This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Sunday, July 31, 2016

Mga Palaka sa Tikatik na Ulan





In the most ancient of Chinese mythology, the goddess of the moon was Chang-O who transformed into a three-legged toad with either a coin or the elixir of immortality in her mouth as punishment for defying the gods and her husband, Hou Yi the Lord Archer. Probably, a metaphor of a woman, typecasted a yin challenging the patriarchal society or yang male dominance of her time. A Chinese spacecraft was also named after her. Her toad is one of the most popular lucky charms.

Moonbeams from her home shine on the rest of the world and not just on China.


***

            Ika-12 ng Hulyo. Makasaysayan ang araw na ito para sa Pilipinas pagdating sa usaping agawan ng teritoryo through the rule of international laws. Wagi ang bansa laban sa China doon sa UN arbitral court sa The Hague, Netherlands na ang venue ay ang fairy tale-like Peace Palace na actually nasa cover design ng foil pack ng choco wafer snack pack ng Island Biscuits mula pa noon hanggang ngayon. Talaga namang hindi kinikilala ng international laws ang “claims” ng China sa kanilang paggiit na pag-aari nila ang buong South China Sea or West Philippine Sea para sa mga Pilipino. Basura na ang “nine-dash demarcation” na dumadali na noon pa sa ating mga bahura! Huwag nang tangkilikin ang mga mapa at globong “made in China” kung hindi pa rin ito updated, hehehe!

            Kaya lang, mapapaalis ba nang ganoon na lang ang mga pasilidad na ipinatayo ng China sa mga inagaw nitong teritoryo na rightfully sakop naman ng exclusive economic zone ng Pilipinas? Nagmamatigas pa rin ang bansang iyon, ano? Hay, pagkaganid. Ang malaking hamon ay kung paano mapapasunod ang Chinese government sa international rule of law.

***
EXTRA!

my favorite imported fruit- New Zealand kiwi


Thursday, June 30, 2016

Change is Coming: Parating na ang Sukli


“Here’s to you and here’s to me, and I hope we never disagree.

But if that should ever be, to hell with you, here’s to me!”



“My friend, why have you drifted so far away?

All motion is relative, maybe it is you who have moved away by standing still.”



            These were the two witty quotations from anonymous authors courtesy of Quotes in Quiz by Maia D. Orlanes which appears in the Philippine Star, Pilipino Star Ngayon, and Philippine Graphic magazine. Napapanahong kasabihan lalo pa’t umaatikabo pa ang bangayan ng magkakasalungat na kuru-kuro, palagay, pananaw, at pangangatwiran ng mga taong nagtatamasa ng biyaya ng kalayaan at demokrasya.

            Pero kung ang social media ang bagong battlefield ngayon, hayaan na lang natin silang magrambulan hanggang sa mapudpod na ang mga kalyo sa kanilang daliri sa gadgets nila o computer keyboard at magsipaglagablab na ang mga tumbong nila. And I will be like a shady vulture hovering among the spoils of war because there were no ultimate winners from both sides anyway. And where’s the pack of hyenas and jackals to hunt down the pesky cybertrolls, bashers, and hardliners for feast, err, pest control?

***

            Ika-30 ng Hunyo. Late na late na akong pumasok sa trabaho dahil pinanood ko ang panunumpa bilang Pangulo ng Pilipinas ni Digong. Sayang nga lang at hindi ko nasubaybayan ang oath-taking ni Leni bilang Pangalawang Pangulo at naunang napaulat ng media nitong isang araw pa na hindi siya umano bibigyan ng posisyon sa gabinete ng administrasyong Duterte para huwag umano magtampo itong isang senator vice-presidentiable na nagpuputok ang butsi sa ilusyong dinaya raw ito noong eleksyon.

            Maikli at straight to the point ang speech ni Digong. At saka walang pagmumura and other sort of chauvinist remarks and profanity crap na nagpapakiliti at nagpapakilig pa sa kanyang mga die-hard supporters. Sa totoo lang, kapag itinabi ang portrait niya sa mga portraits ng lahat ng naging presidente ng bansa, namumukod-tangi talaga. Okey ang talumpati niya, a. Pero meron lang akong inabangang “pangakong exposé” daw tulad ng binanggit niya sa isang panayam nitong mga nakaraang araw lamang. Ibubulgar daw niya ang ilang corrupt umanong kaparian na kanyang ihahayag bago siya umupo sa pwesto. Sinabi niya talaga iyon sa isang one-on-one interview kay Jessica Soho at panay pa ang batikos niya sa Simbahang Katoliko na tinawag pa niyang most hypocritical institution. Tsktsktsk, ang matandang iyon talaga,o! Ngunit kapansin-pansing wala rin siyang kontrol sa bibig niya. May mga pinagsasabi siya ngayon at pagkatapos, iibahin niya naman ito o di kaya’y nandiyan ang mga alipores niya sa gobyerno para linawin ang mga pahayag niyang madalas lang daw may hyperbole sa context tapos...joke,joke,joke.

            O, hayan. Presidente na siya. Nasaan ang sinasabi niyang ‘rebelasyon’ tungkol sa mga paring pinatatamaan niya? Wala naman! Sinabi rin niya noon na biktima raw siya ng sexual harassment ng isang pari noong kabataan niya. Akala ko ba’y isa siyang alpha male na tigasin, matapang, at walang inuurungan; bakit hindi siya nagsumbong agad noon sa mga obispo upang makastigo ang paring nambastos daw sa kanya? Eh, noong panahon ng kampanya at merong mga media exposure kung saan ipinapakitang siya ay nag-courtesy call sa ilang simbahang Katoliko sa mga lugar na napuntahan niya. Ano yun? Kaplastikan o pakitang-tao on his part?

            What’s in store for the country in six years? The long count begins. Tulad ng binanggit ko sa blog post ko noong nakaraang buwan (pakitunghayan ang “Nasaan ang Talahiban sa Tigbauan?”, Mayo 2016), undervote ang lumabas sa balota ko. Wala akong binotong pangulo. Kahit na wala itong epekto sa poll results not even a microscopic scratch, well I just expressed my right to choose. I am not a pro-Duterte yet in my sincere prayers, may God bless the President and our beloved Philippines. I look up to and respect the President and not his fanatical supporters who don’t even know how to respect people who have opinions and views other than theirs.

***

            Makailang beses na nga palang nabalita ang tungkol sa malimit na ginagawang “shame campaign” laban sa mga suspected drug pushers, addicts, and other petty criminals doon sa lungsod ng Tanauan, Batangas at utos daw ng kanilang alkalde. Public humiliation ang nangyayari kaya nga binalaan ang mama tungkol sa paglabag sa mga karapatang-pantao. Sa totoo lang ay nakagagalit ang ginawa ng mga pusher at iba pang kriminal at ang pagiging salot ng mga ito sa lipunan subalit wala pa rin tayong karapatang maghusga sa kanilang pagkatao kahit pa pinanonood man natin ang kanilang kakaibang ‘parada’. Kung halimbawa kayang mga terorista, big time drug kingpins, at iba pang malaking isda ang nadakip, ipaparada rin ba sila bilang mga war trophies sa pakikiisa sa mga kampanya ng Duterte administration?

***



Photo Gallery in Tribute to the Pasay City South High School

            Ika-13 ng Hunyo. Unang araw ng taunang panuruan 2016-2017. At ang mga mag-aaral ng Villamor Air Base Elementary School na nasa ikalima at ikaanim na baitang ay magkaklase sa loob ng campus ng katabing Pasay City South High School. Ngek! Anyare?

            Mangyari kasi, hindi pa rin natatapos ang pagkukumpuni sa dalawang gusali ng VABES. At dahil hindi sapat ang makeshift classrooms sa quadrangle, ang PCSHS o higit na kilala bilang “South” mula pa noon, ang nagmagandang-loob na tanggapin ang mga Grades 5 and 6. Pinagamit nila ang makeshift classrooms nila dahil nagsipagbalik na ang mga estudyante ng high school sa dati nilang mga silid-aralan.

            Mga dalawang buwan pang idaraos ang klase ng mga nasa elementarya sa teritoryo ng hayskul. Kahit nagiging cliché man ang quotation na “everything happens for a reason”, well, that’s the truth. Noong una ay na-intimidate ako na halos ma-discourage sa unang pagkakita pa lamang sa kalagayan ng mga temporary classrooms na may butas-butas na dingding na nanlilimahid din sa bandalismo na akala mo ay silid-aralan na nasa areas of conflict doon sa gitnang Mindanao. The walls and the whole rooms speak for themselves kung gaano ka-wild ang ilang highschoolers na nagklase dito. Subalit sa paglipas naman ng mga araw, ang mga makeshift classrooms ay naging pook ng kaalaman at pagkatuto at nagkaroon ng masayang pagsisimula ang school year.

            Sa wakas, nakapasok na ako sa South at ‘nakapagtrabaho’ rin dito. Very cordial and welcoming hospitality. Noong nagtapos ako sa VABES, akala ko doon din ako maghahayskul tulad ng mga kapatid ko pero tadhana ko nang mapunta sa dalawa pang private school. Nakita ko ang ilang estudyante na naturuan ko noon. Mga binata at dalaga na ang mga nene at totoy noon. May mga nakakakilala pa rin sa akin at hindi naiilang na sa akin ay lumapit. At meron namang umiiwas na parang natatakot; kungsabagay, isa na lamang akong multo mula sa nakaraan. Nang nagsimula ang NAT review para sa mga Grade 7, ilang titser ng Grade 5 at 6 ang mga tumulong sa pagbabalik-aral ng mga bata. Man, I got included in the roster of reviewers, for pete’s sake. Ngunit pagtupad pa rin ito sa tungkulin at kaunting minuto lamang na nag-conflict sa iskedyul ko. Okey naman, eh. Cooperative yung karamihan sa mga bata tapos madali nang sawayin yung mga maldito sa kanila. Hindi ko na iniisip ang stress basta nakakahanap pa rin ako ng dahilan para maging masaya.

            Ika-27 ng Hulyo. Well, looking back sa unang dalawang buwan ng school year 2016-2017 sa campus ng PCSHS at para sa akin ay naging maayos at masaya. Habang nagbabayanihan ang mga taga-VABES sa paglilipat ng mga kagamitan at muling pagbabalik sa dating mga school buildings, sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang flagpole na may mga santan sa paanan nito, yung mga canteen at tindahan, ang mga puno at halaman, at ang admin building pati mga miming na nakatira sa may mga mahogany. At ang kanilang masipag at butihing punong-guro na nanguna sa pagtanggap sa mga “refugees” mula VABES.

***


Buti na lang at nakahanap pa ako nito sa Astroplus ng SM MOA. Sana ibalik uli nila ang mga VCD dahil mas maganda naman talaga ito kaysa DVD o kahit Blue Ray disc pa.

***

            Ika-11 ng Hunyo. Ang init-init sa araw na ito pero ang saya-sayang manood ng NBA Finals Best of 7 Cleveland Cavaliers vs. Golden State Warriors. Pareho kong gusto ang dalawang team pero mas nangingibabaw pa rin ang Cavs dahil kay Lebron James kahit pa noong lumipat pa siya sa Miami Heat. Wow, okay ang official colors- golden yellow for GSW and deep maroon for Cavs. Nazareno colors!

            Ika-20 ng Hunyo. Nanalo ang Cavs! Ang lupit ng laro, o! Nganga ang GSW fans na nagsipagsiksikan pa naman sa Oracle Arena at hindi pa umobra ang homecourt advantage. Ready to celebrate and party na sana, o!

***




Kataka-taka nga naman na ang maririkit na halamang ito ay ang mga mumunting plantlets na dala namin noon galing sa Batanes! (pakitunghayan ang blog post na “Ang Bakasyunistang Weirdo sa Batanes”, April 2015)

***

Finale of this Blog Post:




The Consumerist Manifesto


            Ngayong taong panuruan 2016-2017, ang weirdong blogger na nagngangalang Joan T. Teves ay muling nasa floating status which means, wala nang advisory class di tulad ng nakaraang taon (related blog post “Bugso ng Habagat” August 2015) at balik muli sa pagiging pangkaraniwang tagapagturo ng mga asignaturang Filipino at Araling Panlipunan para sa Ikalimang Baitang at wala nang matrabahong paperworks and classroom management.

            Oo nga pala. Tutal sa blogsite na ito, wala namang naliligaw gaano at ang mga anonymous readers dito ay mas lalong walang pakialam kahit na magmura man ako o mag-cyberbully kung trip ko, nyehehehe! Well, gusto ko na lang tila i-confide dito sa blog ang ilang pahayag na hindi ko usually inihahayag sa mga pook na hindi dapat magpahayag nito. May ugali rin ako sa pagsalungat sa agos lalo na kung may mabuting dahilan talaga upang salungatin ito at baka maging sanhi pa yun ng pagkaanod. Sigh, gusto ko ng outlet for expression.

            Ayon sa Code of Ethics for Professional Teachers Article X: The Teacher and Business, Section 1- “A teacher has the right to engage directly, or indirectly, in legitimate income generation; provided that it does not relate to or adversely affect his/her work as a teacher.” Kaya nga may ibang mga titser ang merong raket sa direct selling, provided na kapwa guro o mga school personnel ang aalukin nila ng kanilang mga kalakal. Meron namang mga titser ang nagmu-moonlighting sa ibang hanapbuhay basta legal pagkatapos ng klase nila. Eh, meron ngang mga titser ang idinadaan sa photocopied learners’ materials, handouts, modules, and quizzes ang dagdag nilang kita, ano? Another classroom situation, this is a no holds barred admission of the not-so-guilt, may mga guro, lalo na kung hindi naman miyembro ng kanilang school cooperative ang merong micro-enterprise sa loob ng canteen tray na inihahatid sa mga silid-aralan at ibabalik naman sa canteen kasama ang benta pati unsold items. At ang items mula sa micro-enterprise ay hindi naman kasama sa pagbabalik ng tray,a!

            Damn, this weirdo blogger seemed to be confessin’ that not-so-guilt last school year. Ako ay lubos na humihingi ng paumanhin kung may mga naapektuhan man sa mga panahong ako ay naging isang money-making pirate. Hindi ako kasapi ng coop. Ang mga items ay may maliit lang na tubo kaya hindi talaga masakit sa bulsa; my very own clandestine sari-sari store of very reasonable prices.  Nagmamalasakit lang ako in the name of variety during recess at ang mga bata ay meron pang natitipid sa kanilang baon. At ang weirdong ito, you can call me an opportunist or even a profiteer if you want to but you don’t have the right to judge me. Pagkatapos ng nagdaang school year, inipon ko ang benta at ako’y nag-inventory. Man, I actually did not profit that much at all! Mas malaki pa malamang ang kinikita ng manong magtataho o ng aleng naglalako ng balut at daing kaysa sa akin! Well, what was important was that as a way of thanksgiving and giving back, a fund was still raised and divided equally to be donated selflessly to three charitable institutions. Wala akong itinabi ni singkong kusing. Kung gusto niyo, i-upload ko rin dito ang litrato ng mga resibo mula sa money remittance center,eh!

            Wala na akong negosyo. Ano kayang legal scheme ang pwede? Ni wala nga akong puwang sa publishing opportunity kasi profit-driven naman talaga ang karamihan sa mga publishing company dito sa Pilipinas, di ba?   


Tuesday, May 31, 2016

Nasaan ang Talahiban sa Tigbauan?



Matagal na namang naantala ang paglalathala ng mga sanaysay ng weirdong blogger na nagngangalang Joan T. Teves at sa katunayan nga ang aktwal na petsa nang nai-post ang blog na ito para sa Mayo 2016 ay Oktubre 2016 na. Katulad ng mga naihayag ko sa blog post ko noong Abril 2016 (pakitunghayan ang “Soliloquy ng Tag-Araw”), hindi tungkulin ng isang weirdong katulad ko ang mag-blog para lamang sa ikaaaliw at kuryosidad ng mga anonymous readers na nag-uusyoso lang sa site na ito.
Huli man daw at magaling (?), late pa rin.
***

Sa wakas, kahit phase out man ang mga casette tapes at wala nang available CD nito, nakabili rin ako sa Astroplus-SM Mall of Asia ng original DVD ng mga music videos ng maituturing na among the greatest bands in rock music history, ang Guns n’ Roses! Ayoko ng digital downloads nito lalo pa’t hindi naman ako madalas mag-Internet. At saka, iba pa rin kapag old school type of sound trip. Ang nasa track list ng 1998-produced DVD ay mga hits ng GnR mula late ‘80s to the early ‘90s at siyempre, signature hit na ang “Sweet Child o’ Mine” pero ang favorites ko talaga ay ang “Don’t Cry” at lalo na ang “November Rain” with its perfect blending of hard rock and the classical touch of sweeping orchestra music. Along with the likes of Metallica and Bon Jovi (meron din akong CD ng greatest hits nito!), wala na yatang makakatapat sa GnR sa mga banda ng kasalukuyang panahon, ano?
***
Ika-9 ng Mayo. Buong araw talagang maalinsangan ang panahon. All roads lead to public schools nationwide. Madaling-araw pa lang ay animo may alay-lakad na patungong Villamor Air Base Elementary School para sa mga taga-Barangay 183 dito sa lungsod ng Pasay.
Nag-undervote ako, hehehe! Basta, ayoko na lang mag-aksaya ng boto. Mula tanghali hanggang gabi, nakatutok kami sa mga balita sa TV tungkol sa mga resulta ng eleksyon. Simulan nga sa senatoriables. Tsktsktsk! Itong isang good-goody-holier-than-thou senatoriable na hindi ko na lang babanggitin ang pangalan ay talaga namang nakakadismayang nakarating pa sa magic 12 sa simula pa lang ng transmission of poll results. Idinaan na lang niya sa popularidad niya at pagkasangkapan sa mahihirap sa mga campaign TV ads niya along with his torrential, fundamentalistic solascripturan preaching. Tinimbang ngunit kulang, ano bang notable socio-political achievements ng isang ito noong nasa local provincial position pa? Ang lalawigang kanyang kinatawan ay nabibilang pa rin sa pinakamahihirap sa bansa lalo na sa sektor ng kalusugan at edukasyon katulad ng madalas na ipinapakita sa mga balita at dokyumentaryo. Napabilang ba ang doon sa campaign ad niya ang mismong mga kababayan niyang nasa liblib na pook na tila nilimot na ng mundo dahil sa kalagayan nila? Well, hayaan na lang natin,o! Basta, sana ay gampanan niya nang maigi ang tungkulin sa bayan sa pulitikang nilahukan niya at pati sa kanyang beloved career na sabi niya noon ay magreretiro na mula dito tapos binalikan pa rin pala.
Ang talagang gitgitan ay sa vice-presidential race. Dito sa bahay ay maka-Leni kami, eh!
At ang “eye of the storm”, ang presidential battlefield. Sa simula pa lang, Duterte na,o!
Pagpalain nawa ng Panginoong Diyos ang aking bansa at ang lahat ng bagong halal na pinuno. Amen.
***

The Ayala Museum (photo courtesy of Wikipedia/ uploader:GlennG)

Ika-11 ng Mayo. Sa wakas, nakapamasyal na ako sa Ayala Museum sa Makati. Ang layu-layo naman ng nilakad ko mula MRT patungong Greenbelt. Pero di bale at matagal ko na kasing gustong makapunta sa Ayala Museum at mapagmasdan ang mga naka-exhibit na historical dioramas and art galleries hanggang sa “Crossroads of Civilizations” sa isang palapag ng naturang gusali. Malaki ang maitutulong ng museum tour na ito lalo pa’t Araling Panlipunan para sa Ikalimang Baitang ang itinuturo ko at kabilang sa mga paksa sa Unang Markahan, alinsunod sa K to 12 curriculum, ay tungkol sa pre-Hispanic history ng Pilipinas.
Exciting din siguro maging archaeologist.
Paglabas ko mula sa gallery of Philippine gold artifacts, nag-usyoso rin ako sa mga exhibit ng mga centuries-old antique ceramics of mostly Ming dynasty blue-and-white designs. Dito sa aming bahay, ang dami-daming made in China ceramics tulad ng mga vases, potteries, decorative figurines, and dinnerware pero meron din namang Korean and Japanese items kahit pa mula sa mga ukay-ukay ang mga ito. Well, ang mga ceramics, kapag pinag-ingatan nang husto, ay kabilang sa mga pinakamainam gawing time capsules makalipas ng isandaang taon o limang daan o kahit libong taon pa.


***
Mayo 23- 27. Ilang linggo pagkatapos ng K to 12 seminar sa BP Hotel-Makiling (see “Soliloquy ng Tag-Araw” April 2016 post), napabilang na naman ako sa seminar pero isa itong writeshop. Dahil ipinatupad na ang bagong curriculum para sa Ikalimang Baitang, maraming pagbabago sa mga subject. At wala pa palang available na mga bagong aklat kaya kanya-kanya ng effort nang pangangalap ng ituturo mula sa mga lumang batayang aklat ng Gr.4,5,6 at pati sa AP ng 1st year high school. Sa writeshop seminar, ang mga dumalo ay gagawa ng mga sample lesson plans ng iba’t ibang subjects pero sa bandang huli, nasa diskarte pa rin at competency ng guro kung paano magpa-facilitate sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Well, okey lang naman doon sa writeshop. Wala akong laptop at para akong parasite na nakikigamit lang sa mga meron nito. Setting aside those heavy paperworks. I wanna talk about the lovely venue, the Helena Z. Benitez National Training Center located in Barangay Sungay East, Tagaytay City, Cavite with those magnificent panoramic view of the Taal Volcano and Lake. Ang training center ay ipinangalan sa kilalang civic leader and educator at ito rin ay may camping facilities for the Girl Scouts of the Philippines kaya meron din sculpted bust ng kapwa-great woman ni Ms. Benitez, si Gng. Maria Kalaw. Sayang at hindi lang ako nakapagdala ng camera!
***
Ika-28 ng Mayo, simula ng bakasyon namin sa Tigbauan, Iloilo makalipas ng dalawang taon. From NAIA-3 to Iloilo Airport, maaliwalas ang panahon. At noon ko lamang napagtanto na ang bayan pala ng Cabatuan ang nakasasakop sa airport na ang buong akala ko noon ay sa Sta. Barbara!
Ang weirdong nagngangalang Joan T. Teves ay nagbalik sa Tigbauan, Iloilo upang tahimik na maghasik ng ligalig lalo na sa mga intimidated agad sa presenya pa lang niya, nyehehehehehe!
Ilang araw lamang ang bakasyon namin, mula Mayo 28 hanggang Hunyo 5. Sa pangkalahatan, ang buong bakasyon ay laidback days at halos staycation naman sa bawat araw. Ngunit naghahanap pa rin ako ng mga dahilan para malubos ang bakasyong ito. Wala nga kaming ibang napuntahan, eh.





Minsang maalinsangang umaga ay sumadya ako sa simbahan ng Tigbauan. Kahit ang piyesta dito ay tuwing Enero bilang pagpupugay sa Santo Niño, ipinangalan pa rin kay San Juan de Sahagun ang parokya na ang kapistahan ay sa Hunyo 12 pa, Araw ng Kalayaan. May mga pagkakataong maraming tao na galing sa ibang lugar ang sumasadya sa heritage church ng bayan at natutunghayan sa kanilang mga mukha ang pagkamangha sa arkitektura, interiors, at naggagandahang mga mosaic na ginawa dahil na rin sa pagpupunyagi noon ng pumanaw na kura-paroko dito na si Fr. Carton(†), mga local artists, at libu-libong Tigbauanon na nag-ambag-ambag para sa grand ecclesiastical project na ito. Para akong incognito tourist. Kabilang ako sa mga turistang dumayo dito upang mag-visita iglesia at magbigay-pugay rin sa nasisilayang labor of love sa buong simbahan dahil sa bayanihang ipinamalas ng bayan dulot ng malalim na pananalig.
Ang gaganda ng mga mosaic at nalapitan ko pa’t nahawakan ang mga colored teserrae na bumubuo dito. Talagang matibay at higit na nagtatagal kaysa mga mural or wall fresco paintings na kumukupas talaga sa paglipas ng mga panahon. Pagmasdan na lang ang mga mosaic na ginawa ng mga ancient artists of the Greek, Roman, and Byzantine empires. Lumipas na ang libu-libong taon, naroon pa rin ang mga mosaic sa archaeological sites.
Kaya lamang nang gumala ako sa loob ng simbahan, may napuna ako sa may kanang bahagi ng simbahan kung saan may mga puno ng mahogany at malapit sa adoration chapel at isang pribadong paaralan doon, ang kalat-kalat! Wala yatang katiwala ang nagagawi sa lugar na ito at kung may available lamang na walis at dust pan at waste segregation facility, nag-volunteer na akong maglinis. Wala man lang ni isang basurahan kaya ang ibang taong nagawi doon ay lalo lang naging burara!
Pati nga ang dinarayong Santo Niño Candle Chapel na malaking bahagi pa naman ng simbahan ay wala rin maintenance ng kalinisan, o! Nakadidismayang pagmasdan ang kalagayan ng Santo Niño sa loob ng glass case. Buti at nakangiti pa rin ang Batang Poon kahit pa nakayungyong na ang mga agiw at kapal ng alikabok. Maayos-ayos pa ang kalapit na chamber kung saan may isa pang Santo Niño.
Ngunit pagdating sa kabilang panig ng simbahan kung saan naroon ang mga opisina at isang malaking multi-purpose covered court, wow, ang linis! Kabi-kabila ang mga trash bin, more than enough, at naka-landscape ang hardin. Sa totoo nga lang eh, nakapagsulat pa ako ng feedback letter at iniwan ko sa opisina ng parish priest na walang tao nang araw na iyon; hindi naman sa pangingialam kundi pagpapaalala bilang pagmamalasakit. Ang linis sa may parish office ngunit bakit tila nilimot na ng mundo ang kabilang panig ng simbahan? Uso ba dito sa Tigbauan ang magsudsod ng tunaw na kandila tulad sa Baclaran? Palagi na lang sarado ang adoration chapel! At yung kaakit-akit na mahogany plantation ay maaari namang taniman pa ng low maintenance garden plants sa paanan nito at gawing mini-ecopark upang maging conducive for reflection and meditation sa mga taong nagagawi doon.
Sa labas ng simbahan ay mayroong liwasang-bayan. Maingay doon lalo na tuwing hapon tapos bakasyon pa kaya may mga sports activities. Dumaan din ako sa pavilion na malapit sa napakalaking puno ng Indian mango na naging saksi sa pamumuhay at pagbabago sa Tigbauan. May mga nagdi-date sa pavilion kahit na napabayaan na ito katulad sa maraming bahagi ng plasa. May fountain area sana ito pero may mga basura naman na inihahagis ng mga salaulang namamasyal dito; sayang naman ang mga istatwa ng mga dolphins. Sana, pinatubuan na lang nila dito sa plasa ng mga talahib!
Napansin ko talaga sa ilang lugar dito sa Tigbauan, para bang sa paglipas ng panahon ay nagiging mas makalat na katulad sa mga lungsod ng Metro Manila at dumarami na ang mga taong nawawalan na ng disiplina sa kaayusan at malasakit sa pamayanan at kapaligiran. At kabilang sa mga nakababahalang biktima ng kapabayaan ng tao ay ang ilog na gustung-gusto ko pa namang pasyalan sa tuwing nagbabakasyon kami. Noong 1988 hanggang early ‘90s, nadatnan ko pa ang ilog na maayos pa ang kalagayan tapos namumulot pa ako noon ng mga kabibe sa pampang nito at minsan pa akong nakapagtampisaw sa malinaw pa nitong tubig. Ngayong panahon, inabuso na ng tao ang tahimik na ilog. Ilang piggery na kaya ang diretsong nagtatapon ng dumi dito kasabay ng basura mula sa mga bahay-bahay?




  Naroon pa rin ang rickety hanging bridge na aalug-alog sa bawat hakbang ng mga tumatawid dito. Wala rin maintenance at butas-butas na ang tabla sa sahig nito tapos maya’t maya’y nariyan na ang mga habal-habal na motorsiklo na ginagawa itong shortcut. Sana, ang ipinagawa ng pamahalaang lokal ay isang maliit man ngunit matibay at konkretong tulay na pangmatagalang panahon pang mapakikinabangan ng mga mamamayan at ng mga susunod pang henerasyon ng Tigbauanon. Maaaring makatulong pa yun nang malaki sa mga kanayunan sa kabilang panig ng ilog.



Madalas ako noong mag-isang gumagala. Minsan ay ang layu-layo ng nilakad ko na para bang distansya mula sa bahay namin dito sa Villamor Air Base hanggang Baclaran! Mayroon akong guardian angel, ha! Incognito tourist uli ako na porma at lakad-maton para ma-intimidate pa ang mga tao at huwag na lang ako pansinin.Isang crossdressing na tibo, hehehe! Pagkagaling ko mula sa simbahan, tinahak ko ang highway na patungo na sa kabilang bayan ng Guimbal pero hindi ko na pangarap na lumakad pa diretso pa doon. Basta late afternoon leisurely stroll mula bayan hanggang Sibalom bridge kung saan naroon ang isa rin sa mga pinakamagandang tanawin dito sa Tigbauan- ang ilog na patungo na sa dagat! Gusto ko sanang marating yung bukana kaya lang baka may mga gumagalang aso tapos hindi ko kabisado ang lugar kaya nagtungo na lang ako sa Barangay Parara Sur kung saan sa beachfront nito madalas kami nag-outing and picnic.
Halos walang pinagbago ang coastal fishing village. Palibhasa hapon na kaya nakadaong ang mga paraw sa dalampasigan. Ang lakas ng hampas ng alon pero nakakainggit ang mga batang tuwang-tuwa pa sa paglalaro dito. Masarap sa pandinig ang dagundong ng mga alon nang mga oras na iyon sa totoo lang. At lagi rin akong nagdi-daydream. Hay, ang sarap ng simple at payapang laidback provincial life.
Kung mayroon akong kahilingang ipaaanod sa walang hanggang daloy ng ilog hanggang sa nag-aanyayang karagatan, ito ay yung nawa’y mapanatili ang kapayapaan dito. Kung napauulat man ang mga suliraning nagpapagambala sa pang-araw-araw na pamumuhay dito, nawa’y masumpungan ng katugunan. At nawa’y lubos na mahalin ng mga tagarito ang kanilang bayan. Pagpalain ka nawa ng Panginoong Diyos, mahal kong Tigbauan.


Thursday, April 21, 2016

Soliloquy ng Tag-Araw

The laughing Buddha, the frogs, and the flowers

Ang weirdong blogger na nagngangalang Joan T. Teves alyas weirdjtt ay ngayong April 2016 lamang naisaayos ang blog site na ito buhat sa September 2015 post na “ Anti-Pabebe Weirdness” hanggang sa kasalukuyang post na ito na may pamagat na “Soliloquy ng Tag-araw”. Eh, sa ngayon lang ako sinipag, eh. At saka, hindi ko naman tungkuling panatilihin ang blog site na ito on time para lang sa entertainment and curiosity trip ng karamihan sa mga cold and distant anonymous readers dito, ano?
Tag-init na nga kahit hanggang gabi subalit buti na lang at madalas ang tuluy-tuloy na ihip ng silangang hangin o yung tinatawag na easterlies. Siyempre, basta pag ganitong panahon, inoobserbahan ko ang langit tuwing gabi. On early evenings and the night sky is clear, Orion, Taurus, Canis Major, Canis Minor, Gemini, Auriga, and other prominent constellations during the cooler months of November to February, are having their descent to the west. And during the dry months of March, April, and May, Jupiter is ascending in the east. Kasunod ang partner stars- reddish-white Arcturus of Böotes and bluish-white Spica of Virgo. At bago maghatinggabi, inoobserbahan ko uli ang eastern sky. Tila may bagong konstelasyon! The bright red constellation of 2016. Halos sabay ang ascent of Ophiuchus and the Scorpius. At dalawa na ang masisilayang planeta sa pagitan ng mga ito. Noong nakaraang taon, naoobserbahan ko ang posisyon ng Saturn at ito’y nasa sipit ng Scorpius at ngayong taon, napalapit na ito sa gilid ng Ophiuchus. At ang bago, ang Mars ay muling natunghayan sa Scorpius. The two planets- Mars and Saturn together with the scorpion’s heart, Antares, ay may tatsulok na pattern, isang celestial triangle. That’s cool! Two red planets, a bright red star, the scorpion, and the serpent-holder. Spectacular night sky sights and delights!
*******
Abril 3. Second Sunday of the Easter season and Feast of the Divine Mercy Sunday. Kahapon ko pa natapos ang nobena nito sa Shrine of St. Thérèse dito sa Villamor Air Base. Matagal nang namayapa si St. Faustina Kowalska ngunit sa pagpapala ng Panginoon, ang debosyon sa Banal na Awa ay nagpapatuloy at nagpapatuloy. Dahil yun sa inspirasyon ng Holy Spirit.
Nagsimba ako. Bago mag-homily, may ibinahaging anecdote ang pari. Noong World War I (1914-1918), ang reigning Pope pa noon ay si Benedict XV (†) na malamang ay idolo ni Pope Emeritus Benedict XVI. Siya ay kilalang humanitarian pope and advocate of peace. Isang araw nang siya’y nag-Misa sa St. Peter’s Square, isang assassin ang humalo sa mga nagsisimba. Habang binabasbasan niya ang mga tao, inasinta siya ng assassin pero ang baril nito ay hindi man lang pumutok kahit na loaded ng bala. Nagkagulo at dinakip ang tao at iniharap kay Pope Benedict. Nagtataka ang mama sa baril niya na nilinisan at nai-test naman niya pero sinabi sa kanya ng Pope na hindi na talaga yun puputok sapagkat binasbasan na niya ang lahat-lahat ng dumalo sa Misa. Pinatawad siya ni Pope Benedict; kagaya rin ng ginawa noon ni St. John Paul II. Sa halip na ipakulong, pinauwi na lang niya ang mama sa pamilya nito. Ngunit ang mama ay nag-atubiling umuwi sapagkat labis siyang nahihiya sa kanyang asawa at mga anak.
  Katulad ng binanggit sa Gospel ngayong Linggo, matapos maniwala sa wakas ni St. Thomas na nabuhay uli si Jesus, siya at ang mga alagad ay binasbasan ng Panginoon na “... magkaroon ng awtoridad upang magpatawad.” Ako man, aaminin kong mahirap ako minsang magpatawad lalo na kapag ang tiwala ko ang nasira. Subalit dumarating pa rin ang wastong pagkakataon at panahon upang ang kapatawaran ay lubos nang maigawad at wala nang kondisyon o pag-uungkat pa ng mga hinanakit at sugat mula sa nakaraan. Maraming salamat sa Panginoon sa mga natutunan kong ito. Amen.
*******
Abril 7. What a joyful day! Halos buong araw akong nasa Maynila, my second favorite city after Pasay.
Pero hindi naman pasyal ang sadya ko doon. Buti at maluwag sa loob ng mga bagon ng LRT-1 hanggang sa pagbaba ko sa Central Station. Pagpunta ko sa Lawton upang mag-abang ng dyip patungong Sampaloc, napansin kong binakuran na ang paligid ng Manila Metropolitan Theater sapagkat isinasailalim ito sa clean-up and rehabilitation. Noong buhay pa ang namayapang Kuya Germs (†), nabanggit pa niya minsan sa isang dokyumentaryo ang naturang gusali. Balak ng Manila City government na buhayin muli ang Met. Sayang na sayang na heritage building. Nagsilbi pa naman itong piping saksi sa kasaysayan ng lungsod at katulad ng Ilog Pasig, ito’y pinabayaang mag-deteriorate sa paglipas ng maraming panahon.
Hindi matrapik hanggang Quiapo at Sampaloc. Tatlong taon na ang lumipas nang huli akong nakapunta dito. Nagpa-renew ako ng ID ko sa PRC main building. Online na pala ang renewal nito at kanya-kanya na ng pag-encode sa PRC website ang bawat aplikante. Ang haba-haba ng pila sa nakahilerang computer units pero may mga nag-a-assist naman lalo na sa mga may edad nang aplikante na hindi masyado sa kompyuter. Syempre ang mga nakatunog sa bagong patakarang ito ng PRC ay nag-apply na right in the comfort of their homes or offices and hassle-free na. Magbabayad na lang sila sa Bayad Center or to the bank of their choice within 24 hours at pwede nang makuha ang renewed ID either thru delivery o kung masipag sila, sa main office mismo. And as for me, pumila at magutom! Ngunit worth the long, boring wait naman, at hindi kagaya noon na isang linggo ang hihintayin, ngayon ay nakuha ko na ang ID ko pagkatapos magbayad ng renewal fee.
Pagkakain, sumakay na ako sa dyip pabalik sa Quiapo. Sa hapong ito, meron akong belated visita iglesia. Una kong tinungo ang Quiapo Church or Minor Basilica of the Black Nazarene. Pagkatapos, sunod naman sa aking itinerary ay ang St. Jude Thaddeus and St. Michael the Archangel, both National Shrines, na nasa San Miguel o within the Malacañan Complex. Huwebes pala at may nobena kay St. Jude kaya pala maraming tao. Nadatnan ko pa ang patapos nang High Mass. Iba-ibang mga tao katulad sa Quiapo Church. Iba-ibang mukha. Iba-ibang saloobin. Hindi ako nakasama sa mga nagnobena subalit simple lamang ang aking panalangin- pagpalain nawa ng Panginoong Diyos ang lahat ng taong naroon kahit na wala akong kilala ni isa sa kanila. Ikatlong simbahan na yung St. Michael. Malayu-layong lakaran patungo doon along J.P.Laurel Avenue, sa labas ng bakod ng Palasyo mismo ng Malakanyang. Hindi naman nakakapagod dahil maraming puno doon at saka tahimik na lugar. Nadaanan ko pa ang Freedom Park at ang marker ng Liberation of Manila 1945. Kaya lang, kulang sa maintenance ang munting parke at ang nakakadismaya ay ang nangyari sa monumento na may istatwa ng puting kalapati sa itaas. Kahit na tapat mismo ito ng Malakanyang, heavily-vandalized na ito gawa ng mga iresponsableng namamasyal dito na hindi iniisip na ang ipinangpagawa sa parke ay mula sa buwis ng taumbayan. At malamang, marami sa mga tumatambay at namamasyal dito ay hindi rin pansin kung tungkol saan o para saan ang historical marker sa naturang parke at maging mismo sa kasaysayan ng kanilang lungsod! 
*******
Abril 16. Bago magtanghali ay pumasok pa ako sa City University of Pasay dahil finals exam at last meeting na sa aming MAED class. Napakaalinsangan nang araw na ito. At least, lumamon naman ako kanina sa Jollibee.
16th of April na. Ngunit para sa akin ay tulad pa rin ito ng karaniwang araw basta huwag kong kaligtaang sumadya sa simbahan. Mula F.B. Harrison, nag-dyip ako hanggang Padre Burgos. Nagtungo ako sa Santa Clara Parish, very nostalgic para sa akin lalo pa’t katapat din nito ang high school alma mater kong St. Mary’s Academy. Pumasok muna ako sa Adoration Chapel bago magtungo sa main church. Marami-rami ang tao nitong hapon, a. lumabas ako sa simbahan nang magaan at masaya ang aking pakiramdam. Bago ako umuwi, bumili ako half choco roll sa Goldilocks para dessert pagkatapos ng simpleng hapunan.
Ika-16 ng Abril. Ano ba ang masasabi ko sa araw na ito? Simpleng araw, basta gusto ko lang ang isang simple pero mapayapang araw sa birthday ko.
*******

Giacomo Farelli's St. Anthony of Padua with the Baby Jesus (courtesy of Wikipedia)

Abril 20. Kung hindi ipinaalala ng aming family friend na sa petsang ito, darating ang relics ni St. Anthony of Padua sa Shrine of St. Thérèse, sayang ang pagkakataon! Kahit na hindi ko naabutan ang Misa, marami pa ring tao sa simbahan. Pagkatapos manalangin, pumila ako para masilayan nang malapitan ang relic. Isa pala yung maliit na bahagi ng buto na nakalagak sa maliit na reliquary. Nabuhay si St. Anthony 800 years ago, sa panahon ng Middle Ages, at kasabayan pa niya si St. Francis of Assisi. Katulad ng karamihan sa mga banal, maikli rin ang buhay niya subalit makabuluhan. In art, ang portrayal sa kanya ay isang simpleng Franciscan na buhat ang Baby Jesus na nakaupo sa aklat. Paalala ng isang pure, childlike faith. Kilala rin siya noon bilang effective preacher na nahikayat ang napakaraming tao pabalik sa Simbahan. Siya rin ang patron saint of lost articles.
Pero sa term na “lost articles”, sa palagay ko, hindi lang yun mga materyal na bagay. si St. Anthony of Padua ay isang intercessor, patuloy na nananalangin para sa mga kaluluwang nais muling mahanap ang nawalang pananampalataya, o ng pag-asa, pag-ibig, pangarap, tiwala, o kapayapaan ng kalooban. Sa ikalawang blog post ko noong July 2012 na “Don’t Mess Up With This Soliloquist” na kabilang sa mga nakatalang posts na may pinakamaraming pageviews, may uploaded image pa doon ng painting tungkol kay St. Anthony meeting the Baby Jesus in a vision at may karugtong na maikling panalangin na muli kong isasama sa blog kong ito ngayong buwan.
Please pray for me and the others, o humble servant of Our Lord. May the lost dear things, fruits of our labors be found and retrieved or returned. May the lost trust be mended and genuine forgiveness follows. May the lost confidence and hope to pursue dreams be regained. So be it.
*******
Botanical Gallery with Birds
Celebrating the season!




Ang tarat sa malunggay at kawad











Bougainvilleas

Is this a variety of ashitaba or not?


Cassandra shrubs 
*******

Blog Chaser
(actually nais kong ipabilang ang sanaysay na ito para sa buwan ng Abril 2016)

Ika-25 ng Abril hanggang ika-1 ng Mayo nang idinaos itong K to 12 seminar ng Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng Lungsod ng Pasay, doon sa Baden Powell (BP) Hotel na matatagpuan sa Jamboree Road ng medyo liblib na baryo ng Batong Malake, Los Baños, Laguna at lampas ng University of the Philippines at nasa Bundok Makiling na. Wala akong kuhang litrato sa naturang lugar ngunit matutunghayan naman ang kariktan nun sa Google images at may website din yun.
Ano bang masasabi ko tungkol sa seminar? Mixed emotions. At nang nalaman ko ang bagong kurikulum ng Araling Panlipunan para sa Ikalimang Baitang (yun ang bagong tawag sa Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika o HEKASI na napakahabang panahon nang pangalan sa asignatura), nalungkot ako. Sabihin na ngang “decongested curriculum” na ang K to 12 at naka-pokus umano sa ‘mastery of topics’. Ang mga paksang-aralin ay simula sa lokasyon ng Pilipinas sa daigdig (tulad sa AP ng Gr. 4) at ang sinauna o pre-Hispanic na panahon sa bansa hanggang 1815 lamang. Tsktsktsk! Samantalang sa Revised Basic Education Curriculum (RBEC) noon, ang turo sa HEKASI 5 ay tutok talaga sa kasaysayan ng Pilipinas mula sinaunang panahon hanggang kasalukuyang pamahalaan at ang tungkol sa demokrasya ang finale nito. Nakakabwisit ang nangyari sa school nitong katatapos lang na school year 2015-2016. Yun pa naman ang huling SY ng RBEC para sa Gr. 5. Ikaapat na markahan na sana pero ang dami pang paksa ang hindi naituturo; paano, Pebrero na nagsimula yung grading period tapos tinambakan pa ng mga mga extra-curricular activities at mga araw na walang palitan ng mga guro at saka, pagsapit ng unang linggo ng Marso, bigla na lang pinasimulan ang mga Ikaapat na Markahang Pagsusulit! Samantalang ang mga araw pagkatapos ng mga pagsusulit ay wala nang mga gawain; nasayang lang. Para sa akin, hindi naman talaga congested ang HEKASI ng grade 5. Nasa ayos naman ang mga paksa nito mula una hanggang ikaapat na markahan. Ang problema kasi ay ang mga sitwasyon sa aming paaralan.
Pambihira naman, o! Hindi na kabilang sa AP 5 ang tungkol sa kasaysayan ng bansa during the late 19th to the 20th century sapagkat ang mga yun ay kabilang na raw sa AP ng mga Gr. 6. Dumalo rin ako sa Filipino session. Mixed emotions again.
Walang plastikan. Marami talagang pagkakataong labis akong naiinip sa seminar. At kahit mukha lang akong tahimik na nakikinig, ang imahinasyon ko ay nasa malayo. Kung pwede lang, tumakas muna at magtago sa hotel room para bumawi ng tulog. O, di kaya’y lumabas tungo sa mga kakahuyan sa tuwing umuulan. Malinis ang ulan sa Bundok Makiling, a! Gustung-gusto ko talagang lumiban na lang sa mga seminar. Subalit hindi ko yun pinagtangkaang gawin at hindi ko talaga yun gagawin. Batid kong ang gobyerno ang gumastos para sa isang linggong seminar na ito. Ang pondo ay mula sa kaban ng bayan na pinupunan ng buwis ng mga mamamayan. Tapos, may allocation ito sa DepEd. Kaya nga walang binayaran sa hotel accomodation at sa pagkain (ewan ko lang sa transportation costs). Nasa oras naman ang sweldo ko katulad sa iba pang government employees.
Seminar, seminar, seminar. Araw-araw. Maghapon. Maraming pagkakataong natutuliro ako sa aking pagninilay-nilay. Nandoon ako sa mundo ng mga guro; titser din ba ako kagaya nila? Yun bang ang pakiramdam ng pagiging sabit lang. Ipatutupad na sa susunod na pasukan sa Hunyo ang ‘makasaysayan’ umanong K to 12 curriculum ng Gr. 5. Hanggang kailan kaya ang panahon ng pagiging guro ko? Hindi ko alam... sa kasalukuyang panahon, I’m still running in circles na hindi ko mapagtanto kung ano ba talaga ang puwang sa mundong ibabaw para sa akin. Marami na akong batang nakilala. Ngunit may naging impluwensya ba ako sa buhay nila? Kahit papaano, may naiambag ba ako upang makaagapay sa kanila sa panahong ito ng kanilang paglaki? That is not mine to say.
Meron din namang pagkakataong na-enjoy ko ang pagdalo sa seminar and group works. Halimbawa ay ang isang activity sa AP tungkol sa pagkamakabansa at pagkamakabayan. Masaya ako na nakapag-ambag sa pangkat namin sa pamamagitan ng isang on-the-spot na maikling tula na nai-compose ko. Ito yun, eh:

Pinagpalang bayan sa silangan

Hinahagkan ng bughaw na kalangitan

Yakap ng mapaghamon ngunit mapag-arugang karagatan

Mayroong magigiting at mararangal na mamamayan.

Inang Pilipinas, kaming iyong mga supling

Narito sa iyong paanan ang aming mithiin

Dakilang pag-ibig namin, iyo ay damhin

Sa iyong karangalan at puri, handang ialay buhay namin.

Inaabangan ko palagi ang mga oras ng paglamon. Almusal, morning meryenda, tanghalian, afternoon meryenda, hapunan. Palagi akong nakakaulinig sa ibang participants na hindi raw masarap ang mga pagkain at halatang tinipid ito. Pero ako... no discriminating taste. Wala na akong pakialam kung malasa o malinamnam o bland ang pagkakaluto ng nasa daily menu basta lumamon na lang ako at isipin ko na lang ang nutritional content and value.
Well,  I wanna talk about the lighter moments and set the heavy realities of the K to 12 seminar aside.
About the venue? BP is a standard mid-rise hotel managed by El Cielito Corporation and has neat, minimalist interiors with Asian motif like the Buddha figurines. Along Jamboree Road and surrounded by forests, it is adjacent to the facilities and campsite of the Boy Scouts of the Philippines. Pagpanhik ng sinuman sa 4th floor, ah, the magnificent  360⁰ panoramic view ng mga kagubatan, ang mga kabayanan ng Los Baños at Calamba, ang Laguna de Bay, at yung mga burol at maging ang Sierra Madre.
Ngunit ang naghahatid sa akin ng naiibang kasiyahan ay ang luntiang kapaligiran at ang sariwang hangin na kay inam sa kalusugan. Gustung-gusto kong mag-usyoso beyond the BP Hotel’s premises. Naghanap ako ng mapayapang pook doon kung saan ay walang gagambala sa akin kapag nais kong mapag-isa. May mga nais akong gawin kung kaya’t madalas nagsosolo ako at mas lalong wala akong pakialam kung pagbulungan man ako na isa akong weirdo dahil weirdo naman talaga ako.
Di kalayuan sa hotel, mayroong napakalaking puno ng akasya. Nag-iwan ako sa paanan nito ng matatamis na kendi. At pagkatapos, initsa ko sa iba-ibang pwesto ang dala kong mga binhi ng puno at halaman at hayaan na ang kalikasan ang mangalaga sa mga ito. Sa gilid ng malawak na campsite na nagsilbing pastulan muna ng mga baka at kambing pati mga puting tagak, naroon ang hilera ng mga mahogany at halos walang nagagawing tao doon. Pero gustung-gusto ko ang lugar na iyon! Matiwasay talaga at ligtas naman, a picture of tranquility for a meaningful solitude. Isa sa mga mahogany ang may malaking ugat na nakausli at yun ay naging maginhawang upuan para sa akin habang ako’y nagninilay-nilay sa ilalim ng lilim ng mga puno. Sa tahimik na lugar na iyon, kahit na hindi talaga ako ganoong karelihiyoso, doon ko piniling mag-rosaryo at magpatuloy sa chaplet of the Divine Mercy. Noong Abril 30, anibersaryo ng canonization ni St. Faustina.
Kahit sandali lamang na solitude moments sa mahogany row, panatag ang kalooban ko. Nauulinigan ko ang ibang dumalo sa seminar na hindi mahilig sa nature trip at iniiwasan ang mapadpad sa mga kakahuyan kaya doon lang sila sa Jamboree Road. Marami silang kakaibang paniniwala, eh. Hayaan ko na lang sila! Basta ako, natutuwa akong mamasyal sa mga kakahuyan. Hmmm, sundin ko na lang ang mga payo o pamahiin na kapag nagagawi sa ganoong uri ng pook, magbulong ng “tabi-tabi po”. O, sige. Subalit ang kakahuyang iniiwasan ay naging kanlungan ng kapayapaan para sa akin at ligtas naman doon. Panatag akong nakakapagdasal doon. Ipinagdarasal ko sa Panginoong Diyos ang lahat ng aking kasama sa seminar, ang lahat ng taong nakasalamuha ko sa hotel man o sa mga karatig-pook kahit hindi ko sila kilala, ang buong lugar, ang luntiang kapaligiran pati mga hayop, yung mga puno at halaman, at kasama na ang mga “natatanging nananahan” dito. Nawa’y manatiling ganito kaganda at kapayapa ang kalikasang nadarama dito.
At nang huling gabi ng “working vacation” na iyon sa BP, lumabas ako for an early evening solitary stroll. Gusto kong lubusin ang pagsagap ng sariwang hangin basta lumayo lang ako sa mga poste ng ilaw dahil ang dami-daming insektong nagliliparan at lalo ang huwag lumampas sa paligid ng hotel dahil sobrang dilim na sa maraming lugar sa bundok. At ako’y napabuntunghininga habang nagbabalik-tanaw. Noong una, ayaw na ayaw ko talagang dumalo sa seminar at pati ang makarating sa magandang pook na ito. Pinagtiyagaan ko na lang ang seminar subalit ang makarating pala sa bahaging ito ng Bundok Makiling na tinatanaw ko lamang mula sa mga highway noon ay isang napakagandang karanasan na para sa akin. Ang mga kaakit-akit na tanawin, nagpapaalala ng alamat ni Mariang Makiling. Kailan kaya uli ako makakapunta dito? Sana sa pagkakataong iyon, higit pang mainam. Wala nang seminar-seminar. Solo ko na ang guest room kung may budget mag-check in sa BP. At muli akong makakapag-nature trip, ang tahimik na mapag-isa sa ilalim ng mga puno ng mahogany at mag-iwan ng matatamis na kendi sa paanan ng napakalaking puno ng akasya sa tabi ng Jamboree Road. Sana, umusbong at magsipaglaki ang mga ikinalat kong binhi ng mga puno at halaman sa gilid ng camp site.
Sumapit na ang Mayo Uno, Araw ng Paggawa. Huling araw na ng seminar at maaliwalas ang panahon. Sa umaga, habang wala pang sessions, pinuntahan ko uli ang lugar na gustung-gusto ko, my favorite moments of solitude under the mahogany trees. Doon, taimtim na makapagdadasal. Marami akong ipinanalangin. Mga pasasalamat ko. At pagdasal para sa ligtas na biyahe nang masayang makauwi na kaming lahat sa aming mga tahanan. At muli kong ipinanalangin ang buong pook at ang lahat ng naririto.  
Katulad ng nauna kong binanggit, wala akong kuhang litrato sa BP at sa mga kakahuyan. Ngunit bago mag-uwian, nagpatulong ako sa manong guard dahil nais kong mag-uwi ng mga halaman na nakatanim sa landscaped entrance ng hotel. Napakarami ng ganoong mga tanim na animo naging ground cover na doon. Ang mga halaman ang souvenir ko sa lugar at sana’y magsipaglago ang mga ito sa halamanan sa bahay namin.
Kaysarap ng pakiramdam ng pag-uwi sa tahanan. Nakaabot pa ako sa Misa palibhasa ay Linggo, Labor Day holiday, and feast of St. Joseph the Worker, husband of Mama Mary. Pero bago yun, habang nasa Andrew’s Avenue pa kami bago mag-Villamor Air Base, natunghayan ko pa ang campaign motorcade ni Duterte at ng kawan niya na nag-iikot pala dito sa Pasay sa halos buong maghapon ngayong Mayo Uno. Nakita ko na sa personal ang mama! Pero kibit-balikat... hindi naman siya ang iboboto ko. Buhat pa noong nagsimula ang mga kampanya, wala na nga siguro akong pipiliin sa mga presidentiables pagsapit ng ika-9 ng Mayo and that is what I want to express, hehehe!