalawang beses ko nang nabisita. At mula dito, ang huli sa aking itinerary ay ang Sta. Clara de Montefalco Parish ng Padre Burgos dito na muli sa Pasay. Nakakapagod man lalo pa’t isa lang akong commuter, maraming salamat sa Panginoon, higit kong nadarama ang kapayapaan at kasiyahan.


*******


Meron akong pinanood na local horror flick sa Cinema One na kailan lamang ipinalabas sa mga sinehan ngayong taon, ang “Ilawod”. Hango ito sa salitang Bisaya para sa pababang agos ng tubig sa ilog, sapa, o batis; at sa English is downstream, in contrast to upstream o ‘ilaya’. Actually, ito rin ang pamagat ng mga sinaunang koleksyon ng mga kwentong pakikipagsapalaran o epikong Ilonggo kung saan kabilang ang nabasa ko nang adaptation ng isa sa mga kabanata nito tungkol sa buhay ng babaerong si Labaw Donggon. Well, going back to the aforementioned movie, just like the formula in most Pinoy horror films of today, medyo sluggish ang pacing ng kwento with all those psychological chuvanessence all for the suspense and the thrill. And then, so bitin naman ang ending ng pelikula at bahala na ang mga gising pang mga manonood na mag-imagine kung anong gusto nilang ending kung ayaw nila ang kinahinatnan ng pinanood nila dahil yun ang gusto ng directors and screenwriters, eh. Bakit ganyan lagi ang formula ng karamihan sa mga pelikulang katatakutan ngayon at nitong mga nakaraang taon? Bakit hindi naman yung mga kontrabida ang maparusahan sa bandang huli ng pelikula? Kaya nga bahala na ang mga viewers na mag-imagine, o!


*******


Ika-19 ng Agosto. Dati-rati, ang anibersaryong ito ng kapanganakan ni Pangulong Manuel L. Quezon ay saklaw ng noo’y “Linggo ng Wika” na sa kasalukuyang panahon ay buong buwan na ng Agosto ipinagdiriwang kasama ang Pambansang Araw ng mga Bayani. At sa talatang ito, sisikapin kong maghayag sa wikang Filipino kahit na hindi man maiwasan ang magbanggit ng ilang salitang hiram mula sa mga banyagang wika.  


Tatlong simbahan ang aking dinalaw sa buong maghapon ng petsang ito at kainaman ang maulap na panahon upang maglakbay sa ilang bahagi ng Maynila. Habang nakasakay ako ng dyip patungong Pandacan, aking pinagmamasdan din ang mga nadaraanang barangay ng Paco. Umuulan-ulan pa nang araw na iyon at ewan nga ba kung bakit nakadarama ako ng kakaibang nostalgia samantalang hindi naman ako naninirahan sa lungsod na ito.


Kay bilis ng lakbay hanggang sa makaabot na ako sa Simbahan ng Santo Niño de Pandacan. Tulad ng iba pang simbahan, isa itong sanktwaryo sa pamayanan. Panahon pa ng mga Espanyol nang itinatag ang simbahan subalit noong dekada ’70 ito isinaayos at ginawa sa makabago na nitong anyo kasama ang paaralan nitong parokyal, ang St. Joseph. Mabuti at bukas pa ang isang pintuan sa gilid nito pagkagaling ko sa adoration chapel kaya napagmasdan ko ang kahanga-hanga nitong loob kung saan sa dambana nito nakalagak ang isang naiibang imahen ng Señor Sto. Niño na di tulad ng sa Tondo at Cebu na dinadamitan ng magagarbong kasuotan at iba pang palamuti, payak ang pananamit nito gaya ng isang karaniwang batang musmos. Nagpapaalala na ang Panginoon ay mayroong payak at payapang pamumuhay sa Kanyang kabataan. At noon, nabasa ko sa isang pitak sa pahayagan na sa tuwing sumasapit ang kapistahan sa Pandacan tuwing Enero, ginaganap ang Buling-buling festival kung saan magkasabay na nagdiriwang ang mga Katoliko at mga Aglipayano na may simbahan sa di-kalayuan.


Ang mga sumunod kong tinungo ay dalawang simbahan na kapwa nasa Paco, ang Parokya ng Nuestra Señora de Peñafrancia at ang Parokya ng San Fernando de Dilao subalit sarado pa ang mga ito nang nadatnan ko maliban sa mga adoration chapels. Masaya pa rin naman ako sa aking pag-uwi mula sa aking pagsadya sa Maynila bilang ikalawang paborito kong lungsod.


*******


Galleria Luna y Botanica con Flores




























Monday, July 31, 2017

Scent of Cinnamon


“Let us serve with hearts filled with the pure love of God which enables us always

to love the roses amidst the thorns.”

~ St. Louise de Marillac ~

“Faith lifts the staggering soul upon one side. Hope supports it on the other.

 Experience says it must be. And Love says- let it be.” ~ St. Elizabeth Ann Seton ~

“Believe that God will not leave a heavy burden on your back without sustaining you.

He will be your strength and will as your reward.” ~ St. Vincent de Paul ~


 St. Vincent de Paul by Simon François de Tours (1606-1671)  (courtesy of Wikipedia)

Hulyo 15. Pagkagaling ko sa klase sa CUP, pumunta ako sa Maynila. Pagbaba ko mula sa UN station ng LRT, mamamasyal lang sana ako sa Luneta ngunit animo ang lakas ng hatak ng St. Vincent de Paul Parish hanggang sa napadpad ako muli sa entrance ng mahabang walkway patungo sa campus ng Adamson University makalipas ng labingpitong taon! Dito ang daanan ng karamihan sa mga estudyante na nanggagaling mula Taft. Mahabang eskinita yun na papuntang San Marcelino at medyo madilim but at the end of the tunnel, naging maaliwalas at bumungad na ang simbahang sinadya ko sa araw na ito.

Sa totoo lang, habang naglalakad ako sa walkway ng Adamson hanggang sa marating ko na ang St. Vincent, bukod sa pagpansin sa mga myural na nadaraanan o sa katabing masukal na compound ng dating jai-alai kung saan di kalayuan dito nakatirik ang pambansang Luneta photobomber na Torre de Manila, nagmumuni-muni ako. Hindi lamang ang tungkol sa mga kwentong katatakutan (noong Liberation of Manila, ang campus nito tulad sa mga karatig pang paaralan at iba pang gusali ay may kani-kaniyang malagim na kwento at kasaysayan noong World War 2), nagbalik sa aking gunita ang isang pangyayari 17 years ago. Naka-isang semester lang ako noon sa kursong fine arts mula sa kalapit na PWU at nagsawa ako agad kaya bago mag-second sem ay nagpasya na akong magtransfer tapos... architecture pa ang gusto kong kurso (not kidding!). Kaya lang noong mag-eenroll na sana ako, sobrang dami ng tao at bigla na lang akong na-stressed out at naasar sa sitwasyon kaya I got thoughtless and impulsive that time na nasagot ko pa nang pabalang yung isang school official na college dean malamang noon. Matagal ko nang pinagsisihan ang inasal ko noon; di man lang ako nakahingi ng patawad sa tao nang nagpasya na akong hindi na muling aapak sa campus ng Adamson kahit pa noong late 2000s nang nag-aral ako ng kursong CTP sa kalapit na PNU.

Maraming salamat sa Panginoon, tulad sa iba pang simbahang pinuntahan ko para sa aking anytime visita iglesia, naging maluwalhati ang pagsapit ko sa aking sadya. Isang marikit na simbahan, nakagayak ito at nakahanay ang mga tarpaulin kung saan mababasa ang mga quotations (gaya ng mababasa sa panimula ng blog post na ito) mula sa mga santo na patrons ng Vincentian fathers most notably, St. Vincent de Paul with his sincere, peaceful smile that was sweeter than that of Mona Lisa’s tulad sa portrayal sa kanya sa mga paintings.

Pagkatapos magdasal, nag-usyoso pa ako sandali sa labas ng simbahan. Di na ako tumawid ng San Marcelino patungo sa Adamson na mismo. Merong maliit na hardin ng Marian grotto sa may Adoration Chapel ng simbahan. At dito matatagpuan ang isang maliit na historical marker na mababasa dito ang tungkol sa maikling kasaysayan ng isang 17th century community ng Japanese Christian exiles na nanirahan sa Dilao (Paco district na ngayon). Nabasa ko sa isa mga “Looking Back” essays ni Professor Ambeth Ocampo ang tungkol doon at pinamunuan sila ng isang daimyo, si Justus Takayama Ukon. Siguro ang loteng ito ng Adamson ay bahagi noon ng pamayanang iyon. Di pa nga ako nakalalayo sa simbahan nang namataan ko sa may walkway ang ilang batang paslit na namamalimos lalo na sa mga dumaraang estudyante. Mukha namang malilinis ang mga yun at may mga bahay na inuuwian. Tsktsktsk! Sana, makalipas ng ilang taon, nandito muli sila sa Adamson hindi na bilang mga umaasa sa konting barya kundi mga responsableng estudyante na.

Paglabas ko mula walkway patungong Taft-Kalaw, namasyal na ako sa Luneta! Mainam at maulap ang panahon lalo pa’t tanghaling-tapat pa nang mga oras na iyon. Kabilang sa mga pinuntahan ko ay ang Museum of Anthropology na bahagi ng Pambansang Museo na libreng-libre ang entrance kaya pala ang daming pumila doon upang magkaroon ng sarili nilang field trip. Sayang nga lang at wala akong dalang camera pero nakaka-enjoy ang matungo sa mga gallery kung saan ang dami-daming naka-exhibit na mga national treasures at iba pang kayamanan ng lahi. Muli kong nakita ang Manunggul Jar, Maitum anthropomorphic jars, Laguna Copperplate Incriptions, Calatagan Pot, San Diego shipwreck, at marami pang iba. Sa susunod ay pupunta uli ako sa museum na ito.

*******

Hulyo 21. Kaya pala nitong umaga, pagbukas ko ng radyo at sa 99.5 PlayFM station ang tutok, ang pinag-uusapan na hindi ko nasimulang pakinggan ay tungkol sa Linkin Park. Siyempre, basta Linkin Park, nagpapaalala ng college years. Akala ko ay disbanded na ang nabanggit na American rock group or nag-go solo career na si Chester Bennington hanggang sa napanood ko na lang sa “24 Oras” at nasa international celebrity news na patay na raw na ang lead vocalist na iyon dahil sa suicide katulad ng sinapit ng ilang frontmen ng iba pang rock bands. At ano ang common issue sa mga mama na iyon? Alcoholism, drug abuse, awfully stressful lifestyle that led to depression. Hay, Linkin Park... gustung-gusto ko pa naman ang mga kanta nila mula pa noong 2001 nang napanood ko ang music video ng “Crawling” mula sa album na “Hybrid Theory”. Inaabangan ko rin ang mga sumunod na hit tracks and music videos nila at astig talaga! Sana kung mag-release ang mga music stores ng greatest hits CD ng LP tapos reasonably-priced pa, bibili ako.

Follow-up sa essay na ito: Gabi ng Oktubre 4 at habang naghihintay kami ng evening flight namin papuntang Bangkok, Thailand (related to the October 2017 blog post “Manila Cuyapo, Bangkok Lotus”), di-kalayuan sa departure area ng mga pasahero sa NAIA-1, merong mga kalapit na Pinoy souvenir shops; at kabilang sa mga tinda nila ay mga audio CDs na yung ilan ay on sale pa. At doon ko pa natagpuan ang isang CD ng Linkin Park at katabi pa ang mga oldies and Christmas song albums! 450 pesos pa rin ang isang lumang CD? Pero, hindi na ako nagdalawang-isip pa nang nakita yun at binili ko. CD yun na meron pang kasamang VCD ng live performance ng banda sa Texas noong 2003 kung saan kinanta nila ang hit tracks mula sa “Hybrid Theory” at “Meteora” albums. Everything happens for a reason nga na ang CD na ito na tila matagal na naitago noon sa stockroom ng records company at muling nailabas para ibenta sa isang souvenir shop sa airport, ay para naman pala sa akin! Na-enjoy ko ang sound trip na ito!

*******

Hulyo 29. Pagkagaling ko sa MAED class namin sa CUP, may pinuntahan akong malayong lugar na pwede ring masabing may pagka-frontier area na dahil sa layo nito sa iba pang barangay ng Pasay (ang layu-layo rin nito mula sa Villamor Air Base, ano?) at mas malapit pa nga ang mga subdivision ng Parañaque tulad ng Merville. Kalayaan Village... first time kong makadayo sa lugar na iyon na karamihan sa mga bahay ay mga townhouses and apartments ng Teachers’ BLISS pero tahimik doon, a! Yun ang impression ko sa lugar. Ang sadya ko talaga ay ang Our Lady of the Blessed Sacrament Parish; however, sad to say, sarado ito nang oras na dumating ako doon. Sigh...

Well, at least ay tahimik ang paligid ng simbahan at kahit sarado pa, pwede pang magdasal sa may gate basta walang istorbo. At kumpleto na rin ang listahan ng mga Simbahang Katoliko dito sa Pasay na narating ko na sa aking anytime visita iglesia.

*******

Hulyo 30. Nang nagsimba kami sa araw ng Linggong ito sa Our Lady of Loreto Chapel (CJVAB), ang Gospel readings ay tungkol sa mga parables ng Panginoon, ang buried treasure in the field and the pearl of the great price. At naisip ko muli ang balita tungkol sa isang pari na may ranggo nang monsignor na naaresto dahil may kasama raw menor de edad na ibinugaw mismo ng barkada nito. Ang aking simpatya ay hindi lang para sa batang babae na napariwara ang buhay nang mga panahong iyon kundi pati rin sa paring nahaharap sa kaso sa halip na tulungan sana ang bata na makabalik sa wastong landas. Sa “Prayer for Priests” na kabilang sa blog pages ng “Soliloquy Beyond” (please refer to the menu at the right side of this page), merong linyang “fallen/ tempted priests”. Isipin na lang natin ang pamilyang pinagmulan ng monsignor at mga kaibigan niya na ang pagkakakilala sa kanya ay isang tapat na lingkod ng Panginoon at ng Inang Simbahan. Ang monsignor ay naging mahina. Pinakawalan niya ang kayamanan sa bukirin at ang pambihirang perlas- yun ang matatag na pananalig at paglilingkod sa Panginoon. Hindi na bago ang ganitong balita tungkol sa mga “fallen clergy” tapos, maraming tao ang kaybilis nang manghusga at mangutya at idamay pa ang lahat ng kaparian tulad ni Pangulong Duterte at yung mga aso niya sa gobyerno. Aba, bakit? Sa Catholic Church lang ba mayroong mga nagkasalang pari tapos ang mga pastor o ministro ng iba pang relihiyon ay mga huwaran na sa kabanalan?

*******

Gallery of the Cinnamon




Mabuti na lamang at nanatili sa F.B. Harrison address ang city hall ng aking mahal at paboritong lungsod at pina-renovate pa upang maging higit na makabago ang dating niya. Sa parehong sikat na kalsada, matatagpuan din ang The Henry Manila, isang exclusive gem of a boutique hotel dito sa Pasay at matatagpuan sa isang maluwag na residential compound na akala mo’y nasa probinsya ka pag naroon ka. Una kong nabasa ang tungkol sa lugar na iyon sa isang lumang issue ng “Cocoon” magazine. Hehe, kapag naglalakad ako sa Harrison at napadaan ako sa may gate nun, hanggang sulyap na lang nga ako, eh!



Three years later na akong muling nakabili ng Malagos Chocolate sa SM MOA (please refer to the last paragraph of “Soliloquy of Bitterness: Inuunawa Ko Na Lamang Matapos Kong Mapagtanto” posted on September 2014). Mula sa 150-peso price ng 65% dark chocolate variety nito, naging 189.75 pesos na... ay, grabe! Tumaas na ba talaga ang production costs ng Davao product pa ito? Well, anyways... high-end chocolates ang mga ito. Excellent export quality. World class... na sa presyo pa lang ay parang ayaw nilang ipatikim sa mga kapwa-Pilipino nilang mga karaniwang tao lang tulad ko, hehehe!

Tumatangkilik ako ng mga produktong “proudly made in the Philippines”; Lala chocolate and homemade local tablea paired with panocha or muscovado sugar for champorado are the best! Pero sa pagkakataong ito pagdating sa chocolate products, walang usaping nationalism. Ah, Whittaker’s is my favorite and personal choice.


Sa magazine stand ng Ace Hardware pa ng SM Mall of Asia ko pa nabili ang bagsak-presyo nang “Andrea: Road Trip” 2015 coffeetable photobook published by Rawr Books. Ang ganda pala ng magazine na ito ni Andrea Torres pero sayang at hindi nabanggit kung saan ang location ng photoshoot. Yung lugar kasi nakakamangha ang scenery at pati ang bahay na rustic villa ang dating. Pero center of attention pa rin ang sultry hot Kapuso actress. 


Nangongolekta na yata ako ng sexy magazines na panlalaki at pati coffeetable books, hehe. Bumili talaga ako nito- “Kim Domingo: State of Undress”.  Gusto lang titigan ang mga litrato yet never ever the les feelings. Basta, fascinated lang ako sa artistic photography na dapat walang photoshop retoke, a! Man, just like Andre Torres, she’s seduction overload.