This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Tuesday, December 21, 2010

Northeast Monsoon Tidings

Way back in the '90s, at the old campus of the Villamor Air Base Elementary School here in Pasay City, there was a weirdo named Joan T. Teves...
2010... that weirdo returned as a "titser-titseran" having Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika of the Makabayan subject area as her subject to teach for Grade 4 pupils.
The Northeast Monsoon on the eight of December- Feast of the Immaculate Conception and the anniversary of the Philippine invasion by the Japanese forces during the war. That weird "titser-titseran" started her "mission". At kasama ko pa ang nanay ko na Grade 4 teacher din; nakadaupang-palad ko pa ang mga naging guro ko noon dito sa VABES! (similar thoughts at my first blog site- http://weirdjtt.blog.friendster.com; look for the essay "Southwest Monsoon Tidings")
Ma'am Teves, Ma'am Joan... nasasanay na rin ako kahit na medyo naiilang pa rin, hehehe! At yung parents ng ilang estudyante ay malamang nga na duda sa akin but that's alright. Dahil sa pampublikong paaralan ang aking Alma Mater, halu-halo ang mga bata. Ewan nga ba at palibhasa kasi, noong ako'y nasa elementarya pa ay kabilang ako sa top class (FL) from Grade 1 to 6. Ngunit iilan lang naman ang mga pasaway at higit pa rin nakararami ang mabilis kong nakapalagayang-loob. Hindi naman talaga ako ang nakagisnang class adviser ng Grade 4- Section 9/ Dove. Pumanaw na ang kanilang guro (take care always, Ma'am... we miss you!) at ako ang substitute. Hindi man ako high-caliber mentor pero gagawin ko na lamang ang aking makakaya. Oh, yes! Ang aking makakaya. Cliche man ang ganitong pananalita ngunit ito ang aking mantra. At saka, ang magkaroon ng trabaho na gusto ko ilang araw bago ang Pasko, napakagandang regalo. Maraming salamat sa Panginoon!
(related blog doon din sa first blog site ko; look for the December essays there na Christmas-related; I don't need to reiterate; the same thoughts I won't ever get tired of)
Samahan ng malalamig ang Pasko... kawawa ka naman/ single ka ngayong Pasko (Christmas Single by Rocksteddy). Corny niyo! Schmaltz! Yung commercial ngayon ng Nestea- lalong mas corny, hehehe! Hoy, ang Pasko ay hindi lang para sa mga magsyota, ano? At saka, ako nga ay gusto kong malamig ang Pasko. Yung maginaw pa. Lasapin ang lamig at pagsapit naman ng summer kung kailan makapanindig-balahibo ang alinsangan, hahanap-hanapin na ang ginaw ng Disyembre at Enero, hehehe!
Celebrate the real beauty of the Christmas season.

Saturday, December 11, 2010

Picture Lay-outs and Speech Balloons

“... since I am impressed it must contain some sort of impression.” – statement of an art critic upon seeing Claude Monet’s “Impression: Sunrise” in 1872



Okey talagang mag-trip down memory lane sa tuwing pinanonood ko ang re-run ng “Dragon Ball” sa Q-11 on weekday afternoons. Mas gusto ko ang mga unang season nito kung kailan batang musmos pa si Son Goku kaysa sa mga succeeding seasons na DB Z kung saan adult na siya (except DB GT dahil bumalik siya sa pagkabata due to the impulsive wish of his first ever major enemy kahit uugud-ugod na, si Mr. Pilaf kasama pa ang dalawang loyal na alalay nito) at mas mararahas na ang mga laban niya (including DB movies featuring powerful foes like Broly and Coola). Kasi mas fun ang adventures, eh. Okey silang mag-ate ni Bulma at ang mga kabarkada pa yung mga original cast. Una ko itong napanood noong 1995 at talagang sinubaybayan ko ito at kinatuwaan. At talagang natawa ako sa ‘first granted wish’ na ibinigay ng mystical dragon kahit ang naughty naman, hehehe! Kaiba kasi sa karamihan sa mga naglipanang anime- character/ visual design and personality, the stories, etc. Anupa’t ang Dragon Ball ang pinakapopular na anime. Ah, yung Son Goku ng Saiyuki along with certain Sanzo, Gojyo, and Hakkai at isang cute dragon na nagiging jeep? Di ko yun kilala! Pero ang Dragon Ball kasi ay hango sa isang Chinese novel na isinulat ng isang anonymous author noong Ming Dynasty pa, ang “Journey to the West” kung saan ay may tauhan doon na para talagang unggoy kung kumilos at malamang ang nag-inspire kay Akira Toriyama para likhain si Son Goku. Ayos, a! Hindi ko lang napanood ang Hollywood movie na Dragon Ball pero noong 1994 ay may napanood akong VHS copy ng isang Taiwanese fantasy-martial arts film na “Dragon Boy” kahit na marami rin itong pinagkaiba sa anime. Kamehame wave! Actually, mayroong hari noon sa Hawaii bago ang US conquest na ang pangalan ay si King Kamehameha. Pero wala siyang kinalaman sa anime, a!

Syempre, muling ipinalalabas sa TV ang mga anime na iyon- upang maging entertainment ng BAGONG HENERASYON ng mga manonood. Pareho noong Voltes V na unang sinubaybayan ng mga kabataan noong ‘70s kahit na biglang na-censor ng gobyerno ni Marcos ang last four episodes nito (related statements to this sentence at my first blog site http://weirdjtt.blog.friendster.com; please look for the essay “Ninoy & Makoy”). Nagbalik ang nasabing anime noong ‘90s, first sa IBC-13 then to GMA-7 na siyang tuluyan nang ipinalabas ang lahat ng kabanata nito at tuwang-tuwa naman ang ‘70s kids dahil doon, haha! Malimit talaga ang mga replay ng mga Japanese-made animated series na iyon na minsan din nating sinubaybayan na parang mga soap opera lalo na yung mga hango sa mga classical stories or movies/ plays gaya ng Cedie, Trapp Family Singers (one of my all-time favorites), Peter Pan, Dog of Flanders, Princess Sarah, Remi, Georgie, Cinderella, The Yearling, at napakarami pang iba. Mga wholesome ang category na iyon. Tapos, nakabuntot ang mga action-filled anime gaya ng Dragon Ball, Ghost Fighter, Yaiba, Samurai X, Sailor Moon, Mojacko (this one is safe, fun, and rated 'general patronage' and one of my all-time favorites), Slam Dunk (bitin pero it's one of my favorites, too) and the list is endless! Maaksyon at the same time, binabatikos for violence kahit na naka-indicate ang parental guidance sa may ibaba ng screen ng TV. At naalala ko noon yung mga ‘teks’ na yun ng anime,hehehe!Bago ko malimutan, si Doraemon pala ay pinanonood ko rin!
Hokusai's Great Wave Off Kanagawa
Kunisada's Sumo Wrestling Scene
Sharaku's Portrait of Sawamura Sojuro, Kabuki Actor
Hiroshige's Plum Garden in Kameido (left) and Vincent Van Gogh's Flowering Plum Tree (right)
Hokusai's Ninja

A caricature done by Kuniyoshi


Hindi naman bago ang konsepto ng anime designs dahil sa naunang nauso na mass-produced, affordable prints na mala-poster na ididikit na lang sa mga dinding, ang Ukiyo-e or “pictures of the floating world” (yun nga lang ay realistic and poetic ang disenyo dito and no large eyes, out-of-this-world hairstyle, sweat drop, and slapstick humor). Malamang nga na ito ang nagpapagaan sa mood ng somber atmosphere of the Tokugawa regime especially in its last decades (thanks to America for the modernization). Una ko nga palang narinig ang tungkol doon sa isang episode ng “Lupin III” tapos nakita ko pa sa Mabuhay magazine. Signature Japanese art talaga kahit na meron din Chinese influence. At lubos itong hinangaan ng Westerners, lalo na ang European Impressionists of the 19th century. Marami ang maestro pagdating dito tulad nina Kunisada, Kunichika, Kuniyoshi, Kuneho...no,no,hehe... Harunobu, Utamaro, Sharaku, etc, etc, at talagang marami kasi may mga apprentice pa ang mga yun (click niyo na lang sa Wikipedia). Lumitaw rin ang mga tanyag na landscapists na sina Hiroshige at Hokusai na mayroong art album noon na tinatawag na manga sketchbook (o,yan at sa kanya ang credit at hindi sa mga manga at mangagaya artists na alam niyo). Kahit anong tema ang makikita sa mga ukiyo-e- nature, views, portraits, ordinary people, scenes of everyday life, fantasies, kahit yung kalaswaan. Noon pa nauso ang ‘smut’ at di ito 20th century invention out of pruriency and obscenity (pero may ‘Board of Censors’ din naman ang gobyerno nila di-naglaon). Ay, grabe... di ko nga matingnan nang diretso ang ganoong mga litrato na nakolekta sa Google at para akong masusuka, hehehe! Nabanggit ko na si Hokusai. Noong bago pa siya nag-concentrate sa kanyang monumental and wholesome “Mt. Fuji views”, including his iconic “Great Wave Off Lake Kanagawa” at bata-bata pa siya ay gumagawa siya ng “for adults only” prints... nang nakita ko ang isa dito sa Google, parang ayoko na yatang kumain ng takoyaki! Naku-culture shock ako, hehehe! Iyung ganoong uri ng ukiyo-e ay tinawag na shunga, ang sinaunang ‘hentai’. Hoy, kahit kailan ay hindi pa ako nanood ng mga ganoong mahahalay na anime, a! Exception siguro ang “Ghost in the Shell: The Movie” na maraming eksena kung saan walang damit ang bida na si Motoko Kusanagi pero wala naman siyang sex scenes doon (adult anime rin ang "Akira" pero more of action ang genre nito). Bukod sa kalaswaan, meron din di maganda ang kwento kaya tuloy nawawalan ng kwenta ang isang anime. Gaya ng napanood ko (pero hindi natapos) na animated movie (English subtitles) na hindi ko rin alam ang title at hango sa buhay ng maalamat na si Shiro Amakusa (di ito yung sa isang season ng Samurai X); ngunit sa palagay ko napakalayo ng kwento nito mula sa tunay na katauhan ng naturang Japanese Christian martyr. That anime was nothing but a thrashy showcase of violence and gore and highly-offensive to Christianity as well. Siguro nga na ipinakikita ng animators ang harsh fact noong Tokugawa regime nang ipinapatay nito ang mga Kristiyano (including St. Lorenzo Ruiz and co.). Kaya lang, napaka-OA naman ng depiction of religious persecution doon at hinaluan pa ng supernatural chuvanessence. What about the staff behind those type of anime? Siguro kasi, madali lang sa kanila- kailangan lang ng drawing pens at papel tapos colors... and unlimited imagination that unleashes sadistic portrayals and licentious characterization! Ngunit hindi naman ako ang tipo na manghahagis ng bato, ano? Kaya lamang kasi, gaano man ka-mature ang tayong mga tao at tumingin pa rin sa mga hindi dapat pagtuunan ng pansin at hindi makinig sa konsenya ay nagkakasala pa rin kahit sa isipan lamang. We humans are frail creatures after all. Hay, I still feel like some puritanical critic because of these statements yet I’m no prig! By the way, pity me, I still don’t know what an otaku means...

The Grand Finale of this blog post. Kung alam ko lang sana noon pa na hahantong sa near extinction ang Pinoy komiks sa dekadang ito ay iningatan ko sana ang iba kong komiks noon! Ang mga komiks na magazine-format at taglilimang piso pero marami namang kwento at may kwenta pa (kahit na ma-karbon ang mga pahina tulad sa dyaryo). Ubiquitous entertainment materials of Pinoy pop culture na kung nasaan naroon ang mga news and magazine stand sa mga bangketa ay naroon din ang mga ito (pati Liwayway magazine nga ay bihira na rin). Hindi pa ako kailanman nakausyoso sa tinatawag nilang Komikon. Meron namang mga komiks sa mga bookstores pero manga/anime style ang mga ito at di ko trip! Ang gusto ko ay istilong Pinoy talaga at nakaka-relate ang mga Pinoy dito lalo pa kung stories of realism. Na ang mangga ay mangga nga at hindi mukhang manga! Wala naman akong pakialam sa mga kontrobersyang dumikit sa pagkakakilanlan ni Carlo J. Caparas (hoy, Radioactive Ogag Reject, tumahimik nga kayo!). At kahit na hindi man siya gawaran ng National Artist award ay naging tinitingalang modelo naman ng isang nangangarap na manunulat na nagsumikap at nagtagumpay. Na kung gusto mong maging storyteller na pinakikinggan ng madla ay hindi naman kailangang magsunog ng kilay sa mga prestihiyosong unibersidad at magkandarapa sa paghahabol sa mga National Artists para maging professor mo. Natuwa na sana ako noon nang nagkaroon ng “komiks renaissance”. Muling nabasa ang mga obra ng ilan pang batikang manunulat tulad nina Elena Patron, Gilda Olvidado, atbp at natunghayan muli ang naggagandahang illustrations ng mga talented artists. Ang tipo ng komiks na hinahanap-hanap ko. Akala ko ay tuluy-tuloy na ang pamamayagpag muli nito sa masa (mula sa sampung piso na black and white ay naging labinlimang piso na ito mula nang naging colored) kaya lang ay biglang natigil ang mga issues and I was so disappointed. Sigurado na hindi lang ako ang nanghinayang dahil napakarami pa naman ang nag-aabang sa kwento ng tungkol sa hiwaga ng Cadena de Amor, sino ang stalker ng Beauty Queen, kailan ba babalik ang respeto sa sarili ni Andres de Saya, malalaman na ba ni Mirasol kung sino sa tatlong bata ang tunay niyang anak,mahahanap pa ba ang 100-million Peso Lotto Ticket nang makubra na ang premyo, at iba pang kwentong sinubaybayan na ng madla. Nagsimula na sana ang serye ng “Tatarin” ni Nick Joaquin. Sayang! Sayang na sayang! Ano ba talagang nangyari, Sterling Publications? Pambihira naman, o. Paano na ito at mag-iimagine na lang ako at ang iba pa ng kung ano ang magiging takbo at pagwawakas ng mga kwento? Ako’y nagagalit sa totoo lang kung hinahamak ng ibang tao ang lokal na komiks. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit lalo akong nahilig sa pagbabasa, ang mga kwento ay tumatak na sa aking isipan at kamalayan, at may naiambag sa paglawak ng aking mga natutunan tungkol sa lipunan. Meron kayang mabibilhan ng mga lumang komiks? Alam ko ay ang halos lahat ng komiks noon ay inililimbag ng isang kompanya sa may Murphy, Quezon City. Pinoy komiks, Pinoy komiks, huwag yung manga... please?

Sunday, November 28, 2010

LOTTO!

1995 pa yun nang narinig ko ang tugtog na "pag nanalo ako sa lotto, ano kayang gagawin ko?". Five years later, tumaya ako for the first time sa 6/42 bilang trip kahit na hindi ko naman tsinek kung ano ang winning combination nun. Then ten years later, sa lakas ng temptation ng 6/55 Grand Lotto jackpot, I joined the club. Hehe, dalawang numero lang ang nagtugma. Tapos sa 6/49 pa... hay, nagiging sugarol na yata ako! Pero ang PCSO ay may charitable projects. So, yung tinaya ko sa lotto outlet ay hindi naman nasayang marahil dahil tutungo yun sa kawanggawa. Nakatulong pa rin ba ako sa kapwa? Yun nga lang, palibhasa ay bumabaha ng pera sa PCSO, nakakatukso marahil para sa ilang tiwaling tao ang kayamanang ito na dapat ay para sa kaban ng bayan at kawanggawa. Legal man ang lotto, sugal pa rin, di ba? Siguro... hmmmm, how about 6/42 next time? Mababa ang jackpot prize nito pero malaking halaga pa rin habang di ko rin mapigil ang mag-day dream- charity donation, Holy Land and Rome and other holy/ archaeological sites pilgrimages and explorations, tour sa buong Pilipinas, pondo para mailathala ko na sa wakas ang aking mga akda, hehehe... ah, I'll just go back to reality! Ngunit libre lang ang mangarap, anila.

Tuesday, November 16, 2010

Medley of Confectionery

*TULOY LANG AKO SA BLOGGING- GAYA NG NABANGGIT KO NA, ANG MGA POSTS DITO AY HANGO SA ILANG MGA ENTRIES NA NAISULAT KO SA AKING MGA DIARIES NA PARA BANG PINABABASA KO NA RIN SA INYO; OO NGA PALA... ISA LAMANG AKONG OBSCURE, WEIRD BLOGGER AT HINDI KO ALAM KUNG ILAN NA BA ANG PUMANSIN SA BLOGSITE NA ITO NGUNIT MARAMING SALAMAT ULI SA MGA NAGBIGAY SA AKIN NG PAGKAKATAON NA MAKADAUPANG-PALAD KAYO KAHIT SA PAMAMAGITAN NITO; MALIGAYANG PAGBABASA*
Aminin ko man o hindi, naiintriga ako sa mga showbiz news pero humahantong pa rin sa punto na nababanas na ako dito. Whether chika sa TV o sa mga dyaryo, lalo na sa tabloids. Yun bang malaking tanong na dapat pa bang paniwalaan ang ilang showbiz columnists, lalo na ang mga biased sa ginagawa nilang pang-uurirat, pang-iintriga, at madalas pang paninira at pag-uudyok ng panghuhusga sa mga artista. Dahil nga sa showbiz news and other scope kaya lumalakas din ang publicity para sa mga celebrities. Showbusiness is a mixture of bane and boon. Itong isang kolumnista sa isang tabloid na araw-araw ay may blind item tungkol kay ganito, sa kabalbalan ni ganoon. Di kaya’y nag-iimbento lang siya para lang may maikwento at naglalagay lamang ng malisya sa kanyang mga nakikita o naririnig? Eh, obvious naman ang kasinungalingan, hehehe! At sa ganoong paraan kasi siya kumikita sa kanyang piniling hanapbuhay? Siguro nga na sadyang hindi magiging makulay at fun-filled ang entertainment industry kung wala sila. In the meantime, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-skim reading sa showbiz articles sa dyaryo, magasin, at sa TV. Why not, chocnut? Pilinut? Lots of clichĆ©.
***
November 15, 2010. Booksale branch at the ground floor of Times Plaza Building at United Nations Avenue, Manila. Along with a back issue of Good Housekeeping magazine, picked up something among the piles of Psicom-published books... yes, I had bought a “Life in Progress- Tales of Minor Awesomeness” (Book 3) at last. The 85-peso paperback, thicker than its two 90-peso predecessors, and with more quality paper. Name of the author: Julius Villanueva; comics strips previously appeared in the Manila Bulletin comics section. Dapat pala noong nagdaang Book Fair sa SMX, nagtanong na lang ako sa booth ng Psicom kung meron na sila nito at nang makamura-mura naman, o! Well anyway, this short essay is not some sort of criticism or critique paper or whatever you call that but simply like a highschooler’s informal book review. Ano ang reaksyon ko? Comic situations still portray human folly, despair, frustration, mishaps, cameo appearances, animal trivia, sarcasm, satire, pa-intelektwal and witty commentaries from college students’ points of views, the foul-mouthed characters and the imaginations galore; most girls have the same hair length, the uniform hairstyle, for pete’s sake! And about the big dog, was he vaccinated and dewormed already? When will he ever be nice? And where’s the ‘progress’? as I read all the comic strips in the said book, I wondered if this can be called “life in circles”. Or if you want it a spatial, 3-D figure, call it “life in spheres”? It’s like in the Simpsons or any animated sitcom, frozen in time(?). Naalala ko na ang term na “Zeke” ay code name ng Allied powers sa mga Mitsubishi A6M-Zero-Sen na Japanese warplanes noong World War II at sa pagtatapos ng digmaan, ginamit na ang mga ito sa mga kamikaze operation. Hanggang ngayon nga ay hindi ko sigurado kung ano ang wastong bigkas dito (kawawa naman ako) kung ‘se-ke’ ba o ‘zik’ o similar sound as ‘sick’. Mr. Villanueva, sinita ka na ba ng PETA (yung animal rights activists at hindi yung sa teatro) dahil sa ilang comic strips mo na may hint of ‘cruelty to animals’, humans included? Kahit na biro-biro o patawa effect lamang iyon? Pwede bang pagsabihan si Popsie ng “Chopsticks” na tigil-tigilan na ang patuloy na pagpapalawig sa notorious ‘urban legend’ na iyon regarding Chinese foods dahil nadadamay na ang mga totoong Chinese restaurants and food carts at nadaragdagan na ang mga tao na umiiwas na tangkilikin ang mga dimsum dito? A little provoking of derogatory remarks against Chinese-Filipino businessfolks who just want to have a decent livelihood? Kahit na comics lang yun ay may mga sensitivity issues pa rin because of too much satire (take for examples Rene Aranda of Philippine Star and Steven Pabalinas of Philippine Daily Inquirer). Ay, oo nga pala. Si Stanley Chi ng Front Act ang comic artist nito, hahaha! Oh, come on! These are just comic strips. Illustrations on paper with speech balloons included. Just remember- no animals, including humans are hurt in the production of these. Pambihira naman at ang ugok ko na nito, o! Bakit nga ba dito lamang ako nag-post ng reaksyon eh may e-mail naman yung author (lyfinprogress@yahoo.com/ lifeinprogresscomics.blogspot.com/ fun forum at lifeinprogress.proboards.com) so paano niya malalaman ang feedback ng mga bumasa (especially me- a passive, weird reader) sa libro niya? Pwede naman sa facebook at iyon na ang ‘official social networking site’ ng comics niya (pero niratrat ko na pala ang account ko doon!). Ah, marami namang close pals yun! Sila nang bahalang mag-flatter, hehe! Well anyway again, JULIUS VILLANUEVA’S LIFE IN PROGRESS- TALES OF MINOR AWESOMENESS comic paperbacks are available at bookstores nationwide.
***
Nagnilay ako tungkol sa “Our Father” or “Ama Namin” or “Paternoster”; at napadako rin ako sa linya na “Your will be done”. Naalala ko ang mga kwento tungkol sa mga tao na nawalan ng pananalig dahil hindi natugunan ang matagal na nilang panalangin. May mga taong di-naglaon ay naging mga non-believers na dahil sa pamimilosopo nila mula sa naobserbahan sa daigdig, sa buhay, at sa sarili nila. Iba’t ibang frustrations din ang nag-udyok kung bakit ang ilang tao ay naging mga atheists. Mga apostates, hehe! Ako naman... dumaan din ako sa mga punto kung kailan nag-low level ang pananalig ko dahil sa mga kabiguan at tila walang sagot sa aking dasal. Dumaan ako sa mga karanasang iyon ngunit landas din pala yun tungo sa spiritual and emotional maturity, isang divinely-inspired enlightenment. Nagdarasal ako nang may iba’t ibang kahilingan. Ang sabi ko kahit paulit-ulit na “Lord, sana po ganito... Lord, maaari po ba...” Subalit dahil sa maturity, natutunan ko na may kasagutan o katuparan man sa aking ipinagdasal o sadyang hindi ito ang panahon para doon, ang mahalaga ay magpasalamat pa rin sa Panginoong Diyos at hayaan na ang kalooban Niya ang masusunod.
***
Minsan, isang maaliwalas na araw ng Linggo nang nasa mood ako para mag-meditate habang nagpapahangin sa halamanan sa terrace ng bahay namin at naglalaro naman ang mga alaga naming mga miming, ako’y may napanood na scenario sa aking pagninilay. Mayroong dalawang uri ng tao. Ang isa ay matino at may kabutihang nananalaytay sa pagkatao ngunit hindi siya naniniwala na may Diyos. Ang kasama naman niya ay isang makasalanan subalit nasa kaibuturan ng pagkatao nito ang pananalig sa Diyos. Siguro nga na pagdating sa pagtataglay ng hypocrisy, walang ganitong katangian ang unang nabanggit na syempre walang pananampalataya, eh. Yung pangalawang nabanggit naman ay merong kaipokrituhan- naniniwala siya sa Maylikha ngunit marumi naman ang kanyang budhi dahil sa maraming pagkakamali. Kaya lamang, siya ang higit na compatible ko kaysa doon sa isa kahit na pareho naman sila na dapat pantay na pakisamahan. Ang una kasi, matino nga’t nabubuhay nang tuwid... datapwat hanggang doon na lang ba siya? Isa na lamang multicellular organism of the highest order na nag-iinteract sa kapwa at sa kapaligiran niya at wala nang pinagkaiba sa mga protozoan tulad ng paramecium o sa mga algae. Humihinga, niri-relish ang mabuhay dito sa planetang Mundo... hanggang doon na lang ba ang kanyang kasaysayan? Ang pangalawa naman, may marumi sa pagkatao... ngunit habang taglay ang pananampalataya sa Diyos, naroon pa rin naman ang tanglaw ng pag-asa. Pag-asa upang maituwid ang mga pagkakamali, tumupad sa mabubuting gawa, magkaroon muli ng saysay, ipagdiwang ang buhay! Siya ang “higit” na tao kaysa doon sa isang nabanggit. Ang tao ay marupok. Ngunit dahil sa katangiang ito at kapag tinanggap o inamin natin ito, bilang paalala ng ating mga limitasyon at pagsisisi sa mga pagkakamali, tayo nga ay mga tao. Mga tao lamang... a celebration of being a human being, a creature made by a Supreme Being. At nagpatuloy ang reverie na ito. Tungkol sa dalawang hardin. Aling hardin ang nais natin? Ang isang hardin na may mga uod ang mga halaman ngunit nagliliparan naman ang mga paru-paro? O, isang hardin na wala ngang mga uod subalit wala rin mga paru-paro? Ang irony sa mundo- sa mga mauunlad at mayayamang bansa, napakarami ang walang pananampalataya datapwat sa developing countries, faith in God and cherishing religion blaze on.
***
Sa tuwing napapansin ko ang isang regular parishioner sa Misa dito sa amin, may isang aral na aking na-realize mula sa kanya. Isa siyang bata-bata pang lalaki na may Down’s syndrome (napaka-thoughtless naman ng ibang tao na ginagamit na expression ng pagpapatawa o pang-aasar ang term na ‘mongoloid’). Ngunit Linggu-Linggo siyang dumadalo sa Misa kasama ng kanyang pamilya at behave na behave siya. Hindi ko siya kilala at lalong hindi ko alam kung anong iniisip niya’t saloobin ngunit isa siyang mapalad na tao. Isa man siyang person with disability subalit daig niya ang maraming tao na mga normal nga pero wala namang panahon para sa Diyos.
***
Ah, noong isang araw ay saglit akong naging ‘aktibista’, hehe! Sumama kasi ako sa aming mga kapitbahay at iba pang concerned Villamor Air Base and Magallanes Village residents para mag-abot ng suporta sa mga maghahain ng kaso sa pangunguna ni Atty. Harry Roque doon sa Court of Appeals regarding sa mga itinayong poste at kawad ng high tension wires dito sa aming barangay. May hawak kaming placards, nag-rally habang tinutukan ng media personnel ang paghahain ng apela pero hindi naman na nakataas ang aming mga kamao at nagsisigaw ng “Makibaka! Wag matakot!”, hahaha! Isang peaceful demonstration iyon kahit na hindi naman kami ganoon karami. Hindi naman isang widespread major issue ang inirereklamo namin kasi sa isang local area naka-concentrate ang kaso ngunit magiging national interest din yun dahil involved na ang bagong batas na tinatawag na “writ of Kalikasan” (ma-research nga ang tungkol doon), ang batas na magtatanggol sa mga mamamayan kung naaapi na ang kapaligirang tinitirhan (madalas dahil sa pananamantala at pagmamalabis ng ilang malalaking tao o korporasyon). Hindi ko malilimutan ang sinabi ng engineer na kasama namin na isang quote “the worst thing that a good man can do is doing nothing”. Totoo yun at maraming ganoong klase sa ilang residente dito sa Villamor na laging nagsasawalang-bahala o kibitbalikat lang sa mga pangyayari sa pamayanan at iniisip lamang ang pansariling interes o pinagkakaabalahan.

The Master and the little weird fiend

Saturday, November 13, 2010

Laksa, Laswa, Pinakbet... Fruit Salad

“It’s just my opinion but I’m always right”- American Idol Ex-judge Simon Cowell said in an episode of a past season (well, Simon sez so!)
Blogging for November now. Ilan na ba ang pumansin at bumasa sa blogs ko mula noong nag-sign up ako dito sa Blogger.com? Hindi ko ma-imagine ni wala nga akong natatanggap ni isang comment or reaction mula sa mga mambabasa na iyon ngunit kung may isa man o dalawa, basta kahit iilan laman ang pumansin sa site na ito ay okey na okey na sa akin. Tulad sa una kong blogsite (http://weirdjtt.blog.friendster.com), just practicin’ my freedom of expression. At saka, heto nga at na-share ko ang aking mga inihayag na saloobin. Ang mga posts ko sa dalawang blogsites ko ay either simplified or elaborated versions ng ilang diary entries ko. Speaking of diaries, nakasampung volume na ako (nagsimula noong March 2006) at araw-araw ay mayroong entry na nakasulat, kahit isa o dalawang pangungusap lamang ngunit karamihan ay mahahaba. Bago yun ay mayroon akong “Weird Journals” na mukha namang hindi journal at naisulat ko ang karamihan sa entries dito either out of impulse or trip or talagang nasa mood ako na magsulat at maghayag tapos may comic strip pa. Ang mga pinakaunang journals ay noong Grade 6 ako na dalawa hanggang tatlong entries lang tapos tinamad na ako (and lost forever na ang notbuk na yun) pero ang pinaka-start ng formal journal na araw-araw sinulatan ay noong 4th year high school (kasi requirement sa English and Literature at pagkatapos ng graduation, batsi na!). Hinahayaan ko pa ngang basahin ng ilang kaklase ko noon ang journal ko (at ang iba sa kanila ay madalas na ayaw ipakita sa akin ang kanila, tsktsktsk!). Ang isa ko lang pinagsisisihan ay kung bakit ba naman hinayaan kong basahin ng mga kaklase kong lalaki na hindi ko naman mga kaibigan ang journal ko. Alam ko namang ‘la silang paki sa mga pinagkakaabalahan ko at trip lang nila at magbasa ng journal ng may journal sa halip na pakialaman ang sarili nilang journal! Dapat sa mga babaeng kaklase ko na lamang pinagkatiwala! Hay naku, ayoko nang gunitain yun. Ngunit past forward. At dito naman sa blogsite ko. Hmmm, ayos lang na kahit sino ay pwedeng bumasa ng posts dito. Kahit mga anonymous readers. Kahit yung mga ayaw o asiwa sa akin pero minsan ay trip na mag-usyoso. Basta, ang mga entries dito (maliban sa ilang bahagi na nag-acknowledge ng references at ang mga prayers) lalo na ang personal talaga ang contents ay AKIN. Huwag niyong kopyahin, nyehehehe! What is mine will always be mine... well, what is yours is yours! At least , hindi ko pinagdadamot. Tuloy lang sa ako sa blogging kahit madalang lamang.
***
Hindi ko talent ang kumanta ngunit ang makinig sa kahit anong trip kong tugtugin ay trip ko like a tranquilizer for an animal on the loose. Pagdating sa OPM, trip ko pati mga lumang kanta. Kaya lang, Original Pinoy Music pa ba ang tawag doon sa mga remake of foreign hits by Filipino singers? O, di kaya’y foreign music na nilapatan ng Tagalog lyrics? Hay naku, pero kahit hindi orig basta maganda ang rendition ay ayos na. Ang galing ng blending ng boses ng La Diva at hindi jologs si Renz Verano nang kumanta ng isang Ingles na kanta na hindi ko lang alam kung ano ang title basta may lines na “...someone to hold you/ the way that I do... someone to love you/ the way that I loved you...”. Tandang-tanda ko noong nag-aral ako sa St. Paul sa ParaƱaque kahit dalawang taon lang sa hayskul, marami sa mga babae doon ay talaga namang pagkakaarteng mga hitad! Napapa-yuck na agad makarinig lang ng awitin ni April Boy Regino at iba pang Pinoy na mang-aawit na parang allergic reaction sa mga tainga. Ano bang problema doon? Ang kabaduyan umano depende sa nakikinig? Wala namang masama doon, a! At na-realize ko na lang na may umaalingasaw, aminin man o hindi. Malamang kung ipu-probe ang subconscious ng isipan ng mga mapanghamak na kritiko na kumukutya’t lumalait sa kapwa nila na nagpapamalas ng mga talentong biyaya sa mga ito, may matatagpuan doon na...INGGIT! Watch out, one of the seven deadly sins, hahahahaha!
***
August 14, 2010. Minutes before 6:00 pm during the Rock Rumble program of 102.7 StarFM. Disc jockey Tony Tubero read this text message sent via 29765: hi sa mga taga-Villamor Air Base lalo na sa mga taga-10th-9th Street request naman ng “Lithium” ng Nirvana thanks from Joan Teves; and Tony exclaimed: uy, rocker pala ‘tong si Joan (laughs) rock on!”
Nyehehehe! Pinatugtog nga pero second to the last song na ng programa. Di bale at trip na trip ko rin yung final request ng iba na “Down with the Sickness” by Disturbed. Ilang beses na rin akong nag-request doon sa iba’t ibang program na pinagbigyan naman nila”: Insomnia (Craig David), Soldier of Fortune (Deep Purple), Rollin’ (Limp Bizkit), Butterfly (Crazytown), I Don’t Love You (My Chemical Romance). Wala lang silang “Besame Mucho” sa Sunday oldies at ang “Touch by Touch” ay no need to be requested kasi lagi rin nasa playlist ng ‘80s disco night na tuwing Linggo rin at trip ko pa yun, ano?
Rock Rumble... kahit na madalas ay paulit-ulit naman ang pinatutugtog at minsan ay depende pa sa ‘personal na paborito’ ng ilang DJ, hehe! Syempre ang hinahanap din ng mga rockista kadalasan ay yung recent, ‘90s hits included. Well anyway hindi naman NU 107.9 (wala na ba talaga yun?) o RJ UR 105.7 (minsan ay hindi maayos ang signal mula dito!) ang istilo ng StarFM, ano? Buti pag si John Marino ang nasa on-air at marami sa playlist niya ay pang-mosh pit talaga. Oy, baka may magsumbong diyan sa StarFM DJs, a. Wala akong balak na mang-asar o mangantiyaw, ano? At least naman dito sa blog, binabanggit ko na ang pinakamadalas kong pakinggan na FM station ay ang Star. Parang advertising na rin, hehe! At saka, naging shoutout o tweet ko pa sa social networking sites ang tungkol sa Dugong Bombo 2010 na hatid ng Bombo Radyo, StarFM, at Philippine National Red Cross sa SM City Manila last November 6 at dumalo ako doon!
Mula pa noong 1993 ay attracted na ako sa heavy allure of rock and alternative. Hindi pa naman ako mahilig mag-music trippin’ noon pero nakikita ko sa mga songhits at pati komiks kung saan may mga tauhan dito ang gumaya sa porma at style ng mga rock bands tulad ng Red Hot Chili Peppers, Bon Jovi, Guns ‘n’ Roses, Stone Temple Pilots, Scorpions, at iba pa. Naaaliw ako at natatawa sa mala-sotanghon na tuyot na long hair nila na niyuyugyog nila sa paghe-headbang, yung mga tato, ang style of entertainment and performance. Syempre, matunog na rin noong ‘90s ang Eraserheads at iba pang local bands. Mas madalas pa talaga akong attracted sa rock kaysa pop o hip-hop. Slow rock, heavy metal basta trip. Buti at madalas kong natityempuhan ang ilang kanta na iyon kahit luma na sa StarFM o sa music videos (noong may cable pa kami). Sa Star, may lima silang Nirvana hits na napatugtog na at na-imagine ko ang parang lasing na itsura ni Kurt Cobain. Metallica- heavy pero favorite ko naman ang slow rock nilang “Nothing Else Matters”. Soundgarden- ang kanilang “Black Hole Sun”; surrealism nga ang tema na mapapanood sa napakaraming music video ng mga rock bands at yun ang madalas na trend. So many groups at lalo pa nang nagsimula ang dekadang ito at napanood natin ang formation at pag-disband ng mga banda matapos magpasiklab and then cool off then new album and finally bidding goodbye. Ngunit kahit kailan ay hindi pa ako nakakausyoso man lang sa gigs and major concerts ng kahit anong rock band. Ah, wala lang akong balak makigulo sa grumbling noise, riot, and clamor in the mosh pit! Makinig na lang ako sa ni-rekord nilang tinig at pagwawala sa stage.


***
Pulos na lang kayo Damaso?! Paano naman sina Salvi, Sybila, o Camorra?
Hay naku, the publicity-driven move by an eccentric tour guide whose clients are mostly socialites and wealthy tourists perhaps, mwehehehe! Ang kasikatan ng pagsulong sa panukalang batas na iyon ay parang calendar or rhythm method, ano? Mga sunud-sunod na araw na “safe” tapos susunod ang mga araw ng “unsafe” at pagkatapos “safe” na naman then “unsafe” at wala nang katapusang ritmo. Teka, pag “safe”- mainit ang pagsulong and media coverages; “unsafe”- kapag hindi na gaanong pinag-uusapan dahil natambakan na ng ibang isyu o kontrobersya.
Aaminin ko. I don’t give a damn about that issue. Just minding my own business at hayaan nang magbangayan at magbanggaan ang mga pabor at kontra. Ah, tiyak na makakarinig ako ng tirada mula sa mga taong naninindigan na galit sa mga hindi naninindigan. Ewan ko! Ayokong makisawsaw. Bahala kayo! Hmp!
But then again, naalala ko na maliit pa lang ako ay hindi na bago sa akin ang tungkol sa family planning program. May nabasa ako noon na kwento na inilathala ng Aklat Adarna na “Kung Dalawa Lang Kami”. Isang kwentong pambata na may kakambal na isyung pangmatanda dahil patungkol sa epekto ng di-planadong pagpapamilya lalo na sa mahihirap na kadalasang sila pa ang nagkakaroon ng maraming anak kaysa mga maykaya at mayayaman. Noon din ay may napulot ako na mga lumang illustrated FP manuals na inisyu by then Ministry of Health (Marcos regime pa). At dahil sa adik ako sa pagbabasa lalo na sa mga babasahing may maraming drowing, nakatuwaan ko iyon kahit na hindi akma sa edad ko na dapat ay elementary textbooks and fairy tales ang binabasa pa. Kaya nga matagal ko nang alam ang tungkol sa natural and artificial methods ngunit tinatawanan ko na lang yun na para bang nagbabasa ako ng jokes, hehehe! Tulad na lang sa illustration ng pag-install ng IUD. Drinowingan ko nga yun at ginawang Superman figure. Tapos yung itsura ng ligate and vasectomy na parang sa mga longganisa na nakatali pa. At saka, kakaibang itsura ng “banig ng aspilets” na pills pala pati yung goma na hugis-sako. At ang pinagtatakhan kong drowing ng kalendaryo na may ekis-ekis na marka sa ilang araw nito ay yaon palang tinatawag na rhythm method. Natatawa na lang ako pag naalala ko yun. Ngunit lumipas na ang mga taon at major social issue pa rin sa ating 3rd world country ang overpopulation. Yung “bill” ipasa na, sigaw ng ilan. Huwag ipasa, pigil naman ng ilan. Ang “bill” ay malaki umano ang maitutulong sa lipunan lalo pa’t laganap pa rin ang kahirapan. At bukod sa methods na “scientifically-tested and approved” daw, naroon naman ang di-maiiwasang health and even emotional risks plus di-malayong maabuso ang kaalaman tungkol sa methods na iyon sa promiscuity, infidelity, at maging sa aborsyon (yung sangkap pa naman ng pills). Ah, bahala kayo! Bahala kayo! Hahahaha! Pero meron namang mga mag-asawa na kahit mahirap ay ginusto na magkaroon ng maraming anak. Paninindigan ang pagkakaroon ng malaking pamilya. Ngunit ang panawagan na parehong panawagan ng mga pabor at kontra : RESPONSIBLE PARENTHOOD. Ganoon dapat at nagkakaisa ang lahat... sila ganoon. And as for me? Ah, shhhhh... ewan!
Yung tour guide? Pagkatapos ng kontrobersyang kinasangkutan, mas dumami na ba ang kliyente niya? May avid supporters pala siya na mga freethinkers daw na pa-intelektwal ang drama tapos yung may sarcastic at prangkahang slogan. Ah, shhhh... ewan! Ewan ko sa inyo, nyehehehe! Bahala kayo sa buhay niyo!
Nakatira kasi tayo sa demokratikong bansa. Yun lang. :)

Friday, October 29, 2010

St. Jude's Novena

"And now all glory to Him who alone is God, who saves us through Jesus Christ our Lord; yes, splendor and majesty, all power and authority are His from the very beginning; His they are and His they ever more shall be. And He is able to keep you from slipping and falling away, and to bring you sinless and perfect, into His glorious presence with mighty shouts of everlasting joy. Amen." *From the Epistle of St. Jude, verses 24-25

NOVENA TO ST. JUDE
o, holy, St. Jude, Apostle and Martyr. Great in virtue, rich in miracle. Near in kinsman of Jesus Christ. Faithful intercessor of all who invoke your special patronage in time of need. To you I have recourse from the depth of my heart. And humbly beg great power to come to my assistance. Help me in my present and most urgent petition. In return, I promise to make your name known and cause you to be invoked. St. Jude, pray for us all and all who invoke your aid.

(Pray this 9x a day for 9 consecutive days and with sincerity so that this won't turn to be a vain, repetitive prayer. Have faith in the will of our Lord whom our St. Jude had humbly served and loved; and still in loving service to Him by praying for us. Thank you.) :)

Georges De La Tour's St. Jude Thaddeus
Mosaic featuring his martyrdom

Saturday, October 9, 2010

The Cocktail Blog (chaser)

Actually, yung previous blog (posted October 9) bago ito ay revised and elaborated version nung draft na nai-post noong October 2 (Oct. 1 ang nakalagay palibhasa ay base sa oras ng mga bansa paglagpas sa international dateline!). Ngayon naman, sa oras at petsa dito sa Pilipinas, ang post na ito ay pang-October 10 at hindi October 9 tulad ng nakasaad na petsa ng blogger.com. Aba, 10/10/10 pala ang petsa ngayon! Pambihira nga pero mas matindi naman 1,000 years ago, Middle Ages nang ang petsa ay October 10, 1010 A.D. (10/10/1010).Sa dekadang ito, once a year ay may rare dates. Naalala ko nga noong June 6, 2006 ay nagkaroon ng munting hysteria kasi tatlong 6 yung petsa (katulad noong 1966) tapos sa mga sumunod na taon ay 07/07/07, 08/08/08, 09/09/09, and so on. Mga paulit-ulit na numero! Pero sabi nung pari lalo na noong June 6, 2006 ay mga numerical coincidence lang ang mga ito. Siyempre, dahil sa pag-ikot ng mundo sa araw! Sa "The Cocktail Blog" (post was dated October 9, 2010 at hindi October 1 tulad ng nakalagay na petsa) ay may bahagi doon tungkol sa pananalig kung saan na-special mention si John Lennon. Nang nakinig ako ng balita sa Bombo Radyo, mayroong showbiz news tungkol sa 70th birth anniversary ng naturang ex-Beatle. Coincidence ba yun? Ayos, a! Tandang-tanda pa rin ng madla, lalo na ng mga sensitive religious persons at dito sa Pilipinas ang mga pinagsasabi niya tungkol sa 'kasikatan' daw ng Beatles. Pero kahit na ganoon man ang record niya, mayroon namang napakagandang kanta ang Beatles na handog sa mundo ang "Let It Be". Sa awiting ito ay nababanggit si Mama Mary "when I find myself in trouble/ Mother Mary comes to me/ speaking words of wisdom/ let it be..." At yung ibang tao naman ay ginawa pa itong 'Christian song' na parang kastigo siguro sa Beatles; kasi sa halip na "Mother Mary" ay sinabi nilang "Papa Jesus". Pambihira, huwag niyo naman isantabi ang Mahal na Ina ng Panginoon! Napatay si John Lennon noong December 8, 1980- araw rin ng Feast of the Immaculate Conception... sa araw na ito maganda ngang awitin ang "Let It Be"- let it be/oh,let it be/let it be/oh,let it be/speaking words of wisdom/let it be..."

Friday, October 1, 2010

The Cocktail Blog


Thus Spake Surot-tusra (crossover from http://weirdjtt.blog.friendster.com). Wait, the intro quote there got nothing to do with the title which is the spoof of the title of a very controversial book and the musical score of “2001: A Space Odyssey”. The endless battle between good and evil... the summary of the teachings of the ancient Persian prophet, Zoroaster (the real Zarathusthra). Isang paggunita sa kasaysayan ng ancient religion na itinatag niya that became the official faith of the Persian empire before the Muslim conquest. The Zoroastrians’ descendants are known as the Parsis (or Parsees) of India. Pero may isang Friedrich Nietzsche ang nag-desecrate sa kanyang alaala at pananahimik.
Ang blog post ko sa original site ay marahil ang huli. Ewan ko nga ba kung ilan na ang pumansin sa blog posts doon mula noong pinasimulan ko pero nagpapasalamat pa rin ako sa mga bumasa (maraming salamat, mga kaibigan!). At nitong mga nakaraang araw ay nakatanggap pa ako ng responses mula sa ibang bloggers na hindi ko naman kilala at hindi ko rin alam kung paano nila natunton ang blogsite. Mga ‘tags’ naman yata ang mga comments na yun. Siyempre natuwa naman ako kasi may nag-post na rin ng comments sa blogsite sa wakas (thanks anyway!). Kaya lang parang mga link naman yun tungo sa ‘fashion blogsites’ ng mga anonymous bloggers na yun. Mga naglalako ng mga mamahaling sisidlan. Mga designer/branded bags and fashion accessories ang negosyo. The girly-girl stuff. Vanity items, hahaha! Kaya lang gaya ng nabanggit ko na sa orig blog site ko, isa akong anti-thesis of every fashionista around. The extreme opposite of Tim Yap, the people you see in the society pages of broadsheets, and the socialites na palagi sa mga lifestyle magazines at magsawa na kayo sa pagtingin sa mga pagmumukha ng mga alta sociedad, hehehe! Bah, humbug! Just beat it... ewan ko nga ba sa mga nag-comment na yun sa mga naunang blog posts ko kung talaga nga bang binasa nila. Pero yung ibang link kasi tungo sa ibang sites ay ganoon. Gusto lang ng koneksyon. Parang libreng advertising nila. Parang shady. Parang sa surot... thus spake surot-tusra.
***
Sa tuwing trip kong buklatin ang high school yearbook ko ay naaasiwa rin ako sa totoo lang bukod sa nagri-reminisce ko tungkol sa nakaraan. Ang hairstyle ko ba naman doon, o! At ang pinagsisisihan ko ay ang ‘ambition’ na nakasaad sa ilalim ng litrato ko doon. Iniisip ko nga kung lasing ba ako noong araw na iyon nang isinumite ko ang ‘ambition’ sa kapirasong papel na kinolekta para daw sa yearbook. Past forward, present times. Na-realize ko pa lalo na that so-called ambition of mine are but grandiose, phantasmagoric words of megalomania! Dapat kasi hindi na lang yun ang nakalagay sa may pictures ng graduates kundi quotations and wise sayings na lamang tulad ng sa karamihan sa mga college yearbooks. Karamihan sa mga nakalagay doon, lalo na ang akin ay napaka-unrealistic (gusto ko lang na maging kakaiba yun). Palibhasa ay wala lang masabing makatotohanan. Nangangarap nang gising, nag-hahallucinate, hahaha! Mere empty words of impulses, whims, and caprice! Ilang porsyento ba naman ng graduates ang tumupad sa kanilang ‘pangako’ na magiging ganoon daw sila makalipas ng maraming taon? Batid ko na para sa marami sa batch namin, nag-iba ang ihip ng hangin, ang present situation ay malayo naman sa nakasaad na ambisyon sa yearbook (believe me). At saka kay mahal naman ng yearbook! Dapat ay hiwalay na lang ang high school, grade school, and pre-school departments! Pambihira, lumipas na ang sampung taon at saka pa ako nagreklamo, hahaha! Hoy, baka matuklasan ang mga pinagsasabi ko dito ng administration ng St. Mary’s Academy (Pasay campus), ha! Democratic country kasi ang ating bansa, di ba? Wala naman akong di-magandang pakahulugan dito, ano?
***
OMG... mga expressions ng kakikayan... at saka nagiging blasphemy na sa totoo lang. Hindi naman ako isang modern-day Puritan, nor some holier-than-thou self-righteous prig pero sinusunod ko ang pangalawang Utos: you shall not take the name of the Lord your God in vain. Hindi ko ugaling mag-express ng mga ganoon kahit na popular usage pa sa mga informal na usapan. Nararapat nating banggitin o tawagin ang Panginoong Diyos dahil sa pananalig at hindi bunga ng impulse o kaartehan sa pagsasalita o pakikipag-usap.
Kamakailan ay may nabasa akong e-mail sa Yahoogroups ng isang klase namin sa CTP sa PNU na parang chain letter ngunit wala namang panakot na ‘consequences’ kung hindi ito i-spread sa mga kakilala. Very Christian na may pagka-fundamentalist (or didactic) ang contents kahit na disturbing sa totoo lang. Mga slide show na nagpapakita ng ilang celebrities na umano’y walang respeto sa Diyos at sa Kristiyanismo. Hindi ko naman nai-forward sa kahit sino ang e-mail na ito ngunit matapos itong i-browse, lalo ko pang na-realize ang isang pangaral mula sa Panginoon na huwag tayong manghuhusga ng ating kapwa. Naroon sina John Lennon, Marilyn Monroe, ang vocalist ng AC/DC (ang sikat na rock band at hindi ito slang for bisexual, haha!), ang gumawa ng Titanic, at iba pa (at hindi naman nabanggit si Marilyn Manson at kung sino man diyan na kilala mong apostates or heretics!). At least naman, may ilang atheists and skeptics ang namuhay nang tahimik kahit papaano dahil alam nila kung paano gumalang sa paniniwala ng kapwa nila. Ah, noong may Facebook pa ako at na-browse ko ang profile ng ilang taong nag-add sa akin, napansin ko ang nakalagay sa religious affiliations nila. Na sila raw ay agnostic or atheist. Seryoso ba sila sa ganoong pananalita o gusto lang nilang maiba? Maging unique ang Facebook nila? Masyado na bang demokratiko ang lagay dito sa ating bansa? Na may iba rin tao ang may ‘publicity’ na sila’y non-believers? Kung sila man ay nabinyagan noong mga sanggol pa sila o nag-aral sa religious schools pero nang lumaki na’t lumawak ang kaalaman tungkol sa buhay, ihahayag nila na sila’y non-believers na; at wala nang pakialaman kung bansagan man na mga apostates.   
Dapat bang i-forward ko pa ang e-mail na iyon nang sa gayon ay mas marami pang mapaalalahanan ng tungkol sa kasasapitan ng isang tao kapag nilapastangan niya ang kadakilaan ng Diyos? Na ipagkalat ko pa ito nang sa gayon ay mas marami ang magalit sa mga taong tulad ni Lennon at iba pa at huwag silang tularan? Ang mga taong nabanggit sa slide show kasi ay mga ‘notoryus’ daw kaya masaklap ang naging katapusan nila. Nalala ko rin ang nabasa ko tungkol kay Sigmund Freud na kilalang atheist and religion-attacker ay namatay sa kanser (nakatakas lang siya mula sa mga Nazi) at mas malala pa ang sinapit ni Friedrich Nietzsche dahil nabaliw ito at ang ‘awa’ na minsan nitong tinuligsa bilang katangian ng mahihina ay siya rin palang kinailangan niya mula sa mga itinuring niyang ‘mahihinang tao’ nang malapit na siyang mamatay. Matagal nang yumao ang mga taong iyon.  Ngunit kahit na ganoon man ang naging kasaysayan ng mga celebrities na iyon, hindi ko sila magawang kutyain o husgahan... at isa itong enlightenment, isang pang-unawa, inspirasyon mula sa Holy Spirit.
Paborito ko pa rin sa mga naging kanta ni Lennon ang kanyang “Woman”. At pati yung “Jealous Guy”. Honest, feel-good ballads. Minsan nga sa Misa dito sa aming barangay, ang kanyang “Imagine” with its controversial line na ‘and no religion, too’ ay ginawang background music sa reflection about universal peace and love bago ang homily ng pari. May ‘hiling’ din ako na sana minsan ay makapanood ako ng isa man sa mga pelikula ni Marilyn Monroe. At mas trip ko pa ang “Tainted Love” (OST ng “Not Another Teen Movie”) version ni Marilyn Manson kaysa doon sa “Soft Cell” na orihinal na kumanta nito noong ‘80s’. The celebrities, those people. Simply hating their sin and our sin, but not the sinner, not ourselves. May nabasa pa ako na feature sa Newsweek (dated January 25, 2010) na may provocative title na “Why God Hates Haiti: Grappling with Faith in the Disaster-plagued Job Among Nations” by Lisa Miller. Dito ko rin natutunan ang mga salitang theodicy (ayon sa dictionaries, ang philosopher na si Leibniz ang nag-coin nito na ang ibig sabihin ay divine justice despite the evil around) at hubris (detestable pride). Ang theodicy ay iniuugnay raw sa nangyaring trahedya sa Haiti. Noong Enero rin na iyon, lumikha ng kontrobersya ang kilalang evangelist na si Pat Robertson nang sinabi niya na kaya raw sinapit ng Haiti ang sakunang iyon (at iba pang pighati mula noong naitatag ang bansa nila) ay dahil sa ang kanilang mga ninuno ay nakipagkasundo sa diyablo kaya nagtagumpay ang pag-aalsa nila laban sa mga Pranses. May kinalaman ang voodoo religion na kinaaaniban ng milyung-milyong Haitian. Marami ang nadismaya sa pahayag na iyon ng pastor at siya’y pinulaan at ang kanyang pagka-fundamentalist na nahaluan daw ng malisya. Oo nga naman, sino ba siya upang magsasalita ng tungkol doon? Sa parehong Newsweek article, naka-highlight ang isang quotation mula sa isang Rabbi Kushner na may akda ng “Why Bad Things Happen To Good People?”- I think that it’s supreme hubris to think you can read God’s mind. Maganda ang itinuro ng rabbi na ito na: The will of God is not to send us the disaster, but to send us the disaster to overcome. And Haiti is like the Biblical Job.
Tayong mga tao ay mahilig talagang manghusga at timbangin pa ang kasalanan ng ating kapwa. Tungkol muli sa e-mail na iyon, na-realize ko rin na iba’t iba ang exegesis or interpretation sa Bibliya (just like the centuries-old debate over the sola fide or the strong argument from St James that faith without good works is dead). The different points of views. Why should I ever despise Lennon when he sang such beautiful songs or Monroe when once, she amuse and made the world laugh? Led Zeppelin’s Stairway to Heaven vs. AC/DC... naririnig ko yun palagi sa mga FM stations. Ang e-mail na yun, didactic man, ay isa pa rin paalala. Na kung wala tayong pananampalataya sa Diyos at nananakit pa tayo ng ating kapwa, nanggugulo sa lipunan, at naninira ng kapaligiran, we’re dragging ourselves down on the highway to hell. Am I right?
***
September 11, 2010. Corregidor Island. Dream come true. Wala man akong litratong kuha doon ang naka-post dito, hayaan akong ipahayag ang magagandang alaala sa pamamagitan ng sanaysay na ito. PNU field trip yun at kasama ako at ang nanay ko at dalawang co-teachers niya. Masayang araw yun kahit na bitin sa totoo lang. Ang biyahe patungo doon ay mixture of pain and pleasure. Seasick sa ferry... the pain. But then came the pleasure of being in the island. Ang kariktan at katahimikan ng isla ng Corregidor ay tunay na nakapapawi ng sama ng pakiramdam mula sa biyahe. Nang pinagmasdan ko ang kapaligiran, namangha ako sa pagbawi ng Kalikasan sa buong pulo. Tila ba kailan lamang nang nag-amoy dugo at pulbura ito subalit sa kasalukuyan at sa mga darating pang panahon, ang hangin ay sariwa at mabango at umiihip mula sa himpapawid patungo sa mga kakahuyan at damuhan hanggang sa kasuluk-sulukan ng mga wasak na gusali. Halos ma-deformed ang buong isla sa tone-toneladang bomba kasabay ng libu-libong katao na nagbuwis ng buhay kaya lalo nating napagtatanto na sa bawat digmaan, walang tunay na nagwawagi. Lahat ay sawi. At ang Corregidor ay bantayog ng kapayapaan, kagitingan, at pandaigdigang unawaan. Bawat kanyon, lumang gusali, mga tunnel, bawat sulok ay may nakasalaysay na kwento para sa bawat henerasyon na ginugunita ang mahabang kasaysayan ng buong pulo. Kinahapunan ay uwian na. Parang ang sarap pa sanang bumalik dito. Pwede naman ang travel by bus kahit may katagalan basta bahagi ng itinerary ang Dambana ng Kagitingan sa Bundok Samat sa mainland Bataan. Ang mga pook na ito ay malalapit lang sa Kamaynilaan ngunit pera talaga ang usapan. Kaya lamang kung ang pamumuhunan ay laan naman sa isang makabuluhang paglalakbay at pagpupugay sa kasaysayan ng bansa, gagastos nga ng malaking salapi subalit ang kasiyahan ay hindi matatawaran at nakatatak na sa pambansang kamalayan ng pagiging Pilipino.    


Pambansang Watawat ng Pilipinas (courtesy of Wikipedia/Achim1999)

Friday, September 24, 2010

Fakesbukbok, Fecesbook, Fartville


            Join us, visit us, check out our photos on fb...add niyo po ako sa Farmville, laro tayo ng mafia wars o ng online poker... Excuse me for being biased. I have enough of fb already so I went to Twitter even though a lot of tweets from all over the world for Twitfolks to follow are not worthy to be followed and so I got this mantra since I signed up there that you may or may not follow (my tweets), I just want to tweet and then people had followed and then clicked “unfollow”... paluin niyo na lang ang tumbong niyo, nyehehehe!
            Bakit naglipana ang social networking sites? Socialization? Means of expression? Kibitzer’s paradise? Usiseros y usiseras na walang magawa. Ibuyangyang ang mga photos and videos including that of intimacy and sensuality for you to salivate. Researches on former friends’ progress, keeping in touch... plastikan. Alam ko na ang pambansang sns ngayon ay ang Facebook at kahit mga media people ay explicitly ineendorso ito. Sikat na sikat sa buong mundo... at niratrat ko naman ang account ko dito. Sunud-sunod naman ang nag-add sa akin doon kahit na hindi ko naman personal na kilala, eh. Tapos pulos app invitation. Habang hibang na hibang ang madla sa site na iyon, ewan ko nga ba, I felt this emptiness noong active pa ako doon. Void. Null.
ONE OF THE ONLY TWO UPLOADED PHOTOS IN MY (DEFUNCT)FACEBOOK PAGE

            Hindi na rin naman ako active sa Friendster ngunit tila nakapanghihinayang na ikansela ko ang account ko dito. Mawawala ang mga pina-upload kong photos (mostly my artworks at mga galing sa Wikipedia), ang listahan ng ‘friends’ ko, ang nai-post kong mini-blogs (nasa comments section; pulos ako lang ang nagpu-post doon at para talagang maiikling blogs na mas mahaba lamang sa Twitter tweets) at lalo na ang aking blogsite (great channel of freedom of expression) na hindi ko naman pinagkatiwala sa Facebook. Bloody job in saving all these in my USB. Mula noong nag-sign up ako doon, ni isa sa mga apps or games doon ay hindi ko pa kailanman nagamit. Yun bang ang habol ko ay simpleng pag-usyoso at kumustahan sa mga taong minsan ay nakapalagayang-loob ko. Nahanap ko pa ang mga kaklase ko noong elementarya! Nang dahil nga dito ay nalaman ko na may mga tao rin, mga babae at lalaki, na ayaw na pala akong makita muli, hehehe! Okey lang. Bilang isang multo mula sa nakaraan, hindi na dapat ako gumagambala... paumanhin, mga naging kaklase ko sa St. Paul/St. Mary at AIMS. Ngunit higit na nakararami ang mga taong tunay ngang ‘friends’.
            At na-realize ko... iba pa rin kapag personal nating nakadaupang-palad ang ating mga kaibigan. Sa totoo lang, madalas ko pa ngang mas preferred ang snail mail or yung hinahatid sa mga bahay-bahay nung mamang kartero kaysa e-mail or online chatting (di ko rin kailanman nasubukan ‘to). Yung liham na sulat-kamay talaga ng taong nagpadala. Isang personal, friendly letter at may DNA and RNA traces pa, a symbolic bond of friendship and diplomacy the old-fashioned but lasting way.
(this site is the extension of http://weirdjtt.blog.friendster.com)
“Putok-butsi: Much Ado About Something”
            “Teves, birthday ko ngayon! Di mo ba ako babatiin?” (February 8, 2005/ Asian Institute of Maritime Studies; before the Finance 423/Tariff 424 classes)
Eh, ano naman ngayon kung bertdey mo? Nasa dulo na sana ng dila ko ang mga dapat na ingangakngak kong ito lalo pa’t naalala ko naman ang mga panahon na iyon na madalas mam-bad trip ang kaklase kong ito hindi lang sa akin kundi pati sa iba pa. Gustung-gusto ko na sana mambara. Ngunit...
“Hapi bertdey!” wika ko na nakangiti sabay pakikipagkamay sa kanya bilang lubos na pagbati at pagkatapos nakarinig ako ng pagbubunyi at aking nadama ang kagaanan ng kalooban. Yun na ang huling semestre ng huling taon ko sa kolehiyo at lalo kong napagtanto na ang mga naging kamag-aral ko sa AIMS ay mga tunay na kaibigan. Mga kaklase na mga tunay na kaklase. Yaong mga tatanggapin ka kung ano man ang ayos mo’t porma. Kung paano mo dalhin ang iyong sarili, walang plastikan, at hindi sila nanghahamak ng itsura kahit na may mga pagkakataong nang-aasar ang ilan sa kanila ngunit lambing lang yun. Naalala ko ang “bayanihan” lalo na tuwing Customs and Tariff Review at Specialization. Kaya nga kung magkakaroon man ng class reunion, walang pag-aalangan na dadalo ako doon kapag imbitado. AIMS clan, you rock, miss you all!
***
Philippine Normal University. Second college. Professionals everywhere sa kursong CTP (Certificate in Teaching Program) at sila’y mga mature at masayang kaibigan. Alam kong kapangahasan ngunit hindi ko maiwasang mag-observe at napagmamasdan ko pa rin ang kapaligiran kahit sa gilid ng aking paningin. Lagi nga akong nakatungo o nakamasid lang sa malayo ngunit nadarama ko ang isang ‘pader’ or ‘wall’. Narinig ko na pumasok siya sa religious life pero tinatapos niya ang CTP dito sa PNU. At na-imagine ko ang isang monghe na lumabas sandali mula sa monasteryo ngunit ’mapanganib’ nga lang talaga ang ‘outside world’ na makasasalamuha nito. Like a lamb going to the territories of wolves? Kung naordinahan na siya, para bang... maiilang yata ako na mangumpisal sa kanya sa totoo lang. I felt like some schmo sa statements kong ito. Ngunit ang mga katulad niya ay nararapat na hangaan at isama sa ating mga panalangin. Bibihira ang kagaya niya na nag-respond sa tawag ng Panginoong Diyos. Ang maging handa na mag-sakripisyo para sa paglilingkod sa Kanya at sa kapwa-tao: denying one’s self, taking up the cross, and follow Christ= poverty, chastity, and obedience. In the widespread secularism and expanding influence of mammon and worldliness, amidst all these clamor and the annoying noise, some people still turn to the gentle and calming whisper of God’s voice.




Naroon pa kaya siya sa kanilang seminaryo?
***
A decade had passed. They are in fb anyway, pero wala na akong fb. How are they? The real, nominal, and fake classmates. Gaya sa kanta na lagi kong naririnig sa FM stations: “Where are you now?/ ‘cause I’m thinking of you/ you showed me how... ‘cause it wasn’t for you, I would never be who I am”; hindi ko saulado ang buong lyrics basta yun na yun. Wala rin anunsyo ng school reunion. Well, everyone’s on their own now, why bother?
“Meron ba kayong mas maliit pa na size (sa t-shirt) na ito? Ayoko kasing magmukhang-losyang.” Sabay sulyap na pairap sa akin na kahit nakayuko ako ay alam ko na sa akin siya nakatingin. Hoy, kagandahan ka na para patamaan ako, ha?! Ano bang ipinagmamalaki mo? Yang pagka-fashionista mo at laging sunod sa uso? Pambihira, lumipas na ang sampung taon ng nasikil na saloobin bago ko nailabas ang mga pananalitang ito... and not intended na ipaabot sa kanya. ClichĆ© man, ang nakaraan ay nakaraan na. Actually, noong hayskul kasi hindi ko alam ang buong kahulugan ng ‘losyang’ samantalang lagi akong pinagsasalitaan nito ng sinu-sino hanggang sa nanalamin ako at nalaman ko na (pity me!). The sweet sixteen memories. At yung iba diyan na sakaling mag-aksaya ng oras na alalahanin ako kahit isa na lang akong multo mula sa nakaraan ngunit minsa’y nakasama nila sa klase (eh yun kasi ang nakasaad sa student masterlist kaya wala na silang nagawa) , heto ako. Weirdo, losyang at hindi pa rin nag-aayos kaya hindi nagmumukhang tao, isa pa rin eyesore because of my ‘fashion statement’ (pero nag-iba pa rin kahit papaano kung paano ako pumorma- boyish, androgynous-looking!). Ewan ko nga ba ngunit patuloy ako sa aking pagtanggi sa makeovers. Yun bang ‘nagrerebelde’ ako laban sa mga ‘expectations’ or ‘standards’ ng mga tao sa paligid ko. Nais kong manatili sa aking simple at natural na anyo, ang tunay na ako... at subukin ang mga tao kung matatanggap ba nila ako sa totoo kong pagkatao nang walang halong plastikan o pamumuna sa outside looks ko. Perhaps, these statements seem outrageous. Isa akong isla na tumatangging maging katulad ng Boracay. Parang sa kanta ni Billy Joel: don’t go changin’/ to try to please me... just the way you are... My existentialist side. To be happy who I am, to be responsible for my own progress. Kung walang tatanggap sa akin, eh di huwag! But I won’t hate you for that, I guarantee you... thanks anyway.
Ano kaya pagsapit ng class reunion sa St. Mary’s Academy batch 2000? Present ba ang lahat? Isang pambihirang okasyon ng kumustahan, lahat ng damdamin sa tuwing sumasapit ito. Prangkahan lang. Kung sakaling maiimbitahan ako na dumalo doon, syempre masaya. Muling makadadaupang-palad ang mga tunay na kaibigan at aking mga guro. At sa iba? Ano kaya? Ah, wala akong balak makipagplastikan sa totoo lang. Paulit-ulit na lang na mantra- ang nakaraan ay nakaraan na. Yung dapat pa bang makipagtsikahan sa kanila?

This illustration is dedicated to my classmates in St. Mary's Academy Pasay City batch 2000 and also to some of my former classmates in St. Paul College ParaƱaque!

Ngunit agad kong naalala ang maikling kwento na nasa Filipino textbook ko noong second year (nasa St. Paul pa ako noon) na hindi ko halos pansin noon ngunit lumipas na ang maraming taon at saka ko pa lubusang na-appreciate. Ito yung “Class Reunion” ni Alcomtiser P. Tumangan. Na-disturb ako sa bahaging ito. “Na ang class reunion pala’y pagbuhay sa masasayang araw ng ating pagsasama noon sa high school; na ito pala’y pagdurugtong sa isang mahalagang kahapon upang yaon ay maging matibay na ngayon at bukas.” (bahagi ng talumpati ng pangunahing tauhan na si Danding/ “Class Reunion” by Alcomtiser P. Tumangan/ courtesy of Yaman ng Wika at Panitikan 2 ni Avena, et al, Diwa Scholastic Press, Inc.)  
So be it.

Soliloquy Beyond

This Blogsite is the extension of http://weirdjtt.blog.friendster.com/ & http://twitter.com/weirdjtt