This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Friday, July 31, 2015

Nimbus Clouds



         Marami pa silang pinagkuwentuhan habang nakayapak na naglalakad sa tabing-dagat. Ito ang bonding ng dalawang babaeng umiibig. Patuloy pa rin ang pagtibay ng kanilang pagkakaibigan at samahan na kahit magkakalayo na sila ay hindi naman mawawaglit ang kanilang ugnayan.
            Hango ito mula sa isang kabanata ng short novel na may nilangaw na flop sales at isinulat ng isang weirdo at frustrated fiction writer na nagngangalang Joan T. Teves also known as Weirdjtt. Drinowing ko ang eksenang yun pero dapat nakayapak nga sa buhangin ang mga bidang sina Bridget at Leona. Sinuot na nila ng kanilang proudly Marikina and Liliw, Laguna-made footwear of flip-flops and sandals kasi baka makaapak pa sila ng matatalas na bato at mga kabibe ng talaba doon sa beach.
            Hoy, naunang ikatha ang “Dalawang Babaeng Umiibig” (pakisangguni sa September 2013 blog post na “Samizdat Publications: My Little Blue Book”) kaysa sa primetime lesbian drama series na iyon sa GMA-7 na gaya-gaya lang ang kuwento mula sa kontrobersyal na anak ng isang Hong Kong tycoon. Ang unang kabanata lang ng dramang yun ang pinanood ko tapos hindi ko na talaga trip ang kuwento sa totoo lang kahit pa siguro si Marian Rivera ang bida yet I really didn’t find the story attractive. Oo nga pala. Eh, noong panahon ng antiquity, kapag sinabing ‘lesbian’, hindi yun tungkol sa alam niyo na dahil tumutukoy yun sa mga nanirahan sa Greek island of Lesbos; kaya nga ang mga naroon sa isla ay mga Lesbian men, Lesbian women, Lesbian children, Lesbian forests, Lesbian beaches, Lesbian plains, Lesbian animals, all things native there were Lesbian! Lesbos was also the home of the great and legendary poetess, Sappho. Marami sa kanyang poetry ay dedicated sa mga kababaihan. Basta, wala kasing detailed account tungkol sa buhay niya; ni hindi pa nga napapatunayang trip niya ay mga tsiks, ano? May mga accounts ang nagsalaysay na mayroon siyang anak na babae at ayon sa ilang later Roman poets, siya ay may minahal na lalaki na nagngangalang Phaon. At ang kanilang love story ay ang tema ng ilang popular idyllic poetry noon.

Ancient Attic vase by a Brygos painter depicting Sappho (courtesy of Wikipedia/ uploader Bibi Saint-Pol)

The 3rd-century philosopher Maximus of Tyre wrote that Sappho was "small and dark" and that her relationships to her female friends were similar to those of Socrates: What else could one call the love of the Lesbian woman than the Socratic art of love? For they seem to me to have practised love after their own fashion, she the love of women, he of boys. For they said they loved many, and were captivated by all things beautiful. What Alcibiades and Charmides and Phaedrus were to him, Gyrinna and Atthis and Anactoria were to her ... (texts courtesy of Wikipedia)

            Lilintigan! Hindi ito para papurihan ang lesbianism, ano? Pakialam ko sa inyo! Nakakadiri naman yun isang uploaded picture na kasama sa Wikipedia article tungkol kay Sappho. Isang desecration na gawa ng isang ultraliberated turn-of-the-20th century French artist na hindi ko na lang pangangalanan dito. Napansin ko sa Wikipedia and other sources, bawal nga sa mga sites nila ang porn pero maluwag naman sila sa erotic artworks done through the history of art na ang marami pa sa mga ito ay napaka-explicit pa.
            Hehehe, napanood ko sa ilang palabas sa TV ang tungkol sa mga les na talagang boy na boy na at yung ilan ay pa-macho pa ang drama lalo pa’t nag-take ng male hormones o nagpa-retoke ng katawan. Eh di wow yung ilan na ang pinapakitang machismo ay daig pa ang sa mga tunay na lalake, hehehe! Well, karapatan nilang lumigaya kaya labas na ang weirdong blogger na ito. At yung say ng mga grabe kung maka-tsismis: kahit pa boy next door na ang drama ng mga les na yun, nagwi-whisper pa rin sila sa kani-kanilang mga tenga na kailangang manatili pa rin silang modest yet carefree ang kanilang charming sisterhood.
            At kahit pa matagal nang nauso ang inaasam ng ilang indibidwal na gender reassignment, the gene-bearing chromosomes na matatagpuan sa nucleus ng bawat cell ng tao ay hindi kailanman magbabago. This is an unbreakable law from nature: the XY will never turn into XX and the XX will never be a XY. 
            Pagkatapos ng “Pari ‘Koy”, switch to GMANewsTV na kami pati sa ibang cable channels! Well, loyal Kapuso pa rin ako. Kahit na namumutiktik ang channel 7 sa kadramahang palatuntunan mula umaga hanggang gabi, pansin na pansin talaga ang naiibang story plot and themes ng kanilang mga teledrama. Kaya nga, ano naman ngayon kung dominante ang ratings ng ABS-CBN o mas sikat lang talaga ang mga artista nila? Nasa mga televiewers na ang pasya. Nanonood din ako sa TV5! Ako man, essence ang pinapansin ko; ang makilatis kung gaano kahusay sa character portrayal o ang pag-arte as a whole and integrity ng isang aktor o aktres at hindi ang popularity level na pinangangakngakan ng mga showbiz fans and biased social media sites.
            Hey, saka ano ba yan? Trending sa mga pamagat ng mga drama ang mga possessive nouns and pronouns complete with the apostrophe (‘s) symbol. Minsan, corny na tulad ng mga title ng local rom-com schmaltz movies na karamihan ay galing sa pamagat ng mga sentimental love songs. Mga pinagbibidahan ng mga pinakasikat daw na love teams ngayon; hugot-kulangot pa more para sa inyong Kathniel and Jadine at gusto ng bashers na mag-riot nang bonggang-bongga ang kanilang loud-mouthed fans. And as for TV series’ titles, meron nang “my mother’s”, baka sa susunod ang mga pamagat na ay tulad ng “My Father’s Career”, “My Brother’s Girlfriend”, “My Sister’s Frenemy”, “The Cousin’s Homosexuality”, “My Uncle’s Mistress”. “My Aunt’s Jealousy”, “The Neighbor’s Family”, my... my... my, goodness! Sa pag-struggle nga naman ng ilang writers to come up with their claims that their stories are really “unconventional and different” from the rest bilang strategy sa pagtatawag ng mga televiewers na tangkilikin ang mga sarswela nila.
*******


Kuhang larawan ito sa Luneta noong Alay-Lakad 2013, shortly after sunrise. Kapansin-pansin talaga ang timeless serenity na hatid ng sagradong monumento ni Rizal nang walang commercial and industrial distraction.
Ang ibang tao kasi pulos condominium mentality na lang; masaya at matiwasay ba talagang manirahan sa mga high-rise condo kung saan ang mga nasa katabing unit mo lamang ay hindi naman masasabing kapitbahay?
Minsan ay naglakad-lakad ako doon sa may Pasay Sports Complex pagkagaling ko sa aming MAEd class sa City University of Pasay. Ika-13 ng Hunyo nang araw na iyon. Nakakadismaya naman ang nangyari sa Derham Park na kabahagi ng naturang sports complex samantalang noong nakaraang dekada lamang, ang ganda-ganda sa pampublikong parkeng ito at kapag uwian na sa AIMS, saglit pa akong tumatambay sa may fountain area bago ako sumakay ng dyip sa F.B. Harrison. Marami ngang namamasyal doon tuwing hapon, eh. Ang malaking bahagi ng lungsod ng Pasay ay talagang congested urban area at iilan lamang ang masasabing green spaces gaya ng Derham na pagkalapit-lapit pa naman sa City Hall! Ngayon ay halata talagang napabayaan ang parke. Mukhang masukal na ang mga hardin na malapit sa pader ng Pasay compound ng US Embassy. Napansin kong makalat pa sa paligid ng munting monumento ng kilalang Pasayeño and World War II hero na si Manuel Colayco, ama ng sikat na business coach na si Francisco Colayco at tila may naglakas-loob pang magtayo ng barung-barong di-kalayuan dito na akala ko bahay ng kalapati.
Basta, marumi na ang paligid ng sports complex kahit pa may ilang local government offices dito. Ginawa itong tambayan ng mga street dwellers and sidewalk vendors na ang ilan ay walang pakialam kung mabaho at makalat man ang lugar ng kanilang negosyo basta kumita lamang sa bawat araw. Alam naman natin ang bawat local government ng NCR ay mayroon talagang beautification projects and development efforts na ang pondo ay mula rin sa buwis na ibinabayad ng mga mamamayan. Kaya lang sinisira naman yun ng mga taong walang pakundangan at disiplina, at hindi marunong magpahalaga sa kapaligiran. Mga tao yun na ang napapansin na lang ay ang araw-araw na stress, pagkarimarim ng kanilang mga dura sa kalsada, at ang ikinakalat nilang basura at hindi ang kagandahan ng mga puno, halaman, at ang gaan ng pakiramdam kung ang ginagalawang kapaligiran ay malinis at matiwasay.
*******
Everybody’s entitled to his or her personal opinion and perhaps more and more folks who democratically express their thoughts would cry out how backward and brutal that Yulin Festival was recently. And I think those baseless traditions and consummerist mindset still the biggest threats to ecological conservation especially on endangered species of plants and animals. Yet a lot of folks out there still commend the Chinese animal welfare activists who exert courage and efforts though their condemnation of that event just fell into deaf ears... really deaf ears because of the thickened, waxy “tutuli” that blocked the ear passages of those voracious carnivores and their superstitions.
*******


Reminiscent of one of the caricatures uploaded in the August 2014 blog post “Soliloquy of Bitterness: I Wish I Could Laugh Out Loud Again”  

Oh, really? Ancient imperial records claim by their proud government as proof of sovereignty? Dragon’s ass!
*******
Tienanmen Square, Beijing, China (photo courtesy of Wikipedia/ uploader FlickReviewR)
The beautiful, historical site celebrates the glories and valor of Chinese heroes... including the brave students and millions of demonstrators who believed and fought for peaceful reforms and looked up at the Filipino EDSA People Power Revolution ’86 for inspiration during the tragic Tienanmen Square protests of 1989.
Hey, I had checked out the blog’s statistics for the all-time pageviews of blog posts and found out this 2008 illustration of the Dalai Lama is very popular (the picture and a short essay about his Holiness was included in the June 2012 post “Salagubang sa Ulan Tikatik”). The blogs here had gathered pageviews from mainland China, too.


*******

The Grandeur of the Blue Moon
Celebrating the lunar beauty does not make you feel blue

The full moon last July 1



The second full moon last July 31
*******

Botanical Splendor



Lush plants including mud nests of potter wasps


Hydrangeas (milfores)



Bougainvilleas


Creamy, fragrant Amaryllises




Orchids (Dendrobium variety)


Crape myrtle (melendres)

*******
Gallery of Bitter Self-Satire
Illustrations done by a blogger and pathetic loser called Weirdjtt 




Ah, nitong Mayo ay muli akong nagpadala ng maikling kwento bilang entry sa pitak ng “Bagong Manunulat” ng Liwayway magazine. Naghintay ako ng ilang araw sa reply nila sa e-mail ko kalakip ang kwento. Wala. Kung hindi ako muling nag-e-mail na may pakiusap at pagmamakaawang tumugon naman sila, hindi talaga ipababatid ng editorial staff nila eh yes or no lang naman. Hindi raw nakapasa ayon sa mga ‘pamantayan’ ng kanilang patnugot ang pinagsumikapan kong maikling kwento at hanggang doon lang, wala nang detalye kung bakit.
Sour grapes na lang? Hindi na ako magpapadala ng entry sa kanila. Hindi ko alam kung paano o anong uri ng ‘metikulusong pagbubusisi’ nila sa mga ipinapasang kwento. Sa totoo lang eh marami na nga akong nabasang kwentong na kanilang inilathala; ephemeral stories. Hindi kaaya-aya ang plot at yung ilan ay conventional at predictable na minsan; katulad ng isang kwento nilang sadyang ambiguous ang tema na kahit siguro ulit-ulitin ko ang pagbabasa ay mababanas lang ako. Ang nangyayari kasi sa kalakaran ng publishing ngayon, ang mahuhusay na editor mula sa iba’t ibang kumpanya ay magbibigay na ng go signal for publishing para sa mga manuscripts and entries na ikinatuwa nila at pumasa sa kanilang ‘strict standards’... at pagkatapos, bagsak naman pala para sa higit na nakararaming mambabasa. Sa palagay ko, marami nang pagkakataong wala na sa lugar ang mga hatol ng mga patnugot ng iba’t ibang kumpanya.

Nagdi-daydreaming ako na sa imahinasyon ko, isang bagong publishing company ang naitatag. Isang kumpanyang malawak ang pang-unawa at hindi motivated ng malaking kita. Binubuo ito ng mga makatao at maka-panitikang Pilipino na publisher at mga manunulat na sila-sila mismo ang nagtutulungan sa pag-proofread ng mga manuskrito at masisipag ang empleyado sa larangan ng paglalathala at paglilimbag. At sa kumpanyang ito, walang harsh editors or no editors at all. Hindi kailangan ng kumpanya ang mga dreamshatterers!  

Monday, June 29, 2015

Mayroon bang Pamagat ang Blog Post na Ito?

 Tinatamad pa akong mag-post ng bagong blog.

  Henri Rousseau's The Sleeping Gypsy

Thursday, May 28, 2015

Saturn in the Claws of the Celestial Scorpion

“A joyful heart is more easily made perfect than a downcast one.” - St. Philip Neri
*******
Hey, ang April 2015 post na “Ang Bakasyunistang Weirdo sa Batanes” ang may pinakamaraming uploaded photos sa lahat ng posts ng Soliloquy Beyond at kasunod ang twin blog nito, ang March 2015 post na “Isang Lunes Santo sa Batangas.” Pareho silang travel blogs.
Makailang beses nang nasa talaan ng traffic sources of pageviews ang links sa suspicious Blogger sites na ayaw ko ngang i-click habang naka-sign in pa ako sa aking account. Pagka-sign out ko, na-curious ako sa blogsites na iyon at lumantad ang talaga namang hindi ko maaaring ipagsabi dito ang tungkol sa web addresses nila. Merong mga hardcore na hindi ko matingnan nang diretso dahil nakakasuka talaga. Ang isa namang may pagka-soft porn site ay nag-iinvite ng contributors of adult homosexual stories. Hay, naku... tsktsktsk! Napakaraming bloggers sa buong mundo at iisa ang aming tinatamasa- freedom of expression. Hindi ako goody-goody, holier-than-thou ngunit isang paninindigan ang maging responsable sa pamamahayag; ang bawat karapatan ay may kaakibat na tungkulin. Karapatang mag-express at tungkuling rumespeto.
*******
George Bellows’ “Both Members of this Club (1912)” (Wikipedia)

Ang masasabi ko lang sa tinaguriang Battle for Greatness: Pacquiao vs. Mayweather noong ika-2 ng Mayo (Mayo 3 dito sa Pilipinas)- 12 boring rounds na amoy-pera ang kapaligiran ng boxing ring kaya nga pugilism or prizefighting na battle for greatness ng laki ng kinita ng Las Vegas at hindi laban ng paninindigan upang tanghaling isang dakilang boksingero. Si Floyd Mayweather, Jr.? Nakahiga nga sa pera yet I don’t sense the integrity and genuine happiness in him. 
Ang mahalaga ay wala namang serious injury sa dalawang contenders at nagpapagaling na si Pacquiao mula sa inoperahang shoulder injury. Speaking again of our pambansang kamao, very, very publicized ang kanyang religious activities along with his torrential solascripturan preaching. Malamang kung makakausap mo yun nang personal, siguro diskusyon tungkol sa relihiyon ang palaging tema, ano? Naalala ko tuloy yung isang titser namin noon sa AIMS na panay lamang ang diskusyon niya ng kanyang personal Biblical exegesis at patama sa ibang pananampalataya sa halip na ituro ang course subject na dapat niyang ituro.
Well, bago naman matapos ang buwan, mayroong nagpasaya sa sambayanang Pilipino sa pagkakapanalo ng Batangueño dance troupe na “El Gamma Penumbra”. Very enchanting talaga ang kanilang performances with those relevant themes na kanilang isinasalaysay at inilalahad sa pamamagitan ng kanilang mga sayaw, lalo na ang indak ng kanilang mga anino. Second place naman ang “Khusugstun” na folk musicians mula Mongolia. Ang throat singing na bahagi ng kanilang kultura at ng iba pang taga-Central Asia ay una ko pang napanood sa isang documentary ng National Geographic Channel. Ginaya ko pa yun kasi parang madali lang at pagkatapos medyo nanigas at nangati ang lalamunan ko, hehehe! Siyempre, para sa mga highly-trained lamang yun, ano? 

Flame trees in bloom- more seductive than the delicate cherry blossoms
Melendres flower clusters- blossoming between the last weeks of the dry months and the start of the rainy season when the tropical southwest monsoon begins to gain strength

Ang planetang Saturn ay nasa Scorpius ngayong taon na kapag pinagmasdan sa kalangitan ay animo nakasabit sa isa sa mga sipit ng alakdan. Malamang sa susunod na taon, ang posisyon nito ay malapit na sa puso ng naturang zodiac constellation, ang Antares na kasingpula rin nito.
Nagpapatuloy ang tag-init na may El Niño pa. Okey naman ang pakiramdam na tumatagaktak ang pawis tapos ang baho ko na. Pero hindi naman ako nagkakasakit, hehe! Kahit maalinsangan, nilalasap ko ang bawat araw ng bakasyon kahit na staycation ito kasi ngayong taon, hindi kami nagbakasyon sa Tigbauan, Iloilo. Eh, di hindi nakapaghasik ng tahimik na ligalig doon ang weirdong blogger na nagngangalang Joan T. Teves.
Malapit na ang muling pagsisimula ng bagong school year. Ilang araw na lamang ay pasukan na. Bakit pa ako magiging excited? For pete’s sake, ang mga klase ng VABES ay gaganapin pa rin doon sa mga sickening makeshift classrooms sa campus grounds sa loob ng maraming buwan habang ipapa-retrofit daw ang mga school buildings. Punyemas! Ginawa sana ng mga nasa kinauukulan iyon noon pa at hindi kung kailan magsisimula na ang pasukan, ang tag-ulan, at ‘pananakot’ ng PHIVOLCS tungkol sa lindol. Test of endurance na naman ang sitwasyon sa VABES katulad nitong mga nakaraang buwan. Making do out of a situation na di talaga conducive to a meaningful learning. 
Tsktsktsk! Kung may oportunidad lang sana na maging full-time fiction writer, magka-career change muna ako pero wala, eh... ah, lintik na! Gusto ko na lang lubusin ang bakasyong ito. Ang mga laidback days na walang stress and tension. Laidback days with fun escapism and placebo effects.
Hapon ng ika-4 ng Mayo at nag-channel surfing ako and I stumbled upon this throwback show na magmula noon ay sinubaybayan ko na at ayaw kong makaligtaan ang isa man lang episode lalo pa’t pagsapit ng pasukan, hindi na ako makakapanood nito dahil panghapon ang klase ko. Nagbalik na ang unang “X-Men: The Animated Series” but this time, sa TV5 na ito, Lunes hanggang Biyernes 3:15-3:45 (pagkatapos ng isa pang Marvel product, ang Avengers) at naka-dubbed na sa Tagalog. Kahit na may mga X-Men live action movies, nakaka-miss talaga ang animated characters nina Professor X, Wolverine, Cyclops, Jean Grey, Beast, Gambit, Rogue, Storm, Jubilee, and the rest of mutants, heroes and villains alike. Tandang-tanda ko pa noong una itong ipinalabas sa ABS-CBN, ang petsa ay Abril 16, 1993. Hehe, birthday ko noon. Kasunod nitong nag-premiere ang “Highlander”. Ang sinubaybayang Friday primetime block ng channel 2 noong early to the mid-‘90s ay nakalaan talaga para sa US TV series, pagkatapos lang ng TV Patrol. Hay, naku di tulad ngayong panahon sa dos man o sa channel 7 (buti pa ang channel 5!), ang mapapanood sa umaga, tanghali, hapon, hanggang gabi ay pulos teleserye o melodrama o soap opera kung anuman ang trip mong itawag!
Mas gusto ko pa talaga ang naunang “X-men” kaysa sa later seasons nito kahit ginamitan na ng CG effects. Iba talaga ang spectacle ng designs ng 2-D animation at very cool ang kwento ng bawat episode. Naalala ko noong ‘90s at madalas pa ang brownout. Bwisit na bwisit ako kapag itinaon pang Biyernes yun! Ah, oo nga pala! Nabanggit ko na pala ang tungkol sa X-Men at mga kahalintulad na komento dito sa isa sa mga essays ng June 2012 blog post na “Salagubang sa Ulan Tikatik”.
Ang isa pang great throwback special at akmang-akma ba naman sa mainit na panahon at nasa Jeepney TV na ay ang isa sa mga pinakapopular na TV series worldwide, ang “Baywatch”. Tulad ng X-Men, tuwing Biyernes ng gabi rin ito sa channel 2 during the early ‘90s pero ang isang ito ay hindi ko na gaanong nasubaybayan hanggang sa ibinalik ito kamakailan lamang. Sa trailer pa lang at iba pang trivia prior to its re-run, naintriga na ako at ang simpleng pag-uusyoso ay naging pagka-hook na sa kaaabang sa mga susunod na maaaksyong eksena. Napanatili ang show in clear English kahit na maugong dahil ba naman madalas ang location ay sa Pacific coast. Madali namang intindihin ang conversations dito. Sa Baywatch ba naman, pinag-iinit talaga ang televiewers ng mga nagseseksihang lifeguards; well, it’s not just about the hotness of David Hasselhoff or Pamela Denise Anderson but it’s all about the whole team, the cool show! 
*******
This is neither an advertisement nor an endorsement. Kahit na bahagyang pricey for a 13-track album ang “Josh: Sax Appeal” tapos tinipid pa ang CD folder just like that album of harp rendition by the late Tadao Hayashi, mapakinggan lang ang soothing and sensuous saxophone rendition of popular OPM songs, ay masusulit na ang bayad. Si Joshua Espinosa ay ang isa sa mga pinakabata and very promising musician ngayon. Fast-rising potential who speaks through music, siya ang cool alternative kung natutulig na ang tenga mo sa ngalngal ng Kathniel or Jadine or Taylor Swift’s shrill, fireman’s alarm kind of voice and those annoying K-Pop and tiresome One Direction.
Speaking of One Direction, kung may mga miyembro silang mag-go solo na, kaya ba nilang pantayan ang kalibre ni Justin Timberlake na itinuturing ng kasalukuyang henerasyon na pinakasikat na nagmula sa isang boyband (N’Sync)? Siguro ang future ng 1D ay nasilayan na sa Backstreet Boys nitong huling concert nila sa SM MOA Arena o di kaya ang Boyzone sa Smart Araneta Coliseum. Siguro makalipas ng maraming taon kung mayroong reconciliation na sila sa kung anumang isyung nagpaputok ng butsi ng ilan nilang miyembro, eh di muli silang magkakaroon ng reunion concert/ world tour to relive the good old times with their fans of mostly mature audience comprising of yuppies and family persons now who were the screaming, wild teens then during their heydays.
*******
Kahit na mayrong mga usong music and movie downloads (were those legal anyway?) at ang perennial, ubiquitous pirated DVDs, tinatangkilik ko pa rin ang orihinal sa mga CD stores lalo na kapag bagsak-presyo na. Prized catch talaga mula sa SM Department Store ng Mall of Asia ang isang 25-peso VCD ng “Working Girls” (1984). Ang Ishmael Bernal-directed blockbuster ang mas gusto ko kaysa sa 2010 sequel nito. Katulad nga sa islogan nito: women who hold power and women held by power. Mayroong replays nito sa mga movie chanels pero una ko itong napanood sa chanel 5 kaya lang maraming eksena ang hindi ipinakita dahil rated SPG talaga. Katulad na lang sa isang bed scene doon kung saan ang seksi-tari na siyang pinakanakakatawa talaga sa pitong bida, may private moments sa kanyang boss. At habang naghihiyaw na siya ay napapahawak siya sa isang stand ng lamp shade sa bedside table at akala ko ihahampas na niya yun sa kanyang lover habang nasa rurok na sila ng kagalakan. Dito rin galing ang kabilang sa mga pinakasikat na Pinoy movie lines, ang laglag-panty at nangangatog pang lovestruck confession thru a telebabad scene, “Sabel, this must be love!”.
 Jacques Louis David’s “King Leonidas at Thermopylae” (Wikipedia)
Ang iba pang VCD na binili ko ay ang “300” na isa sa mga all-time favorite films ko at pati ang sequel nitong “300: Rise of an Empire”. The theme is very macho and testosterone-driven with all those theatricalism, including explicit sex scenes, the stylish violence, and gore which resembles coagulated crude oil. Mas gusto ko pa rin ang naunang “300” kaysa sa sequel nito at saka sa historical accounts, higit pang hinangaan at dinakila si Leonidas of Sparta kaysa sa Athenian general na si Themistocles na di-naglaon ay kumampi at nakinabang pa sa Persian Empire nang hindi na si Xerxes ang hari. Sa mga nabanggit na pelikula, ipinakikita doon ang Persian kings, especially Xerxes as barbaric and megalomaniac. Samantalang sa Old Testament ng Bibliya, according to the prophets Ezra and Nehemiah, highly-esteemed ang mga katulad ni Cyrus the Great, Darius, and Artaxerxes I as benevolent liberators of the Jewish people from Babylonian Captivity and generous donors as well nang muling itinayo ang Templo ng Herusalem. Sa ibang accounts, may speculations na ang King Ahasuerus na asawa ni Queen Esther ay actually si Xerxes daw mismo who came back to Persia brooding over his great loss to the Greeks.
Nakabili rin ako ng 99-peso DVD ng “Alexander” (Director’s Cut) pero mas gusto ko ang halos contemporary nito noong 2004, ang “Troy”. Talaga namang si Alexander the Great ang isa sa mga pinaka-fascinating if not controversial, figure in world history. Pino-portray sa pelikula ang kahusayan niya bilang pinuno as well as ang mga intriga sa personal niyang buhay. Kaya lang, talaga nga bang bisexual ang tunay na Alexander the Great? Mala-Achilles and Patroclus of the Iliad epic daw ang relasyon nila ng pinakaminahal niyang tao sa buhay niya na si Hephaestion. Sa pelikula, hindi siya ang tipong mama’s boy dahil siya ang conqueror; mas mukha pa ngang magkapatid sina Colin Farell na gumanap na Alexander at si Angelina Jolie ang kanyang queen mother na si Olympias.
Kahit nga sa Bibliya mismo, may mga accounts doon na binibigyan ng kulay ng ilang indibidwal para ma- justify na maging scriptural readings sa isang gay marriage na nabasa ko sa diyaryo many, many years back. Nasa Books of Samuel ng Old Testament, mababasa ang tungkol sa closeness ni King David at ni Prince Jonathan na anak ng kanyang arch-rival na si King Saul. One of the mournful, emotional passages from the dirge that David sang for Saul and his sons who died with him in the battle against the Philistines is from 2 Samuel 1:26- “How I weep for you , my brother Jonathan; how much I loved you! And your love for me was deeper than the love of women!” Pero sa palagay ko, ang relasyong iyon ay brotherly, platonic love and not some bromance na makabasag-plato sa lababo!
*******
Kahit na matagal pa ang Halloween at ang panahon ng Undas, napanood ko pa rin ang replay ng isang “I-Witness” documentary noong isang gabi sa GMA NewsTV, ang “Mga Kwentong Katatakutan” mula sa ilang pook sa Baguio City tulad ng kinaiilagang Diplomat Hotel, Casa Vallejo, Laperal Mansion (Baguio “White House” at iba yung nasa Malacañan Complex, ano?), ilang cabin ng Teachers’ Camp, at ang lote na dating kinatatayuan ng tanyag ng Baguio Hyatt Hotel na sinawimpalad noong 1990 killer earthquake. 
Mga paboritong puntahan ng mahihilig sa supernatural o gusto lang ng kakaibang trip. Siyempre, di-maglalaon, mapapabilang na sa listahan ng mga “society of ghost hunters” kuno ang tragic Kentex factory ng Valenzuela kapag hindi na gwardyado ng awtoridad na nag-iimbestiga pa sa malagim na pangyayari doon. 
Pero ano ba talaga ang mas nakakatakot? Mas nakakatakot kung ang mga heritage sites ng Baguio ay tuluyan nang napabayaan at lumala pa nang lumala ang polusyon sa naturang lungsod pati ang pagtaas ng bilang ng krimen at iba pang banta sa katiwasayan. Higit pa ngang dapat katakutan ang mga maaaring gawin ng mga buhay, eh!
Going back to the Kentex tragedy, sana’y wake up call na iyon sa safety standards ng lahat ng establisyimento, lalo na yung mga magpasahanggang ngayon ay hindi gaanong pinahahalagahan ang working conditions ng kanilang mga manggagawa. 
*******
Finale of this blog: my addresses for them. Inaamin ko rin na maraming pagkakataong nagbuburo ako ng hinanakit sa totoo lang at matagal-tagal ang duration of coldness ko sa ilang tao bago ako mag-let go na lamang kasi lumipas na, eh. Sa totoo lang, kahit na hindi na ako close sa mga taong iyon o kinakausap sila o kahit batiin man ng isang ngiti, hindi ibig sabihin na mabigat pa rin ang pakiramdam ko sa kanila. It’s just that I am this distant yet I can still be there for them.
     To Crème Brûlée: sabi mo noon, magpapagawa ka sa akin ng isang painting. Ang tagal-tagal pa ng kwento mo. Umasa ako noon kaya lang sana diretsahan mo na lang sinabi sa akin na nagbago na ang isip mo at hindi na tuloy ang proyekto. Well, matagal nang lumipas ang panahon... wala na akong tampo noon pa.
       To Cappuchino con Tiramisu: naging “yaya” ako ng iyong “unruly” na mga “anak-anakan” sa paaralan at hinding-hindi ko malilimutan yung araw na pinagalitan mo ako sa harap nila at pagsabihan ako na ako rin ang masisisi. Hindi ko kasi kaya ang katarantaduhan ng mga bata mo pero sana tinarayan mo na lang ako dahil sa aking pagkakamali nang tayo lamang ang nagkakarinigan. Kaya tahimik akong nagngangalit noon nang hindi ko lang ipinahahalata kapag pinababantayan mo sila sa akin. Ilang taon na ang lumipas, pati ang pagkasuya ko ay lumipas din, huwag kang mag-alala. Sana’y matagpuan mo na ang right guy na nakatakda para sa iyo.
      To Soufflés et Chocolat: sana noon pa, direkta mo na lang sinabi sa pagmumukha ko na hindi ka na bibili ng aking pocketbook kasi nagbago rin ang isip mo. Mauunawaan ko naman, eh. Hmmm, lumipas na ang panahon. Kahit na hindi tayo nagkakausap o tingnan man lang kita, hindi ibig sabihin ay bad trip ako. Let’s move on. Sana’y matagpuan mo na ang right guy na nakatakda para sa iyo.
      To Walnut Parfait: alam kong friendly ka naman sa kahit sino, kahit sa isang weirdong katulad ko. Kaya lang, buhat noong araw na iyon na nagpahiwatig ako ng paghingi ng kaunting tulong sa iyo na bumili naman ng pocketbook ko at nilalangaw na ang sales, hindi ka naman pala malapitan na sana’y direkta mong sinabi na hindi ka interesado dahil hindi ka naman mahilig magbasa nito at maiintindihan ko. Mula noon, hindi na kita pansin na para bang hindi tayo magkakilala. At makalipas ng higit sa isang taon at maraming buwan, ikaw pa ang lumapit at pinaalala mo ang tungkol sa pocketbook na ikinainsulto ko sa totoo lamang kaya napagsungitan kita. Paumanhin sa inasal ko. Hindi naman ako galit sa iyo.
     To the anonymous readers: tila clairvoyance ngunit nadarama ko kung sinu-sino ang ilan sa inyo. Sige, manatili na lamang kayong anonymous tutal ang blog site na ito ay aking soliloquy at wala na akong pakialam kung marami ang nakikibasa at hanggang doon na lang.        

Wednesday, April 29, 2015

Ang Bakasyunistang Weirdo sa Batanes

HOY! PSSSSSST! ANONYMOUS READERS! KUNG HINDI NIYO MAN TRIP ANG MAG-POST NG COMMENTS DITO AT BAKA MAKILALA KO KAYO, AT LEAST PAKIBISITA NAMAN ANG WATTPAD SITE KO (https://www.wattpad.com/user/weirdjtt). PARANG MUNTING TULONG NIYO NA RIN SA AKIN. HINDI NAMAN AKO NAGING MADAMOT SA INYO SA LIBRENG PAGPAPABASA NG BLOGS KO SA LOOB BA NAMAN NG MARAMING TAON! PARANG AWA NA NINYO, ANONYMOUS READERS...




Included among my favorite flowers, the lilies

            Daydreaming last 16th of April. Buhat pa nitong mga nakaraang araw, panay na ang patugtog sa FM Home Radio Natural 97.9 ng bagong track mula sa Itchyworms na “Ayokong Tumanda”. Oo nga pala, labas na sa kalendaryo ang edad kong tatlumpu’t dalawa pero wala na akong pakialam, hehehe! Age is just a number. At mas lalo akong walang pakialam kung ang tingin sa akin ng maraming tao ay napag-iwanan na ako ng panahon. Para sa mga taong matalas ang paningin sa kung anumang panlabas na imahe ng kanilang kapwa, tiyak na ang tingin sa akin ay makaluma’t hindi presentable or sophisticated, in short, mukhang losyang... punyemas kayo at punyemas din kayo! Sa panlalait tungkol sa panlabas kong anyo, ang mga magulang ko at ako lamang ang may tanging karapatan na maghayag ng ganoon, get it? At kapag marinig ko yun sa bunganga ng ilang tao, pwede ko silang balikan sa oras at paraang hindi nila malalaman...
            Nagpasya na akong magpakapusong-lalaki na lamang subalit hindi naman ibig sabihin ay magkagusto rin ako sa babae. That’s a big no! at isa pa, bakit pa ba ako mai-in love, eh buhat pa noon, wala namang tumatanggap sa akin as me, kung ano o sino ako? Tulad ng nabanggit ko, pusong-lalaki na dapat ako at patuloy ang kasiyahan ng pagiging single-blessed.
          Hindi lahat ng mithiin o pangarap sa buhay ay nakakamit. Sa totoo lang, madalas akong magnilay buhat pa nitong mga nakaraang araw. Ang career ko ay sa pagtuturo pero tatagal ba ako dito? Kung may oportunidad sana, maaari na akong mag-career shift. Nangangarap ako nang gising na isa na akong kilalang fiction writer at babalikan ko ang isa ko pang past passion, ang pagpipinta. Matagal na matagal ko na yung minimithi at hinahangad. Nag-exert naman ako ng effort subalit nagkaroon ba ng katuparan? Wala.
            Birthday blues...
           Ah, just set that aside. Ngayong taon naman, isang napakasayang birthday gift ang natanggap ko dahil sa wakas, natupad na ang matagal ko nang pangarap na makarating sa probinsya ng Batanes mula Abril 17 hanggang 21. Maraming beses ko nang nabasa at nakita ang features at larawan nito sa mga magazine, especially PAL’s Mabuhay, TV documentaries and travel shows, at mga pelikula.
            Ang pagtungo sa pinakahilagang lalawigan ng ating bansa ay kailangan talagang pag-ipunan subalit sulit ang gastos at ang lubos at maliligayang alaala mula sa paglalakbay doon ay walang katumbas na halaga. Umaga ng Abril 17, lumulan kami sa eroplano ng Philippine Airlines na naghatid sa amin doon. Ligtas ang biyahe at habang patungong Basco airport sa Batan Island, pinagmasdan ko ang mga tanawin sa kalupaan ng Luzon, mula sa congested Metro Manila hanggang Baguio at Bulubunduking Cordillera at ang mga windmills ng Bangui, Ilocos Norte ay parang mga puting toothpick. At nang dumaan ang eroplano sa himpapawid malapit sa Babuyan Islands na sakop ng Cagayan, napansin ko ang isang gumagalaw na anyo sa karagatan na hindi naman anino ng ulap. Ayon sa napanood kong kabanata ng “Born to be Wild” ng GMA-7, kabilang ang Babuyan sa dinadaanan ng mga migratory ocean giants tulad ng Blue and Humpback Whales. Maaaring may butanding pa.
            Makulimlim ang panahon nang lumapag sa Basco airport ang eroplano na siya rin ang maghahatid sa amin pabalik sa NAIA-3. Noon pa man ang impression sa Batanes ay pambihirang kagandahan at kapayapaan. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng tourism boom and bloom.

            Marami na ring matutuluyang “homestay” at mga hotel gaya nito na aming tinuluyan sa Basco.

            Kamakailan lamang, lalong nagkaroon ng exposure ang probinsya dahil sa isang romantic comedy na “You’re My Boss” starring Toni Gonzaga and Coco Martin pero wala naman akong pakialam sa pelikulang yun, eh. Hindi naman ako mahilig sa mga rom-com ng panahong ito with all those hugot-kulangot, high tension wire of cheesy emotions galore at bahala na ang tumbong mo kung kiligin ka man o hindi. Well, noong 2006 ay may napanood akong mala-indie film na ang pamagat ay “Batanes” na ang bida ay si Iza Calzado at Ken Tzu at naroon pa si Coco Martin in a minor role palibhasa ay bata at papasikat pa lang siya nang panahong iyon.
            Kahit saan mapadako ang sulyap, natatangi talaga ang kariktan ng lalawigan. Harinawa’y mapanatili ang likas na katangian nito. Patuloy ang pagdagsa ng mga turista. Sana’y ang Batanes ay manatiling modelo ng responsible tourism.
*******

GALLERY OF THE NORTHERN STAR



My tribute to the majestic Mt. Iraya


            Isa sa mga maituturing na Ivatan symbol ang halamang ito na arius kasi kahit saan sa probinsya, matatagpuan ito. Napanood ko sa channel 7 ang isang dokyumentaryo tungkol sa Ivatan community ng Cavite kung saan marami sa kanila ay galing pa sa Itbayat Island na pinakadulong munisipalidad sa norte at lumuwas noon sa Maynila para mag-aral o magtrabaho. Pagkatapos ay nahikayat pa nilang sumunod ang mga kamag-anak nila at pati kapitbahay. At upang mayroong nagpapaalala ng kanilang pinagmulang bayan, may mga arius na nakatanim sa kanilang bakuran.
              May nabasa nga pala ako na ang ancient heresy na "Arianism" ay naka-attribute sa Libyanong pari na si Arius of Alexandria (250 or 256-336 AD) pero wala naman sigurong connection ang desert-dwelling ascetic at ang evergreen tree ng Batanes.


            Overlooking mula sa Tukon radar and weather station ang Our Lady of Mt. Carmel chapel, the stone chapel on the hill. Noon naman ay madalas daanan ng bagyo ang probinsya kaya nga yari sa bato ang maraming bahay at gusali dito yet in recent years, bahagyang nagbago na ang itinerary ng mga bagyo. Climate change daw.

            Isa ito sa mga lagusan ng Japanese World War II tunnel na una kong napanood sa “I-Witness” ng channel 7. Nagpapaalala man ito ng wartime tyranny and oppression, ngayon tulad ng Malinta tunnel ng Corregidor, ang pagpapahalaga sa kasaysayan at kapayapaan ang madarama dito.
Valungan Boulder Beach. Scenic yet fierce beauty. Bawal daw maligo dito.

Hills of Vayang
            This ain’t the Scottish Highlands or the Irish landscape but you can sing the sound of music because the hills are alive. Ang lakas-lakas ng hangin at maraming ganitong kahalintulad na tanawin sa Batan Island. Picturesque rolling hills na kung hindi ka mag-iingat sa mga hakbang mo ay magpapagulung-gulong ka nga pababa habang tahimik na pinagtatawanan ng mga kalabaw, kambing, at baka ang kakornihan mo.
Basco Lighthouse. Tanaw na tanaw ito mula sa balkonahe ng hotel kung saan kami tumuloy.

Sto. Domingo Parish/ Katedral ng Imaculada Concepcion o Simbahan ng Basco.
            Aba, noong ika-2 ng Abril, Huwebes Santo, ay muli kong napanood ang isa sa mga pinakatanyag na pelikula, ang “Ten Commandments” (1956). Ipinalabas ito sa GMA-7 na Tagalized na at higit sa tatlo’t kalahating oras ang airtime and absolutely commercial-free.
            Ang Sampung Utos ay napakahalagang bahagi sa kahit saang simbahan. Dito sa Batanes, ito ay nakasaad sa local dialect na Ivatanen. Farther north sa Itbayat, Itbayaten naman at may pagkakaiba sa gamit ng ilang salita at kataga. Related naman ang mga ito at ang mga tao ay nagkakaunawaan pa rin. Parang katulad sa Hiligaynon at Karay-a ng mga Ilonggo o ng Ilokano at Pangalatok. Matatas din magsalita ng Tagalog ang mga Ivatan. Smooth nga at mahinahon ang pagbigkas nila samantalang sa mga Bisaya at Ilokano, mapapansin pa rin ang regional accent kapag nagtatagalog.



Ivatan cuisine na nakabalot sa malalapad na dahon ng rimas. Nakalimutan ko lang kung ano ang local name para sa naturang puno. Kabilang sa food trip dito ay ang kanin nilang isinaing na may turmeric o luyang dilaw kaya may naiibang linamnam at health benefits. Madalas din inihahain alongside savory meat/ seafood dishes ang bola-bolang may sahog na ubod ng saging. Delicacy rin dito ang coconut crab. Kaya lang, honestly I’m sorry, para sa akin ay mas masarap pa rin ang alimango mula sa dagat.
Bukod sa arius, isa pang halaman ang napakalaki ang pakinabang sa mga Ivatan. Mga reeds ito at nalimutan ko rin ang local name nito na sinabi ng aming tour guide. Nagsisilbi itong windbreakers and borders sa mga taniman. Ang mala-kawayan nitong tangkay ay ginagamit bilang pang-suporta sa bubong na kogon ng mga vernacular houses o bahay na bato at maging sa kisame ng mga simbahan at iba pang gusali.



San Jose Parish, Bayan ng Ivana. Malapit ito sa pantalan ng bayan at nakaharap ito sa karagatan at sa Sabtang Island. Noong 2000, nagkaroon daw ng lindol sa bahaging ito ng Batan at kabilang ang simbahan sa napinsala datapwat sa pagtutulungan ng mga mamamayan at pamahalaan, muli itong naitayo.




A main street in Ivana with ancestral houses including that of the prominent Castaño family

Always naman ang ulat na dito sa Batanes, halos 0% ang crime rate katulad sa probinsya ng Siquijor at iba pang maliliit na isla.
Ang mga tao ay namumuhay nang simple at kuntento sa kung anong mayroon sila at bahagi na ng kanilang kultura ang pagiging palaging handa, maaliwalas man o nagsusungit na ang panahon.

Presenting ang isa sa mga most iconic and most photograped Ivatan home, the House of Dakay. Bukod sa residential pa rin ito, mayroon ding souvenir shop dito.

Honesty Coffee Shop
Ang popular na tindahang walang nagbabantay at nakadepende sa katapatan ng mga parokyano.

Songsong ruins

Tayid Lighthouse, Mahatao

Marlboro Country, Uyugan
Naalala ko noong pinapayagan pa ang mga komersyal ng sigarilyo sa TV, ang Marlboro ang may pinakamagandang advertisement with all those dramatic background music at lalo na kapag lumitaw ang cowboy model. Ang lugar na ito ay nagpapaalala ng mga tanawin sa ad na iyon; huwag lang ang yosi, hehehe!



Chawa View Deck, Mahatao
Maraming stone grotto si Mama Mary sa probinsya at ilan ay nasa tabing highway. Nagkalat din ang signboards  na “Blow Ur Horn” lalo na sa kurbadang lansangan at tabing-bangin. Ang kagandahan dito ay disiplina sa pagmamaneho at trapiko hindi tulad sa Metro Manila.

Pampasaherong bangka sa pantalan ng Ivana

Maraming salamat sa Panginoon, ligtas ang paglalakbay tungong Sabtang Island. Malalaki ang mga alon dahil dito nagtatagpo ang West Philippine Sea at ang Pacific Ocean. Naiiba rin ang anyo ng mga bangka na walang katig upang sumabay sa mga alon. Ang rough seascape ng probinsya ang nakagisnan ng mga ekspertong bangkero at mangingisda. Nakakahilo nga for first timers pero sabayan mo na lang ang mga mapaglarong alon ng karagatan. Matapos ng 30-40 minuto ay nakatawid ka na sa pantalan ng Sabtang.



Malapit din sa pantalan ang San Vicente Ferrer parish at tulad ng Simbahan ng Ivana, nakaharap din ito sa karagatan.




Dito sa Barangay Chavayan nakabase ang asosasyon ng mga kababaihang gumagawa ng handicrafts lalo na ang mga headgear na vakul (pambabae) at mala-tsalekong kanayi (panlalaki) na yari sa mga dahon ng isang uri ng palma na marami sa Sabtang. Una ko pang nakita ang vakul sa magasin na parang makapal at mahabang peluka na may bangs at isinusuot ng mga nagtatrabaho sa bukid bilang panangga sa init ng araw at ulan.

Sta. Rosa de Lima Chapel of Chavayan

Tinyon View Deck and Hills
Bubungad sa nananabik na puso ang makapangyarihang Karagatang Pasipiko

The ancient Savidug Idjang fortress built by the ancestors of the people of Sabtang.





Talaga namang kahit na mabagsik ang init ng tanghaling-tapat, parang magnet pa rin ang kabigha-bighaning dalampasigang ito o yung tinatawag na Morong Beach. At bawat panauhin sa Sabtang ay hindi aalis hanga’t hindi nararating ang ahaw o arkong bato na nililok mismo ng Kalikasan. Nasa di-kalayuan naman ang Nakabuang Cave at hindi ka mabubuwang dito. Kung mas maaga sana kaming nakarating dito o kung maulap ang langit, ang sarap sanang magbabad sa napakalinaw na dagat at wala nang pakialam kung mag-iba man ang kulay ng balat.
Nasa pristine condition pa ang beach. Hindi ito Boracay. Walang mapaminsalang exploitation ng komersyalismo. Walang polusyon (maliban sa kalat na iniwan ng ilang burarang turista doon mismo sa arko). Walang ingay maliban sa ugong ng karagatan. Very peaceful kahit maugong ang alon ng mga dagat without the raucous beach bums and hard-partying bitchiest bacchanals male and female and she-males alike to disrupt your tranquil introspection about you, nature, and life.
Natatanaw pa mula dito ang isla ng Batan kung saan kami galing. Hindi lang kasama sa itinerary ng tour package ang Itbayat at may kalayuan daw yun.
Mag-aalas dos at low tide na nang bumalik na kami sa Port of Ivana. Ang mga alon ay hindi na kasinglaki tulad kaninang umaga. Habang nasa laot kami, kumain ako ng Sky Flakes crackers at ang ilan dito ay initsa ko sa dagat. Hindi naman ako nagsasayang ng pagkain o nagkakalat. Sabihin na ngang mistulang pamahiin na ginaya ko mula sa isang eksena ng pelikulang  “Batanes” kung saan ang isang mangingisda doon ay naghuhulog ng mga butil ng kanin sa dagat. Unang beses ko ngang ginaya yun noon sa Guimaras nang nag-island-hopping kami. Ang dagat ay buhay. Buhay na buhay at hinandugan ko ng bahagi ng aking pagkain habang naglalakbay sa kanyang mga alon. Kaya lamang, nakalulungkot na sa ibang lugar, lalo na sa Manila Bay at pati ang ibang provincial ports, matagal nang nilaspatangan ang dagat, tsktsktsk!




Kabilang din sa di-malilimutang tanawin ay ang Batanes sunset. Na-realize ko na kay-bilis ng mga araw at magtatapos na ang bakasyon dito. At the same time, naroon naman ang kasabikan ng pagbabalik sa aming tahanan.
Siyanga pala, sa ilang lugar sa Batanes, nag-iwan ako ng mga kopya ng aking unang ipinalimbag na pocketbook na “Dalawang Babaeng Umiibig” (noon ko pa nai-compose ito at saka pakialam ko sa upcoming teledrama sa channel 7 na “The Rich Man’s Daughter”, ano?). Sinulatan ko pa yun ng note na “Regalo ko para sa iyo, kaibigan. Ingatan mo, ha? God Bless!”. Makakaugalian ko nang mag-iwan ng ilang kopya ng pocketbook sa iba’t ibang lugar. Regalo ko talaga para sa strangers na bukas ang pang-unawa na papansin, babasa, at pakakaingatan ang mga ito. Malay ko at magkaroon pa ako ng mga tunay na kaibigan .
Pag-uwi namin dito sa Villamor Air Base, napansin ko na namumula pa rin ang mukha ko lalo na ang aking ilong. Di bale, wala naman akong sunburn. Alaala ito ng isang maikli ngunit maligaya at di-malilimutang bakasyon.